watch now

Author Topic: ANTEL GRAND VILLAGE  (Read 74302 times)

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #20 on: February 02, 2015, 08:13:32 am »
Nakakuha kami ng h&l here sa grand meadows naman kami. Kung kukunin niyo yung contractor ng antel, make sure na lang na lagi niyo puntahan para makita yung materyales na gagamitin nila. Every week nandun kami during house construction. Muntik na din namin sila i-sue kasi ang bagal nila gumawa. Meron kami napagkasunduang time frame pero di nila nasusunod. Nung naggagalit galitan na yung husband ko sa office nila bumilis bigla ang gawa nila. Then after magfinishing at turn over na sa amin, talagang tinirhan namin yung house para makita kung may diperensya. Awa ng diyos,   nagleleak yung pipe ng cr sa 2nd floor so tumutulo sa kisame sa sala, may leak din sa mga lababo, sira ang door knob, di even ang pintura. Etc etc. Since may warranty pa pinagawa namin ng pinagawa yung mga sira. Di pa nga lang umuulan ng malakas para matest yung alulod.

Problem na lang namin e yung sa meralco kasi nagpa submeter muna kami sa antel para may kuryente kami. Sabi nila sila ang mag aasikaso pero anong petsa na wala pa din update kaya kami na lang ang maglalakad. Mga sis san ba kami branch ng meralco pupunta para magpakabit ng line? Parang ang bilis kasi ng ikot ng submeter ng antel. E minimum lang naman ang gamit namin.

cheepee

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #21 on: February 02, 2015, 09:41:30 am »
^ that is weird.. may CTC ka ba ng title ng lot niyo? Why not drop by the Registry of Deeds and check if there are issues with your title? nako ang stressful naman kung may issue.. or ask Antel ano ang nagpapatagal ng process bat hindi pa ready?

Alam ko meron kaming CTC pati na din yung Deed of Restriction, eto yung pinapa notarize pa di ba. I checked on my agent last December and ang sabi aask pa daw yung broker.

Hi Sis cheepee, if Grand Catalina yun, baka isa yung lot mo sa nasunog na title before sa registry of deeds.  We got a lot before sa Catalina at noong gusto na namin syang patayuan ng house hinde namin pwede apply sa bank kasi yung title ng portion ng catalina eh nasunog kaya ang option is transfer to another lot which we did, sa cedar crest na kami same village nina sis robinemz. 




Di ko kase alam kung may maganda pang slot sa ibang village eh. Kaya nga namin kinuha yung sa may Catalina kasi maganda yung spot na nakuha namin.

Uuwi naman ako ngayon March. I'll try to drop by sa Antel para malaman kung ano ba talaga ang problema nila. lol

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #22 on: March 23, 2015, 04:07:57 pm »
hi sis serenitymuse, 3 times lang kami naka pag visit nung under construction pa ang house unit namin kasi wala kaming time and malayo from where we were that time. pero natapos naman on time ang construction. i just made it a point to email them regularly. also, minsan pinapacheck ko rin kay sis lheimatte kasi nagkataong magkasunod ang construction ng house namin at pareho kaming GCC. siya kasi madalas napapasyal dun, like you, parang weekly din ata sila punta. tinirhan din namin agad ang unit namin after ng turn-over kaya na ayos din naman mga na-encounter namin na issues in 6months. ang mga naencounter naman namin ay yung leak sa lababo, sirang door knobs sa MB at T&B sa MB, uneven tiles sa T&B ng MB, parang hangin na floor tiles sa ground flr, and leak sa mga bintana tuwing malakas ang ulan. yang huli lang siguro ang maeencounter mo pag tag-ulan na.. check mo na lang kung makapal yung sealant na nilagay nila sa gilid ng windows, if not, palagyan mo na lang ulit. yung sa baha, sure kami na di binabaha ang Antel. andito na kasi kami since May last year so both strong typhoons last 2014 eh naabutan na namin sa bahay. pinataas kasi ang Antel at maganda ang drainage system kaya siguro ganon.
 
On the electricity bill, I think hindi naman mabilis ang ikot ng submeter ng Antel. Our latest electricity bill is P1800+ lang.. 3 adults + 2 kids kami sa bahay. Nakakagulat nga kasi marami din kaming appliances, wala nga lang AC. Back in Metro Manila, lowest bill na namin ang 2,400+ pag turned off ang AC, 30sqm unit lang condo namin nun.
 
Siguro try mo tumawag sa Meralco to check kung anong branch ang nagserservice sa Antel? Yung sa Rosario branch ata ang nearest branch. - not so sure though
 
Kami naman ang issue namin ngayon sa Antel ay langam at anay? need talaga kumuha ng ant or anay buster :( sa area niyo din ba marami ganito?

lheimatte

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #23 on: March 29, 2015, 12:43:32 pm »
Hi mga sisses.. minsan kasi kahit i every week ka na andun meron pa rin palya... ganun siguro talaga kahit sobrang busisi pa ng inspection mo... sa min naman me leak din yung lababo sa CR sa MB. sa tiles naman okay naman sya... yung shower namin, nag pa upgrade kami ng meron rain shower, ayun pag ginamin mo hinde lang rain, bagyo talaga kas hinde okay yung dugtungan pero yung regular shower na naka attached don usable naman.  In fairness submeter rin kami pero mababa din kuryente namin, madami kaming ilaw sa labas pero hinde ko sure kung binubuksan.  dami lang alikabok at kulisap pero dahil laging close naman yung door namin hinde naman sya napasok sa loob pero yng ants nakakita rin kami sa loob ng house noong nandon kami pero hinde naman ganun karami... yung hagdanan dahil kahoy tapakan madaling anayin sya, so talagang ang tatay alaga na sa pintura...
« Last Edit: March 29, 2015, 12:47:46 pm by lheimatte »

cheepee

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #24 on: May 08, 2015, 07:56:47 am »
Hi sissies!

It's me again :) Unfortunately hindi ko napuntahan ang Antel nung last na uwi ko. Although I called them last Monday and was able to spoke with certain Denise Oyong(?) and was advised that titles are not available as of yet and will be available this year daw, I am not sure how true since taon taon ko na lang naririnig yun.

Anyway, questions sa mga sissies na nakatira sa Antel. How's the living condition here? Ok ba ang surroundings? Binabaha ba kayo and all?

Also, yung mga bahay niyo ba sa Antel niyo pinagawa or kumuha kayo ng sarili niyong contractor? What unit did you get if ever na sa Antel kayo nagpagawa and anong payment terms? Iniisip ko na kasi na pagawan na lang ng bahay yung lot namen para di naman nakatengga na lang.

thanks mga sis! :)

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #25 on: May 13, 2015, 11:23:58 pm »
Naku mga sis, langgam din ang lagi kong kalaban. Mukhang lahat ng tiles sa ground floor pag antel ang gumawa e kulang sa palaman. Kaya yung mga langgam pag nabutas yung grout dun sila lagi nanggagaling. Kakapalit lang din namin ng tiles sa mga banyo dahil madulas ang nilagay nila. Magpapagawa na din kami ng bakod hinihintay na lang namin ang permit sa city hall pero approve na ng antel. Ang mahal lang ng construction bond. Husband ko laging may handang grout or masilya, pati pag pintura natutunan na din niya dahil ang bilis masira ng bahay.

Dahil summer ngayon di pa namin na tetest yung mga windows pero may sealant na kami, ready na kung sakali.

Para sa akin mas maganda kung sa iba  magpagawa ng house, wag sa antel. Wala lang kami kakilala noon kaya sa antel na kami kumuha ng gagawa saka mabigat sa bulsa ang bond nila e. Madami din kami natutunan sa experience namin sa pagpapatayo ng bahay, yung mga do's and dont's.

At bawal ba talaga sa antel ang bahay kubo? Yung kapitbahay namin dito lagi daw nasisita yung bahay kubo niya kaya magpapabakod na din daw sila para di na masisita.
« Last Edit: May 13, 2015, 11:28:09 pm by serenitymuse »

cheepee

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #26 on: May 14, 2015, 08:13:49 am »
^hi sis..if you don't mind me asking what unit type did you build? saka magkano yung monthly amort mo and ilang months bago niyo natirahan yung bahay niyo?

I'm thinking of building Anastascia kaya lang mejo mahal sha especially kung in house financing na nasa 15% ang interest per annum.

Eh kung hindi naman pala kagandahan ang gawa ng Antel, I might let it go for the time being na lang kase baka mas masayang ang pera tas hindi naman pala mashadong maganda ang gawa :(

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #27 on: May 18, 2015, 02:16:44 pm »
hi sis @cheepee, sagutin ko lang yung ibang questions mo.. on the title, sana nga mabigay na rin sa inyo yan within this year. ang pakunsuelo mo na lang jan is that sila ang bahala mag bayad ng amilyar habang hindi pa nakapangalan sa inyo ang title.
 
on the living condition, right now hindi maganda sa area namin. on going kasi ang construction ng village sa tabi namin. based from their map, looks like part pa rin siya ng Grand Cedar Crest pero regular lots lang. since tambak day and night ng lupa ang ginagawa nila, maalikabok lagi sa amin.. wala naman silang nilagay na cover kaya laging maalikabok ang mga windows. walang issue sa baha kasi mataas ang lupa sa antel. kaso maraming ants gaya ng sabi ng ibang sis dito. isang issue namin ngayon eh termites! kaka 1 year pa lang ng house namin pero termite infected na ang main door namin :( kaya need namin ngayon maghahanap ng anti-anay at ng magpapalit ng door frame namin. kakagulat kasi 1 year pa lang pero bukbok na ang door frame ng main door.
 
Felicity model ang kinuha namin. we wanted to have our own home contructed by a different team sana kaso wala kaming kilalang mapagkakatiwalaan kaya we resorted to getting a model house instead kahit alam naming almost twice the price. kung may kilala kayong trusted construction team, go for it rather than getting a model unit from antel.

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #28 on: May 18, 2015, 02:22:45 pm »
^^sis serenitymuse, wala akong nababalitaan na bawal ang kubo sa antel.. kasi may kubo sa Grand Meadows na ginawang store ng owner. dun kasi napapabili yaya namin dati.. ewan lang kung may bakod yun. i don't see a reason why it should not be permitted eh lot mo naman ang lalagyan nung kubo.. bakit daw bawal sis? wala akong matandaan na-signan ko na document na may nakasulat na bawal ang kubo hehe
« Last Edit: June 03, 2015, 10:50:25 am by robinemz »

cheepee

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #29 on: May 18, 2015, 02:47:44 pm »
^hi sis! thanks sa reply! :)

nako, wag na nga lang muna ipagawa since hindi pa naman talaga need lalo na kung masasayang lang din naman, hate na hate ko pa man din ang anay and langgam :( bat daw ganun? dapat siguro ipatreat muna ang lot bago lagyan ng structure? para tuloy ang laki ng gastos kasi nga double the price na yung bahay then ang dami pa lumalabas na issues after.

Oh well, Antel gave me the certification again kaya lang binalik ko sa kanila dahil nakalagay sa certificate eh Grand Oakridge daw. Grand Catalina yung lot namen although sa statement of account dahil humingi din ako, Grand Catalina ang nakasulat.

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #30 on: June 03, 2015, 11:02:37 am »
hi mga sis, update lang ako sa nangyari sa anay issue namin..
 
we finally had our door frame replaced with a new one. napakiusapan namin yung engineer sa admin office na tulungan kami maghanap ng trusted carpintero niya kasi wala kaming kilala. we bought the door frame dun sa mga nagbebenta ng wooden doors/furnitures just along centenial rd. di na kami lumayo para di na mapamahal sa delivery. total peso damage was around 4k including service and all other materials. sabi ni hubby grabe daw yung dami ng anay nung inalis yung door frame. just imagine, yung door frame na yun na puno na ng anay, yung cover na lang ng door frame ang wood, the rest eh puro anay na. super kadiri at kakataas ng balahibo ang description nya haha. di na nagawa ni hubby na litratuhan kasi na shock siya sa dami nung anay kaya nagrush na siyang bumili ng sulignum para matreat yung mga anay na nakakapit pa sa simento na pinaglagyan nung door frame. marami daw nagsiliparan at nahulog. sabi nung nabilihan namin ng door frame, normally daw sa wilcon binibili ng mga construction ng antel yun mga door frame. kaso sa wilcon minsan yung binebenta may ilang anay na kaya baka yung nailagay sa amin eh may anay. kaloka! ngayon anay treatment naman ang next project namin.

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #31 on: June 05, 2015, 05:26:19 pm »
Kakatakot yang anay sa door frame. Feeling ko meron na din sa amin kasi dun ko lagi nakikita pumapasok ang mga langgam. Panay nga ang spray ko ng solignum sa mga butas butas dun kahit masakit sa ilong ang amoy.

Before turn over tinanong ko yang tungkol sa anay na yan, nagtreatment na daw sila pero inaadvise nila na magpatreat ulit kami kasi for 6 months or 1 year lang ang validity ng ginawa nila. Parang nagla-lapse daw.

Sis chepee, felicity ang model house namin, modified nga lang para sumakto dun sa cut ng lupa namin. Ang alam ko binayaran ng husband ko agad yung downpayment for 6 months tapos nagwait kami hanggang matapos ang bahay, october last year turn over na sa amin. Tapos tumira na kami. Kahit wala pang gamit. Yung amortization, i have no idea kung magkano, di ko naitatanong. Yung title kasi sa antel pa nakapangalan e.

Sis robinemz, isa lang ba ang bahay na may tindahan sa grand meadows? Kung isa lang, siya yung sinasabi ko na nirereklamo ang kubo niya, actually ginagawa na ang bakod niya e, halos tapat lang namin sila, yung kubo e nilakihan na, ginawa ng isang full pledge house.

lheimatte

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #32 on: June 21, 2015, 11:36:58 am »
Hi mga sissies! Nag worry naman ako sa anay issue nyo, although wala pa naman advise sa min ang parents regarding don.  unahan na lang namin din

Sis robinemz, sad naman ako sa main door nyo, actually namentioned ko na sa kanila palitan yung main door sabi nila okay pa naman daw at matibay.  siguro nga swertehan na lang din sa materials na gagamitin.

ang nakakakaba lang ngaun yung pagdating ng tag ulan, lakas daw ng hangin sa tin, wag naman sana liparin ng mga bubong... yung mga pole bamboo ko nga tinaliaan na nila...

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #33 on: July 08, 2015, 04:00:53 pm »
hi mga sis!

^good for you sis lheimatte kung wala pa kayong naeencounter na anay sa inyo. basta tuloy-tuloy siguro ang maintenance effort to prevent this eh ok na. pero best option pa rin I guess yung magpa anay treatment. I saw your bamboos sis ang ganda naglalakihan na nga.

^@sis serenitymuse, not sure sis ha pero yan lang kasi ang store na napupuntahan ng yaya namin so baka yan na nga yung tinutukoy ko.

just want to commend antel sa effort nila para mabawasan ang alikabok sa area namin na dulot ng village expansion nila. After raising the issue via email, the following week, pinakabitan na nila ng blue tarp yung backyard area namin para makabawas alikabok. :)


lheimatte

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #34 on: July 26, 2015, 03:10:35 am »
oo nga sis robinemz , ang lago na ng bamboo namin... sabi ko nga sa Dec yung iba ilipat na sa dalawang kapatid ko atleast tipid na sila sa cost ng pole bamboo... mahal kasi sya kung bibilhin nila, yung sister wait na lang nya ang dec para madagdag sa landscape nya,

padami na rin daw yung nagpapatayo ng houses don... at mahal na talaga sya ngaun... sobrang nag appreciate na yung value nya from the time na nagstart kami mag pay sa lote...  good investment talaga sya... :)

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #35 on: July 27, 2015, 06:04:27 pm »
^ siguro kaya biglang nag appraise ang value sis kasi marami nang mga establishments na malapit sa area natin. Aside from Phoenix, Alfamart (sis company ng SM), and 7-11, may tinatayo na ring Mc Donald's at Jollibee sa bungad ng Kalayaan, along Centennial Rd :) Tapos may isa pang building na tatayunan ng iba-ibang shops.. sa tarpuline nung bldg. na yun may store dun ng KFC, Nike, and True Value.. so what else can we ask for? hahaha :)

lheimatte

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #36 on: July 28, 2015, 12:28:43 pm »
good news yan sis... sana magtayo na rin ng SM.  Excited na kami umuwe....

by the way, baka me interested bumili ng pole bamboo... ang dami na namin pole bamboo... lolz!

balita ko dami ng tinatayong houses ngaun sa tin.... sana maglagay sila ng garden/park... or jogging/walking trail...

lheimatte

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #37 on: September 08, 2015, 11:22:32 am »
Mga sisses, nakita namin ang pix ng grass sa Antel... sobrang kapal na hinde na makita ang sidewalk... anyare? hinde naman ganun dati yun, nagpalit lang ng management sa clubhouse napabayaan na agad... sad...

we emailed agv marketing, not sure if aware sila.... sana maibalik yung maintenance na ginagawa dati...

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #38 on: September 08, 2015, 11:54:30 am »
true sis. we noticed this too.. last time nagkaroon ng grass cutting pero nagcut lang sila sa paligid ng mga existing homes. but that was mga 2 months ago na ata.. balitaan mo ko sa sagot ng admin sayo ha? sana nga ibalik nila yung maintenance nila sa pagcut ng grass 

lheimatte

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #39 on: September 13, 2015, 02:34:20 am »
naku sis dedma sila.  sad lang kasi ng pinalitan nila buong staff ng admin, naging ganito na ang maintenance nila.  And my dad told us na yung president daw ng clubhouse was from sa tabi natin village, according sa tricycle driver, napabayaan din daw yung village na yun kaya marami na nagbebenta ng house nila don...

Wala daw kasing home owners assoc sa tin so the clubhouse management lang ang nagdedecide. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close