watch now

Author Topic: Problems during pregnancy  (Read 341041 times)

trendy

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #560 on: August 18, 2016, 02:20:31 pm »
Naku sis, kung may daga pala jan sa inyo you better rent your own place na lang. Dapat pag may baby, malinis talaga ang paligid. Hindi mo alam kung anong pwedeng dalhing sakit ng mga lumang gamit na nakatambak jan. Pag nakakagapang na yung baby mo, naku lahat as in lahat ng hahawakan nya ilalagay nya sa bibig nya. Better be safe than sorry.

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #561 on: August 18, 2016, 03:43:42 pm »
Hi sis tinytins, totoo. Its a form of illness na. Sa US, iyakan blues ang dramahan para wag itapon ang mga newspaper and resibo na hinohoard. And ang hirap, kasi ngayon, super preggy ako. Na talagang pinagkahirapang mabuo. Mahirap talaga ang situation. And yes, nakakasakit ng tummy, hindi ko maiwasang hindi mastress. Bakit ba umabot ng ganito ang bahay namin? Tama yung mga blogs na nabasa ko, at first, magsstart as collection.. Susunod, wala ng madaanan dahil sa tambak. Ganun na ngayon samin. Palala ng palala.

Sis trendy, thank you. Mahirap talaga ang ganito. Naiisip ko naman ang baby, delikado talaga. Kaso, ayaw ko naman pabayaan na lang sila na matabunan na lang ng mga tambak nila dito. Gusto ko na lang na may pumunta dito and pickupin na lahat ng tambak. Agad agad. Im sure mawawala naman ang mga daga pag wala ng tambak and malinis na ang bahay diba?

Di ko naiintinidihan, ang nanay at tatay ko nun, kung makapaglinis ng bahay dati, talagang itinuturo na walang alikabok, walang stains pag naglinis, ngayon.. Parang ano na ang nangyari samin? Hay.

britzm

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #562 on: August 18, 2016, 05:26:47 pm »
^ohh, you pay the bills pala. maybe you could try to limit the space the iorganize mo. like kwarto mo muna. or make tapon na mga things na wala na silang palag. i started this with ballpens na walang tinta. tapos iniba ko din approach. dati kasi "ano ba naman to pati to tinatago niyo pa. tapon na yan..."
nung last visit ko sa kanila "gagamitin mo pa to?"
pag sinabing "lagay mo lang jan"
sabihin ko "eh wala na tinta, tapon ko na ha." but then again baka abutin ka ilang taon  ;D

i googled obssessive hoarding... kung ganyan siguro ang intensity ng pagka hoarder nila baka pwedeng ipatapon mo na oras mismo yung mga gamit nila - try mo muna sa washing machine. kapag siguro hindi nagwala parents mo, sunud sunurin mo mga patapon. kapag nagalit, ah... hehe  ::)

don't stress yourself too much sis. gawin mong light moments yung paninita.

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #563 on: August 18, 2016, 06:24:11 pm »
Sis MedChic, tanong ko lang sana kung necessity ba talaga ang nursing pillow or any pillow would do naman? Gusto ko lang kasi maging practical sa mga bagay that I can do without. :)

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #564 on: August 18, 2016, 06:25:27 pm »
Sis, yung level ng hoarding nila tipong hindi mo na sila nirerespeto pag sinabi mo na itapon na yung sandamakmak na ice cream container. Yung napakaraming mga microwaveable cotainers na nasa ilalim lang pala ng cabinets namin. Juskoday.

Pero nagka usap na kami ULIT. Eh iniyakan ko na sila. Para naman hindi na ako ialis ni husband dito sa bahay namin.

At nag sorry ako kay baby kasi baka nasaktan sya sa pagiyak ko kanina. 🤗🤗 Sana di naman makasama ito kay baby.

Thank you mga sis sa help. Update ko kayo if successful ang Sunday super duper mega general cleaning namin!

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #565 on: August 18, 2016, 06:29:29 pm »
Sis MedChic, tanong ko lang sana kung necessity ba talaga ang nursing pillow or any pillow would do naman? Gusto ko lang kasi maging practical sa mga bagay that I can do without. :)

Any pillow will do sis.  Pede mag improvise. As long as comfotable kayo ni baby. Alam mo naman tayo,  dapat praktikal.

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #566 on: August 18, 2016, 07:22:20 pm »
Thanks sis. Nagbasa din ako sa breastfeeding pinays sa fb and convinced na ako not to buy. :)

Good luck sa general cleaning sis pero wag ka magpakapagod ah. Wawa naman si baby.

britzm

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #567 on: August 18, 2016, 09:24:45 pm »
i thought hoarder na parents ko, normal lang pala  ;D
goodluck sis sa pag general cleaning.

anyway, anyone who are alone during pregnancy days? like ldr tapos solo niyo bahay? how was it?

Lady Czarina

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #568 on: August 19, 2016, 06:38:11 am »
mga sis meron ba sa inyo pag tumatayo sumasakit yung sa pempem nyo? parang yung buto na malapit sa pempem and singit? sobrang sakit kasi pag tumatayo ako di ako makalakad kagad..  :'( :'( pinag ML na ko ng hubby ko pero too early pa 33 weeks pa lang ako..  :'( :'(

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #569 on: August 19, 2016, 06:54:46 am »
i thought hoarder na parents ko, normal lang pala  ;D
goodluck sis sa pag general cleaning.

anyway, anyone who are alone during pregnancy days? like ldr tapos solo niyo bahay? how was it?

Sis, ganito siguro ang peg ko pag nag rent alone ako kasi weekends lang makaka uwi si husband. Baka ito malungkot kasi si baby lang kasama ko. Baka di ko din kayanin. Huhubels.

mga sis meron ba sa inyo pag tumatayo sumasakit yung sa pempem nyo? parang yung buto na malapit sa pempem and singit? sobrang sakit kasi pag tumatayo ako di ako makalakad kagad..  :'( :'( pinag ML na ko ng hubby ko pero too early pa 33 weeks pa lang ako..  :'( :'(

Sis, I call that the penguin walk. Kasi masakit na maga singit. That is caused by the pressure produced by the head of the baby. Madaming patients ang ganyan. Di ka nagiisa sa kalbaryo. If masakit talaga. No choice yun sis. Need mo na mag ML. What you can do is mga gentle yoga or stretchings. The. Elevate hips pag matutulog. Para walang pressure while sleeping ka.

britzm

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #570 on: August 19, 2016, 07:11:24 am »
sis medchic yun nga iniisip ko. ttc pa lang kasi kami. eh ako gusto ko girlscout kaya nagbabasa ng mga ganitong topic. with hormones and all eh baka hindi advisable maiwan mag isa.

Lady Czarina

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #571 on: August 19, 2016, 07:33:34 am »
Sis medchic, anong pwede ko gawin pag nakaupo? kasi sa work most of the time eh nakaupo ako tapos pag tumatayo ako ayun masakit talaga.. napapansin ko din pag naka wiwi naman na ko medyo nababawasan yung pain..

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #572 on: August 20, 2016, 04:23:22 pm »
Sis medchic, anong pwede ko gawin pag nakaupo? kasi sa work most of the time eh nakaupo ako tapos pag tumatayo ako ayun masakit talaga.. napapansin ko din pag naka wiwi naman na ko medyo nababawasan yung pain..

Sis, ang question mo ba ano pwedeng gawin para mawala yung pain? Hindi ako sure kung merong exercises na pwede pa for you. Iwasan mo na lang siguro laging nakaupo. 🤗

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #573 on: August 23, 2016, 10:17:35 am »
Hay ako din laging nakaupo sa work. Nasakit sa puson ko at naiipit siguro mga ugat don. Naalala ko dati yung mga ka work kong buntis nung nasa ER pa ako, as in parang di sila napapagod kahit 9 months na tyan nila.

Moonbeam17

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #574 on: August 23, 2016, 02:07:40 pm »
Mga sis na experience nyo ba yung parang tumitigas yung tyan nyo pero 14 weeks palang preggy?

Lady Czarina

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #575 on: August 24, 2016, 06:56:15 am »
Sis, ang question mo ba ano pwedeng gawin para mawala yung pain? Hindi ako sure kung merong exercises na pwede pa for you. Iwasan mo na lang siguro laging nakaupo. 🤗


How I wish I could do that sis, pag walang call tumatayo ako. pero minsan halos nakahiga na ko sa upuan ko. kailangan ko ata ng patungan ng paa..

Hay ako din laging nakaupo sa work. Nasakit sa puson ko at naiipit siguro mga ugat don. Naalala ko dati yung mga ka work kong buntis nung nasa ER pa ako, as in parang di sila napapagod kahit 9 months na tyan nila.

Panong pain nararamdaman mo sis? yung parang sa buto ba yan? ako kasi ganon pag galing sa pagkakaupo tapos biglang tatayo sobrang sakit lalo na pag maglalakad nako.. grabe di nga ko pinahirapan nung first months ko ngayon naman ako nahihirapan. too early pa for me to file ML.. nanghihinayang ako mas gusto ko syempre mas makasama si baby..

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #576 on: August 24, 2016, 12:14:28 pm »
^parang di makahinga yung tyan ko pag nakaupo. Nakabukas na nga zipper ng pants ko palagi kahit lalaki yung katabi ko. Hehe
May time ba na maghapon di nagalaw baby nyo?

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #577 on: August 24, 2016, 03:04:55 pm »
Sis Pink_Sugar pag busy ako sa maghapon dko napapansin galaw nya kaya ginagawa ko titihaya ako para mafeel ko ulit sya hehe. Kahapon nga kumain pako ng ice cream para lang mag hyper sya lols.

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #578 on: August 24, 2016, 04:44:44 pm »
I'm at 26 weeks at di pa yata ako nakakabuo ng isang oras na di naglilikot baby ko. For sure yan.. 6am, 8am, 10am, 12, 3, then 5pm onwards hanggang sa makatulugan ko na lang na malikot sya. Yung hours in between, pasipa sipa lang at double punch :) Bisyo ko na nga ngayon magvideo ng tummy ko na umaalon alon or tumitibok tibok kasi ang hyper talaga!

Ang problem ko ngayon mga sis, 2 days na masakit tyan ko. Parang may hangin. Di naman yata pwede magpahid ng manzanilla? Kaninang morning nag lbm ako. 5x yata ako nag cr. Buti naging okay din..

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #579 on: August 24, 2016, 05:05:59 pm »
Sis stylus baka di ka na lang natunawan? Or masyado kang napadami ng kain ng mga gas forming legumes. Like monggo, beans, sitaw.. Nakaka kulo ng tummy yun tas utot ka ng utot, pag di nakalabas ang utot, parang kabag ang dating.

Im on my 6th week, may nakaranas ba dito during first trimester na parang bloated agad pakiramdam after drinking prenatal milk? Hindi talaga ako milk drinker and I think I have a small degree of lactose intolerance, pero iba pag prenatal milk. Shempre pinipilit ko mag milk for baby, kaso.. Parang nakakavomit. Alam nio yung line between nausea and vomiting? Andun lagi yung pakiramdam. Pero lagi after milk lang. Other drink or food, kalmado lang naman tummy.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close