watch now

Author Topic: Baby Book  (Read 2586 times)

kiz_me1109

  • Guest
Baby Book
« on: May 08, 2013, 05:21:06 am »
I am not sure if there's already a thread like this. I just want to ask. Kasi yung Baby Book ng anak ko puno na siya. Pwede kaya ako makahingi sa Pedia niya? Yung unang Baby Book kasi niya bigay siya mismo sa amin ng first Pedia niya.

Ok lang kaya kung humingi ako sa Pedia niya ngayon? Lately kasi hindi na nag che-check ng baby book yung Pedia niya. i don't know kung dahil 3 years old na siya or what. Pero gusto ko parin sana i monitor yung mga check up niya sa Pedia.

Thanks!

serenitymuse

  • Guest
Re: Baby Book
« Reply #1 on: May 09, 2013, 03:56:25 pm »
Sis, pwede naman sa notebook. Yung pedia ng first born ko hindi ako binigyan ng baby book. Pinabili niya ko ng notebook tapos dun siya nagsulat. Nung lumipat na kami ng house at ng pedia nabasa ng tubig yung baby book so karamihan di na mabasa. Ang ginawa ko type and print tapos dikit sa bagong notebook. Sabi ng bagong pedia ang tyaga ko daw kasi mula pagkapanganak hanggang 6 years old nakalagay dun. Mas gusto ko pa nga ang mga plain notebooks kasi nailalagay ko kung ano ang mga symptoms pag nagkakasakit siya etc. pati dental visits niya nakasulat din. Kung medyo malaki yung notebook ko baka nalagyan ko na din ng picture e. mahirap nga lang bitbitin. Hehe!
« Last Edit: May 09, 2013, 03:58:24 pm by serenitymuse »

ayami

  • Guest
Re: Baby Book
« Reply #2 on: May 13, 2013, 02:28:26 pm »
May baby book ako until the age of 18, lol. Seryoso. Sa Pedia pa rin ako bago ako magdebut haha. May 3 baby books ako sa lifetime ko. 3 years old na rin yung son ko di pa niya napupuno yung baby book niya since birth. Marami atang pages. Anyway, mas gusto ko yung may baby book para naki-keep track pa rin yung immunizations and all. Mas organized kasi yung mga ganong sulatan, di na ko mahihirapan pang maglabel

kiz_me1109

  • Guest
Re: Baby Book
« Reply #3 on: May 13, 2013, 11:14:01 pm »
Sis, pwede naman sa notebook. Yung pedia ng first born ko hindi ako binigyan ng baby book. Pinabili niya ko ng notebook tapos dun siya nagsulat. Nung lumipat na kami ng house at ng pedia nabasa ng tubig yung baby book so karamihan di na mabasa. Ang ginawa ko type and print tapos dikit sa bagong notebook. Sabi ng bagong pedia ang tyaga ko daw kasi mula pagkapanganak hanggang 6 years old nakalagay dun. Mas gusto ko pa nga ang mga plain notebooks kasi nailalagay ko kung ano ang mga symptoms pag nagkakasakit siya etc. pati dental visits niya nakasulat din. Kung medyo malaki yung notebook ko baka nalagyan ko na din ng picture e. mahirap nga lang bitbitin. Hehe!

Nice idea sis. =) Eto nalang din gagawin ko since may old babybook na nman siya na merong reference for weight, height and vaccines. =) Nilalagay ko din kasi sa baby book niya lahat. Kaya siguro mabilis siya mapuno. =)

Thanks sis. =)

caprice

  • Guest
Re: Baby Book
« Reply #4 on: May 17, 2013, 02:23:00 pm »
if I were in your case, hihingi siguro ako ng bagong baby book lalo na there are schools who require this prior to enrolment. pagkakaalam ko rin, yung mga baby books binibigay lang nang libre ng medrep sa mga pedia. :)

bluegintonic

  • Guest
Re: Baby Book
« Reply #5 on: May 17, 2013, 05:50:30 pm »
If it's a health book record, you can do it yourself scrapbook style.If you're really keen on augmenting your child's health book record maybe this can suffice- http://www.amazon.com/Baby-Briefcase-Paperwork-Organizer-Periwinkle/dp/B001F8TLLU/ref=sr_1_7?ie=UTF8&qid=1368784182&sr=8-7&keywords=health+book+for+kids

 

Latest Stories

Load More Stories
Close