watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105334 times)

snowberry

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #400 on: May 31, 2015, 03:51:11 pm »
^pareho nga sis, may attitude din. Nag inarte pa minsan napagalitan ko dahil hindi umuwi ng bahay  one time nag day off, nag overnight sa kapatid .  Hindi ba naman naghapunan,e di lalo ako nagalit .Ayaw ko kasi pinagtatampuhan ang pagkain.  Maghanap nga ako bago maid. Akala nya siguro kaya nya ko takutin .

Kinabukasan , ayun saka nag sorry.  Madali naman maalis galit ko at iniintindi ko rin kalagayan niya pero sa akin kasi, magsabi lang ng totoo .

babykat

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #401 on: June 01, 2015, 01:48:35 pm »
Ok sana ako sa helper ko ngayon. di naman matakaw at pala-advance.  Malakas ang boses at may mga gamit na nasisira.  Naiinis lang ako kasi nag-off sya two days, Saturday and Sunday.  Usapan naming babalik ng Sunday afternoon kasi Monday may pasok na kami.  Alagain na si Nanay ko, paralyzed ang half-body kaya di kaya gumawa o kumilos mag-isa.  Kaya di pwedeng wala syang kasama.

Antay ako ng antay kagabi, kung di pa ko tumawag di ko malalaman na di pala babalik.  Kasi may lalakarin daw sa senior citizen benefits ng nanay nya.  Tapos nung nagagalit na ako at parang nacoconvince na sya na bumalik na, biglang sumabat ang tita nya na nuknukan sa pagkamahadera.  Palibhasa alam siguro na kailangan namin pamangkin nya.  Kung makapagsalita, akala mo aping api ang helper ko eh ang dami nga nyang perks from us.

Kaimbyerna lang.  Kahit anong dami ng kabutihang pinapakita sa kanila,  wala lang pala sa kanila yun.  At pag sinita sa mga maling ginagawa, aba eh ang drama api agad. 

shawliin

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #402 on: June 08, 2015, 09:38:30 am »
yung yaya ng helper ko nagpaalam nung friday na by lunchtime siya makakabalik ngayon kasi uuwi ng batangas kasi may kasalan daw. so pinayagan ko at inassure nya ako na babalik siya. nagadvance pa ng sweldo for one week.

aba yung isang cook naman namin nakita yung asawa ni yaya at sinabi hindi daw makakapasok ngayon kasi may kasalan pa at hindi pa nakakabili ng isda. the hell sa isdang yan! problema ko pa ba yon? tinext ko si yaya telling her na "papasok ka ba today? kasi nakausap ni cook si asawa mo sabi hindi ka papasok. ang paalam mo sa kin lunchtime ka babalik"

ni ha ni ho walang reply. kahit tawagan ko wala pa din. grabe lang sa kapal ng mukha. nahihiya tuloy ako sa MIL ko siya nagbabantay eh sumasakit likod nun. piso lang naman isang text hindi pa magawa. to think na panay advance siya sa akin. i'm thinking na palayasin na kung ganyan. lagi na nya ginagawa yan hindi magsasabi.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #403 on: June 18, 2015, 11:58:38 am »
Not sure sino sa 3 helpers ko ang salarin.. I noticed earlier na yung natirang bread namin sa ref eh ubos na, meaning kumukuha sila sa food supply namin..ang problema kasi, i give them their own supply of snacks, same lang sa amin pero kahit damihan ko bigay sa kanila inuubos agad..i bought 3 big loaves of bread and 3 kinds of spread for them plus a can of graham crackers,  in 3-4 days labg ubos na lahat and now, yung supply na namin ang kinukuhanan...ayoko sanang magdamot pero medyo malayo ang house namin sa kabihasnan para mag grocery ng wala sa oras, and the bread is what my hubby eats pag di nya type ang ulam...kakainis lang kasi di naman sila ginugutom pero eat all you can kasi ang ginagawa..

vain_kixie

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #404 on: June 30, 2015, 02:19:30 pm »
My baby's yaya umalis ng friday night, aatend ng wedding ng cousin daw niya sa Pangasinan. She said balik siya Sunday evening. I expected her to come home monday morning latest, aba today lang dumating. I told her not to come back anymore. Super lenient ko na sa day offs sobrang abuso pa. Abusada talaga mga yaya ngayon. Gone are the ones na mababait and who rarely even goes out.

happyfemme

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #405 on: July 02, 2015, 04:19:03 pm »
Si yaya after kong dalhin sa HK, after a week nagpaalam na uuwi na daw siya at hindi na babalik.

Nagsumbong yung kusinera namin sa akin na the week before kami umalis ng HK sabi daw sa BF niya over the phone "mag papaalam ako umuwi kapag nakpag HK na ako". Nakaka high blood sa mga taong mabait ka pero ginagmit ka pa.

Umuwi kasama ang boyfriend.

RE: ABOUT SA MGA AMONG HINDI MADAMOT SA FOOD
True, ganun din ang nangyari sa amin sis. Parang "eat all you can" sila pag nag bigay ka ng food. Yung eight o clock na orange juice nga iniinom ng kasambahay namin alumusal-tanghalian-merienda-hapunan. Hindi pa nakuntento ginagawa pang ice candy. Yung milo ginagawang ice candy din.

Meron din kaming kasambahay dati mahilig sa condiments. Kapag kumakain gusto ng ketchup, toyo at calamansi, pinakurat, mang tomas. Basta kahit anong sawsawan, malupit pa minsan kasi gusto ng kamatis na may calamansi at patis.

Hinahayaan nalang din namin, kasi iniisip ko baka mag sawa din.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #406 on: July 03, 2015, 09:39:48 am »
Hay naku minsan talaga naiisip ko added stress ang mga helpers, kundi lang ako may 2 anak eh ako na lang gagawa lahat..regarding food allocation, na try ko na iadjust yung quantity pero kahit damihan ko pa wala ding nangyari, ubos pa din agad..actually, pag naggrocery ako, mas madami pa yung para sa kanila kesa sa amin..so sabi ni hubby hayaan na lang, kung maubos nila agad problema na nila yun, either magtiis silang walang merienda or use their own money na..di naman kasi pwedeng everytime maubos nila eh ako ang tatakbo papuntang grocery na naman, buti sana kung malapit lang

cherrhys

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #407 on: July 03, 2015, 11:02:42 am »
^Naku! Ganun talaga mga helpers!  Kapag bigay sa kanila ang bilis maubos pero kapag sarili nilang pera sobrang tipid gumamit.  Kaya kami never na nagprovide ng toiletries, laundry soap lang.  Sa food naman, allocated na for a month (monthly kasi grocery namin), kapag naubos before maggrocery, they have to buy their own.  And our food is totally off limits.  Hindi naman pagdadamot yun, we just have to set boundaries. Or else us employers din naman ang sasakit ang ulo't bulsa.

happyfemme

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #408 on: July 03, 2015, 02:38:54 pm »
so sabi ni hubby hayaan na lang, kung maubos nila agad problema na nila yun, either magtiis silang walang merienda or use their own money na

Ganyan din sabi sa akin ni hubby, we provided them already now if maaga nilang naubos yun eh hindi na natin problema.

Kapag bigay sa kanila ang bilis maubos pero kapag sarili nilang pera sobrang tipid gumamit.

Ay, trullili din ito. Kapag hindi nila gastos parang unli talaga, kapag gumamit ng tubig parang sa batis lang naglalaba. Sabi ni Michael V sa commercial ng JOY "isang patak, talo ang sebong sangkatutak" pero hindi umuubra sa kasambahay namin yun, tatlong araw lang ang sachet ng Joy sa kanya. Pag sa kuryente naman, naku lagi naka bukas ang ilaw sa kuwarto nila at banyo kahit na walang tao.

Hindi naman tayo madamot pero siyempre nag bubudget din tayo ng gastusin sa bahay.


Medyo OT pero have you guys encountered weird yaya/kasambahays?

*** Meron kasi kaming kasambahay ayaw maligo sa CR, gusto sa laundry area. Yung tipong open air tapos parang nagtatampisaw sa batis? Naiinitan daw siya sa banyo.

*** Nakaencounter din ako, nag sumbong ang kusinera namin yung labandera namin noon ayaw gumamit ng toilet bowl. Hindi daw siya hiyang, gusto niya naka squat siya kapa umihi. Pero gumagamit siya ng toilet bowl kapag nag poo-poo.

*** Meron naman ayaw kumain ng baka, malansa daw. Meron naman ayaw ng sardinas, kasi mukha daw sariwang dugo.

Hindi naman ako naiinis, pero parang ang weird lang.
« Last Edit: July 03, 2015, 02:41:09 pm by happyfemme »

cherrhys

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #409 on: July 03, 2015, 08:33:07 pm »
^Yes, ganun nga yung tamang term, parang unli lang.  :P  They forgot that we need to budget the household expenses.  Kaya hindi talaga pwedeng masyadong mapagbigay kasi abuso ang kasunod nyan.

As for weird kasambahays, so far more on picky eaters lang naman naeencounter namin.  Oh! I almost forgot, we also had a helper like the one you mentioned, ayaw maligo sa bathroom, sa washing area niya gusto and ayaw ng shower, balde't tabo lang.  First time din kasi sa Manila, kaya siguro di sanay sa mga more "modern" set-ups.

snowberry

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #410 on: July 03, 2015, 09:13:55 pm »
Yung maid din namin,ipinagawa ko pa ng shower, yun pala balde at tabo pa rin gusto.
Meron din nga ayaw kumain ng beef.
Meron din ayaw maligo, araw araw hahha .

At ang pinaka weird - noon may kasambahay kami na nagsasalita mag isa at may dala pang langis sa bote. One night narinig ng kapatid ko na sabi" kakainin ko ang atay nila" Gosh aswang yata. Dal dali ibinalik ng mother ko sa nag refer. Scary, either may tililing or mangkulkulam.

happyfemme

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #411 on: July 04, 2015, 10:14:32 am »
Yung maid din namin,ipinagawa ko pa ng shower, yun pala balde at tabo pa rin gusto.
Meron din nga ayaw kumain ng beef.
Meron din ayaw maligo, araw araw hahha .

At ang pinaka weird - noon may kasambahay kami na nagsasalita mag isa at may dala pang langis sa bote. One night narinig ng kapatid ko na sabi" kakainin ko ang atay nila" Gosh aswang yata. Dal dali ibinalik ng mother ko sa nag refer. Scary, either may tililing or mangkulkulam.

Hahaha! dami ko tawa dito. KASAMBAHAYS FUNNY MOMENTS.

Speaking of funny moments din, yung dati naming kasambahay way back pa noong bata ako. Yung nanay ko bumili ng "romaine lettuce". Akala ni kasambahay namin bulaklak daw, inalay sa altar. Na loka yung nanay ko kasi hinahanap niya yung lettuce, ayun pala naka tirik doon sa mga santo inalay na ng kasambahay namin.

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #412 on: July 06, 2015, 07:59:51 am »
Ako naman pinatanggal ko shower sa maids' bathroom. Almost na-double yung water bill namin whenever we have new maids. We live in a condo and water is expensive. A few hundred pesos lang ang difference ng water and electricity bill namin. They don't know the concept of a "quick shower". Eh di mag-timba at tabo sila!

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #413 on: July 28, 2015, 09:22:48 am »
Last night nangyari, si hubby na sobrang bihirang magalit sa helpers sa haba ng pasensya nya eh napuno at nagalit na.. Pinabantayan ko sandali sa yaya yung son ko while hihehele ko yung dau ko sa kabilang room, it took me around 30 mins so 5 pm bumalik na ako sa room ng son ko and bumaba na si yaya.. Pagbaba daw nya ng 5 pm natulog na daw accdg to my 2 other helpers.. Around 8-9 pm si hubby tawag ng tawag sa cp ni yaya di sinasagot, himbing na himbing, eh no other means para makontak sila , no landline while yung 2 helpers cannot be reached.. Hubby arrived at around 930 pm from work at naabutan pa nyang tulog pa din ang yaya... Si hubby pa nanggising sa kanya para bantayan kids namin at makapag dinner na kami.. Grabe from 5 pm til dumating si hubby tulog na tulog.. Di naman masyado makapal ang face nya.. Tapos everytime i ask her bakit di nya nagawa yung mga dapat gawin like iprepare yung uniforms ng son ko etc, laging dahilan na-busy daw sya.. Busy sa pagtulog at pagtambay😠  last week sa sobrang galit ko nasabihan ko na sya na di kami kumuha ng 3 helpers para magkaron sila ng madaming time na matulog at tumambay, kasi naman imbes na tapusin nila yung mga chores nila eh inuuna pa matulog, tumambay or magmerienda.. Kaimbyerna

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #414 on: July 28, 2015, 11:22:48 am »
I was doing something in the kitchen and my daughter had to drink her antibiotics. I poured the right dosage sa lalagyan and asked yaya to give it to my daughter. A few seconds later natapos ko na ginagawa ko so pinuntahan ko anak ko sa living room where she is supposed to be drinking her meds. Pagkakita ko yung gamot di pa naiinom at nagiba consistency. Lumabnaw. Sabi ko kay yaya anong nangyari dito? Sabi nya nilagyan nya ng tubig kasi malapot daw at ayaw inumin ng bata. Jusmiomarimar!!! Sabi ko sa kanya, di mo ba nakitang sinukat-sukat ko ang tubig para matimpla yung gamot tapos dadagdagan mo lang ng ganyan??? Hindi magiging effective yan kung puro tubig! Hindi yan paracetamol! Ay bwisit na bwisit ako. Sabi ko sana bago ka may gawin lalo na sa mga ganyang bagay, itanong mo muna sa akin - nasa kusina lang ako oh!!!

Red Rack 21

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #415 on: July 28, 2015, 02:47:05 pm »
hired a stay out maid two weeks ago. on her third day nag cash advance  na ng 2k  for their meralco bill was already due na daw . after a week, hubby's 1k got lost and we were pretty sure it was her since she is the only outsider here in the house. i wanted to confront her pero ayaw ni hubby. in my mind i will just kick her out once she has served all the cash advances that she took from us.  the next day went on leave for her kid's school requirement daw. on another day went on half day and asking for another cash advance. the following day went to me crying because her mother daw poked a knife on her and they'll be looking for another house to stay and asking for a cash advance again of 500. i refused. and today she texted me saying she would be absent for her child's nso birth cert need  to be submitted asap in school and asking for cash advance of  200 for theNSO. i refused again and replied to her thru text  na ang dami nya ng c.a. hindi pa sya nagpapasok. i am already pissed..12 days pa lang sa amin as a stay out maid lagi ding wala. hay i agree with sis aquacharly mas madaming abused na amo kesa sa abused na househelp.
« Last Edit: July 28, 2015, 02:49:14 pm by Red Rack 21 »

Project60

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #416 on: August 03, 2015, 01:51:24 pm »
Hay nako. This is going to be a long rant but i need your advice mga sis.

Yung yaya ng anak ko has been with us for 4 years. Kinuha na din namin yung live-in partner niya to stay with us kasi ayaw na namin siya umalis at yung partner naman niya nag gagarden and help sa household chores.

Their salaries are 4,500 each libre lahat. hindi iba food nila and paid vacation leave nila plus may 13th month pay.

I have to admit okay naman sila work wise pero nakakainis lang is minsan magpapalam mag deday off sabay sila, mag babakasyon sabay sila... tapos minsan di babalik sa scheduled date at minsan weekday.

Dumating samin yung anak niya kasi magaayos ng passport at gusto mag abroad. Now na wala pa work abroad nag stay muna samin. Eh eto may school anak ko sabi ba naman sa nanay ko kayo nalang sumama sa school with yung boy namin at sasamahan daw niya anak niya sa bahay. Edi nairita yung nanay ko napagsabihan na ang alaga mo si **** hindi yang anak mo nasa work ka parin. Eh as usual nag tampo nanaman at nagbabadya umalis. naiirita na din ako na ano ba lagi nalang ba kailangan suyuin samantalang lahat na ng gusto binigay. Eh naiinis sakin asawa ko sabi dapat daw suyuin ko or magcompromise ako eh ako parang hello sobra na. kaya spoiled eh.

Eto pa isa, hinanapan ko ng work yung anak... parang assistant sa online shop, ayaw daw kasi ayaw nya katulong (EH HINDI NAMAN TALAGA KATULONG YUNG ROLE) anak nya gusto nya sa tindahan tapos samin pa din uuwi ... ayoko kasi nun kasi syempre fine nagtratrabaho  sa labas pero hello malamang ako pa din mag babayad ng pagkain, sabon, shampoo, sabong panlaba, kuryente etc nun noh.... eh ang dami na namin sa bahay ang bigat na sa budget.. Kape palang nila nakaka highblood na kala mo naman overflowing pera namin sa kape at bigas.. GRRR ang sama ko pero iniisip ko sa kanila kaya nagagawa nila mag kape ng tag 3 cups a day???? heller.

So dapat ko pa ba suyuin to? fine mahirap mag hanap ng yayang mapagkakatiwalaan... pero kasi spoiled naman super..

joevicko

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #417 on: August 03, 2015, 03:35:28 pm »
Ako naman, parang di na ata mawawalan ng kapalpakan itong yaya ng anak ko, just recently nagkasakit ng FHandM disease yung anak ko, eh maraming bata samin (we are living in a compound) at nakita ko sa cctv sa salas na pinapasok nya sa bahay namin yung isang bata na halos kasing age ng ng anak ko, (anak ng cousin ko) kumakain ng lunch yung anak ko, nakita ko na sinusubuan nya ng food with her BARE HAND (kahit minsan ko ng pinagsabihan na gumamit ng kutsara) at ayun  kitang kita ko din na pinapakain nya ng food yung isang bata gamit ang same kamay na pinagsusubo nya sa anak ko, haynaku OA na kung OA siguro ako pero di ko talaga napalagpas pinagalitan ko talaga sya.

madami pa sya ginawang nkaka inis pero pagdating kasi sa hygiene ng anak ko OC ako.

Project60

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #418 on: August 03, 2015, 03:55:57 pm »
hay nako hirap humanap ng matinong yaya. pag masyado ka mabait aabusuhin ka. pag napagalitan mo naman or napagsabihan ng konti kahit na malumay lalayasan ka napaka balat sibuyas. masama na kung masama pero kaya hindi sila umaasenso kasi minsan ang kikitid ng utak hay...kala nila madali lang kitain pera. 

cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #419 on: August 06, 2015, 06:59:12 am »
Ako rin lately parang nagiging masamang tao ako dahil sa yaya ng baby ko.. lagi ko na siyang napapagalitan, lagi ako nahahighblood sa kanya..kaya feeling ko ang sama sama ko.. dati di ko siya napapagalitan, hinahabaan ko pisi ko pero this year napuno na ko nakakatikim na siya ng sermon sa kin.. kaya pinagsasabihan din ako ni hubby na wag ko na daw lagi sermonan kasi pagod din daw yung yaya..
Hay minsan kasi talaga di ko na matiis.. lalo na yung mga common sense lang eh itatanong pa..

Lately lang nag init yung ulo ko, kasi wala kong tulog kakabake ng cupcakes for my son's bday, tska kakaprepare ng lootbags/souvenirs and everything.. sabi ko sa kanya siya na lang muna maghugas ng mga feeding bottles ng son ko  (ako na kasi naghuhugas ) kasi im busy hindi pa ko tapos magbake..
nung pumunta ko sa kusina para kumuha ng baso kitang kita ko na pinagsabay niyang hugasan yung mga plato and bote ni baby.. nagulat siya kasi nahuli ko siya.. nag init yung ulo ko.. sabi ako "anong ginagawa mo? Kaya nga may separate na sponge para lang sa mga bote ni baby diba? " grabe inis na inis ako mga sis.. eh ang oily ng mga plates, spoon and forks diba tapos.pinagsabay niya pa eh di hahalo.yun sa mga bote ng anak ko..sabi ko pag nagtae anak ko mananagot siya sakin.. sinigawan ko talaga sabi ko "umalis ka nga jan! Ako na!"  Todo deny pa.. sabi niya ngayon niya lang daw ginawa yun.. nagulat din ako sa ginawa ko..

 nagsorry naman ako sa kanya pagkatapos.. sabi ko pasenxa ka na kasi alam mo namAng wala pa ko tulog and may mens pa ko.. tapos ginawa niya pa yun.. hays..kaya ngayon nagppray ako na bigYan ako ng mahabang pasenxa.. kasi hirap.maghanap ng katulong ngayon and hindi naman talaga sila prefect.. walang perfect na katulong actually..


 

Latest Stories

Load More Stories
Close