watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105475 times)

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #340 on: January 17, 2015, 04:30:51 pm »
^^how old is your kid? how long does she stay in school? kasi if hindi naman tipong alagain ang bata, the yaya can actually go back home and do the other chores while her alaga is in school. I dont think she stays inside the classroom and nasa waiting area lang yan. Trust me, wala naman silang ginagawa. Even my kids' yaya ayaw mag-stay sa school. Nakakasira daw ng ulo na makipagdaldalan the whole time. kahit 3 hrs lang ang class ng bata, it gives the yaya a lot of time to finish the labada.

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #341 on: January 18, 2015, 07:56:03 pm »
- yung advance na 500 na di ko pinahiram eh pilit hiniram kahapon. Sabi ko na lang sa kanya

 ''nakarinig ka lang ng mag g-grocery nanamantala ka mag advance. Bakit di kayo manghiram sa kamag anak niyo? Di ko na problema kung wala pamasahe asawa mo kung san man lakad nun"  nahihiya daw sila doon. '' bakit sakin di ka ba nahihiya bigla ka kukuha ng pera di naman kami bangko, di na mauulit yang advance advance mo kahit kelan matuto kang mag ipon"

Nung 2 weeks ago yata ganyan din sinabi ko sa babaeng to.

Tapos kanina pinag timpla ko ng sabaw ng adobo since tiwala akong kabisado nya dahil matagal ng pinagagawa yun sa kanya.  Napaka asim ng ginawa, nasayang yung adobo flakes pasta ko. Nagsisi akong inutusan ko pa siya kaso naman all around kang mamamasukan sabaw lang ng adobo di mo alam paulit ulit ng tinuturo at ilang beses mo na nga ginagawa yan.

Magtatapon lang ng basura sa basement dala pa yung phone pati earphone akala mo  telephone operator  ng kung ano kaya di mabitawan. Kung di ko lang gift yung phone niya ipagdadasal ko mawala sana kasi napaka arte niya lagi naka display yung phone sa kamay.

happyfemme

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #342 on: January 20, 2015, 11:52:28 am »
sis funky f and hunny_ally

Yes sinabi niya sa akin yun sis, my son is 4 years old.

Dati naman niyang nilalabhan ang damit ng anak ko since baby pa siya, ngayong lumalaki na ang anak ko nirereklamo niya ang labahin niya sa anak ko.

My son is going to school 3 hours siya sa class. She seem to enjoy staying sa school ng anak ko kasi mahilig sa tsimis tsaka may pagka "know-it-all" ang ateng. Plus factor pa na may wi-fi ang waiting area ng mga yaya kaya todo FB ang lola mo. Tsaka yun ang time niya makapag [textspeak!] sa boyfriend niya.

Gusto ko sana siyang mag work sa bahay while nasa school ng anak ko, kaso nursery pa ang anak ko ayaw pa ni hubby ipa-iwan mag isa sa school.

Pansin ko sa mga ito, kapag salungat ang amo nila sa kanila eh they're doing a very "sloppy" job. As in sinasadya nilang "palpak" ang trabaho nila.

Hay nako simula nang mag FB yan at magka BF, nagkawindang windang na ang trabaho.

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #343 on: January 22, 2015, 05:11:04 pm »
Day off ni helper bukas so pinamalengke ko muna siya ngayon para bukas di ako lalabas ng bahay. Every time na mamalengke yan sumasalisi ako ng inspect sa closet niya. Ang nakita ko today is yung varsity bag na dadalin niya tom eh may box, yung box na pinatapon ko kinuha pala at nakabalot sa bonnet. Yung bonnet malaki ito, di siya pang baby, kaya nagkasya yung box na pinaglagyan ng mga bote ng toiletries. Pag open ko ng box kitang kita ko yung mga stocks na pagkain niya for breakfast at meryenda ay mukhang gagawing pasalubong sa asawa niya.

Gusto kong mainis although mura lang naman mga yon pero hindi yun ang point. Bakit mo iuuwi sa inyo yang mga binibili kong snacks, breakfast cereals, chocolate candies at biscuits? Pati toothpaste dala din. Kaya pala nagtaka ako binuksan agad niya yung tube ng toothpaste na binili ko nung last week pero sabi niya meron pa daw siya. Pati shampoo walang patawad. Kaya ayun pagtingin ko ng cabinet niya ng groceries yung 1 dozen ng cereal drink niya 5 piraso na lang eh bago ako mamili lagi ako nag iinspect para bilangin yung mga stock para di naman sobra yungabigay sa kanya. Yon pala ganon pa din kahit bilang ko makakalusot pa. Tapos magrereklamo ULIT yan na wala na siyang stocks..

 Kahit mag inspect ako tom bago siya umalis sigurado naman ako di niya ipapakita yang box kasi nasa loob ng bonnet na nakatago sa tshirt. Kaya ginawa ko binawasan ko ng 2 cereal drink hahaha! At ito pa mag iiwan na naman ng maduming damit sa banyo, atleast 10 pairs ng damit yung nandito kaya bukas ipapauwi ko sa kanya yon, don siya maglaba ng damit niya palibhasa kasi load lang iniintindi niya dito , pag iuuwi nga naman niya madumi niya baka pangit na sabon gagamitin wala pang fabcon kaya iiwan na lang dito kahit tambak tambak na. Sabi tuloy ng asawa ko bat naman ganon may sweldo naman at yung sweldo niya same ng pang full time naman. Baka daw sa susunod iba na iuuwi niyan
 😁🔫
« Last Edit: January 22, 2015, 05:16:35 pm by mama7 »

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #344 on: February 06, 2015, 07:33:38 pm »
Twice na nangyari na kumakain pa ko nililigpit na yung nasa table,one time wala sa sarili, sinara pa yung fan although she said sorry naman nainis ako akala niya tapos na ako kumain. Should i get mad ba for what she did? What if ulitin pa, pagalitan ko na? Lumaki kasi ako na hangga't may kumakain wag ligpitin kahit ano sa table.

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #345 on: February 07, 2015, 08:30:27 am »
Pagsabihan mo lang, sis. Baka di sanay ng tama.  Alam mo naman mga helpers, napakasensitive.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #346 on: February 11, 2015, 05:29:55 pm »
Bumaba ako para tawagin si yaya na bantayan sandali ang son ko coz my baby girl was crying..aba naabutan ko the other 2 helpers ko nasa sofa nagmemerienda while watching tv..sarap ng buhay.. Ok lang sa akin na manood sila ng tv sa sala, pero parang at home naman masyado na sa sofa pa sila kumakain, eh they have their own dining area naman.. Eh if they accidentally spill something on the sofa eh sorry na lang? Just like nung nabasag ni helper yung candle holder, 2 glasses at yung nanahimik na potted plant ko sa garden.. Mga di marunong umasta ng tama

shawliin

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #347 on: February 16, 2015, 09:39:16 am »
my daughter's yaya kasi is stay-out. so nung friday nagpaalam siya na hindi makakapasok bukas (tuesday) kasi babang luksa daw ng biyenan niya. so ok pumayag ako, nagschedule ako na magleave na lang. eh ang ikinainit ng ulo ko, ulo ng hubby ko at ulo ng MIL ko ay ang hindi nya pagpasok today. ok lang sana pero sana inabisuhan niya kami beforehand. nagpaalam din kasi sa akin nung friday na uuwi ng batangas kasi namatayan daw sila. so pumayag ako dahil she said na sunday evening ang balik niya.

aba 7am paalis na ko ng bahay for work eh wala pa din. kung hindi pa siya tinawagan ng MIL ko at tinalakan hindi magsasabi. tinext ko hindi manlang nagreply. tapos ngayon nagtext pasensya na daw ek ek.. pinagsabihan ko sabi ko next time magsabi agad para naihanda ko sarili ko. at pinapapasok ko ng maaga sa wednesday. matapos niya mag-advance sa akin ng half ng sweldo biglang ganito. kainit talaga ng ulo! lunes na lunes.

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #348 on: February 18, 2015, 04:06:35 pm »
3 days non paid off every 20 days dahil di nya kaya makabalik pag overnight ng 15/30, lugi pa ko dahil may bayad yung day oo niya. Nung Sunday 2:30pm na siya nakaalis dito kasi madami kami ginawa pero binayaran ko yung 1 day ng day off niya. So ngayon pabalik na dapat siya, alas 4 na ng hapon wala pa. Yung trabaho nya ako na gumawa. Masyadong matakaw sa day off tatlong araw ka na nga sa labas. Kahit ba sabhin mong hapon ka na nakaalis nung linggo bayad naman yon. Tapos dami na naman alibi ng mabaho na yan Pagbalik dito. Di ko lang mapalitan kasi may batang maliit mahirappabago bago. Kakabuset lang.

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #349 on: February 18, 2015, 06:59:41 pm »
6PM na dumating at ang bungad sa akin nabalian daw yung anak niya. So sige di ako magagalit, wala daw siya balak bumalik asawa lang niya pumilit sa kanya. Tapos makita kita ko sa Facebook niya may selfie kagabi kasama mga pinsan niya, yung anak niya may picture wala naman bali sa katawan amg hitsura.. buti na lang talaga nakagawa ako fake account na-add ko siya.  Nag college yata yung katulong ko B.S Sinungalin haha!

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #350 on: February 19, 2015, 08:16:42 am »
Nagtext na until march 15 na lang daw sya. Nakakalungkot kasi love sya ng kids ko. Nakakapagod lang na maghahanap na naman kami ng yaya tapos swertihan na naman kung ok or not :(

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #351 on: February 23, 2015, 01:39:41 pm »
I dont know kung OA lang ba ako or what, feeling ko kasi sumosobra na sa panonood ng tv mga helpers ko..normally, they start watching after lunch kasi nasa room na kami kasama ko 2 kids ko, tapos bababa lang kami ng 7-8 pm and around that time lang din nila inooff ang tv..after dinner akyat na ulit kami so ang ginagawa nila manonood na naman sila.. 3 days ago bumaba ako almost 12 midnight na nanonood pa din..naiinis ako kasi di marunong mahiya, kahit nakita ako dedma lang tuloy pa din sila...i also noticed na ang bill namin sa kuryente eh tumaas ng almost 500 pesos considering na almost same consumption lang kami at yung extended viewing time lang nila ang nabago..so what we did, sa gabi kinukuha na namin ang remote control, siguro naman gets na nila ang ibig sabihin nun

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #352 on: February 23, 2015, 03:46:35 pm »
^sa bahay yung cable box namin naka-password lock and ako lang may alam ng password. at least i can monitor the amount of time they and my kids watch the tv.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #353 on: February 23, 2015, 04:49:40 pm »
^ oh  pwede pala maglagay ng password sa cable box? I'll ask my husband nga if we can do this too...thanks for the idea sis :)

I told hubby na di na namin itutuloy plano namin to provide their own tv sa room nila, baka ang mangyari wala ng patayan at magdamag na manood..they dont know how to limit their viewing time kasi, napansin ko sobrang sabik sa tv

cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #354 on: February 23, 2015, 05:45:38 pm »
Sis mga helperS talaga ngayon addict sa tv.. as in magdamagan sila.. yaya din ni baby sobrang hilig sa tv.. kaya nga hindi ako nagpakabit ng cable kasi malAmang puro tv atupagin niya.. hilig pa naman nun sa PBO..
Nung umuwi nga kami sa province 8 days lanh kami nawala pag dating nh electric bill 2,500 yung nabawas sa bill namin.. 8 days lang yun ah..
Ang nakakainis kasi lagi niya nakakaligtaan ioff ang mga ilaw or tanggalin sa saksakan yung mga hindi naman ginagamit like tv, electric fan. Electric kettle. Rice cooker and mga extension.. kasi diba nagcoconsume pa rin daw yunh ng electricity diba.. tska ang mga ilaw laging nakabukas kahit maliwanag naman. Pati sa cr nakakalimutan ioff ang ilaw.. hays
Buti na lang masipag siya maglinis and love niya baby ko..

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #355 on: February 23, 2015, 05:56:02 pm »
Kaya ako 1st day pa lang nila sinasabi ko na bawal magbukas ng tv. Pwede naman makinood kung kami naman ang nagbukas. Ayoko sila masanay, ang mahal ng kuryente lalo na pag Summer. Nahuli ko hh namin naghuhugas ng plato nakatunganga sa tv, yung kamay niya na may sabon tumutulo sinahod sa doormat para makanood haha kaka highblood.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #356 on: February 23, 2015, 06:10:21 pm »
Sis mga helperS talaga ngayon addict sa tv.. as in magdamagan sila.. yaya din ni baby sobrang hilig sa tv.. kaya nga hindi ako nagpakabit ng cable kasi malAmang puro tv atupagin niya.. hilig pa naman nun sa PBO..
Nung umuwi nga kami sa province 8 days lanh kami nawala pag dating nh electric bill 2,500 yung nabawas sa bill namin.. 8 days lang yun ah..
Ang nakakainis kasi lagi niya nakakaligtaan ioff ang mga ilaw or tanggalin sa saksakan yung mga hindi naman ginagamit like tv, electric fan. Electric kettle. Rice cooker and mga extension.. kasi diba nagcoconsume pa rin daw yunh ng electricity diba.. tska ang mga ilaw laging nakabukas kahit maliwanag naman. Pati sa cr nakakalimutan ioff ang ilaw.. hays
Buti na lang masipag siya maglinis and love niya baby ko..

Sis ako sin ganyan hh ko lagi nakakaiwan ng naka socket na appliances. Lalo na kami Induction Stove gamit yun ang lagi naiiwan ng hh. What i did is kumuha ako sa net ng printable signs about sa save electricity signs ni-resize ko siya then pina print ko and laminated siya nakalagay sa kitchen kasinglaki ng Samsung S5 yung pinaprint ko, ang nakalagay "conserve energy, avoid necessary use of electricity blah blah"  effective naman kasi laging nababasa hahaha pati household chores dito laminated rin.. OC mode 😁

cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #357 on: February 23, 2015, 06:14:12 pm »
^ hahaha gawin ko nga rin yan sis.. para lagi siya maremind.

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #358 on: February 25, 2015, 12:16:44 pm »
she, the other yaya and my kids left for the grocery next door to buy some ingredients for the dish im cooking for lunch. my husband gave some money too to buy a shake for him from the store next door to the grocery. they left the house at 930am. I told them after getting the stuff from the grocery they should go back immediately cause I will need some of the items they will buy. 1030 am nagtext hihintayin pa daw nila magbukas yung  store for the shake para hindi na bumalik. Nakauwi na sila 11am. ending, hindi na nakapag-lunch si hubby kasi hindi na nahintay yung food cause he had to leave at 12nn.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #359 on: February 25, 2015, 06:56:21 pm »
^ sis i'm about to post na nga din related sa sinabi mo. 1 bathroom lang kasi apartment namin and pansin ko yung Whitening toothpaste namin ni hubby ang bilis maubos pero yung close up ni hh ang konti ng bawas. Pag gagamit ako lagi ko napapansin yung tube ng toothpaste niya parang nauubos lang pag malapit na ko mag grocery. Feeling ko minsan don siya kumukuha ng toothpaste samin. you're right inggitera mga yan sa nakikita na gamit mga ambisyosa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close