watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105537 times)

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #260 on: August 03, 2014, 02:36:35 pm »
we went to the mall yesterday with our 2 kids and the 2 helpers. normally, si yaya na nagpreprepare ng gamit ng son ko while ako naman sa bunso..while at the mall, humingi ang son ko ng dutchmill, aba pagtingin ni hubby sa bag walang dala, so he asked the yaya kung nasan, iniwan nya daw sa sasakyan...kainis walang common sense, sino kaya sa palagay nya ang iinom nun sa sasakyan? kaya nga nagdala sya para inumin ng son ko eh ::)...ang problema, di namin basta-basta makukuha since nagpa-valet parking kami...naku sobrang timpi ko sa inis ko kay yaya >:( kay hubby ko na lang na-voice out, eh si hubby mabait, let it pass na lang para di kami mabwiset sa lakad namin

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #261 on: August 05, 2014, 06:33:03 pm »
hindi araw-araw maligo ang baho baho dito sa amin nakaka loka!  :( di ko alam kung paano ko sasabhin ng di siya makaka offend karamihan pa naman sa kanila samain loob pag may nasabi ka..dumating siya kahapon sa day-off yung suot niya nung dumating siya suot pa rin ngayong hapon sabi ko sa inyo kala mo may libag na naglalakad pero hindi pala,tao pala yon..yung helper ko na amoy libag pala yung naglalakad  >:(

di mo naman tinitipid sa toiletries kahit bukod yung gamit niya,kumpleto sa lahat pero bakit ang tamad.kakainis na,nakakainis na dahilan yung pagiging low-blood kaya di siya maligo lagi lalo na pag inabot ng hapon kaso naman ang hirap nung kumikilos ka sa kusina or kung asan siya tapos ganun yung hangin..hay naku!

Coffee_lover

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #262 on: August 07, 2014, 04:56:45 pm »
Nakakainis na ginawa ni yaya??? Yung nagpabuntis sya!!! Naloloka ko kakaisip kung saan kukuha ng kapalit. Isa pa, san nyo naman ginagwa yan?? sa kwarto namin? Kainis!

summerchic

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #263 on: August 07, 2014, 07:46:45 pm »
Mejo bingi si yaya, hinde naman siya masyado matanda. Paulit ulit ang utos tuloy.  ::)

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #264 on: August 19, 2014, 09:56:55 pm »
sige na ako na ang magiging suki ng Thread na 'to..

meron lang ako isa pang di nagustuhan sa ugali ng hh ko..nagpabili kasi ako nung mga Fibisco Cookies,nilibre ko si hh so meron din siya,kanina nung wala siya naisip ko lang naman kumuha ng 1 piraso nung Choco Mallows na 50pesos 1 balot na sa pera ko rin naman galing..siguro napnsin niyang nbasawan ng 1 piraso aba maya-maya naman panay ang sabi na isa-isa lang daw siya kumuha non at mauubos at ,masyadong matamis kesyo ako raw madalas mangilo ngipin gaya ng nai-kwento ko sa kanya..sinasabi niya yon habang hawak yung nakabalot na Mallows mukhang bilang niya kung ilan yung laman nahalata na nagkulang ng 1..kulang na lang sabhin niyang nabawasan kaya panay ang sabi paulit-ulit  >:(

napaka damot kung tutuusin dami nga niya nalilibre samin hindi niya naiisip na ako Amo niya,kundi sa akin di siya makakakuha pambili gamot ng asawa niya dahil sa isang pirasong choco mallows na ako naman nanlibre ganon siya magparinig.hindi nga man lang niya ako inaalok tapos doon sa pinabili ko binibigyan ko siya tapos kkwentahan niya ko ng ganun..damot damot ang baho-baho naman hahahahaha! :D

phria

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #265 on: August 28, 2014, 11:47:25 am »
si yaya pinapamukha sa akin na magaling sya, at mas mah\galing sya sa akin. first day palang nya, nagcomment na sya tungkol sa pagkarga ko kay baby na kesyo halatang first time ko sabay tawa pa.nakakinsulto. tsaka lagi syang pasikat. pinansin ko lang na may kagat ng lamok si baby, [textspeak!] nya, ah pag araw wala kasi binabantayan ko talaga so anong ibig nya sabihin pag gabi meron kasi kami ang nagbabantay? isa pa, bago ako umalis for work, nagbrought up sya na the other day daw baligtad [textspeak!] pagkalagay ko ng shirt ni baby, sabi nya,"ano baby, baligtad naman shirt ni mama? panu nung isa napansin ko nasasakal na, halatang nagmamadali ka, hahaha"... kakairita talaga, pwede naman na hindi na yun sabihin, o kaya kung gusto naman nya, wag na nya akong pagtawanan na para bagang pinapamukha sa akin na hindi ako magaling mag-alaga ng bata. nung isang araw nasa room pa kami ni baby kasi pinaliliguan ko, paglabas ko kasi may kinuha lang ako nagtanong sya bakit daw umiyak si baby sabay ngisi... sabi gutom na..tapos bumalik na ako sa loob. kakainis, need ko mag explain sa kanya?? what's the point? eh [textspeak!] iyak natural lang naman hindi naman [textspeak!] alarming na sobrang lakas. basta napakataklesa ng maid. feeling close talaga. bago din ako umalis kahapon sabi ko, "wow ang galing ni baby, ubos kagad ang milk,"... nagcomment ba naman ng "ayy ako di ko hinahayaang ubos agad, kalakalahati lang. kasi lalaki ang tyan." sabi ko, "gutom kasi, kaw ba naman last inom nya, 3.30 a.m., tapos 7;45 am na, natural gutom na." pero mahinanhon lang pagsagot ko. nagtitimpi alng talaga ako. first day pa lang mabigat na ang loob ko sakanya.

khriseeee

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #266 on: September 04, 2014, 06:10:09 pm »
^sounds a lot like my previous yaya. She would always try to one up me when it comes to caring for my daughter. Imagine she said to me that my daughter doesn't like my breastmilk, it must taste bad daw! And when I'm breastfeeding she will take my daughter after 15 mins saying na there's not enough milk. I don't know how I put up with her for a year and a half! My current yaya is so much better

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #267 on: September 08, 2014, 05:00:32 pm »
ayaw niya mag diet kahit konti lang..di ko alam kung tama ba na mag request kaming mag asawa ng ganon sa kanya.laging sumasayad sa mga humps yung ilalim ng kotse pag nakasakay siya,sobrang laki na kasi ng katawan..tapos hindi makahiga ng diretso daughter ko kasi sa laki niya di makahiga yung bata ng maayos sa likod..sabi tuloy ni hubby 3 months pa lang yung new car nagamit puro gasgas kung kasama helper namin kasi ang bigat niya..di ko naman alam paano explain yung ganon dami nakapansin na masyado siyang lumaki pero laging sagot niya bawal siya mag diet..paano naman kaya yon??

hazelnutduchess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #268 on: September 08, 2014, 10:47:55 pm »
Hiwalay kasi ako ng living space sa family ko since I go to school and naka-condo ako. Nung isang linggo pinapunta ko dito to clean up and iron my uniform. Bago yung uniform ko, one week pagawa pa lang. Sabi ko, "wag mo na galawin settings niyan ah, natuto na kasi ako, nasunog yung isang uniform diyan pag mataas yung setting." Our uniform is synthetic-ish kasi so pag mataas temperature parang natutunaw. Ok naman plantsa niya, walang sira yung damit, pero nung isang araw, I had to iron on my own. As in I was just too late ng 3 seconds pagtanggal ng plantsa ko sa uniform ko, sunog na!!

Fault ko rin kasi hindi ko chineck, pero ang clear kasi nung sinabi ko na wag na galawin yung setting kasi si-net ko na doon sa setting na hindi talaga masusunog yung uniform.

Nakakapikon kasi 950 isang set nun and sira na yung pants nung isang set. Nakakainis na alam mong kulang sets mo. UGH.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #269 on: September 11, 2014, 07:55:29 pm »
napakagaling ng 2 helpers ko..bumaba ako ng 645 pm to wash and sterilize the kids' feeding bottles then after that kakain na sana ako ng dinner, that was around 715 pm na ha..wala pang nakahain na ulam sa table so i asked one of them kung ano niluto nilang food...aba at magluluto pa lang pala :o anong petsa na? imagine, from 11 am to 645 pm i was the one taking care of the 2 kids while nasa baba lang silang 2 doing nothing  tapos alas syete na di pa pala nakaluto..how efficient no? parang di sulit binabayad ko sa mga to, esp sa yaya na ang gawain lang eh samahan ang son ko sa school, everything else ako na gumagawa.. nakakainis pa pagdating nila ng son ko from school at 1030 eh diretso na sya magmemeryenda, wala na syang gagawin after..so di nila pwedeng sabihing busy sila...pwede siguro busy sa panonood ng tv kasi for 4 consecutive days na bumababa ako lagi ko na lang nahuhuling nasa sala watching tv while nagmamadali sya to turn it off and her reaction is gulat na gulat kasi di nya narinig siguro na pababa na ako...di ko naman pinagbabawal actually manood ng tv, pero sana gawin nila yung dapat na trabaho nila...yun lang >:(

quinone

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #270 on: September 15, 2014, 11:51:30 am »
hazelnutduchess, maybe put a tea towel over your uniform kapag ina-iron, kumbaga hindi direcho yung heat sa uniform mo.

on-topic, just read this post at a blog:
http://chuvaness.com/wanted-linked-in-for-household-help/

Len0523

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #271 on: September 16, 2014, 12:15:34 pm »
Our maid naman is sobrang comfortable sa bahay. Since kaming mag asawa lageng nasa office whole day so sya lang mag isa ang naiiwan sa bahay. She can do whatever she wants since wala naman kami dun. Maybe nuod ng tv whole day. Or rest whole day. Wala naman kase syang gagawin.
Yung laundry isasampay lang.

Ask ko lang, usually ba yung maid nyo kasabay nyo talaga kumain?
Kase naman si Yaya, aba pagkahain upo na din sa table and share share na kami sa kainan.

Yung milk ni Hubby, iniinom rin nya.  :'( :'(

kukii

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #272 on: September 16, 2014, 12:33:33 pm »
Inubos niya yung cereals ko and yung isang Super Crunchy Skippy na malaki na supposedly para samin ni big bro since we love peanut butter binigay ba naman sa anak niya. Nakaka-grrr lang si atey ha ayoko naman bawiin kasi nabigay niya na and sabi ng parents ko pabayaan ko nalang daw. >:( >:( >:( >:(

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #273 on: September 16, 2014, 04:54:28 pm »
earlier today, nagpaalam ang 2 helpers ko (magkapatid) na until dec na lang daw sila..feeling ata nila pipigilan ko, eh sinagot ko ng sige okay..sabi ko nga sa husband ko, kung ayaw na eh wag na pigilan at lumalaki lang ang mga  ulo...muntik ko na ngang sabihan na next time mag-apply sila  eh as amo na..imagine naman, kokonti ng gawain nila, ang haba ng rest time, from 11 am to 5-6 pm usually wala silang ginagawa..never sya naka-experience  na nagpuyat para mag-alaga ng bata, i do the feeding, bathing paghele as in practically everything..the only thing she does is to go with my son to school for 3 hours everyday..and by around 8-9 pm nasa room na at magpapahinga..tapos lately pag inuutusan ko nakabusangot pa, pag may sinabi ako di man lang sasagot to acknowledge man lang na narinig nya sinabi ko..never nasigawan, rare mangyari na sabihan ko sila directly ng mga mali nila, usually i just voice out my inis kay hubby or sya magsasabi sa kanila   dahil kalmado sya ..eh aba sumobra naman, to think na they are being paid above average, complete with all the perks pa..so sya sige, good riddance na lang, di ko sila kawalan  >:(

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #274 on: September 17, 2014, 04:28:52 pm »
day off niya kahapon, 9 am umalis na siya hanggang ngayon hapon na wala pa..3 oras akong naghintay ng reply nya sabay sagot na di siya makakabalik.ang aga aga kanina nung unang text ko,ilang text ako pina abot ng hapon saka ganyan..kagaling galing talaga napaka takaw naman na tamad maligo..second time na itong pag day off niya na di siya bumabalik next day kaya.plano kong gawin na once a month na lang off niya para kahit sa isang araw siya bumalik di ako lugi..

ito yung sinasabi ko eh,bilin ko sa kanya kung anong problema niya sa pamilya niya wag na kami idamay,di ko kasalanan kung wala siya pamasahe,kung mag away sa kanila o ano pa man..kaka bad trip para kong may pinapa taba na kung ano dito pag sa.kainan walang nakakalimutan pero sa.ibang bagay sablay..kung mag day off siya napaka aga umalis tapos babalik hapon,pag minalas ka gaya ngayon di na namn siya bbalik.kahapon umaga bago siya mag off nagpasama ako sa rob sa tapat nag grocery nag segway na fav niya nutella! dati segway niya fav niya hersheys sarap sabhin galing mo mag segway gusto mo lang magpabili anak ko nga.inaagawan mo pa ng pagkain pa simple kunwari inuuto kumain pero siya ang panay ang kuha ng kanin..pasalamat siya pinagtyagaan ko siya..

Len0523

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #275 on: September 17, 2014, 04:40:08 pm »
Pag nababasa ko mga posts dito medyo magaan pa pala yung saken.
Yung maid kase namin, sya lang mag isa sa bahay so nuod ng tv from 8am - 6pm. Bongga!
Higa pa sofa like Amo..
ANd medyo awkward talaga ako yung kasabay ko sya at kaharap sa hapag kainan.
Di ako comfortable. Sanay ako na kami ni hubby lang,. Ok lang naman mauna sya para di maubusan or same ng ulam. Pero sana wag na share sa iisang bowl na parang family lang. Ang awkward talaga!
Paghain upo na rin sya. Haaiiist!  :'(

Yung paggamit nya ng panlaba ok lang naman, yung tide kase with downy na yun.
tapos gagamit pa rin talaga sya ng downy e hello pambahay lang lahat nung damit nyang nilalabhan.
At kanya lang talaga lahat. Nakadowny pa.  :'(

Ako pag pambahay hindi ko na dinadowny. [textspeak!] ba yun!?

Nagplantsa kaninang morning ng polo ni hubby, pagkasaksak sige diin hindi daw lumalamig paano daw ba iadjust?
Sabi ko natural hindi pa yan iinit kase kakasaksak nya lang naman. Wait nya lang ng konte kase nakaset naman. Aba ayun tinodo pa! sunog! Hay naku aga aga..

Last night naman, nauna ako kumain at sya, hindi nakasabay si hubby kase kakainom lang nya ng gamot, after 30 mins pa sya pwede kumain. Si maid, after namin kumain dalawa, niligpit na at umakyat na sa room nya. Si hubby nagprepare na lang ng food nya sus! Maid, tulog na! 8pm pa lang. 

cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #276 on: September 17, 2014, 05:37:09 pm »
Si yaya naman bata pa 17 y/o  pero super sipag niya and swerte na rin kami sa kanya kasi maalaga siya kay baby.

May mga nakakainis siyang ugali pero mild lang naman like pag nanonood kaming tv ni hubby sa sala syempre nanonood din siya tapos pag commercial nililipat niya sa ibang channel. Parang wow hindi man lang nahihiya samin ni hubby. Masyado kasi kaming mabait sa kanya, iniiwasan ko rin kasi magalit sa kanya para alagaan niyang mabuti si baby.

Madalas din siyang makabasag, baso ilang beses na, pati vase twice na. Masyado siyang clumsy. Recently lang nabasag niya yung 1 big bottle ng nutella, hindi pa bukas yun ha. Nanghihinayang ako dun favorite pa naman namin yun. Ok lang sana yung maliit lang, pero yung malaki eh. Inhale exhale na lang ako.

Tapos before nung bago pa lang siya grabe ang baho niya, as in dumidikit sa sofa yung amoy niya. Hindi na ko nakatiis pinagsabihan ko. Sabi niya meron daw kasi siyang mens, sabi daw ng mga matatanda bawal daw maligo pag may mens. Grabe eh usually 5 days tayo nagkakaron diba, imagine ganun katagal siya di naliligo eh pawisin pa naman siya. Sabi ko mali yun, dapat nga mas maligo tayo pag meron kasi malansa yung blood diba. Tsaka sabi ko dalaga na siya dapat matuto siyang mag ayos ng sarili and maging malinis.




mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #277 on: September 17, 2014, 06:00:29 pm »
sis cutemama ganon nga rin helper ko.ang baho talaga..parang amoy libag na medyo maasim as in ganon talaga naamoy ko.ang liit pa naman ng space sa amin kaya amoy sa buong bahay,yung sofa cover namin ang sama na rin ng amoy paano lagi siya nakasakay doon kahit di naligo yung pawis niya dumikit na..sabi nga ng friend ko yucks daw talaga helper ko..pero ibang case sa akin,noon kasi 2 years ago di yan ganyan as in masipag maligo yan,nung bumalik sa amin ngayon ganyan wala ng paki kahit di maligo everyday mukhang okay lang sa kanya.. minsan may pinuntahan kami malapit lang so di na kami nagbihis,sabi ko sa inyo yung amoy niya bidang bida sa loob ng sasakyan,mind you nasa harapan pa ako nakaupo nasa likod siya masusuka ka sa pagka asim

 nung minsan umalis ako pagbalik ko mainit ulo ko kasi nasa clubhouse pala sila kaya wala tao sa amin mga di pa nag reply ayon pagkita ko di na naman pla naligo gabi na kaya sabi ko maligo everyday paano yun ikaw tagalinis ng bahay pero sa sarili mo di ka malinis naku sinabi ko talaga sa sobrang asar ko.
« Last Edit: September 17, 2014, 06:02:12 pm by mama7 »

cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #278 on: September 17, 2014, 06:08:10 pm »
^ Naku sis pagsabihan mo siya, kausapin mo ng maayos sabihin mo marami ng nakakaamoy, ayaw mo lang siya mapahiya.
Tska kawawa din baby mo baka nag aalaga siya ng baby baka magkasakit baby mo or mahawaan ng skin diease or something related sa poor hygiene.

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #279 on: September 17, 2014, 06:23:52 pm »
oo nga sis tuwing aabutan ko ng supply ng toiletries sinasabi ko nga ligo siya para presko at malinis,binobola bola ko na lang.nangyari na yan iiwanan sa kanya yung bata paalis na kami hindi pa rin siya nakaligo.dun pa man rin sa kwarto sila maghapon naka aircon pa kaya sabi ko bago niya alagaan bata ligo muna dahil naglilinis siya ng bahay sa umaga puro alikabok at pawis na siya sa tanghali.di naman tayo maselan diba gusto lang natin malinis sa katawan kahit naman tayo sa sarili natin wag tayo maligo everyday iba yung pakiramdam at amoy unless may lagnat ka iba yon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close