watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105606 times)

thess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #240 on: June 11, 2014, 07:15:10 pm »
The yaya I fired last Sunday is telling everyone that she left daw cause I was maltreating her.  Minamaltrato was the very word she used. Ayoko na sana patulan but the words she used is just like saying I abused her! A ridiculous and baseless accusation considering the three days she worked for me, eh ni hindi ko siya halos nakita nor nakausap. The two other maids, one of which was hired a day before her, can attest to this na ni hindi ko pa nga siya napagalitan. I was either out for an errand or I was holed up in my room because of my migraine attack (the whole Friday afternoon and evening). I told her aunt, the yaya should better get her story straight cause if not I will sue her for libel!

yay! na experience ko din ang ganito before. Ginawa ko tinawagan ko si ex hosehelp na nakauwi na sa province and told her, kung minaltrato ko sya bakit wala syang pasa? hinamon ko syang magpamedical at magdemanda kung hindi ako magdedemanda sa kanya. Di maganda ang nagbibintang ng walang ebidensya, idedemanda ko sya  ng paninirang puri at pwede syang makulong, sabi ko. Natakot si ex hh at dineny nya na may sinabi daw syang ganun. Kaloka akala nya siguro panalo sya sa mga tao pag imbento sya ng kwento.

snowberry

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #241 on: June 11, 2014, 08:24:31 pm »
Oh my, yan ang worry ko these days kasi palalayasin ko ang maid ko because nahuli ng kapitbahay na nagpapasok ng lalki ng madaling araw . May pagaka sinungaling at "script writer" ang maid na ito, so baka baligtarin ako at sabihing minaltrato ko siya.  Gusto ko sana siya papirmahin pero paano ko ba ilalagay iyan sa quit claim. Or, kung payag si neighbor na mag witness na maayos ang kalagayan nya ng umalis sa amin


Sakit talaga sa ulo , kung pwede lang sanang may robot na lang na pwedeng i program ang househelp.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #242 on: June 13, 2014, 02:11:56 am »
Yaya ng niece ko namimihasa ng todo! Porket binibigyan siya ng kung ano kinakain namin, eto siya kanina, pag alis ng bisita at niligpit ang meryenda sa table .. " wow!ano ito?! PAHINGI!!" Sabay kuha ng spoon niya at dakot sa mango bravo! Grrr!!  Ang tigas ng mukha ng matandang yun!!   Tapos, she kisses my nephew sa cheeks! Kadiri!! ( nag fla flashback mga nakakadiring habits niya sa akin.. Himas himas tyan after kumain, dighay ng dighay.. At talagang special mention pa na nag pupu siya!) sarap sabihan ng keep your lips to yourself, dont kiss my nephew!!" Mahirap sa matandang yaya feeling niya na may karapatan siya sa lahat! Na feeling lola siya ng alaga niya. At feeling anak niya mga amo niya. Pag sabihan ba sila SIL at kuya ko " wag mo sanayin si nate mag laro ng ipad habang kumakain!" As if naman dinner! Mani lang kinakain.The way she speaks kasi.. Bastos!SIL asked her son " you want to drink zesto?" Sumagot si tanda! " UMINOM NA NGA YAN!" Sarap tampalin bunganga! And she refers her alaga as " baby ko" even if the mommy of the kid is there! The nerve!!  Pwede ba!! Alaga mo siya. Di mo anak yan! At lalong di ka namin gusto maging kapamilya!!
« Last Edit: June 13, 2014, 02:23:39 am by hazelbrown_eyes27 »

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #243 on: June 13, 2014, 03:58:15 pm »
nakakainis kasi kasama ko siya sa mall kahapon ang bagal maglakad..dumoble katawan after manganak,ayun di maglakad ng mabilis iwan ko nga,aabutan kami ng ulan ang bagal talaga..tapos yung binibili kong breakfast ayaw kainin,gusto palagi kanin at ulam,eh sayang yung ulam pansin ko malakas siya kumain compared sa dati niyang style..pwede pa namin idagdag sa pang ulam yung tira,siya kumakain tapos yung tinapay na binili ko may kasama pa spread,coffee at energy drink ayaw kasi gusto kanin..paano ba gagawin ko?

napaka lakas kumain ng kanin di naman pagod dahil small condo tirahan namin ako pa nga luto ng ulam namin eh,washing machine pa gamit sa paglaba tapos parang lagi siya gutom..mahal po ng bigas..ngayon 3 cups of rice sinaing for lunch,sila lang ni hubby at 3 yr old daughter kumain since diet ako,konti pa nga nakain ni hubby kasi ulam namin gulay,naku siya 2 plato na kain..ayon magsasaing na naman kami.. kakabalik lang niya after 2 yrs,3rd day niya dito umaasa siya papautangin ko siya dahil nasa ospital asawa niya..ano ba yan..tama lang po ba mainis ako dahil kwento siya ng kwento ng problema niya?nakikisama naman ako mga sis,kaso ang hirap nung problema niya dala niya dito nakaka damay po minsan..yung sa agkain palagi ng madaming kanin,ano ba ginagawa niyo?.sabi niya nga,bilin daw ng asawa niya kumain siya ng madami..gusto ko po sana sagutin na di naman catering yung pag trabahohan niya kaya wag parang fiesta sa kanin at ulam..

snowberry

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #244 on: June 14, 2014, 02:21:19 pm »
^ natawa naman ako sa "di naman catering pinagtatrabahuhan ". Akala ko ako lang nakakapansin na malakas sila kumain. Siguro intindihin natin na ngayon lang din siguro sila nakakatikim ng  masasarap na pagkain.Yung maid ko before nadoble katawan after ilang months lang. Umuwi siya nung namatay brod niyaat  sabi ng asawa nya sa kanya muntik ka nang di magkasya sa traysikel at sinabihan siya na baka di na siya kumasya sa barko sa susunod  lols. Sa amin pa naman , kapag konti na lang ulam  at matitira pa ay ipinapaubos ko sa maid kasi ayaw kong itatago pa kung isang pirasong manok lang naman. Pero nung napalitan yun maid ng medyo mahinang kumain, susko  doon ko narealize yung laking natipid ko sa expense sa food.

Ang sister ko before nag advise na ibukod kaagad sa isang tasa ang ulam ng maid , kung baga tasado ulam. One time, nag try kami mag diet mag iina, so bilin namin ilagay sa  cup lahat ng rice na ihahain para half cup each . Nakigaya siya at hanggang one cup lang siya.  Try mo ganun gawin , para hindi unli rice . Pwede rin catering pero kung baga ay controlled buffet lang hehhe/

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #245 on: June 16, 2014, 02:49:45 pm »
 i was supposed to increase their salary, pero parang di ko muna itutuloy dahil naiinis ako..may namatay silang relative at nagpaalam silang uuwi ng sabay sa friday at babalik ng sunday evening...i know unforeseen circumstance naman, pero di naman immediate family yung namatay so sana lang isa lang sa kanila as representative ang umuwi..super hirap kasi on our part na walang matira na helper since i have 2 young kids, tapos si hubby may work pa din kahit weekend so ako lang matitira sa house with the kids..at dagdag pa sa inis ko na they have used up their vacation leaves na nung nakaraang uwi nila para maki-piyesta, tapos ngayon uuwi na naman..and yesterday may gana pa sila to take their day off, eh sana since uuwi naman sila next weekend eh di na sila nag-day off para ma-off set yung days na wala sila..ayun, i-cancel ko na lang muna ang plan ko mag-increase sa kanila >:(

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #246 on: June 16, 2014, 06:30:14 pm »
sis snowberry grabe naman kasi sis,3 cup sinaing niya for lunch lang,sobrang konti ng natitira. gusto niya from breakfast to dinner madaming rice,pinagbigyan ko naman kaso napansin ko kakabili ko lang ng 3 kilos of rice halos paubos na. sabi ko nga baka may amag na yung 1 balot ng tasty na di niya pinapansin.


ito naman ang ginawa niya lately..2 weeks mula nung bumalik siya nung 3rd day balak ng bumale ng 2k,ang nakakainis lang sinabi niya pala agad sa asawa niya na sure siya na papahiramin namin siya,di man lang nagtanong kung pwede since kakabalik lang niya after 2 years 8) since nag backout humiram dahil nahiya,ayun nga 1 month mawawala dahil maysakit asawa niya,umalis kahapon,kabilin-bilinan ko sa kanya eversince nag trabaho siya sa akin na everytime na babale siya wag niya kong bigyan ng within the day notice o yun bang gagamitin na agad madalian mo hihiramin..di naman kasi kami rich,sakto lang saka nag ipon talaga ako ngayon mag school na anak ko   :-\ ayun kahapon kung kelan paalis saka nag assume na may mahihram na 2k,gusto ko sana mainis kaso pinigil ko lang dahil kelangan makisama sa kanya para bumalik pa after 1 month pag na operahan na asawa niya..alam ko naman kelangan ng pera nila kaso sana magpaalam siya wag ako biglain na parang holdaper lang na maglalabas ako ng 2k pag sinabi niya..

dapat ko rin ba siyang pagsabihan? lagi kasi kwento ng kwento dito ng problemang personal,minsan nakaka damay,kahit na ayaw mo makarinig ng nega,makakarinig ka ng kung ano-anong problema na dapat di mo na iniisip kasi may sarili ka rin problema na di mo ma solusyonan  ::) parang shismisan kasi nangyayari pag ganun kaya hindi ko na siya masyado sinasagot pag ganyan..pinapakisamahan ko naman mga sis kaya lang di po ba imagine mo naman kung lagi niya dadalin sa trabaho niya yung mga problema niya,nakakadamay in sa isip ko minsan yung mga personal niyang problema na dapat di na niya sa akin kinkwento...

snowberry

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #247 on: June 16, 2014, 09:03:39 pm »
^May naging maid din ako na  puro kanin at ulam din lang ang gustong kainin , eh kami pa naman minsan cereals , oatmeal o hotcake  ,solve na breakfast.  MAlay ko naman na gusto pala nya fried rice sa umaga at alangan naman ipaghanda ko siya ng ulam araw araw. Noong umalis, yun daw ang dahilan na sinabi dun sa nagpasok ,yung hindi kami nag kakanin sa umaga.

Sa pangungutang naman , may pagkaganyan din maid ko pero natuto na rin ako . Halimbawa, umuutang ng 2K, 1k ang ibibigay ko . Napansin ko kasi feeling nya anytime may limpak limpak na salapi ako sa bahay at anytime nga eh available  . Nakakairita talaga sis, hindi  kaya nila naiisip na may pangangailangan din tayo at yung pera ay hindi naka reserve para sa kanila. Pero let us admit it , sa hirap kumuha ng matinong maid, we are held hostage din kaya kahit ayaw mo , napipilitan kang pagbigyan .Sabi ko nga kung may mabibili lang na robot na pwedeng i program para hindi na kailangan makisama sa maid.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #248 on: June 18, 2014, 07:15:34 pm »
Same yaya na pinaghahalo ang magkaibang ulam ( leftovers) para may food pa kinabukasan.. Or for example sinigang and tinola.. Tapos ang tinola, wala ng sabaw.. At sinigang.. Marami pa.. Isasalin ang 2 magkaibang food as one ( kaning baboy?!) pagkain ng aso?!)) ilang beses na siya sinabihan... Ganun pa rin!  Tapos pinag pipilitan niya kainin namin..." Sige na!! Kainin niyo na.. Ulam pa rin yan!" Grrrr!! Di kami sanay kumain ng mala kaning baboy na pagkain.. Ikaw na lang kumain ng style mo.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #249 on: June 28, 2014, 11:01:03 pm »
Kanina sa isang farm na pinuntahan namin, mega comment si yaya. Ang sarap ng patulan!  Iniiwasan ko na nga na may mapansin pa sa kanya. Pero sadyang, super ma comment si yaya! Kahit di naman tinatanong ang opinion niya.. As if kailangan laging alam ng tao ang opinion niya. Tatahimik lang ako dahil cheap if pumatol sa katulong.. Pero nakaka tuyo ng dugo! Feeling amo. Major effort talaga na wag siyang ilublob sa putikan kung saan nag tatampisaw ang kalabaw!

magno4

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #250 on: June 29, 2014, 10:15:50 am »
 ;D ;D ;D


yung nag kakanda paso kana pag kuha ng mga luto pag kain e sha pa nauuna umupo sa lamesa..daig pa amo e.

fxy111

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #251 on: June 30, 2014, 06:29:40 pm »
mag jogging sa village ng 8pm tapos umuwi ng 5am, yun pala nakipag inuman sa "friends nya na girl" hindi nya daw maiwasan tumanggi tpaos yung kasama niya naman may pinapasok na na driver ng kapi bahay sa house nahuli lang ng sister ko. ka highblood.

ieiky

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #252 on: July 11, 2014, 03:29:20 pm »
lagi siyang nagpapa-alam mag off simula nung umuwi from province asawa niya. friday ng hapon till monday morning??? iniaasa niya porke't tatay tatayan ang turing ng son ko sa nag d-drive sa amin. :(


super bratinella

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #253 on: July 12, 2014, 08:41:52 am »
Our yayey, nagsaing tapos hindi nagpaalam na lalabas para magpaload, paglabas namin ng room, sunog ang sinaing.

Pagdating niya bungnga ko hinarap niya:

Me : Alam mo na may sinasaing ka nung lumabas ka?
Yayey : Opo

Me: May binilinan ka ba nung lumabas ka na may sinasaing ka?
Yayey: Wala po

Me: Malakas na sigaw habang nangangaral..

Naiinis ako kasi hindi ako kumakain ng kanin (going to 6years) pero pagnagsaing ako make sure ko talaga na walang tutong or hindi sunog. Sabi ko kung huwag ko kayo pakainin lahat ng kanin dito ako hindi kumakain ng kanin kaya ko, tignan ko lang kung kayanin nyo. Ang mahal ng bigas tapos susunugin lang..ggrrrr

iska-hazel

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #254 on: July 13, 2014, 06:23:37 am »
yung binuhat niya si baby na balikat alng ang inangat nya, hay! sobrang  nabadtrip talaga ako kasi kaharap nya ako nung binuhat nya si baby! ano yung toy doll, aangat mo lang na walang support sa katawan! Grrrrrrr

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #255 on: July 29, 2014, 07:04:05 am »
lagi na lang gusto breakfast kanin saka yung tirang ulam na pwede pa idagdag sa lunch namin,meron na naman siya breakfast dami pagpilian pancit canton,noodles bread saka may cheesewhiz pa saka coffee at juice..kakaasar lang 2 cups of rice ang sinaing,may naka sapaw na 1 mangkok na punong puno yun nauubos niya every meal..di naman sa madamot pero grabe sa kanin..tumataba tuloy lalo kaya ang bagal niya maglakad pag kasama namin naiiwan talaga siya  ::) 6:30 am na nakahiga pa, kahapon naman 6:30pm tulog pa kundi pa gisingin di magising para mag saing tapos talagang kahit halos 7pm na aba nag meryenda pa lapit na mag dinner.so balik na naman ako sa pagiging strict kelangan ko sabihin na yung tirang ulam sa gabi idagdag namin sa lunch dahil pag di ko sinabi kainin niya lahat sa umaga,pati yung 2 slices of Pizza na kakainin ng hubby ko porque di ko naibilin kinain rin kakainis lang lagi pa sinasabi na bilin ng asawa niya kumain siya ng kumain ano ba akala niya nasa Buffet siya.

kumikosan_9

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #256 on: August 01, 2014, 03:14:23 pm »
Naku, nagsasalita mag isa yung nakuha naming yaya ng pamangkin ko. Sayang nga kasi magaling maglinis ng bahay, palangiti at tahimik lang siya (except nga yung sarili nya ang kinakausap niya). And nandun na sana yung totolerate na lang sana kahit ganun sya, kaso, mali mali yung info na sinasagot nya pag tinatanong siya. Example yung sa pagsara ng pinto, sabi niya nasara na daw niya. When we checked, bukas pa. So there's that fear na baka hindi siya reliable sa mga importanteng bagay like pagoff ng kalan at ng gas.  :(

Yung pag sasalita nya mag isa, i think she is aware. malamang may nakapagsabi na sa kanya before. kasi pag napansin nya na nahuhuli sya whispering by herself, she immediately clams up and bites her lip. nakakaawa din sya. i wonder bakit sya nag kaganun. she must have been traumatized before. sigh!
« Last Edit: August 01, 2014, 03:17:22 pm by kumikosan_9 »

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #257 on: August 01, 2014, 04:09:09 pm »
Si yaya, pumaparaan. Kunyari ipapakain sa alaga. pero ang totoo, siya yung gusto kumain. Kukuha ng pagkain, babalatan.. Iaalok  kunyari sa alaga niya..pero alam niya di gusto ng alaga niya." Ay, ayaw! " sabay susubo niya sa sarili. Walang tigil sa pag kain.. Parang Patay gutom. After maubos ang isang saba na saging, kuha na naman siya.. " aalukin na naman ang alaga" tapos sasabihin na naman " ay! Ayaw!" Kakainin na naman. Kung alam na niyang nung una pa lang ayaw na. Bakit pa siya mag aalok sa pangalawang beses? Malamang! Ayaw pa rin. Kaya di maka akyat ng hagdanan.. Ang BIGAT NG KATAWAN! Lamon ng Lamon!

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #258 on: August 01, 2014, 09:40:18 pm »
nakakapikon naman si hh maghihirap kami sa lakas niya kumain ng kanin.nag iisip na ako kung ipag bukod ko siya ng murang bigas para matuto mag budget.napansin ko wala sa sa lugar kung kumain laging kanin ang gusto paano naman yung budget namin..pinalagpas ko na nitong June last month kakabalik lang niya sa amin naisip ko baka gutom,kaso ngayon di naman siya gutom kasi kung ano pagkain namin ganun sa kanya,nagkaiba lang kami sa snacks..kagabi may natira sa ref na kanin siguro 3 cups of rice yon,so expect ko kaninang umaga nakasapaw yon sa bagong sinaing kaso nawala na..ginawang breakfast lahat yung 3 cup ng kanin..nung Lunch na,ang sinaing 3 cups of rice na naman..half cup kinain ko since on diet ako,si baby half cup at si hubby 1 cup so andami natira,nakita ko pa nitong hapon kaya nga sabi ko sa kanya 1 baso lang i-saing niya kasi sobrang dami ng tira..aba nitong gabi kakain ako nawala lahat yung kalahating kalderong kanin kanina tanghali..grabe talaga  >:( napaka takaw naman..

biruin mo nag meryenda ng 5pm ng Bibingka isang plato,ang dami ng kinain niya,tapos nitong gabi yung kalahating kaldero ng sinaing na 3 cups kaninang lunch naubos niya  ::) kaya pataba siya ng pataba tapos ang bilis maubos ng bigas..yung mga tirang ulam na pwede pa idagdag sa tanghali tinitira niya sa umaga di man lang nahiya sa katakawan niya parang di pinapakain ng maayos..o-obserbahan ko pag tumagal ilang days na ganyan ibibili ko siya ng murang bigas bahala siya..magkano rina ang bigas 45-50php per kilo 2 days lang sa amin ang 2 kilo..grabeng takaw talaga mabait naman siya kaya lang ang sa akin sana di naman ganun kasi kagaya ngayon imbis na makakain rin ako wala na ako makain kasi yung 1 baso naghati pa asawa at anak ko..hay naku kakapikon sa katakawan..


ito pa pahabol..nag meryenda yung anak ko kanina ng gardenia since kaunti nga ang nakain na kanin,nag tinapay siya at gusto niya yung Ube Flavor na tasty,eh may halong ilang slices ng cheese flavor yung bread,aba hinihingi kanya na lang raw yung cheese..grabe talaga di makuntento may sarili naman siyang pagkain hihingiin pa pati pagkain ng anak ko,lobo na katawan niya ewan ko kung magkasya nga sila ng anak ko sa likod ng sasakyan nakahiga pa naman anak ko sa likod kasi nahilo pag nakaupo..
« Last Edit: August 01, 2014, 09:44:24 pm by mama7 »

sonia62

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #259 on: August 03, 2014, 07:46:55 am »
^kumikosan_9 kakatakot naman nagsasalita mag-isa. May iba ata talagang ganyan pero si mil dati may hh madalas magsalita mag-isa yun pala nagsisimula ng mabaliw. Once kinonfront ni mil kasi minsan kung anuano sinasabi and dumating sa point na di nagkakakain, di nagtututulog. Sabi ni mil 'sino may sabi sa yo nyan' ang sagot eh, sila po. [textspeak!] ni mil sinong sila? Yung mga tao daw naririnig nya pero di nya nakikita. Naku pinahatid ni mil dun sa isa nilang kasambahay sa mga kaibigan na tinutuluyan dito sa manila at pinadala sa mental. Tapos nabalitaan namin after ilang months namatay kasi dumating sa point na d na kumakain at di na naturulog talaga. Naalala ko lang dun sa kwento mo. Tapos nagkaron ako ng hh ganyan pag naglilinis nagsasalita mag-isa minsan inobserve ko talaga kasi baka mamya may sign na pala na nababaliw eh mahirap na. Dati iniignore ko lang pero mula nung nangyari sa hh ni mil observant na ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close