watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105672 times)

sleepy_grfld

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #220 on: March 17, 2014, 02:28:28 pm »
for 3 consecutive weeks, nagpapaalam ang yaya ng baby ko na makikilamay sa namatay niyang kamag-anak. saturday night, nagpaalam siya sa husband ko na makikipaglibing ng sunday. hindi kumibo ang asawa ko. sunday ng 1pm, nagpaalam na aalis lang daw saglit at babalik din ng 5pm. pinayagan ng asawa ko. dumating ang 5pm, wala siya. past 8pm, tinanong nga kami ng kasambahay namin na pinsan din ni yaya kung anong oras siya darating. sabi ko, 5 ang sabi niya. hindi siya kumibo. hindi namin alam kung anong oras siya dumating.

naiinis na ako sa kanya kasi lagi niyang ginagawa na magsasabi ng oras o araw na darating pero hindi naman. nung last time nga, kahit i-text o tawagan pa namin, hindi sumasagot. mula nun, hindi ko na kinausap (maliban na lang pag may bilin ako) kaya nga kay hubby na siya nagsasabi/nagpapaalam. tapos ginawa na naman niya. wala naman siyang paalam na hindi namin pinayagan. (maliban nung saturday ng hapon). pag dumadating pa siya, wala siyang kibo. ni hindi marunong mag-sorry.

gusto ko na siya paalisin pero ayaw ni MIL. mahirap daw kumuha ng kapalit. pagsabihan lang daw. e ilang beses ba dapat pagsabihan? hay.. 

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #221 on: March 17, 2014, 05:52:45 pm »
eto na naman, piyesta na naman sa kanila...as usual, nagpaalam na uuwi para maki-piyesta...susme, di ko talaga ma-gets bakit sobrang big deal sa kanila ang piyesta >:(

london

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #222 on: March 22, 2014, 03:49:30 pm »
^ nasa province ako sis and big deal talaga sa kanila ang fiesta. nag start nung march 17 ang fiesta fiesta na yan dito. kahit kami apektado, both employees sa business and mga kasambahay. kaya ang rule ko, di ako nagha hire from same barrio. kung sino ang taga run sa lugar na yun, siya ang priority na mag absent.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #223 on: March 24, 2014, 07:34:28 am »
ok lang naman sana kung gusto nila maki-fiesta, kaso naman 5 days ang paalam, talagang ganun katagal dapat? tapos ayan, inabutan pa ng bad weather so di makabalik, 8th day na today na wala sya...sa probinsya din naman ako lumaki pero di naman ganun ka-big deal sa amin ang fiesta kaya nagtataka ako bakit ganito sa kanila

london

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #224 on: March 24, 2014, 07:58:21 am »
^ dito sa "bayan", di na rin big deal yan. kami nga di naghahanda eversince. pero dun sa mga barrio barrio pa, grabe. yung cook nga namin, paalam is 1month. to think 1.5hrs away lang naman yung lugar niya dito sa min. sinabay na niya kasi recognition, graduation,may mga uuwing kamag-anak para sa fiesta, etc. etc. you should see the volume ng mga taong umuuwi pag fiesta. sobrang punuan ang mga jeep haha kumbaga andun ang ganap so dapat andun din sila. pag ordianry days daw kasi wala namang tao, kasi nga lahat nasa ibang lugar nagtatrabaho. pagkatapos niyan balik na naman sa work kasi mga wala ng pera, naubos na sa fiesta.

isa pa yang 4Ps na yan. medyo naging negative tingin ko dito kasi napansin ko na naging tamad tuloy mga tao kasi umaasa na lang dito lalo na kung madming anak na covered. dati sa mga barrio, dun galling ang gulay tapos dinadala sa bayan. pero ngayon from bayan dinadala na sa barrios. wala na kasing nagtatanim. OT na to hahaha

evilwoman

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #225 on: March 24, 2014, 02:12:44 pm »
2nd day pa lang uuwi na.naiinip daw sa amin.matapos nyang gamitin ang bath towel ko paliligo kahapon,wala naman nagreact.binigyan lang ng new towel ni mister ko e ganito pa gagawin nya.wala sa usapan na habang nagwwork sya dito e ientertain ko sya.lols

sistah!

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #226 on: March 25, 2014, 01:49:38 pm »
biglang nagsabi na uuwi na daw sya sa end of the month. syempre naloka ako kasi ang hirap maghanap ng kapalit, at hindi rin ako pwede mag absent sa work ng basta basta. the next day, sabi naman nagbago na daw ang isip at magstay na daw sya ulit. ayoko lang ng biglang alis, pero ayoko din ng Malabo kausap dahil kailangan ko rin magbigay ng notice sa agency kung kelan ko need ng maid.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #227 on: April 19, 2014, 04:36:14 pm »
Ang hirap talaga pag masyado na kampante sayo. Dati hindi marunong magtext, aba nung nabigyan ng cellphone, at nasanay na, oras oras - I swear, oras-oras, nasa cellphone. Tapos lately, parang lagi nang nabibingi (malamang dahil sa kaka-cellphone). Ilang beses mo kailangan sabihin yung pinapagawa mo bago kumilos.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #228 on: April 23, 2014, 02:25:50 pm »
I got a yaya last Saturday and asked her to leave on Monday. Anak sya ng cousin ko na taga-province so mejo hopeful ako nung una. Sunday, maghapon nakahiga dahil masakit daw tummy nya. Fine, wala naman kame sa house almost the entire day. Pag uwi namin, in-ask ako kung kelan nya aayusin yung 'pang school' nya. Nagtaka naman ako so I clarified. Sabe daw kase ng papa nya pag-aaralin ko daw sya. Nakakaloka at na-highblood ako. Sabe nya hinde daw sya sanay mag-alaga ng bata. Sagot ko 'ineng, ang hanap ko yaya, hinde scholar. umuwi ka na bukas ng umaga.'

jhandee

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #229 on: April 23, 2014, 10:51:56 pm »
yung officemate ko everyday kwento ng kwento tungkol sa yaya nyang walang urbanidad. Pati kami na ka team nya na stress na din. 16 yrs old lang galing province at first time talaga sa Manila. Hindi nag nanapkin pag meron  ;D kadirs!

ann08

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #230 on: April 25, 2014, 01:36:27 am »
Yung maid na may itsura at maputi na ayaw mag bumili or lumabas kapag maaraw lie 12nn to 3pm.
At ayaw nya mag dala ng plastic laging naka paper bag dapat.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #231 on: May 14, 2014, 01:48:32 pm »
Yung yaya ng pamangkin ko na may edad na na diring diri ako sa pinag gagagawa. Susubuan niya alaga niya, tapos pag ayaw ng isang part na sinama sa food ng baby, susubo niya sa sarili niya, tapos sabay balik sa pagsubo sa alaga. KADIRI!! I dont even know why she doesnt use the spoon! Kung kakain siya, sige! Go!! Magkamay siya! Pero para pakainin niya 1 year old na alaga niya by kamay?! Eww!!

AVIDGOLFER

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #232 on: May 16, 2014, 04:06:47 pm »
I got a yaya last Saturday and asked her to leave on Monday. Anak sya ng cousin ko na taga-province so mejo hopeful ako nung una. Sunday, maghapon nakahiga dahil masakit daw tummy nya. Fine, wala naman kame sa house almost the entire day. Pag uwi namin, in-ask ako kung kelan nya aayusin yung 'pang school' nya. Nagtaka naman ako so I clarified. Sabe daw kase ng papa nya pag-aaralin ko daw sya. Nakakaloka at na-highblood ako. Sabe nya hinde daw sya sanay mag-alaga ng bata. Sagot ko 'ineng, ang hanap ko yaya, hinde scholar. umuwi ka na bukas ng umaga.'
hahahahahahahahahaha katawa naman tong yaya mo ......

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #233 on: May 19, 2014, 05:00:58 pm »
Hello.... I have something to share about my sons ex yaya.

So here's what happened... We moved to a new condo last month. Both me and happy works at night so si yaya lang and yung anak ko sa condo sa gabi. My son is 4 years old and lately I noticed na madami siyang requests sa amin. At first we were annoyed pa kasi iyak ng iyak. Ayaw niya kaming paalisin. Then, after 3 days we decided na iuwi na muna siya sa in laws ko with the yaya. We just want to know what will happen. Then we noticed na um ok siya. Kasi andun Lolot Lola niya and Tita and cousin.

My husband and I talked and decided na paalisin nalang yung yaya. As a mother, may something akong nararamdaman na hindi ko gusto. That weekend we went to my in laws house. Alam namin na medyo relaxed na yung anak namin and we decided to talk to him.

I was the first one to talk to him and nagulat ako nung sinabi niya na one time daw kinulong sya sa banyo kasi ayaw niya kumain. And pinatayan siya ng ilaw. Naisip ko, baka siguro ayaw ng anak k na matulog ng patay ang ilaw,. And ayaw din niya na yaya niya nagpapaligo sa kanya and ayaw niyang nag wo work kami.

I feel bad. Gustong gusto kong sabunutan yung yaya ko pero sabi ni hubby e siya na daw kakausap. Alam kasi niya pano ako magalit pero for some reason, nung time na yun, pinakalma ko muna sarili ko.

Natatakot ako na baka balikan niya anak ko. Na baka lalo pa niyang saktan. So we decided na paalisin na talaga. Hindi ko na siya kinausap. Si husband nalang kumausap sa kanya pero hindi din naman inamin syempre.

I don't know. Nagsisisi ako na hindi ko siya nasampal manlang. Pero iniisip ko nalang na inalagaan din naman siya anak for 1 year and karma na sa kanya yung mga ginawa niya. I still gave her sweldo and additional pa. Hinatid ko pa. Para lang masigurado na hindi na siya babalik.

Naisip ko, imbes na saktan k siya or murahin, mag concentrate nalang ako sa pag aalaga ng anak ko. Bawi nalang ako sa kanya and Ill make sure na mawala na yung trauma. :(

Feeling ko ang sama kong nanay kasi hindi ko naipagtanggol ang anak ko. Or hindi ko manlang nasaktan yung tao kapalit nung ginawa niya sa anak ko. Pero sabi ni hubby dahil may kasambahay law na daw e baka mapano pako pag ginaawa ko yun. :(

anne211

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #234 on: May 22, 2014, 03:16:16 pm »
@kiz_me1109 - same thing happened to me too...pero si yaya nagnakaw ng pera ng sister ko at earphone ng niece ko (on different occasions, when we were at my parents' house)...we didn't confront her also because she's left with my 2 year son when me and hubby are at work...

takot din kami na baka kung anong gawin nya sa anak namin so we also decided to let her go...ang reason namin e nakahanap na kami ng bagong yaya (kasi she said that she will go home in December at hindi na babalik), na kesyo ayaw ko nang mag-antay pa ng december to look for another yaya, since may available na ngayon, kukunin na namin...

gustung-gusto ko nang i-confront pero di ko rin magawa...naiinis ako dahil sobrang bait namin sa kanya tapos nagawa pa nyang magnakaw...it's not like hirap ang pamilya nya sa probinsya dahil di naman sya nagpapadala sa kanila, lahat ng sweldo nya, kanya lang...

anyway, what's important is nalaman nyo habang maaga na ganun ginagawa nya sa anak nyo...mahirap talaga pag both are working at si yaya at anak lang ang naiiwan sa bahay...siguro next time, teach your son to tell you everything para alam nyo nangyayari sa kanya pag wala kayo...good luck sa next yaya nyo :)

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #235 on: May 26, 2014, 05:41:16 pm »
^ Hello. We have a new yaya now. Pero we told her na kasambahay na muna ang role niya. We are not yet ready na iwan sa kanya yung anak namin. Good thing my MIL offered na dito na muna sa condo matulog sa gabi para tabihan anak ko.

I still have nightmares kasi nagsisisi ako na hindi ko manlang na confront yung yaya before namin siya pinalayas. It was only my husband who told him what we knew and pinaalis na agad siya that same day. The next few days pa talaga nag sink in sakin lahat ng nangyari. Parang ang nasa isip ko nalang nung time na yun is makaalis na siya sa paningin naming lahat. She also knows our daily routine so kahit hindi na siya nag wo work samin e nakakatakot parin..

Sana, darating ang time na maka move on kaming lahat sa nangyari...

super bratinella

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #236 on: May 28, 2014, 04:37:08 am »
^Don't blame yourself sis. Ok na rin at hindi mo nasaktan ang yaya mo kasi ikaw na rin nagsabi na iba ka magalit baka kung ano pa nagawa mo, nasa katwiran ka na at pinakita mo may pinagaralan ka at na handle mo ang situation calmly so let it be. Baka ikaw pa ang nawala sa katwiran kung nasaktan mo ang ex yaya mo. Just pray hard to let go of your ill feelings towards your yaya. Let Go and Let God!

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #237 on: May 29, 2014, 11:47:30 pm »
^^ Thank you sis. :) Feeling ko nga ako yung na trauma for what happened. I really wish everything will be ok soon. :)

hazelnutduchess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #238 on: June 08, 2014, 06:04:46 pm »
jusko po, maraming salamat at natagpuan ko ang thread na ito.

My dad's a single parent (mom died of a long illness na) and so i'm the de-facto lady of the house. Dad's a typical guy - pays the maid, instructs here and there, pero hindi naman talaga invested o nakatutok sa activities. Ako ang lagi sumasakit ang ulo. Papalit palit kami ng maid. Mga 3 in a year. Mas nakakstress since I moved back in from college (med school na ako ngayon). At least ngayon meron na akong vevent-an na lugar.

Today: I cooked some chicken kahapon na required ang sprite. Pinabili ko sa kapitbahay, yung maliit na bote lang. Maliit pa sa 12oz. Mga 3 tbsp. lang nagamit ko so sabi ko itabi. Pagkatapos namin kumain, nagtanong if iinumin na daw niya yung Sprite (siguro dahil akala niya tapos na) and sabi ko, "itabi mo na lang, iinumin namin bukas." Today, nakita ko na kalahati na lang yung bote. I asked my dad and sister if sila yung uminom. Hindi raw. O edi si inday na lang yung natitira.

Yung akin, sprite lang yan. Mura lang yan. Ok lang sanang inumin niya dahil alangan ipagkait pa namin yung sprite sa katulong. Ang kaso, sinabi ko na kagabi na iinumin namin yan today. Bakit uminom pa rin? NAKAKAIRITA.

Ang nakakainis pa, hindi ko mapagsabihan kasi parang napaka-petty nga naman. Parang ang laking hassle at kaguluhan pa na sabihin ko all these things vs. yung kaliitan nung act.

p.s. main problem ko talaga sa katulong yang puslit ng puslit ng mga bagay na akala nila hindi nahahalata ng ma'am at sir nila. Konting conditioner dito, konting pabango diyan. I notice tapos iddeny nila.
« Last Edit: June 08, 2014, 06:08:01 pm by hazelnutduchess »

anne211

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #239 on: June 10, 2014, 12:13:34 pm »
hazelnutduchess - pag inulit pa, tsaka mo na lang pagsabihan...pero yung puslit ng puslit e delikado yan, dyan nag-umpisa yung yaya ko dati, nangunguha ng mga little things hanggang naging greedy, palaki ng palaki ang kinukuha, ingat ka sa ganun...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close