watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105577 times)

Kady_14

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #140 on: October 16, 2013, 06:03:58 pm »
Me maid din kami dati. Sabi ng MIL ko o, kainin mo na tong tinapay, galing ata sa French baker. Eh parang expired na ata mga 2 days na. Sabi ko ay Ate (older siya sa akin)  wag na expired na yan. Nun umalis na siya sa amin yan ang chinichismis nya na pinapakain siya ng expired sa amin. Kung maka kwento akala mo pang tagalog movies na kinakawawa at sapilitang pinapasak sa bibig nya ang expired na pagkain.

Hay naku, nakakastress.

lisse

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #141 on: October 16, 2013, 11:45:42 pm »
Pansin ko lang, nung maliliit pa kami hindi hirap makahanap ng helper and yaya sina mommy. sa buong childhood ata namin naka 2 yaya at helper na palit lang kami. until now naaalala ko pa names nila. hindi sila naging sakit ng ulo nina mommy. pero ngayon, jusko! hindi na tumatagal ng 1 month samin (me and hubby) yung mga helpers. naka 2 palit din kami nung andyan pa kami in a span of 3 months. wala naman ako maisip na valid reason at ayaw na nila. yung asking sweldo nila tinawaran ko lang ng 200 pesos ok lang naman daw basta after 6 months may increase. hindi din iba ang pagkain nila minsan nga sabay pa sila samin kumain eh as in sa dining table talaga. nagpaalam na lang isang araw na uuwi na daw. kaya minsan hindi mo mapigilan maging snob sa kanila eh kasi naman parang sila dapat lagi ang iniintindi. kaya nga helper eh, kasi need mo ng help. hindi ng isa pang kargo at alagain.

super bratinella

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #142 on: October 17, 2013, 12:15:33 am »
Sabi ng yaya ko magbabakasyon lang pero mismong araw ng balik niya hindi na daw siya pinayagang ng nanay niya bumalik...sana sinabi niya agad para makahanap na ako ng kapalit bago pa siya umalis, kasi naman manloloko pa, may karma..

Kady_14

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #143 on: October 17, 2013, 03:37:48 am »
^ Yun ang nakakainis. Sana wag mag pa asa para makahanap agad ng kapalit.

Joanalpny

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #144 on: October 21, 2013, 10:17:17 am »
Walang tatalo sa ginawa ng maid namin. This maid we got e matagal ko ng kilala, she was my mom's secretary, I think 6 or 7 yrs ago, she got married so umalis n sya as secretary then naghirap sila kasi her husband had this sickness. She was my contact in the province whenever me and my friends were in need of a maid. Then sa Hirap ng buhay sabi Nya nalang daw kunin ko and take note that she had to bring her 8 mo.old daughter with her. Pumayag ako since wala akong Yaya that time and I thought ok sya. When my mom heard that she's with me na she asked kung pwede Nya kunin as caregiver for her husband kasi old na rin sila e. So she got all excited kasi Syempre mas Mataas sweldo Nya dun. Uuwi daw Nya anak Nya pag kinuha n sya ng mom ko. Ako naman ok Lang kasi mag momorning shift na ako so I don't have plans na on hiring another maid because they're added problem for us Lang.

Eventually my mom decided n Hindi Nya nalang kunin yung maid namin so Sinabi ko s maid. Dun na nagsimula as in sinasabi Nya n wala n daw syang gana mag trabaho at uuwi na daw sya so I said ok Lang mag hanap ako ng replacement. Napansin ko nga na sobrang Tamad Nya na. Magulo Lagi bahay, sinasagot sya ng pabalang,Laging tulog s sofa while breast feeding her baby at yung anak ko e 2x in a months time e nagka sakit ng ubot sipon kasi naman d Nya na mo monitor Lagi basa ang likod ng anak ko.

Yesterday while we were eating bfast sabi ko Sknya parang Laging magulo dito s bahay, then she answered, e may bata e (she was pertaining to her baby) so binayaan ko Lang. Then she started picking up things, toys etc so I joked saying o nag ligpit ka ata. Then she answered, po nakakahiya naman sayo e.
Wow, just wow. So I asked bakit Ganyan ka sumagot? Then she started ranting and said she'll leave na, so I said it's ok you can leave now, ibalik m sakin yung 1k na pinamasahe mo. Because that's what we agreed upon and in fact it's in the law na pag Wala pang 6mos. The employer can deduct the fare from salary. E hindi ko na deduct since kaka sweldo Nya palang. She answered bakit may kasatan ba tayo tungkol s pamasahe? Grabe!! I snapped that instant. I said umalis ka na dito, I got all her things cabinet and threw all in the floor. I guess it was my mistake na pinatulan ko pa sya that way, I think natakot sya at sabi nya papa barangay Nya daw ako. Wow Lang ha! So I said to her pack her things and get out, sabi Nya iiwan Lang daw Nya anak Nya sa kapitbahay then she'll go back to pack her things. I said no pack it now pag lumabas ka dito ayaw ko ng babalik kapa. She wanted to get out so I slammed the door so hard dahil ayoko pang pabalik balik sya. Ano yun aalis sya to make chismis at paawa s Labas then balik sya to pack her things no, I said pack your things now! Dahilan Nya bitbit Nya daw anak Nya pano daw sya makakapag pack? Hello! Iniiwan Nya nga Lang anak Nya s floor pag nag huhugas or linis sya tapos ngayon pinapa pack n sya kelangan Nya pang iwan s kapit bahay. Aba e naglumpasay sa sahig at nagsisigaw! Omg I even took her video while Habang nagwawala sya. Na kesyo ginawa nya lahat maglaba maglinis etc. e natural ano b Gagawin Nya samin? Mag bakasyon? Nung nahimasmasan n sya ayun she packed her things while still ranting na kesyo daw masaya sya kahit na wala syang pera, babagsak daw ako and things like that, so I went out and straight to the barangay and filed a complaint. Maya maya she was there na din to file a complaint. Grabe sobrang kapal ng Mukha Nya ayaw pumirma sa kasunduan na aalis syang walang reklamo and all! Gusto nya may hearing pa. Anong rereklamo Nya?na sinabihan ko sya na madumi ang bahay? Wow ha!

Grabe talaga to think na nung nangangailangan sya ng work e I accepted her kahit na may anak sya and yung anak Nya pa e sobrang lakas ng iyak pero pinag tyagaan namin lahat yun. When I went home from the barangay nakita ko d washing machine e mga damit Nya nilabhan. Wow talaga sobrang kapal Lang!

Andun sya sa kapit bahay namin most probly making chismis. Then nun afternoon tumatawag s baba dahil nalimutan daw Nya ID Nya and yung slippers ng anak Nya. Binigay ng husband ko at sabi Nya pasensya na ha. Wow talaga!!!!! High blood to the max ako!! At eto pa tumawag sakin yung husband Nya at nagbabanta na papa dswd daw nila ako! Wow talaga! Sobrang madami akong natulong sakanila. Eto Lang ang maid na Kung sumagot e wagas! I'm thinking of posting her pix s net because for sure mamasukan din to sa iba. Sobra scandalosa talaga!

Kady_14

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #145 on: October 21, 2013, 08:21:28 pm »
^ kumplikado talaga yung me dalang anak. To think na baby pa anak nya. Nagkaroon na din ako ng ganyan yung anak 2 years old na pero napaka alagain pa din. What more yung mas maliit pa dun. Naku ituloy mo yang pag pa barangay wag mo palipasin lang kasi hindi pwedeng pasensyahan na lang.

Joanalpny

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #146 on: October 21, 2013, 08:45:57 pm »
^naka blotter na sya s barangay namin. Hayy now we have a new Yaya Na. Nawalan ng job yung brother ko kaya yung Yaya nila sakin na muna, sa bahay na muna si Kuya to take care of his duaghter. This time bata pa 18 palang at Mukha naman ok.. Lagi text ng text, observe muna ako. I told her Basta inaasikaso Nya daughter ko wag mag text and call. Sumusunod naman.. For now..

Iniisip ko na nga Lang mag work from home e..  Mag business nalang kahit ano. Hayy

super bratinella

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #147 on: October 22, 2013, 12:48:39 am »
^^Grabe naman sis, napalaking escandalo naman at sobrang nakakahigh blood at ikaw pa ang ipapa DSWD ng magasawa, baka kasi naging maginhawa na ang buhay niya at parang nakalimutan na niya maging kasambahay at sila dapat ang magaadjust.

Bago kong yaya, parang laging nagkakasakit or nagtatamad tamaran last day masakit ang dibdbi niya kasi naglinis daw siya ng cr, tapos kahapon masakit daw ulo niya habang nag titiklop ng sinampay, ang hilig pang manood ng tv at once naka turn on na ang tv kahit anong ginagawa niya talaga tutok sa tv.

I am really praying hard for a new "heaven sent" all around housemaid.

Joanalpny

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #148 on: October 22, 2013, 02:10:29 pm »
^ wala na atang ganun sis e. Ewan ha pero lahat na ng style na pakikisama nasubukan ko na, mahigpit, maluwag, walang pakelaman bahala ka Kung ano gawin mo, wala pa dintalaga once napagsabihan mo sila Kung ano dapat gawin e they take it against you pa. Lalo na nung nagka KB e Lalong lumakad loob nila.

Now our new Yaya naman e mukang ok for now pinapabayaan ko manood ng TV sabi ko Lang Basta tapos na Nya trabaho Nya. Alam ko na next episode nito e.. Aabuso naman.

Sana wag naman....

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #149 on: October 23, 2013, 02:17:05 am »
 I have th same problem with my yaya. She's been with us for 6 months pero lahat kailangan pa iutos sa kanya bago niya gawin. I dont know what to do anymore. Gusto ko na siya palitan but Im scared na yung makuha ko e mas worse pa sa kanya.

She wokes up early naman. Cooks breakfast pero puro prito naman. Then, I decided na mag prepare na ng recipe for breakfast. Para hindi naman everyday processed food ang hinahaain sa amin. I told her to cook rice which nasusunod naman niya. Yung paglaba naman ng damit namin e nagagawa naman niya nang hindi na namin kailangan iutos sa kanya.

Pero the rest, kailangan iutos kahit na nasabihan na siya na kailangan niyang gawin yun. Kapag wala kang inuutos sa kanya e nakaupo lang siya. Prinsesa lang ang peg niya...

Mga sis, you think it will help kung kakausapin ko siya just to let her know na hindi ko gusto the [textspeak!] she works?

Joanalpny

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #150 on: October 23, 2013, 08:51:40 am »
^wag muna sis kasi based sa experience e sumasama loob nila pag ganun. Kahit gano pa kaganda pagkakasabi. Try mo naman na isulat sa papel ang schedule Nya for the whole day. May time at Kung ano Gagawin Nya. Minsan kasi mas nagegets nila yung ganun. Plus Hindi ka na effort mag explain kasi andun na lahat. Explain ka Lang one time then sabihin mo pag may questions sya just ask. Pag Hindi Nya pa rin nasunod yang written instructions, try asking her Kung ano mag work sakanya para matandaan Nya lahat ang dapat Nya gawin. Wala n syang excuse nyan kasi nakasulat na lahat pwede Nya balikan pag may nalimutan sya. I post sa ref or sa wall Basta yung makikita Nya palagi. Let me know pag nag work hehe. Kasi dito sa bago kong Yaya na first time ko ginawan ng schedule e nasusunod Nya lahat.so naisip ko din when the time comes na parang di na Nya sinisunod e hint na yun na tinatamad na sya mag trabaho.

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #151 on: October 23, 2013, 08:42:10 pm »
^ Thanks sis. it didn work sa kanya. Last May, nung nag start siya sakin, nakailang sulat ako about sa daily tasks niya. Nakailang revise narin ako. Dagdag bawas na ako sa work niya pero hindi parin niya nasusunod. But lately, napapansin namin na may mga bagay syang ginagawa kahit hindi naman namin inuutos sa kanya. Like kanina, matiyaga niyang tinahi yung cover ng foam namin. I guess we will have to give her a chance kahit na ang tagal niya bago kumilos ng kusa. sana lang talaga e worth it ang chance na ibibigay namin. Wala pa naman kasi kaming nakukuhang kapalit niya e.

Joanalpny

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #152 on: October 23, 2013, 09:10:03 pm »
^baka sis may ibang style sya ng pag trabaho. Minsan din kasi diskarte nila ang gusto nila. Observe ka muna..

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #153 on: October 24, 2013, 05:19:13 am »
^ You have a point. Nakakainis lang kasi na she's been with us for almost 6 months pero feeling namin e nasasayang yung bayad namin sa kanya. Hubby and I are planning na idagdag sa work niya yung pagluto kapag weekends or kapag busy si [textspeak!]. Siya kasi yung nagluluto samin e.

Joanalpny

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #154 on: October 24, 2013, 08:35:28 am »
^ try mo na rin hanap ng kapalit Nya,mahirap kasi pag nasimulan mo ng makakita ng ayaw mo sakanya,  tapos nagpatong patong na. Stressful na pag ganun. Hindi Lang sayo pati sakanya din.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #155 on: November 08, 2013, 08:56:01 am »
Habang tumatagal talaga, tinutubuan ng sungay!

1. Nagiging tsismosa.
2. Slow motion na kumilos. May lag of 3 minutes bago gumalaw or sumagot. Hindi naman pagod dahil halos wala namang ginagawa dito sa bahay.
3. Nauubusan ng common sense! Grrrr.....
4. Daming reklamo.


The other day sobrang uminit ulo ko, I was planning to head out to get groceries, and ipasyal na din my daughter dahil last day na ng school break nila. So sabi ko kay yaya, samahan kami kasi commute lang ako, madaming bitbit, and para time-efficient na din. Ang sabi ni madam, e kami na lang daw dahil may mga nakasampay daw sya, baka umulan. Halaaaa! Hindi ba puede ilipat sa loob ng bahay, sa may bubong? Saka teka, sino ba amo dito, ikaw? Kairitaaaaa! Saka puede ba, don't call my daughter 'Beebs' (we call our daughter Babe kasi minsan), sakit sa tenga. Sorry, pet peeve lang. Sakit naman kasi talaga sa tenga, lalo na pag araw-araw more than three times mo maririnig, ang lakas pa ng boses! Gugustuhin mo talaga sya i-mute kung puede lang.

babykat

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #156 on: November 08, 2013, 11:51:02 am »
This happened last Nov. 1.  Before that, we had a talk with her kasi gusto nya umuwi.  Eh we needed her to stay kasi aalis kami and di pwede walang kasama mama ko kasi nakawheelchair na since nastroke last year.  She agreed na aalis sya ng Oct 31 hapon then balik sya ng hapon ng NOv 1, para kahit gabi makadalaw kami sa mga puntod ng relatives namin.  Nagadvance pa sya ng sweldo nya.

Come Nov 1, ni anino nya, di dumating. And di man lang nagtext samantalang she has money to buy load.  If di ko tinawagan that night, di nya aaminin na di na sya makakadating.

Kapal lang at napakasinungaling.  uwi sya maaga Nov 2,  sorry ng sorry at may kasama pang paiyak iyak.  Dumating daw kasi yung bf nya kaya lalo sya di nakauwi. 

Sorry ng sorry, sabay sabi na pwede paadvance ulit ng 5h.

Kapal lang ng mukha.  Ngayon, since nakaadvance na sya, ang tamad nya.

If di nga lang kailangan ng mom ko ang magaalaga full time, matagal ko na tinanggal si ate.

sistah!

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #157 on: November 11, 2013, 01:29:06 pm »
yung yaya ko dati, nagpaalam na aalis daw ng October, gave me sob story about an aunt who abandoned her little brother in the province so she has to go back to care for him na. I told her "if you are making paalam just to go on vacation, be honest. I will let you go on vacation" pero hindi, need na daw nya mag stay sa province for good. so I let her go. grudgingly, I paid for her replacement sa agency (masakit din sa bulsa ang ganito, unexpected expense kasi).

here comes the replacement. ok naman. she is almost heaven sent because she has initiative, kind to my baby, and cooks, which is a plus for me. the downside is, she's only been with us for 2 weeks and yet, almost full month na ang na-advance nya sa akin. sabi ko I will start deducting her advances ngayon November 15. pumapalag pa at sinasabi nakulang na kulang daw ang pera nya para sa sarili nya at pampadala sa kanila. I told her talaga na I-manage nya ang gastos nya dahil hindi na ako pwede manghingi ng advance sa office ko kaya pag nagaadvance sya, ako ang nakukulangan. nagtext sa akin ang old yaya ko, gusto na daw bumalik sa amin (see! it was just a 2-week vacation). hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko sa kanila.

sonia62

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #158 on: November 11, 2013, 09:26:29 pm »
Ay naku nagpabunot ng ngipin tapos sabi daw ng dentist eh bawal gumawa ng mabigat na trabaho at wag magkikilos. So absent daw muna sya ng 3 days. Meaning nakakulong maghapon sa kwarto nya at literal na hindi kumikilos. Di ko alam kung maiinis ako o maaawa sa kawalan nya ng common sense and for taking literally what the dentist told her. Kakabwiset

WandaWits

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #159 on: November 14, 2013, 05:17:40 pm »
Totoo nga, pag tumatagal lumalakas ang loob, nagreregress sa performance.
Etong maid ko from the agency, 5 months na sakin, nung una I was impressed with her attitude, and so I thought she's heaven sent. Tahimik lang at hindi nakikialam sa usapan. Yun pala magiging problem ko sa kanya yung hindi nagsasalita kase pag andito sa house tita ko dun siya nagsasabi ng mga hinaing nya. Nung tumatagal napansin ko pag pinagsasabihan ko dedma, at hindi nakikinig ..parang walang pakialam pag pinagsasabihan ko. Hanggang tumatagal narealize ko, tila ayaw ng pinagsasabihan at kino-correct. Pag ganon siya, ganon na siya hindi na pwede mag improve o hindi na pwede mabago. Pag na correct sa mali, nag reareason out as if alam na niya ginagawa niya. And the worst, nung sinabihan ko siya na bilisbilisan kumilos pag nagmaamdali na ko..sinagot ako ng papapalit na siya (sa agency) ..yung daw mas mabilis kumilos. Sabi ko baka need niya ng break,  mag day off (the maid is from the province & hindi siya sanay sa Manila so saan siya mag dday off?) sagutin ba naman ako na hindi, aalis na ko. As in bukas na bukas gusto na umalis. Sabi ko ganon ba? Pag sinabi mo sakin na aalis ka, aalis ka ura urada? Eh sa company nga, 1 month bago magpaalam..mag antay ka ng kapalit! Actually, gustong gusto ko na paalisin now pero gusto ko kung aalis siya malinis lahat ng iiwanan niya. Alam kong alis na alis na siya, puwes pasensiya sya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close