watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105310 times)

bratty

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #100 on: August 08, 2013, 04:09:46 pm »
Pasaway talaga! Marami pa yan ginagagawa na very unhappy ako. Ewan ko nga ba at ang hirap na makahanap ng maayos na HH ngayon. Gusto na nga paalisin ng mommy ko, kaso nga upto Sept pa ang nakuha nyang salary. Tapos wala din naman sya pamasahe pauwi sa province. Sa totoo lang, We don't mind na magtrain ng HH, kasi iba-iba naman talaga tayo ng standard ng "malinis" na bahay, pero naman nakaka-kunsumi din. Kasi lagi nagrereklamo ang mommy ko sa akin, wala naman ako magawa. Sabi ko na lang pagtyagaan na lang nya muna.  :( >:(

courtneylove

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #101 on: August 11, 2013, 06:47:05 am »
haaayyy...
kaka-start lang ng bago naming maid nung isang araw pero bakasyunista lang ang peg!
late lagi kung gumising..
nauuna pa magising yung anak ko kesa sa kanya!
pinagbigyan ko nung una tutal kakadating pa lang pero ganitong magkakasunod na araw na niya ginagawa, mag-usap na sila ng asawa ko mamaya..
kung uulitin pa din nya, goodbye na lang.
kakayanin ko na lang ulit na wala munang maid kesa kunsumisyon na naman aabutin ko!
eto't magi-8:00 am na, sleeping beauty pa rin hanggang ngayon..  >:(
« Last Edit: August 11, 2013, 07:59:40 am by courtneylove »

geekchiq

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #102 on: August 11, 2013, 08:47:35 pm »
Whenever am off, yaya is off too. So kapag 3 days off ko, yaya is off for 3 days. I always make it clear  naman for her to be back on a certain time, pero so far never niya pa yun nasunod. :( Hay, kung hindi lang mahirap maghanap talaga ng yaya ngayon, papaalisin ko na talaga.

marose17

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #103 on: August 13, 2013, 12:42:34 pm »
Hilaw ang beef tapa na baon namin, including sa kids. >:(

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #104 on: August 13, 2013, 12:53:40 pm »
The maid was complaining of having toothache after eating chocolates given by my daughter. Ang nakakainis she kept telling my daughter "o ayan kasi binigyan mo pa ko ng chocolates. sumakit tuloy ngipin ko." After hearing it for the nth time, I told her "hindi ka naman siguro tinutukan ng bata ng baril sa ulo para pilitin kang kainin yung chocolate. Bakit mo isisisi sa kanya yung katakawan mo?"

iammechelle

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #105 on: August 13, 2013, 04:27:46 pm »
Tong yaya ko, isinama ba naman maglibot sa buong subdivision ang anak ko. Kahit kabilin-bilinan ko na wag lalabas ng bahay!!

super bratinella

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #106 on: August 15, 2013, 08:33:03 am »
I have two yayas one for my eldest and the other one for the youngest pero pagtulog ang baby ko at nasa school ang eldest ko they do the household chores. Nung last sunday maulan dahil may bagyo so hindi natuyo ang mga damit then come monday ok na ang weather so natuyo mga damit at pwede na itiklop, natiklop naman ng gabi then wednesday night nakatiklop pa rin...hindi pa rin nakalagay sa loob ng cabinets...

So nagwala talaga ako and I told them na dalawa sila to share with the household at hindi pwede may nakatambak na damit, at pagtuyo na ang mga damit itiklop then lagay sa cabinet. Napakilos silang dalawa at talagang nangarag sila sa galit ko.

Hindi ako nagyaya ng dalawa para mas mastress, hindi talaga pwede linient tayo sa kanila dahil tendency talaga nila na umaabuso sila.

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #107 on: August 16, 2013, 06:16:40 am »
My yaya has been with us for 3 months pero wala paring kusa sa gawaing bahay. To think na College graduate and may balak na magtrabaho sa ibang bansa. kontento na siyang nakaupo the whole day sa sala doing nothing. tapos, when i read her diary, bored daw siya. kapal ng mukha. hindi siya gagalaw unless uutusan mo. ok naman ang trabaho kapag ginawa niya. Pero kung walang utos, wala din siyang gagawin. So kung busy pala kami and hindi na siya mapansin e good luck sa amin.

Yesterday, ubos na pala ang hotdog. hindi ko alam bakit pero yun lang ang kaya niyang lutuin. to think na graduate siya ng Food Tech. When I woke up, walang breakfast. I asked her why. Wala na daw hotdog. Asked her kung may canned food pa. Meron pa. Sabi ko yung Tuna nalang. Aba, hinain straight from the can. Sabi ko initin niya. Abah, sa microwave ininit. Sabi ko gisahin niya. Luto na daw yun. Sabi ko hindi ako kumakain ng food straight from the can. Hay!

Tapos, yung books ng anak ko ang gulo. Parang one week na yata. Aba, kung hindi ko pa sinabihan e hindi painayos. Ang kapal ng mukha!

sistah!

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #108 on: August 22, 2013, 10:47:36 am »
mga sis, may question ako sa inyo. related naman sa topic. my daughter usually takes her meals in our bedroom. i often have to leave the room when she has to eat kasi ang dami drama pag andun ako. last Monday, while my daughter was being given lunch, i walked in the room and found the yaya using my ipad. nagulat ako syempre kasi hello, bakit hindi nya inaasikaso yung pagpapakain sa anak ko and bakit nya ginagamit ang ipad ko?! di na lang ako nagreact pero kinuha ko yung ipad. i put a passcode na so hindi na nya pwede gamitin.
i checked yung safari, mukha naman wala syang inopen na window. so im wondering if ang tinitingnan nya is yung fb ko or something.

that night, she asked me for our wifi password too. i assume she wants to use the internet on her mobile. i really don't know our wifi password. my husband actually set up my phones, ipad and laptop so that they connect automatically. di ko rin nabigay sa kanya yung password.
honestly, medyo naiinis ako na pinakialaman nya yung ipad ko. do you allow your maids/yaya to use your internet? ang concern ko kasi is pag may internet access na sya, distracted na sya sa trabaho. dati naman hindi ganyan ang yaya ko. nagkaboyfriend na kasi kaya siguro gusto na mag-fb fb.

happyfemme

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #109 on: August 22, 2013, 11:00:51 am »
Ako sis hindi ko binibigay ang wifi password namin. Hindi part ng obligation ko na mag provide pa ako ng wifi sa kanya (tama na ang mga benefits nila sa kasambahay bill). Sila gumastos ng internet nila kung gusto nilang mag internet. And besides added distraction din ang internet especially FB.

About sa Ipad sis, may friend ako na shock din when she saw the Ipad ng daughter niya eh may wallpaper ni Coco Martin. Yun pala kapag nasa school ang daughter niya, yung ipad ay lagi iniiwan sa yaya. Eh malikot ang kamay ni yaya, ginagamit yung Ipad. Puro picture daw ni yaya ang camera roll ng anak niya. Kalurky lang!


gil12

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #110 on: August 22, 2013, 01:01:24 pm »
^^ no, ganyan din yaya ng baby ko months back, hinihingi wi-fi password. sineswerte siya, kaya nga kami may internet for work tapos makikisagap pa siya eh di bumagal connection namin. saka you'll never know what she posts online. baka makita mo na lang may selfie na siya na kinuhanan galing sa bahay niyo. dami talaga househelp and yayas na may attitude problem. pakilamera and tsismosa. kainis. di naman sineswelduhan para pag usapan ka and hindi naman kami artista para pag tsismisan. kaka-highblood!

sistah!

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #111 on: August 22, 2013, 03:52:27 pm »
ok, so hindi naman ako masamang amo na hindi ko binigay yung password? well, like I said, di ko actually alam yung password. pero parang ayoko din talaga ibigay at baka magbabad na sa telepono yan pag nalaman nya.

anyway, I will observe. pag umabot sya ng 6 months, I will consider buying one of those cheap tablets na pwede magsurf at maglagay ng apps para may magagawa yung baby ko. pwede nya gamitin siguro pero I need to supervise what she does with it.

iammechelle

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #112 on: August 22, 2013, 05:03:11 pm »
Lately narinig ko ang baby ko: Sabi niya sa yaya, "lahot ka sa Lola ko, kapag umuwi na siya dito at makita niya na pinapagalitan mo ako, aawayin ka nun talaga."

My question, "what could be the possible reason that provoked my baby to say that to her yaya?"

Tapos nagsusmbong na ang anak ko sa akin na inaaway raw siya ng yaya. ;-( Narinig ko naman sila minsan na nag-uusap, sabi nung yaya, "baket mo sinasabi sa mommy mo na inaaway kita, eh di naman kita inaaway?"

I am getting paranoid. di ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. ;-(

super bratinella

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #113 on: August 23, 2013, 07:39:56 am »
^sis, walang mawawala kung maniniwala ka sa anak mo, kaysa sa yaya niya. Ako mas naniniwala ako sa anak ko dahil hindi talaga sila marunong magsinungaling.

@sistah -- hindi ka talaga masamang amo kasi kung ako the time pa lang na nakita ko gamit niya ang Ipod ko baka napagalitan ko na siya at baka may nabura siyang files dun na mahalaga dahil hindi naman sa kanya at baka kung masira niya hindi naman niya mapapalitan kaya dapat hindi niya ginagalaw mga gadgets or gamit na hindi kanya, at sa wifi, ask mo siya kung need ba niya sa work niya ang wifi, malamang hindi bakit need niya ang password.

cloudzy_09

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #114 on: August 23, 2013, 11:41:11 am »
Hayy ang house help ko nag paalam na aalis agad kung kailan ko pa naman siya kailangan at biglaan ang alis.  :(

anne211

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #115 on: August 23, 2013, 02:02:29 pm »
speaking of gadgets...yung 2 sis-in-law ko (they live in the same house) ginagamit ng mga yaya nila ang ipad nila tapos nasira yung isang ipad, nabasag ang screen, ang sabi ng mga yaya yung bata daw ang nakasira, natapakan daw...pero how sure are we naman na yung mga bata nga ang nakasira...

my yaya is also letting my baby use the ipad pag wala kami kasi umiiyak daw at yung ipad lang ang nakakadistract sa kanya (which is true naman)...sabi ni hubby dapat hindi kasi pag nasira, di naman kayang bayaran ng yaya yun...i guess i have to start bringing my ipad to work na...

anne211

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #116 on: August 23, 2013, 02:09:09 pm »
ps -

alam ng yaya ko ang password ng wifi namin...

by the way...i also check the fb of my yaya (without them knowing), usually naka-public account nila kasi di naman nila alam yung private (based from my experience ha)...

yung dati kong yaya, susme ang mga pictures, parang pokpok ang mga poses at damit, nagulat ako...and true enough nagpaalam, sabi uuwi daw sa probinsya kasi may sakit sya...it turned out nakipagtanan sa bf nya dahil buntis yata...

etong 2nd yaya ko naman, so far maayos naman ang pino-post sa fb...kung ako sa inyo (kung di nyo pa nagagawa), try checking their accounts din, hanapin nyo sa fb, para lang alam nyo kung ano ang mga pino-post...

happyfemme

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #117 on: August 23, 2013, 03:10:51 pm »
Mga sis, heads up lang po sa mga kasambahay na may FB accounts.

A friend of mine may kasambahay na may FB (may wifi sila but she doesnt share it with her kasambahay). She doesnt mind naman the kasambahay having a FB account since its a house rule na bawal gumamit ng cellphone during working hours. Pero she allows it kapag tapos na ang work ng kasambahay niya.

One time, nag out of the country ang friend ko together with her family. Naiwan sa bahay si kasambahay, while nasa HK si friend tinawagan siya ng mom niya na ninakawan ang house nila.

HOW?

Well, si kasambahay nag post sa FB ng "chelax mona, nasa Hongkong sila Ate at Koya" (exact post ni Kasambahay). Sa FB ni Kasambahay may mga contact number siya and whats scary may address pang nakalagay.

May pumunta sa house ni friend (while nasa HK sila), nagpanggap na friend ng friend ko. Isang babae at isang lalake, mag-asawa. Friendly daw, kesyo bestfriend nila ang friend ko. Kwento dito, kwento doon. Inutusan si Kasambahay bumili ng 1.5 na coke sa tindahan plus merienda, at magmemeriend sila together with my friend's kasambahay. They will look after the house daw while she's out buying the said merienda. So ayun, ninakawan friend ko.

Ingat lang mga sis at may mga magnanakaw na naglulurke din sa FB.


mary_gee531

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #118 on: August 23, 2013, 03:56:46 pm »
more than a month pa lang samen ang katulong, galing sa province ni hubby.  na-observe ko lang, pag nasa bahay kami or kahit ako lang, lagi nkakulong sa kwarto.  minsan may iuutos ako parang nag-aalangan pkong tawagin sya kasi nasa room.  one time inutusan sya ni hubby na magprito ng hotdog for bfast the ff day.. mas maaga naman sya gumigising samen pero nagsasaing lang sya.  the ff day we were expecting na handa na bfast, hayun di pa pala nagprito ng hotdog.  ang ending, si hubby na lang nagprito which irritates me.  masyado naman sya nasanay na si hubby lagi nagluluto at kakain na lang sya.

one day init na init ako sa haus, twice ako naligo.  napansin ko parang di man lang sya naligo.  hayun, tinanong ko kung naligo sya..hindi daw.  sabi ko hindi pwede saken yan pag nag-alaga na sya ng bata. dapat nkaligo na sya sa umaga bago ko iwan si baby sa kanya.

taz kagabi inutusan ko sa palengke na bumili ng daing na bangus, oo naman sya agad..no further questions asked.  yun pala di nya alam ang daing na bangus di man lang nagsabi.  hayun, ang binili sliced na bangus!  sabi ko ke hubby, bilang bisaya yung katulong at galing sa province nila, pagsabihan nya yung katulong na magsabi sya kung di nya naiintindihan ang utos ko (im not bisaya, so tagalog ang instructions ko sa kanya).  mahirap na pag nanganak ako at maiwan sa kanya si baby.  maselan pa naman ang bata bka mamaya mali-mali sya malalagot sya talaga saken.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #119 on: August 26, 2013, 12:16:24 am »
...hindi lang today, lately -

1. Wagas makipag-usap sa cellphone. Akala mo may call center sa bahay sa dalas ng pag-ring ng telepono nya. Gusto ko nang limitahan ang pag-take ng calls lalo na't nandito ang anak ko at dapat binabantayan nya. Kahit pa sabihing nakatingin pa rin sya kay bagets, and kahit nandito ako (I work from home, minsan may work sa umaga, hapon, at gabi), kapag may iba kang ginagawa (e.g. nakikpag-usap thru cellphone), divided pa din ang attention mo. And anything can happen pag ganun. Anything.

2. Aaaannnggg slllooooowww. Hindi ko naman kailangan maging super smart sya. Pero sana puede namang maka-gets after two-three explanations. Hindi naman komplikadong bagay yung sinasabi ko. Sadyang di lang yata nakikinig. Tulad kanina, I have to put some ointment to the corner of my daughter's left eye. So finished na ano. Tapos napansin ko, ay may dumi ang face sa noo and sa right cheek. So sabi ko get a wet face towel and pakipunasan. So ayun, ni-wipe ng wet towel - ang buong mukha! E kitang-kita naman nya at alam nyang naglagay ako ng ointment dun sa corner ng left eye! Ano baaa! E di napasigaw ako sabi ko "Aaaay wag mong ipunas sa buong mukha! May gamot dun sa left eye nya!" Ay si ateng, tuminingin sa kin, at more punas pa din using the same towel. Halaaa naman. E di pinigil ko ulit. Ang ginawa, pinunasan pa din at nung pinatigil ko for the third time ang sabi eh "E binaliktad ko naman yung towel". Halaaaa at nagdahilan pa!!! Buti na lang mild ointment lang yon (non-steroidal) at kaunti lang naman yung nilagay ko kasi sa corner lang. But still! Hay, Tagalog naman yung sinabi ko. :(

3. Ilang beses dapat sabihin bago gawin ang isang utos.

4. Ang lakas sa asukal grabe! Pinansin ko na nga, kasi super bilis maubos ng sugar namin. Paano ba naman, kung magkape e 1 1/2 tablespoon ang nilalagay na sugar - we use brown sugar pa ha. And kung magkape, siguro mga thrice a day (ok lang naman, wag lang grabe magasukal). Sinabi ko na lang na ingat-ingat sya sa diabetes. Wag masyado mag-asukal. Sana naka-gets. Kasi kung hindi, bumili sya sarili nyang sugar. Kaloka.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close