Author Topic: si GF ay Bilmoko!  (Read 23930 times)

budzwhiz

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #80 on: January 10, 2014, 06:27:18 pm »
I don't see any matinong reason para magpabili ng things na gagamitin ko pangsarili sa boyfriend ko. That's just shallow and cheap, imo. Tho okay lang sakin kung bibilan nya ako stuff na magpapaalala sakin ng pagmamahal nya sakin (lol!), or those that will remind me of him, something na hindi nauubos. Paminsan minsan okay lang yun. Kahit lumaki pa ang salary nya, hindi ko yata nakikita ang sarili kong magpabili ng magpabili. Generally sa guys, ayoko rin talagang binibgyan ng kung [textspeak!] ano. Mas gusto ko bumili gamit ang perang ako ang naghirap. ;D

argento

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #81 on: February 03, 2014, 01:02:34 am »
Kawawa talaga ang guy kapag sinagot siya ng girl para masunod ang luho sa katawan. Lalo nat mahal nung guy yung babae.

shygirlme

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #82 on: February 03, 2014, 01:54:05 am »
Ako naman napapagbintangan na bilmoko. Kasi si fiance eh mamahalin binibigay sakin, pero hindi sya mayaman ha i mean pinag iipunan naman nya. He explains na bakit nya binibigay yun. Kasi he loves me. Tsaka karamihan ng bigay nya eh mapapakinabangan ko naman at magagamit ko lagi. Kaya yun napapagbintangan ako na nagpapabili ako pero si fiance talaga may gusto or nakakaisip non. Hirap din sa part ko ha! Hindi pa naman ako palaasa. Even sa dates namin dining out, out of town trip eh pinaghinalaang sagot ni fiance lahat eh duh hati kaya kami. Parang di ko naman kaya i afford yun.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #83 on: February 03, 2014, 09:17:19 am »
Nagka issue din kami ng mother ni bf at sinabihan nya ako ng inuubos ko daw pera ng anak nya. Take note 11 years na kami mag bf-gf at pareho naming first ang isa't isa, surely our relarionship isn't perfect pero im sure na we love each other. Mostly jewelry ang bigay nya na pansin agad ng mother nya pag suot ko. Lol sorry sya kasi happy ang anak nya na gawin akong xmas tree.

Reynamargallo

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #84 on: February 25, 2014, 11:49:01 pm »
sa mga babaeng BILMOKO:  magtrabaho kayo 'no? di yung aasa asa kayo sa lalaki. magbanat kayo ng buto.

To TS, if you have friends na pagdadaanan /pinagdadaanan ito, refer them to this thread.

mc21

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #85 on: March 11, 2014, 10:55:14 am »
...Bilmoko
...Try selective approaval of what she wants.
...yun di lahat ng gusto nya ay buy mu.
...buy only what is necessary & needed
...then eveluate mu yun reactions nya.

geneuse

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #86 on: March 12, 2014, 08:49:27 am »
Nakakainis nga ang ganyang babae... si Bilmoko... pareho naman kayo may work tapos ikaw todo sa pag ipon... hanggang pag nalaman nya may ipon ka... biglang parang may light bulb na sya na napaka bright ng mga ideas nya in buying something... i want this and i want that... take note kapag sinabi mo pa na kaya ka nag ipon eh may bibilhin ka for yourself eh napaka selfish mo ng tao... tapos i-compare ka pa sa mga colleagues nya sa facebook na ang bf ni ganito binilhan sya ng ganito... bakit sila ang bait ikaw masama... amp kainis...

(habang tina type ko ito naiinis ako...) until now yung naipon ko hindi ko pa nagagasta dahil tuwing mag decide na akong bilhin yung item na gusto ko... bigla sya nagagalit hanggang sa pag awayan na namin... kung hindi naman eh ide delay nya... sasabihin nya next time na lang bilhin yun... (Grrrrrrr)

simplepink

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #87 on: March 12, 2014, 09:22:12 am »
hello! share ko lang story ng friend ko, halos same sa story ng TS. yung friend ko nagwork before sa saudi and yung girl nandito sa pinas. may plans na sila na magpakasal pagkauwi ni guy. so ang plano, bibili sila ng bahay. since yung girl ang nandito sa pinas, sya ang nag-asikaso. nakabili sila ng bahay, cash pagkakabili nila at nakapangalan sa girl. tapos nagpapadala pa si guy ng pera para nga daw sa kasal nila at pambili ng car. then bago pa sya umuwi, lahat ng pera nya dineposit nya sa account ng girl. pagdating nya sa pinas, dapat yung girl ang sasalubong sa kanya pero inabot sya ng madaling araw, wala yung girl. in short, nawalang parang bula si girl.

pinuntahan ni friend yung bahay na binili ni girl, pero binenta na pala yung bahay. sobrang kawawa friend, nagbalak pa magpakamatay yun pero buti na lang sobrang bait ng family nya kaya tinulungan syang makabangon.

nalungkot nga ko nun, naisip ko sana ako na lang yung girl... :)
« Last Edit: March 12, 2014, 04:42:00 pm by simplepink »

graZiousa

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #88 on: March 12, 2014, 09:49:13 am »
madaling sabihin na stupid ang mga taong ganito (yong gagastus ng malakihan kahit hindi pa kasal) pero may plan narin kasi sila kaya siguro naging kampante na si bf na ipangalan kay gf ang house and lot. pero usually sa mga kaibigan ko, pinapangalan nila sa guy ang properties na nabibili since pag kinasal na sila magiging kaapelyedo narin naman si gf ni bf. Merong katangahan si bf,oo masasabi natin. Siguro itong si bf sobrang gustong ipakita sa gf kung gaano nya ka-love sa ganung paraan. yon nga lang sya ang talunan sa bandang huli. as of the girl naman, isauli nya dapat yon. ang tigas naman ng muka nya kung titira sya dun or yong magiging family nya.Ew!!!

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #89 on: March 12, 2014, 10:37:31 am »
parang sugar daddy ang dating?  :o

as much as possible, i dont ask anything monetary from the bloke. unless i dont have cash on hand at yung store doesn't accept CC. feeling ko kasi utang na loob ko pa yon LOL!

minsan nga, kahit gift sasabihin ko pang "nag abala ka pa. sayang naman ang pera" ang kuripot ko lang! i don't mean to offend and i am thankful din.

pero kung food yan at travel.. nako, weakness namin dalawa!

j.adore

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #90 on: March 12, 2014, 12:14:19 pm »
geneuse, kung bf gf pa lang kayo, wala pa pakelamanan ng pera.
Nung na engage kami saka lang maging topic ang savings kasi bili ng property at wedding preps. Pag ganyan meron siya gusto, go lang kasi pag ako I buy things I want din ;D

simplepink, saklap naman niyan :-[

nixiquita

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #91 on: March 12, 2014, 06:55:49 pm »
May girls pala talagang ganito noh? Pero siguro kung wala ding guys na nagpapauto, malamang girls wont get away with doing this.

Pero pag small things lang naman, as in parang palambing lang, keri lang yun. But if too much na, hiwalayan na yan. Baka mas mapapagastos ka pa in the long run pag pinagbigyan. Haha or talk to her first re financial limits/capacities.

simplepink

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #92 on: March 12, 2014, 07:37:34 pm »
^^yup, saklap talaga pero ngayon masaya na sya.

argento

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #93 on: March 12, 2014, 08:37:57 pm »
That guy do not deserve that. Grabe nagmahal lang siya at nagplano ganun pa nangyari.

Kapag nanloloko ang babae 10x worst talaga kesa sa guys. Ubos ang naipundar

lynn wolf

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #94 on: March 13, 2014, 03:37:49 am »
Question girl, if ever kayo may friend kyo na "Bilmoko".

Bakit may ganitong ugali? may nakilala ako na ganito... as in ang KAPAL!

sugardrop

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #95 on: March 13, 2014, 03:55:49 am »
^
May co-worker ako before na ganyan. Ultimo yosi nya, hihingin pa, ayaw bumili ng sarili. Lagi gusto libre and hingi. Same sa boyfriend nya before. Her self-centered reasoning was simple - "girl ako and I should be treated like a princess". Kaya humirit ako once when she asked for something, "eto na po, mahal na prinsesang dugong bughaw". Tuwang tuwa pa sya, kulang yata sarcasm ko nun.

nixiquita

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #96 on: March 13, 2014, 09:26:20 am »
Annoying yung ganitong girls, grabe. Akala nila nagmamalaprinsesa reyna sila, eh ang dating naman, mukha silang Pulubi kakahingi :]]

lynn wolf

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #97 on: March 13, 2014, 01:43:48 pm »
Annoying yung ganitong girls, grabe. Akala nila nagmamalaprinsesa reyna sila, eh ang dating naman, mukha silang Pulubi kakahingi :]]

Bakit nag reresort sa kanitong way of life ang girl na Bilmoko... baka may Bilmoko girl dito at pa comment naman at maunawaan namin kayo. May issue ba kayo sa buhay, may tinatagong anak, may sakit ba mga magulang nyo? pero hindi eh, kahit pa may ganitong issue hindi dapat sobrang KAPAL.

shygirlme

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #98 on: March 13, 2014, 02:14:27 pm »
i have a friend din na Libremoko hahaha! and shes proud that nakakaipon sya ng malaki on being kuripot but I was like duh? hindi ka proud proud yan malaki naiipon mo pero sa ibang tao ka humihingi!

j.adore

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #99 on: March 13, 2014, 03:05:38 pm »
I don't have friends na bilmoko because I steer clear off these types of people. Tama si nixiquita, pulubi ang mga ganon. Ayoko din ng mga palibre patay-gutom naman ang dating ng mga ito.

sugardrop, maganda ba siya? O baka napabayaan nung kabataan niya kaya ngayon hinahanap niya sa ibang tao.

Sana meron magpost dito para malaman yung side nila ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close