Author Topic: si GF ay Bilmoko!  (Read 23927 times)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #60 on: June 26, 2013, 06:18:12 pm »
Siguro pag bago lang nakakaturn off ang bilmoko pero pag matagal na kayo it's ok as long as u can afford to give.

Myealexis21

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #61 on: July 19, 2013, 12:53:29 pm »
Tama ka aquacharly. Nung bago pa lang kami ng ex ko, sabi niya bilmoko daw yung nauna niyang GF sa akin. Binilhan daw niya ng ganito ganyan.
Nung kami na, mahilig siyang magoffer bumili ng gamit ko. Kunwari ayaw niya relo ko, "tara palitan natin yan bili tayo ng <insert brand here>". Eh ang turo sa akin ng nanay ko wag na wag tatanggap ng mga regalo out of nowhere.
Wala akong tinanggap na mga offer niya. Pero malay natin kung gagawa siya ng storya sa next GF niya ::)

Your mom and my mom siguro magkaklase hehe.. She told me the exact thing when I was 12 yrs old.  Sobrang tumatak sa utak ko yan.  I think good naman kase I nagpursige ako to be able to buy stuff I want, at hindi iasa kung sino man karelasyon ko.

Kung ako man ang lalaki, nakaka-turn off yang ganyang gf.  When I was new here in Dubai ang daming ganyan at sa mga Indiano/Pakistani/basta ibang lahi pa makikipagrelasyon kase mga pinoy daw kuripot LOL!

iloveshoes88

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #62 on: July 19, 2013, 03:44:31 pm »
i think it depends naman on the relationship, i have always been spoiled with my exes and and sometimes i really ask for certain things but i would never consider myself to be a bilmoko girl. Siguro one becomes a bilmoko when he or she enters a relationship solely for that purpose and walang consideration sa boyfriend.

heaven_charm

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #63 on: July 20, 2013, 05:16:28 am »
i think yung ibang girls hindi nila alam na bilmoko na sila. pero bilmoko is when mahilig magpabili. panget naman kasi talaga ng ganun, bakit kailangan mo magpabili ng item sa bf mo eh hindi naman kailangan sa relationship niyo yun noh. like why do girls need to make boys pay for their shopping? kung hindi afford ng girl yun item, wait for the guy to give it as a gift. hindi yung "bili mo naman ako niyan..."

hindi porke mabait yung guys and willing to pay, eh grab lang ng grab. unless nalang din na mahilig din si girl bilihan ng stuff si guy, at least give and take talaga siya.some may have not entered a relationship for the purpose of using the guy, pero kung naging ganun nadin siya after eh considered padin yun as abuse.

nakaka-turnoff yung ganun girls. hello, kung wala ka pambili ng gusto mo, eh di magtrabaho ka at mag-ipon. wag  makapal muka masyadong abusado

FOURever

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #64 on: July 21, 2013, 10:05:07 am »
Eh yung ibang lalaki, kahit sa dates lang sasabihin bilmoko si girl.. Nung sila ayaw magpahati ng babayaran, tapos kung san san dinadala si girl kahit gusto ni girl hatian sa bayad si guy. Then mahilig magbigay ng gifts si guy at mahilig mang surprise. Tapos pag nagbreak, bitter ocampo si guy. Very immature. Kaya ingat din girls.

joeygirly

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #65 on: July 22, 2013, 02:46:19 am »
Bilimoko girls for me, are type of women na golddigger talaga. Dependent and walang pride, kaylangan pa maghanap ng someone to secure her future, hello 2013 na, napakahina mo namang klase ng babae kung pati material things hinihingi mo pa sa bf mo, palibhasa alam mong mahina mga lalake pag inlove.  :o

littlekinselle

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #66 on: July 22, 2013, 05:09:34 am »
A guy friend of mine, he told me that half of his sweldo napupunta sa pang-pnganda at pang glutah ni GF niya. kahit naman mag bigay ako ng advice he will never listen, bahala na siya buhay na niya yon at masaya siya sa ginagawa niya. so be it!!

heaven_charm

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #67 on: July 22, 2013, 09:44:31 am »
i remember my bf, yun ex nya na friend ko din eh nagpapabili ng laptop kay bf para daw makapag-games siya. ayun, di niya binilihan kahit afford naman niya. a month after may ibang bf na si girl.

well true naman yun story kasi kinonfirm naman ng friend ko. pero nagtataka nga ako now kasi pagdating sakin di naman madamot si bf, pero i dont abuse him naman. he even gives me 20k minsan tapos nasa wallet ko lang, di ko talaga ginagalaw kasi baka hanapin niya. natawa pa siya nun one time i called him para bawasan ng 100 yun money kasi naiwan ko yun atm ko tapos wala ako pang-cab pauwi :D

well the point is, nakakahiya talaga magpalibre lage sa guy unless nalang na food yun :D

mysterioza_me

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #68 on: July 22, 2013, 12:06:09 pm »
Yung 1st bf ko napakahilig ako ibili ng kung ano-ano, minsan mahawakan or matitigan ko lan ng matagal yung item magugulat na lan ako binili na niya or bitbit niya na pag-visit niya sa bahay. Then nun mag-break kami biglang naging usap-usapan na "bilmoko gf" daw ako, lol. Wala na akong maisosoli sa kanya gustuhin ko man kasi itinapon ko na lahat ng gamit na galing sa kanya

j.adore

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #69 on: July 22, 2013, 01:05:03 pm »
The mere fact na nagpabili ng kahit ano, kesyo mura man o mahal, ang ending eh nagpabili pa rin (hiningi pa rin yun sa BF).

Myealexis21

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #70 on: July 22, 2013, 01:44:00 pm »
^So kung kusa binigay ni bf ok lang...pero yung ni-request ni gf bilmoko yun?

Ako kase I don't ask him to buy me stuff, pero kapag may okasyon he would ask me what gusto ko, ganito set up namin kahit nung mag-gf/bf pa lang kami.

mysterioza_me

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #71 on: July 22, 2013, 02:40:44 pm »
i didn't ask him to buy me anything, sariling initiative niya so I'm really surprised na ako pa yung napasama...

after nun hindi na ako tumatanggap ng regalo at nagmamatigas na ako na magbigay ng share tuwing may date kami ng naging bf ko after niya.

j.adore

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #72 on: July 22, 2013, 03:19:17 pm »
Sis Myealexis21, ok lang pag nauna magtanong yung lalaki if there's an occasion to celebrate :) (iba na kung yung babae mauna magrequest na "sa birthday ko gusto ko ng ganito ganyan")
Same setup din sa amin na tinatanong kung anong preferred gift para sure ball magustuhan.
Separate topic na yata pag kasal na hehe kasi iba-ibang financial setup ang families.

Sis mysterioza_me, yan yung sinasabi ko hehe. Dapat talaga iwasan yung mga out of nowhere na regalo. Special occasions gifts are ok.
Pag nagbreak, dapat siguro eh ibalik ang gamit hindi itapon kasi parang walang "proof" na hindi bilmoko.
Sa current BF mo, naexplain mo naman sa kanya reason bakit ka nagbibigay ng share sa dates niyo? Pwede rin siguro setup ay ikaw ngayon taya, siya next time.

Sis heaven_charm, Fiance mo din si BF tama ba? Ok lang kung lalo na part siya ng pagiipon para sa kasal niyo. Kung BF/GF stage pa lang, no-no ang money.


heaven_charm

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #73 on: August 09, 2013, 02:27:29 am »
@j.adore, gastador kasi si bf kaya pinapatago nya lage pera nya sakin. Di ko naman ginagastos yun kahit nagopen siya ng bank account tapos naglalagay siya pera dun now na nasa barko na siya. Sabi ko lagyan niya lang ng lagyan para pangdown ng bahay. Btw naka-name sakin yun account. 2.5 years palang kame now

Naiinis nga ko kasi he is planning to send me a Bulova watch next month bday gift niya daw sakin. Namamahalan ako ayaw ko tanggapin. First watch ko kasi yun if ever, i never worn any watch kasi kasi di ako mahilig. Pero may nakita ako bracelet watch Timex na maganda kausap ko tita nya ipapabili ko abroad using my money. Kinausap ni bf si tita niya na wag bumili kasi bibili daw siya ng mas maganda since it will be my first watch. Eh $100 lang budget ko tapos watch na gusto niya bilihin for me is $800.

Kahit naman fiance ko siya nanghihinayang ako sa pera. Kakatakot baka maholdup pa ko dahil dun. Pang-everyday watch ko sana eh

rannastillero

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #74 on: November 22, 2013, 04:55:19 pm »
Naku grabe naman yung mga bilimoko girls na yan.
kawawa si bf.
kame kasi nung mag bf/gf kame ni hubby 50/50 kahit sa dates or kahit saan at mas madalas pa na ako yung nag reregalo sa kanya out of my allowance. kuripot sya talaga ever since our relationship.
pero wag ka, nung naging asawa ko na lahat ng pera nya at buong sweldo nya nasaken, yung savings nya nakapangalan saken at lahat ng kolorete at gusto kong gamit binibigay nya (magkasama kami sa work at parehas yung rate namen). pero kuripot pa rin sya sa ibang tao except me tee hee!. 
pero matipid ako practical kumbaga.
 

SexyHenessy

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #75 on: November 23, 2013, 12:40:24 pm »
past experience ko kasi dati yung tipo na wala talaga siyang gagastusin at mamumulubi ka. iiyak nalang. hehe

at may friend ako call center agent, may gf siya kala mo sa sobrang mahal nila sa isat isa at nag paplano na sila ng future nila, bumili ng house and lot at ipinangalan kay gf(take note: di sila kasal) at suddenly boom!! nkipag break nga si gf. kawawa naman friend ko kasi parang wala siyang karapatan sa house and lot niya..

Kawawa naman sya. Kaso kasalanan niya un, nagtiwala sya masyado. Dapat maging praktikal sa lahat ng bagay, sa jowa man, kaibigan o pamilya. Kasi people change, and money is the root of all evil. :/

Pink_Sugar

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #76 on: November 23, 2013, 06:02:58 pm »
Paano pag 11 years na kaming bf/gf? He always asks me kung ano gusto ko pag may okasyon kasi ayaw na nyang mag isip? Mostly ay jewelry ang gusto ko. Lol

Erie

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #77 on: January 06, 2014, 09:47:56 pm »
Ang masasabi ko sa thread na ito,

Ang babae hindi magiging bili mo ko girl, kung hindi sinanay ni BF. Since si Bf ay galante at laging sinusunod si GF kaya nagiging Bili moko si Girl"

Sadyang may mga lalaki lang talaga na sa sobrang grateful at happy at super duper inlove sa GF nila kaya khit ano ibibigay masunod lamang ang pinakamamahal.

Hindi  naman sa lahat ng pagkakataon, pwede na nating husgahan ang ibang tao na kilala natin mapakaibigan man iyan o kamag anak na siya ay isang certified na "Bili mo ko Girl" Minsan kailangan din natin tignan sa ibang anggulo kung bakit naging ganoon si girl.

Kung ang lalaki marunong mag control at ipinapaunawa sa mahal nila na "eto lang ang kaya niyang maibigay at kailangang mag-save para sa future edi siguro kahit papaano maiintindihan ng karelasyon nila. Pero dahil Bulag sa Pag ibig at iyon lang ang sa palagay nila na way para maipakita kung gaano nila kamahal ang taong karelasyon nila kaya ok lang kung,bigay ng bigay everytime na nanghihingi si Girl. So Si Girl nasanay, o baka naman dahil salat sa gamit kaya hingi ng hingi at demand ng demand.

Kaya nga may kasabihan Ang sobra ay masama kasi tao lang din naman ang gumagawa ng ikakasobra at ikakasama nila mapa gamit man iyan, pagkain,o relasyon.

Sa totoo lang pareho lang naman talaga may kasalanan. Kung hindi naging mabait masyado si Bf at hindi sinanay si Girl na maging si Bilmoko Girl malamang maiiwasan nila ang ganyang klaseng problema. So in short, walang dapat sisihin kundi yung dalawa din.

In the end kapag naghiwalay ang dalawang magkarelasyon, kanya kanyang siraan lang din iyan.
« Last Edit: January 06, 2014, 09:54:57 pm by Erie »

lisse

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #78 on: January 07, 2014, 02:32:30 am »
^I have to disagree sis. Young ex ng bro ko, bilmoko talaga. 2 months into the relationship, nagpapabili sa bro ko ng urban decay and humihirit total nasa US naman daw ako. My bro being proud, said kakabalik niya lang as abroad so wala pang ipon, and ayaw niya manghingi sakin. The girl dumped him after 9 days na Hindi na nagpaparamdam. Dumped thru text si bro ko over make up.

Mr.Punch

  • Guest
Re: si GF ay Bilmoko!
« Reply #79 on: January 07, 2014, 10:07:34 am »
Ang babae hindi magiging bili mo ko girl, kung hindi sinanay ni BF. Since si Bf ay galante at laging sinusunod si GF kaya nagiging Bili moko si Girl"

I disagree as well.

Kung wala sa ugali ng babae ang bilmoko, hindi magbabago yun kahit na gaano pa kabait yung lalaki.  I REPEAT, hindi lahat ng babae ay bigla na lang magiging abusado kung merong mabait at mabagbigay na bf.  Kung naging abusado siya, malamang dati na siyang ganun at nagkaroon lang ng pagkakataon na kumurakot.

Ang bilmoko na babae ay walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya kung bakit siya nagka-ganoon.  Sa lalaki naman, hindi kasalanan ang pagiging mapag-bigay at mabait.  Pero ang pagiging t**** oo.  BUT even in that case, hindi yung katangahan ng bf ang ugat ng pagiging bilmoko ng babae.  Sarili niya yun, walang iba.

Bale ang sinasabi mo kasi, madaling i-manipulate ng lalaki ang ugali babae.  Na ganun lang ka-babaw ang babae.  Well, if you're speaking from personal experience, huwag mo naman lahatin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close