Author Topic: Financial Issues and Other Prob  (Read 20607 times)

sugar n spice

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #20 on: May 25, 2013, 12:54:45 am »
Well, lately hindi na nya talaga ako inaasahan na gumawa ng gawaing bahay. Sya na nga ang "nakapalda" ngayon. Naawa nga ako e kasi ang pogi-pogi ng papa ko pero sya namamalengke :).

Pero ang gulo pa rin ng bahay huhuh, pag iginagala ko paningin ko napapailing ako. Iba pa rin talaga pag ako ang in-charge sa bahay. Ngayon kasi makikita mo, me alikabok dito, may dumi dun. Yung damit namin sa shop ko na pinalalabhan pero ni mailagay sa cabinet hindi magawa. Kelangan na ng cr namin ng linis. Pag dumadating ako from work, lalo ako napapagod. Hindi ko maiwasang hindi kumilos kahit pagod ako. Waaaa talaga. So para maasikaso ko naman ang bahay, nagpa-file ako ng leave.

glamorosa_09, siguro nga kulang pako sa pasensya and sensitivity. Pero sana ganun din sya sakin na hindi ko naman pwede ipilit. Gusto ko mag-relax pero di ko magawa. Gusto ko alagaan yung sarili ko pero wala akong time. Ni oras ng tulog ko kulang na kulang. Pag tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin, parang ilang taon na tinanda ko kasi sobrang stressed. Pero sige pa rin ako. Kelangan e.

Gusto ko magpalit naman kami ng puwesto. Sya naman ang mamroblema sa finances namin. Ako sa bahay. Sigurado ako, kaya ko pa rin mag-pasok ng money. Makakaisip pako ng ibang pagkakakitaan. Kaso tali ako sa 8hr job ko. Yun ang umuubos ng oras ko. Parang ang daling sabihin na "palit tayo". pero hindi mangyari.

We can't go on na ako lang ang nagwo-work. We can't. Nakakapagod.

Yes, I need more strength. And patience.

Thank you sa lahat ng advice nyo at pakikinig sakin. I really need that. Thank you.


Princess_Chill

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #21 on: May 25, 2013, 09:07:29 am »
sis sugar

im also in your shoes right now but not in the exact situation...kasi may house help kami ngayon pero before wala..
noong wala kami HH si hubby naglalaba ng mga damit and i do the rest...

to be honest hindi pa kami nakaka angat angat sa buhay...ang inaasahan lang namin is mostly my sweldo
since nasa sales partner ko pag walang benta mahirap pag meron ok lang...dati sobrang ok sweldo niya pero he made a choice na akala niya tama
so umalis siya sa work niya noon and eversince hirap na talaga kami...but goof thing with us is we are not fighting about money...

umaabot din ako sa point na kagaya ng sa iyo...na pagod na pagod na...na sana mas maging better provider pa sila...wala akong sinasabihan noon
kasi ayaw ko naman na isipin ng partner ko na minamaliit ko siya...nakikita ko naman kasi ang effort niya para makapag provide ng mabuti saamin ni baby...

sa totoo nga lang sis ako nga minsan umaabot pa sa point na sinasabi ko sa sarili ko na "kung iyong ex ko sana nakatuluyan ko hindi ako namumublema ng ganito?!"

pero ang ginagawa ko is a pray and still thank God na pera lang ang pinoproblema namin...naniniwala naman ako na mas maging masaya kami in the future
pag nalagpasan namin itong stage na ito na magkasama diba? as in iyong matatawa nalang kayo pag pnag kukwentuhan niyo na " alala mo dati nilakad natin ganito kalayo kasi nagtitipid tayo sa pamasahe?
e ngayon ilan na oto natin?"

and i always keep telling my friends this...ok nga to sa hirap magkasama kami paano pa kaya sa ginhawa diba?

just pray makaka raos din tayo...




sistah!

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #22 on: May 25, 2013, 10:07:16 am »
parang ganyan din kami ng hubby ko. seasonal ang income nya kasi ayaw nya ang regular work. ilang beses na sya nag-try mag-business. minsan nagwowork pero eventually nagfa-fail kaya back to zero kami ulit. pero when we had a baby, talagang hindi ko na kinaya. ang gastos ng may baby. vaccines, yaya (I work full time at hindi reliable ang asawa ko sa bata), at marami pa. swerte pa kami na hindi sakitin ang baby namin. kaya sobrang sungit ko sa kanya. as in there was a time na nahihiya na ako sa parents ko kasi they help me out a lot financially. minsan may mga hirit yung dad ko sa akin about how certain things should be the responsibility of my husband etc. hiyang hiya ako kahit pa-joke nya hinihirit sa akin. for a while, I thought about telling my husband to move out. it never came to that pero at least nagtrabaho sya. kahit pano may income na sya so hindi na ganun kabigat. medyo nagwoworry ako recently kasi since may konting pera na sya, gusto na naman nya mag-try ng business. ibig sabihin titigil na naman magtrabago yan. hay, bakit kaya ganun ang ibang lalaki?

glamorosa_09

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #23 on: May 25, 2013, 12:04:05 pm »
@sugar n spice

OC ka ba sa house? Challenge din yata sa mga OC ang mag-turn ng blind eye sa alikabok at clutters eh. Pero baka it will help if you will tone down yung pagiging OC mo, para imbis na maglinis ka every after work, eh you relax na lang muna, or labas (date and no kids) kayo ng hubby mo to unwind, kahit budgeted date lang. I think both of you need to go out of your daily stresses to recharge and refresh.
 
Siguro yung initiative ng husband mo na "magpalda" is a sign din na he's being sensitive to you too. Otherwise, kung totally wala syang pakiramdam or pakialam, wala syang gagawin. But at least, in your situation right now, may nakikita ka pa ring positive sa husband mo.

I would suggest na i-appreciate mo yung little efforts ng husband mo to boost him, so he would feel appreciated, he would feel he matters and is important. That way eh ma-encourage sya. Again mahirap, because as you said you're already exhausted and stressed out. Hindi mo na yata alam kung san ka pa kukuha ng energy.

But maybe you could try a different and radical way kung hindi nagwowork yung previous attempts mo sa husband mo. I think a woman is more effective in leading and influencing her man when she uses her femininity and not her masculinity.

swt_fem

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #24 on: June 12, 2013, 01:44:48 pm »
Somehow I can relate to this but my main dilemma is yung kinikita namin eh kulang talaga. Lagi nalang kami kinakapos. Buti nalang andyan ang in laws nagbibigay paminsan minsan.

I don't know if ako ang may problema. Ako kasi ang nagbabudget. Is Php250-300 a day for food too much for 3 adults and 1 kid? We spend 7thou a month for our 3-year old. Siguro every sweldo nagja-Jollibee kami. Yun na yun! More than a year na since I last went to see a movie. Mani pedi parang luho pa ang dating. Minsan naawa na ako sa sarili ko kase trabaho kami ng trabaho pero parang walang nangyayari. Survival mode lang. Plus ako ang nagpapaaral sa sister kong 4th year highschool.

Minsan nagrereklamo din si partner na sobrang luma na mga damit nya. Lalo lang ako nalulungkot kasi gusto ko sya maibili ng new clothes. Sabi nila you need to treat yourself pag sweldo, I treat myself for a Starbucks tall frappe.

Wala kaming credit cards. Pero pareho kaming may SSS loan na binabayaran, may pagibig loan ako.

Nakaka-depress.

mslcgrey

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #25 on: June 12, 2013, 02:13:02 pm »
^ hi sis... if when you list down all your expenses and your income at talagang kulang, then one of you needs to find a better paying job. as much as possible, iwas sa utang. instead of budgeting food per day, baka mas makakamura na per week. research ng mga ulam na nutritious and delicious and yet low-cost.

the pag-ibig and sss loans, para saan sila? kasi if let say, the pag-ibig loan is a housing loan then okay na rin kasi may own house na kayo.

as for your sister, sa private school mo ba pinag-aaral? if that is the case, talagang quite expensive yan compared if sa public. if up to college ikaw ang may sagot then encourage her to get scholarships para bawas sa gastusin and of course encourage to finish her studies on time.

malapit-lapit na rin mag-school ang baby mo so better be prepared na rin.

« Last Edit: June 12, 2013, 02:17:16 pm by mslcgrey »

swt_fem

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #26 on: June 12, 2013, 02:22:59 pm »
Per day ang food budgeting kasi til now wala parin kami fridge. Salary loans sya. I used it for my sister's tuition fee, etc.

Hindi naman kami magastos sa food. Hindi naman kami naguulam ng crispy pata, beef or hipon.

Tsaka nagrerent din kami kaya ang dami talagang bayarin.

I wish we have an option to get a better paying job. We both just got promoted, maliit lang ang naging increase. Siguro magpapatenure muna bago lumipat ng ibang company.

ags

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #27 on: June 12, 2013, 03:51:43 pm »
Saan nag aaral sister mo?  Baka naman meron working student position sa school na pwede siya mag apply.  My niece has something like that.  She does clerical work for the school after class and they charge her lower tuition.

trendy

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #28 on: June 12, 2013, 06:38:33 pm »
you can let him learn new skills at TESDA, let him choose what interests him. Then later on pwede na syang magapply abroad kahit blue-collar job lang, at least pag sa abroad kahit papano may maco-contribute sya sa expenses nyo. Eventually, baka pwede na rin ikaw sumunod kung san man sya and makahanap ka din ng work dun and then dun na buong family nyo.

swt_fem

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #29 on: June 12, 2013, 07:47:17 pm »
^^one of the private schools near my mom's house in Bulacan. Nanghinayang kami ilipat sa public school. Pero pag college na, hindi na private. Gustuhin ko man, hindi ko na talaga kakayanin.

chubby_kim

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #30 on: June 14, 2013, 09:45:49 pm »
 nasa abroad si hub at wala ako work. malaki sahod nya pero 30% nun napupunta samin ng mga anak ko. yun 70% sa kanya at pag nag tanong ako kung may naiipon or need ko extra money nabibingi na sya. sakin pa nya ibabato bakit wala ako naipon.

hirap pag sa asawa lang dume depende.  :(  nasa 40s na ko at walang work experience.

jmeangeL

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #31 on: June 17, 2013, 05:19:44 pm »
tiis lang talaga sa umpisa... learn to do budgeting and stick with it
bawasan ang expense at wants.  kung kulang pa rin ang pumapasok na income, talk to your boss if there's a chance for a big promotion; look for a better paying job or do some sidelines

kapos din kami lagi ni hubby noon pero we never fight about financial matters... petty issue ang money, sayang ang time kung pag-aawayan pa

Kady_14

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #32 on: June 17, 2013, 06:43:07 pm »
^^ hirap nyan sis. Baka pwede mo isulat ang expenses at ipakita sa kanya para makita niya na kulang ang allotment mo.

^ I agree re bawasan ang expenses or wants, or maging wais and mag tipid, get a cheaper/generic items kesa signatured, less eat outs or have a budget kada labas and stick to it. If kulang pa din mukhang kailangan na talaga magpalit ng work. I doubt it kung kaya pa mag-sideline kasi sabi nga ni sis sugar n spice, pagod na siya.

isa.v00

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #33 on: June 19, 2013, 12:09:49 pm »
Isa lang ang masasabi ko dito. Wag na wag nyong hahayaan na financial problems ang maging dahilan ng mga malalang away nyo. The best thing to do siguro is to budget talaga. Save more for your NEEDS rather than your WANTS. I suggest, have a "fun fund" din para may mapagkukunan kayo for wants... :)

polar_bear

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #34 on: June 20, 2013, 11:45:43 am »
Before we got married ng asawa ko, sinabi namin na wag na wag namin pagawayan ang pera, na dapat pagusapan ng mabuti.. hinde worth it. 

there came a time na talagang nagkaproblema kame mabigat sa finances.. pero napagusapan namin and both of us found the solution for it.  we are a team that time.

pero lately, naoffend ako.. kasi ako na nga nagpapakahirap gumawa ng budget..ako na nga nagtitipid, ako pa masasabihan na mukhang pera, well not directly, but i was compared to a certain person na sinasabihan nya na mukhang pera, so, i guess, that makes me mukhang pera na rin.   

siguro it's just me na rin.. baka mali ang approach ko kaya nagaaway kame ngayon about sa money..

haist.. pero iniisip ko nalang, at least pera lang ang problema at pinagaawayan namin.. Otherwise, ok naman.. we are blessed with healthy kids and maganda samahan namin ni hubby.. That's more important for me..


cassey05

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #35 on: July 02, 2013, 01:55:23 am »
sdi ko masasabing finalcial ang prob namin though malaking part yun... pero yung hubby ko kasi, magkaiba kami.. now ko lang napagtanto na magkaiba kami, ako mataas mga pangarap ko, gusto ko magkaron kami ng magandang buhay, ng comfortable na buhay.. pero sya ok na sya sa ganito/ganyan... di sya tamad kaso di sya motivated mangarap.... magkaibang magkaiba kami... di ko pa sya narinig na magsabi kung anung pangarap nya para saming pamilya... ni di ko nga alam kung may balak sya magkaron ng sariling bahay o kotse man lang.. masyado syang malambot kesa sakin... di sya tamad kaso wala syang pangarap at complete opposite kami...lagi namin pinag aawayan yun.. endless cycle.. yan nlang lagi...

minsan naiisip ko na,siguro di talaga kami compatible sa isat isa at balang araw maghihiwlay din kami... siguro pag dumating yung panahon na yun, di na ako ma istress...

hinihintay ko parin sya... oo pinipilit ko na sya mag grow, kasi kailangan namin eh... ang daming opportunities na dumadating sa kanya, tutukain nlang nya pero wala..! nganga.... di ko na alam panu sya icoconvince... o mag lelet go nlang talaga ako.. maghintay hanggang sa tuluyan nlang mapatid ang pisi ko...  :( :( :(

jmeangeL

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #36 on: July 03, 2013, 04:12:20 pm »
i used to want a big house and an SUV... the good stuff

pero after mag-abroad ni hubby, ayoko na ng mga ganun bagay.  tama na sa akin ang maliit na bahay, kahit walang sasakyan.  mas gusto ko na kasama ko sya... kaysa may pera nga kami, magkahiwalay naman

tinanong ko sya kung kelan ba masasabi na mayaman na kami? kapag ba may bahay na?
sabi nya hindi.  kasi bahay lang iyon.  mayaman na daw kami kapag magkasama na kami ulit at di na kaylangan magkahiwalay pa.  konting tiis lang daw muna.

he's proud that i was able to learn about budgeting, investing and business.  i'm more than proud that he was able to go to SG as an engineering supervisor even if he's only a diploma course graduate.

sis cassey05, celebrate the small things.  look back year after year and see the accomplishments that you've made. create a goal with your hubby that can be accomplished within a year.  as simple as paying off a loan or a mortgage.  accomplishment iyon.

honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #37 on: July 23, 2013, 11:32:37 pm »
sisses, your insights are inspiring. 

i am in this thread because of our financial crisis as well.  my problem is a mix of all your problems.  my husband do not provide for our family.  since we have been together, i am the one doing all the work.  there was a short stint in our relationship where he got a good paying job but that was it -- it was for a short while.  i feel that he's entirely dependent on me and his parents.  we are living with at his parents house.

when i was about to give birth, he thinks of our family and how he can help support our little boy.  pero parang short lived lang yung ganung thinking nya.  when he lost his job, he never tried to get a new one.  good thing then that i was earning enough for our needs.  we even have some extra to spare.  it was ok for me that i was doing all the work because we never got short.... until now.  i have a lot of loans to pay which explains the sudden lack of cash inflow.

when i list down our monthly budget we are almost 30k short.  goodness, saan ko naman pupulutin yun?  even though we stay at his parents house, we still give our share sa utilities and grocery.  i asked him if he can try to get a job. but he seems hesitant.  he always say na ayoko syang pag trabahuhin (because he had an affair in his last job). but i am not stopping him.  he is afraid to go to work because he fears that he might commit the same mistake again. which will make him lose me and our son. anyway, his extra marital affairs is another story...

i'm thinking of getting a part time job. i don't want to explore other opportunities kasi i love my present job and i don't think i can get an extra high paying one.  my husband is still not thinking of getting a job. baligtad kami, i provide and siya walang ginagawa. he drives me to work every day.  when he comes home he either spend his day in front of the computer and browse all the car forums or tinker around in the garage.  i can't even rely on him to watch after our little boy.  buhay mayaman siya pero ako sobrang baon sa utang. 

like sis cassey, feeling ko hindi kami compatible.  lately, i'm becoming a nag dahil sa problema.  i don't want what i'm becoming.   :'(

IloveMybabs

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #38 on: July 24, 2013, 01:55:44 am »
Hubby and I have financial issues and i really need to vent out.

i am 10weeks pregnant and we live in US and yong medical expenses dito is waaaaaaaaaayyy waaaayyy too expensive kahit na may insurance ka. before i was working para makaipon kami kahit papano then i got pregnant medjo maselan kaya i need to stay at home dagdag pa na organic lahat ng food na binibili namin kasi advise ng doctor. sapat naman yong sahod ni hubby before pero ngayon na madami kailangan pag gastusan and bilhin in preparation sa pag dating ng baby medjo kinukulang kami.

we plot everything forecast every gastos na expected minus the earnings and nakita nya na kulang talaga. sooo sabi nya sya daw bahala pero saken wala na kong tiwala sa kanya pag sinasabi nya un kasi last year sya daw bahala gumawa ng paraan pag nag kulang yong pera namin sa church wedding kasi inaaway ko sya sa pag gastos nya ng pag gastos para sa family nya in the end ako din gumawa ng paraan at nanghiram sa parents ko and we had to pay it using the money we got from the wedding gift.

then bday ng parents nya and pamangkin nya this August sabi nya 6k daw padala namin para tag 2k sila 1k daw gift and 1k pang handa ang saken naman alam na nga nya na kulang na yong pera namin may nalalaman pa na gift and pang handa. so we agreed na 1k lang isa. then nag sabi daw yong kapatid nya na magbabayad ng tuition kasi prelim na kailangan nya magpadala uli. eh sa pagkaka tanda ko kakapadala lang namin ng pang tuition and every sem 1 beses lang kami nag papadala nun and we send 5k for tuition fee ang sagot nya lang hindi daw nya alam kasi wala naman daw pinapakita na resibo so nag check ako sa net how much tuition nila sa school then turned out 3k lang pala and additional 150 lang if sobra ka sa 21 units. sobrang naiinis ako kasi nanloloko pa sila to think na we send money every month sa kanila na kami na nga gumagastos sa pag papaaral ng kapatid nya.

and now hindi kami nag uusap ni hubby he does not talk to me and he's always like that when it comes to his family sobrang naiinis ako feeling ko mas inuuna nya pa luho ng pamilya nya kesa sa magiging anak nya ni hindi pa nga kami nakaka ipon ng pambili ng gamit ng baby and para sa panganganak ko puro pag papa dala sa kanila yong inuuna nya. minsan gusto ko na syang layasan kasi naiisip ko my baby does not deserve to be the second priority kung hindi yong kapakanan nya yong inuuna ng tatay nya mas mabuti pang wala na syang tatay.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #39 on: July 24, 2013, 04:50:55 am »
nasa abroad si hub at wala ako work. malaki sahod nya pero 30% nun napupunta samin ng mga anak ko. yun 70% sa kanya at pag nag tanong ako kung may naiipon or need ko extra money nabibingi na sya. sakin pa nya ibabato bakit wala ako naipon.

hirap pag sa asawa lang dume depende.  :(  nasa 40s na ko at walang work experience.


Sorry sis ha, pero ito talaga ang iniiwasan ko mangyari kaya hindi ako tumigil mag-work kahit pinahihinto niya na ako. Mahirap ang walang sariling pera kasi nakakailang bumili ng gamit, hindi ko iniisip yung sasabihin ng partner ko pero yung sasabihin ng mga in-laws ko. Ayoko na may nasasabi sila sa akin lalo na ang tungkol sa pera dahil ito yung pinakaayaw ko na pinag-uugatan ng away.

Hindi kasi nagba-budget ang mga lalake kaya hindi nila alam ang gastusan, hindi makwenta partner ko kasi nakikita niya ang mga pinagkakagastusan namin. Much better kung isali niyo sila sa pagba-budget to keep them on track sa mga gastusin sa bahay at presyo ng mga bilihin, kasi kaya sila nagtatanong kasi hindi nila alam. So better keep the receipts/bills so you can show it to them.  ;)

sisses, your insights are inspiring. 

when i list down our monthly budget we are almost 30k short.  goodness, saan ko naman pupulutin yun?  even though we stay at his parents house, we still give our share sa utilities and grocery.  i asked him if he can try to get a job. but he seems hesitant.  he always say na ayoko syang pag trabahuhin (because he had an affair in his last job). but i am not stopping him.  he is afraid to go to work because he fears that he might commit the same mistake again. which will make him lose me and our son. anyway, his extra marital affairs is another story...

wow sis ang laki naman ng gastusin niyo  :o pero sabagay kung may mga anak kayo na nag-aaral possible nga... nagdadahilan lan yung hubby mo at ikaw pa talaga ang ginawang sangkalan. Sino bang matinong babae ang aayaw na magtrabaho ang asawa nila?!


 

Latest Stories

Load More Stories
Close