thanks mga sis sa reply, try ko makahanap bukas before kami umuwi, bukas na flight ba namin pabalik e, 7 days din kami dito sa SG..
April 23, arrival namin, madaling araw na kami nakadating kaya tulog na lang paguwi, we're staying sa condo ng pinsan ko.. caspian condo near lakeside, ang gandaaaaaaa! super saya kasi laking tipid tapos ang ganda pa ng place..
April 24, whole day sa Sentosa, punta kami oceanarium tapos nag try din kami ng Luge, ang saya nakakatuwa.. yng cable car ang ganda din compared sa Hongkong.. sa beach part ang ganda ng Siloso beach pero mas maganda sa Palawan beach, na-curious kami kung ano yung nasa dulo kaya tumawid kami sa may hanging bridge, tapos parang meron akyatan dun tapos ang ganda ng view sa taas
April 25, birthday ko neto kaya sa USS kami, ayun halos nasakyan namin lahat, pati yung human at Cylon na akala ko ikamamatay ko na haha pero the best ang saya! maganda rin yung Shrek, revenge of the mummy and syempre yung bagong bago na transformers, astig! palakpakan nga mga nakasakay pagkatapos e..
April 26, sidetrip kami sa Malaysia, grabe super lapit lang halos 30 minutes lang yung byahe.. pagdating ng Malaysia talagang ma-compare mo yung difference e, sa toilet pa lang alam mo ng wala ka na sa SIngapore.. ginawa lang namin dito foodtrip at shopping, mas mura kasi.. kinagabihan sa Marina Bay Sands kami, tapos kumain kami sa Gluttons bay.. thumbs up sa food
April 27, City Tour kami, from Lakeside naglakas lang kami papunta Chinese Garden tapos nilibot namin yun tapos punta naman kami Botanical Garden nilibot din namin yun.. punta din kami Orchard para mag window shopping haha.. tapos as if hindi pa kami pagod e nagpunta pa kami ng Gardens by the Bay at naglibot na naman.. pero worth it ang pagod dahil ang ganda ng view.. suuuuper magical! parang fairytale sa sobrang ganda..
April 28, di na kami namasyal ngayon para makapag relax din dahil uwi na kami bukas and wedding ng cousin ko tom. so para di na kami ma-haggard nag swimming lang kami dito sa condo, ganda naman ng pool wala ka masabi..
overall, ang ganda ng singapore! parang wala kang mapipintas sa bansa na to sobrang ganda! ultimo toilet napakalinis, napakalaki.. sa buong stay namin dito wala pa ako nakitang panget na cr.. transportation wise nakakahanga din, hindi ka mahihirapan mag commute.. maluluwag yung mga train, sosyal yung mga bus talagang may bus stop na sinusunod, di katulad sa pinas kahit saan lang itinatabi..
tapos binibigyan talaga nila ng importance yung mga disabled, may braile yung mga kalsada, elevator tapos yung bus din may madadaanan ng wheelchair.. tapos mga materials na ginagamit nila yung hindi makakadagdag sa init.. ang galing talaga, pinagiisipan lahat., mga attractions nila lahat maganda talaga.. pinaka the best pa e super safe ka dito, balandra mo gadgets mo dyan walang kukuha.. problema lang dito ang mahal lahat..pero kung mabibigyan ako ng chance babalik talaga ako..
sorry kung mahaba guys, hahaa.. nadala lang ako, ganda kasi talaga ng SG..