^sis, i got their lavish package last year. pero i removed some items: p/v, converted cake to cupcake tower, souvenirs, church, hotel, reception venues, and clothes. there were good and bad points.
good:
- food
- communication with anj
- styling
- worth of money
- professionalism of the waiters, emcee, other suppliers
bad:
- coordination team, only anj worked with dedication. yung assigned na coord for me and hubby nakatambay lang sa hotel, pag nasa paligid si anj saka lang sila kumikilos kaya madaming hindi nasunod sa plano namin. buti na lang friends na namin yung iba pang suppliers namin (not under Ma Del's) at tinulungan nila kame to cover up sa mga coord. but from my last convo with anj, inalis na yung coords na yun.
- pati sa church pasaway yung coords. start na ng bridal march ko nasa labas pa yung ibang tao eh ang liit lang private yung chapel! sa pictorial, konti lang ang kuha kasi wala si coord para magtawag kaya si photog namin ang nagtawag. wala din kame photos with families and ento outside the church, madaming na-miss out dahil pinamadali sila magpunta sa venue. during postnup din panay ang madali samin ni coord.
- partly fault nanaman ng coord, nawalan ng control sa DIY desserts buffet namin. nakakahiya sa ibang guests na nakita nilang parang nag-grocery yung ibang guests sa desserts buffet area. kaya walang picture at hindi lahat nakakuha ng desserts.
- not sure whose fault this is, yung cake namin for slicing c/o Ma Del's supplier Iko's eh may mark na parang kumuha ng icing.
- yung emcee namin parang radio announcer. not bad kasi ginising nya ang inaantok (morning wedding kame) na mood ng guests. if you are not particular sa style ng emcee like us, pwede naman na sya.
- yung bridal car driver imbes na short cut ang gawin eh nag-long cut kaya more than 1hr kame late sa reception. hindi namin alam kung di nya lang alam yung route, pero sinasabi na namin sa kanya kung saan ok dumaan hindi nya kame pinakinggan at inikot nya kame from Shaw to Greenhills San Juan hanggang EDSA hanggang Meralco Ave.
so kuha ka na lang ng ibang coord kahit na wala na daw dun yung mga pasaway. para na din makapag-focus sila anj sa catering at styling. request mo na din sya at si brother nya ang kumanta.
