watch now

Author Topic: Do you yell at your toddler?  (Read 11350 times)

snowflakes

  • Guest
Do you yell at your toddler?
« on: April 26, 2013, 11:31:08 am »
I'm guilty! And everytime it happens sobrang iyak ako and hug ko si baby. Hnde ko minsan mapigilan sigawan sha pag ayaw makinig sakin or sumunod. God knows how hard i tried to remain calm pero minsan sobrang nakaka puno na lalo na pag pagod ka at maraming ginagawa tapos sasabay pa sha.  :'(

m_lim

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #1 on: April 26, 2013, 12:09:23 pm »
talagang nakakapagod ang mag alaga ng baby.  kaya for me, dapat talaga may kapalitan ka.

even the yaya, kailangan may kapalitan. basta, hindi pwedeng isa lang whole day ang mag alaga.

kasi tao lang naman tayo, kahit anak natin yan, nakaka drain kung minsan. kaya kesa kay baby pa mapunta ang frustrations, eh humanap nalang ng help.
pwedeng mommy mo or yaya.

kasi isipin mo, kung buong araw ka nasa kwarto, walang kausap except the baby , eh nakakabaliw yon.

pansin ko kasi sa mga friends ko na 24/7 sila hands on kay baby, lahat sila ang kwento may times na pati sila umiiyak kasabay ni baby.
« Last Edit: April 26, 2013, 12:12:49 pm by m_lim »

kettlekorn28

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #2 on: April 26, 2013, 03:21:57 pm »
I am also guilty. After ko sigawan yung baby ko, naiinis ako sa sarili. My son is just 13 months, so anong malay nya di ba. I am a sahm, walang househelp. Maghapon kami lang ni baby ang magkasama. Im not complaining ha. Pero syempre, you'd feel exhausted kasi wala kang katulong sa chores at kay baby. Nakakaloka lang kasi walang makakwentuhan.

aquacharly

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #3 on: April 26, 2013, 04:08:04 pm »
No.  There is always somebody else to yell at. :(. 

cj_09

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #4 on: April 26, 2013, 05:24:49 pm »
guilty! hirap kasi mag-alaga din mag-isa at sabayan pa ng pregnant ako with my 2nd child. hay..kung minsan ako na lang ang lumayo sa inis ko kasya kung ano pa magawa ko! Pero after that sigawan portion,nagsosorry ako kay baby at ineexplain ko sa kanya why did i do that to her.

bluegintonic

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #5 on: April 26, 2013, 07:06:48 pm »
Guilty.There are times I'm trying to keep the house "picked up" but then she has other ideas, or I'm trying to cook and she's clingy. I don't have a maid.I stubbed my toe on her ride on toy which cracked my toenail dahil hindi ko makita while carrying her wrapped in towel so napasigaw talaga ako!halos napamura ako sa sakit.Trying to accomplish house chores with a toddler around is like " brushing teeth while eating oreos". ;D

Deni

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #6 on: April 27, 2013, 02:50:56 am »
No! As much as possible, Naku mga terrible twos talagang mahirap, masyadong makulit, but for me, I tend to be patient talaga. I talked to my child and explain the situation the best I can, Kahit na minsan, I wonder if she understands it well, but it works for me. I dont want din na makalakihan nya yong shouting cause sooner and later they will think shouting is okay and mimick you ( read that in a one parenting magazine). Though I cant blame other mommies din syempre nakaka stress din talaga.

Mlabable

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #7 on: April 27, 2013, 03:04:49 am »
Guilty. I'm working on a night shift with 4 hours sleep lang sa bahay, after gumising gawa na ng household chores (no househelp, parents/husband ko lang kapalitan sa pag-aalaga ). So minsan gusto mo na matapos agad yung trabaho para makafocus naman ako sa anak ko then magkukulit pa. Nasisigawan ko siya yung tipong muntik na siyang madisgrasya sa sobrang kakulitan niya.

Sobrang guilty ako nun after ko ginawa, then nagsosorry ako sa kanya sinasabi ko wag na niya uulitin. Kaya minsan nasasabi ko sa husband ko, masama siguro akong ina kasi nagagawa ko yun sa anak ko. Maikli lang kasi talaga temper ko, mabilis ako maiinis.
« Last Edit: April 30, 2013, 02:39:44 am by Mlabable »

ankyneMD

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #8 on: April 28, 2013, 08:08:12 pm »
Lahat naman tayong mga mommies nagiguilty pag napapagalitan at nasisigawan natin yung mga anak natin diba.. nasisigawan ko siya kapag ginagawa niya kung ano pa yung ipinagbabawal ko sakanya at napahamak siya dahil don. Like kapag sinabi ko sa kanya na wag siya papanik sa bangko pero pumanik pa din at nahulog siya at pumutok ang labi nya, nasaktan na nga sinigawan ko pa. Kaya sobrang guilty ako that time. Pero pinaliwanag ko naman sakanya na ayoko lang siya nasasaktan kasi mahal na mahal ko siya.

j27

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #9 on: April 28, 2013, 08:25:34 pm »
given ng makukulit ang mga todder e, kaya may extrang pasensiya pa ako para dyan. nasisigawan ko lang itong bunso (5yo) pag over na sa kakulitan.

kunwari naglalaro, sobrang likot maglaro, pagsasabihan ko na maglaro ng maayos. tapos hindi nakikinig sakin kaya mayamaya lang masasaktan na nga siya sa kalikutan niya. ayun, dun na ako mapapasigaw, "ayan na nga, malikot ka kasi!". pero aamuin ko din naman pagkatapos ko siyang pagalitan, siyempre kawawa din. hehe. tsaka marunong naman magsorry pag alam niyang nagalit ako.

hindi mo naman kasi maiiwasan na hindi sumigaw paminsanminsan, kahit anong pagtitimpi pa ang meron ka.


k_heart

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #10 on: April 28, 2013, 08:29:29 pm »
I have 3 kids, no, i don't yell at them. except kung panic mode at feeling ko maaksidente,then,i yell
their names. he!he!
mahaba ang pasensya ko.

snowflakes

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #11 on: April 29, 2013, 11:18:36 pm »
tama kayong lahat.  :'(
isa pang factor yung wala kang katulong sa pag alaga sa mga bata kase walang family na maasahan. tapos ikaw pa lahat ng gagawa ng gawaing bahay. magluluto, maglalaba, maglilinis, tapos sabay pa iiyak or yung isa kelangan dumede tapos yung isa di mo maiwan kase kung ano ano ginagawa.
usually naman nasisigawan ko sha pag potty time. may poo poo na sa diaper ayaw pahugas sa bowl. pero minsan lang naman yun. kase mabait naman baby girl ko kaya lang nasa stage sha ng kakulitan 2 years old na sha. sabi nga nila may tinatawag daw na terrible two. di naman sha ganon kalala actually. kaya nga guilty ako sa pagsigaw sa kanya.

k_heart

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #12 on: April 29, 2013, 11:23:57 pm »
^ pagod na yan sis and sometimes panic, and i understand!
yung hubby ko actually ang maikli ang pasensya pag makulit na kids namin pero sinasaway ko sya
talaga pag mainit na ulo nya. sya yung sinisigawan ko.ha!ha!

iamgold

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #13 on: April 29, 2013, 11:33:16 pm »
ako napapasigaw ako lalo pag madadapa or muntik nang may mangyari..takot kase ako na may mangyari kay baby lalo na 3 years old na super duper over kuleeet! pero after talaga niyayakap ko si baby then i say anak pasensya ka na kay mommy ha, im sorry but i have to do it kase ayokong mapahamak ka, basta iexplain lang dapat. surprisingly my 3 year old kid sinasabi din sakin, mommy sensya ka na po alex kulet kulet..nakaka panantag kase kahit napapalo and nasisigawan ko siya alam niya kung bakit and she know's how to say sorry.

sa akin kase mga sis,im the type of mom na i don't sugar coat things. i want my child to accept that people shout, people get mad and people yell, i want them to learn na that's life and they better prepare themselves. so they have to behave well, do well so as not to give people a reason to yell at them. And sa akin i want my child to see if ever,,di pa naman nangyari, na if ever mag away kame ng dad niya na its ok..people fight. but the most important thing is..nagkakaayos pag nag usap ng ,maaayos. Na hindi ibig sabihin pag nag away maghihiwalay na, ganun kase yung nakikita ko sa iba tinatago sa bata na may problema or nag aaway yung bata tuloy pag nakita na tumaas boses ng mom or dad feeling nila maghihiwalay na. mahirap kase i under estimate ang kids..mababaon ka sa lies.

k_heart

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #14 on: April 30, 2013, 12:00:09 am »
Pero sa experience ko sa 3 kids ko at sa iba kong pamangkin, mas nagpapanic sila pag nakakarinig
sila ng sigaw.at ayaw ko ding lumaki sila ng palasigaw. they will think na shouting is the norm.
kasi kahit kami, hindi rin palasigaw yung mother namin. Yung paminsan minsan lang na sigaw kaya
mas tumatatak yun kasi alam namin na unusual.
yelling every now and then is ok pero yung lagi, hindi tama yun for me lalo na pag babies or toddlers pa lang.
at yes, never kong napalo ang mag kids ko. Hindi ako fan ng corporal punishment.
takot pa din sila sa akin kahit hindi ako palasigaw, mata ko pa lang, alam na nila kung mali ang ginagawa nila.

pero feeling ko din parang bad cop at good cop ang drama namin ng husband ko. sya yung bad cop.he!he!
« Last Edit: April 30, 2013, 12:45:17 am by k_heart »

kiz_me1109

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #15 on: April 30, 2013, 01:18:27 am »
GUILTY. I have a 3 year old tot na sobrang makulit and I admit na maikli talaga ang pasensiya ko. Especially now that we don't have a yaya/househelp. Both me and hubby works at night. So, we have less sleep and laging nagmamadali. Tapos, nag ta tantrums pa. Minsan, sinusunod ko naman yung mga advises na nababasa ko sa Smart parenting and other books about parenting kaso nakakainis lalo na kapag madali ako ginagawa or nagmamadali na ako.

cyh

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #16 on: April 30, 2013, 01:54:13 am »
guilty... though kinukondisyon ko sarili ko na dapat in a nice way sasabihin sa knya, pero pag napupuno na ako, nkakaubos talga ng pasensya.

same tyo sis kiz_me1109, kulang na kulang din ako sa tulog. wala rin helper for now. pag gabi lang din nakakawork ng maayos...

kiz_me1109

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #17 on: April 30, 2013, 02:19:55 am »
^ stay at home ka sis? or you work din at night? I work at night kasi. I took a 1 month leave from work so I could rest and matutukan anak ko. I thought makakakakita na ako ng yaya but I failed. So back to the same routine na naman kami ni hubby.

snowflakes

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #18 on: April 30, 2013, 07:09:44 am »
isa p ayan tulog mga sis every hour gising ako to feed my newborn tapos wala ako nap sa hapon kase gising naman yung toddler. aayusin ko pa food namin sa lunvh, papaliguan ko pa sila isa isa. habang si hubby nagpapahinga kase papasok sha sa gabi. waaaaa kaya im so fed up na minsan.
minsan kase pag kinausap ko ng mahinahon si baby girl, ayaw sumunod. pag tumaas na boses ko ayun sunod agad.  :-\

iamgold

  • Guest
Re: Do you yell at your toddler?
« Reply #19 on: April 30, 2013, 10:12:40 am »
Mahirap talaga maging mom especially in terms of pagdidisiplina..iba iba kase tayo ng kids kaya wala talagang specific rule to follow..minsan yung pagdidisiplina mo sa panganay mo hindi uubra sa bunso mo kase magka iba sila ng personality..basta ang importante yung pag explain natin sa kanila and pinaka importante is yung pag hug natin sa kanila pagkatapos natin sila disiplinahin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close