watch now

Author Topic: Pessimism as means to protect oneself  (Read 1819 times)

Pookiekai

  • Guest
Pessimism as means to protect oneself
« on: April 24, 2013, 06:39:49 am »
Does anyone of you use this type of defense mechanism to protect yourself from disappointments?

Feeling ko kasi sira na ulo ko, kasi sa kabila ng napakaraming blessings na dumadating sa buhay ko, lagi ko naiisip na sa simula lang ito, o hindi din magtatagal, kaya hindi ko magawang totally maging masaya. Gusto ko na minsan mag seek ng professional help dahil sa ugali kong ito. I have had my share of bad experiences in the past na siguro, dahil sa dami nila, hindi na ako sanay na nagkakaroon ng blessings. Kaya palagi ko dinidisregard ang magagandang bagay na dumadating sa akin.

Example, matagal kami nagkahiwalay ng asawa ko dahil sa nagkaron sya ng babae during the time na LDR kami, dasal ako ng dasal noon na maget over ko yun heartaches at mahanap ko pa rin yun happiness na nawala sa akin mula nun iniwan nya ako kahit na hindi na sya bumalik sa akin. For several years, I tried to move on, nagka bf ako, but I still felt empty and unhappy inside. Then after a few years, bumalik sa akin ang asawa ko, nagmakaawa at nanuyo hanggang pinatawad at tinanggap ko ulit. Mga rason kung bakit ko sya tinanggap ulit: 1) dahil hindi naman totally nawala pagmamahal ko sa kanya, 2) hindi ako masaya sa buhay ko kasi wala naman akong nakita na lalaki na nakapagpahappy sa akin gaya ng naranasan ko nung ok ang pagsasama namin 3) nagbakasakali ako na baka magwork naman ulit yun marriage kasi gusto ko maranasan ulit yung pagmamahalan namin gaya ng dati. 4) he has his faults, pero I feel napakabuti naman nyang asawa kung hindi lang ikoconsider ang pagkakamali nya (good provider, malambing, mabait, never ako sinigawan o sinaktan physically, generous, mapagmahal etc.). So tinanggap ko sya ulit, seven years na kami nagsasama ulit ngayon, good boy sya, wala akong reklamo, pero hindi ko magawang maging completely happy kasi lagi ako nagdudwell sa mga nangyari noon. Wala akong rason sa ngayon na maging malungkot, pero pag sobrang saya ko, inihohold ko sarili ko na wag magsaya kasi may fear ako na baka later on, maging unhappy na naman ako ulit. Ang engot lang kasi, pitong taon na akong nag aabang na maghihiwalay kami (there are times na naghahamon na ako pag naaalala ko yun heartaches ko dati, pero niyayakap lang nya ako at inirereassure na it won't happen again) but until now, magkasama pa rin kami, kontento naman and consistent naman sya sa pagmamahal at pag asikaso sa akin. I honestly feel that he has been trying his best to make up for his past mistake, at ramdam ko ang sincerity nya na ayusin ang nasira naming pagsasama. I want to enjoy my moments with him, I want to be completely happy, pero deep inside, pinipigilan ko kasi takot ako na baka one day, bigla mawala na naman lahat ito..

My mom died and my dad has run our business to the ground dahil di naman sya sanay na humawak ng business. Ngayon, in a way, nagiging dependent sya sa support namin ng mga siblings ko kasi ayaw pa rin nya bitawan business kahit luging lugi na. Masakit tingnan na yun dad ko, dati mayaman, ngayon, hirap na at dependent na sa mga anak nya. Ngayon, gusto ko sya tulungan pero di ko magawa kasi wala akong ganun kalaking pera para iinvest ulit sa negosyo namin. Isa pa disappointment ko, hindi ko natapos post-grad schooling ko nung nagkahiwalay kami ng asawa ko hanggang namatay ang nanay ko. Yun iniexpect ko na success na maaachieve ko, hindi nangyari so napilitan ako maghanap ng trabaho na hindi akma sa kursong tinapos ko, basta may ikabubuhay lang. Marami pa mga unfortunate incidents na nangyari sa buhay ko, pero nakakasurvive naman. And instead na mabago attitude ko na maging optimistic dahil despite ng mga misfortunes, nagiging ok pa rin naman, nabaliktad, feel ko palagi, palpak o mapapalpak ang buhay ko.

I want to change my attitude towards life kasi I know this is unhealthy, especially now that I am pregnant. For several years kami nagtry magkababy ng husband ko, then in 2010 nabuntis ako, pero blighted ovum, so nawala din. This year, I got pregnant again, and from the moment I had my positive PT, iniexpect ko na blighted ulit until magpaultrasound ako na nakita na viable naman si beybi. Tapos everytime na nagpapacheck up ako, iniexpect ko palagi na wala maririnig na heartbeat, na sasabihin ng doctor na wala na ang beybi ko. Pero everytime naman ok ang result ng check up ko. Everytime na nagwiwiwi ako, whenever I wipe myself, I always expect na may blood sa tissue. Then ngayon, halfway na ako sa pregnancy ko, iniisip ko, baka may defect si beybi o baka matangle ang umbilical cord sa leeg nya habang nasa loob pa ng tummy ko tapos paglabas nya, dead na sya. Grabe na ang unnecessary worries ko. Hindi ko tuloy maenjoy ang pregnancy ko dahil sa mga worries na to. Add mo pa ang mga panaginip ko na iniwan kami ng asawa ko, na naubos na lahat ng pera at kabuhayan namin, etc. sobra na ako napapraning. Alam ko that this is not solely due to hormones, kasi even before pa ako nabuntis, lagi ko iniisip na may mangyayaring masama sa buhay ko.

Sa totoo lang, my life may not be perfect pero ok naman sya. My husband made me stop working because gusto nya alagaan ko pregnancy ko, kahit ano hingin ko, bigay sya agad, sobrang excited sya kay beybi, ayaw nya na namomroblema ako gaya ng nasira aircon namin sa room, reklamo ako ang init init, bili agad sya. Sobra ako spoiled sa kanya. Grabe ang pag iipon nya para sa delivery ko at sa binyag ni beybi. kung ikumpara sa ibang pregnant dito sa GT, sobrang swerte ko na Pero bakit ang praning ko, hindi ko na lang ienjoy ang buhay? Feel ko napaka ungrateful ko kasi despite all the blessings, di ko magawang maramdaman ang kasiyahan. Lagi ko iniisip na something might go wrong. Am I insane? Gusto ko na mawala ganitong ugali ko kasi kawawa naman ang anak at asawa ko. Kung pwede nga lang me sumapok sa akin para matauhan ako pag inaatake ako ng pessimism ko. :( I want to enjoy my pregnancy. I want to enjoy my husband's love. Help!


ceejhei

  • Guest
Re: Pessimism as means to protect oneself
« Reply #1 on: April 24, 2013, 10:36:47 am »
^ you answered your question sis. na iniisip mo lang yung mga bagay kaya ka nagkakaganyan. kelangan mo lang ng more positivity sa buhay.
everytime na iisipin mo na baka-baka nanaman, kontrahin mo na. walang ibang makakatulong sayo kundi sarili mo. magdasal ka din na tulungan ka niya
i-overcome yung nararamdaman mo. and ask strength na palakasin niya ang positive side mo. you will learn to appreciate things one step at a time. :)


Good luck and God Bless

nessy

  • Guest
Re: Pessimism as means to protect oneself
« Reply #2 on: April 27, 2013, 11:51:19 am »
Sis, ako everytime na may problem, PRAY lang. Ito ang naging sandalan ko sa lahat ng problemang pinagdaanan ko. Ewan ko lang if you were able to enumerate on this post lahat ng pinagdaanan mo, pero I assure you, mas malala pa diyan ang kwento ng buhay ko/namin ng sister ko. Pero we managed to be positive, only through PRAYERS. Minsan kasi, sa dami ng problem natin, kahit alam pa natin na ano dapat ang gawin, execution ng solution ang nagiging problema. And I think doon nagsisimula ng problem mo. Kasi based dito sa napakahaba mong post, alam mo ang problema, at alam mo rin ang solusyon. So, execution ang problema mo. Alam mo ang solution pero hindi mo alam kung paano i-implement iyon. So PRAY A LOT, Sis. Pray for guidance on how to overcome those thoughts.

 I don't believe you when you said,

"Feeling ko kasi sira na ulo ko, kasi sa kabila ng napakaraming blessings na dumadating sa buhay ko, lagi ko naiisip na sa simula lang ito, o hindi din magtatagal, kaya hindi ko magawang totally maging masaya. Gusto ko na minsan mag seek ng professional help dahil sa ugali kong ito. I have had my share of bad experiences in the past na siguro, dahil sa dami nila, hindi na ako sanay na nagkakaroon ng blessings. Kaya palagi ko dinidisregard ang magagandang bagay na dumadating sa akin. "

Kasi nga alam mo naman ang dapat mong gawin, eh. Siguro naguguluhan ka lang kasi until now, sa past ka pa rin nagdu-dwell. Maybe you have forgiven your husband. Pero not totally, eh. Kasi if you did, You would not think that way, Sis

Teka, alam ba ni Hubby mo na ganyan ang tumatakbo sa isip mo? If not, I think you better tell Him, para matulungan ka rin niya in a way. Baka kasi you need more assurance na hindi na niya ulit gagawin iyong ginawa niya before. And kung alam naman niya, I hope ginagawa niya ang best niya to win back your trust. Well, based naman sa post mo, Oo di ba? So, bottom line, since na sa iyo ang problema, solution will start from you as well. PRAY PRAY lang Sis, ha.

:)


kaiz

  • Guest
Re: Pessimism as means to protect oneself
« Reply #3 on: May 08, 2013, 02:08:21 pm »
ganyan ako dati but naisip ko sayang lang yung time.. I will try to be happy na lang. kung masaktan man, ok. accept and move on.

angelzero

  • Guest
Re: Pessimism as means to protect oneself
« Reply #4 on: May 08, 2013, 03:31:22 pm »
lahat naman ng tao may happy and down moments. it's a neverending cycle. hindi pwedeng palagi kang nasa taas, hindi rin naman pwede nasa baba ka lang palagi. whenever you receive blessings, be happy and grateful. whenever you have problems, deal with them. learn your lesson then move on. being pessimistic doesn't "protect" you from anything. it gets in the way of you being sane and happy. instead na masaya ka, kung ano-anong kapraningan na naiisip mo kahit farfetched na sa reality. palagi ka kasing nag iisip ng worst case scenario. worry about things pag nangyari na. while happy ka, enjoy mo lang. life is too damn short.

i pride myself at being my sister's positive energy pag may problems sya. she sometimes asks me bakit ako palaging positive. actually hindi ko rin sya masagot pero ayoko lang masyadong mag dwell sa isang problema. lahat naman ng problems may solution.
« Last Edit: May 08, 2013, 05:30:39 pm by angelzero »

aquacharly

  • Guest
Re: Pessimism as means to protect oneself
« Reply #5 on: May 08, 2013, 05:08:21 pm »
Dami mo fears!  You will get sick pag you don't stop  being praning.

Ganito...   Whatever you are afraid of, do what you can para what you are afraid of will happen will have less possibility of happening.  Tapos, just relax -- ano pa ba magawa mo?
You should not worry about things you cannot control.
You should not worry, but do your best to prepare, for things within your control (that you fear will go wrong). 

Do not worry about Tomorrow, God is already there.

Pray. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close