watch now

Author Topic: Dermatologist Guide Thread 13- Dermas pretending to be patients, stay away!  (Read 257610 times)

Kazumi026

  • Guest
Hi sisters pwede niyo ba iinclude yung cost niyo sa treatments niyo para maasses namin kung afford namin sa derma na yun. Thank you

Is Dr. Martirez good in doing chemical peeling specifically TCA?

junepets

  • Guest
i love doc leah naman..
yeah medyo mabilis din ang cleaning..
but the result is good naman..
i love the condition of my skin naman na..
not compared dati na parang ang dull..
ngayon glowy na sya (as per my officemates and friends)..

Kazumi026

  • Guest
How much magpaTCA ng legs kay Dr. Martirez, Dr. sixta or Dr. Mike Chua?

I'm interested to know kung magkano sila maningil para macompare ko please.

purpleice

  • Guest
Hello!

I would like to ask for a recommendation ng derma na along Taft area (mga derma with clinics sa harap ng PGH would be best!) I need to consult about this mass sa may left cheek ko  :( sobrang bothered na ako. I am not familiar with the consultation fees sa FMAB ng PGH (since hindi naman ako nagpapa-check up ever doon, kumakain lang ako sa food court nila hehe). I tried asking a certain derma pero 500 daw ang consultation fee. I personally think na medyo pricey kasi at the end of the day malamang pagagawin din ako ng labs/ other diagnostic exams so dagdag bayad pa yun bago mag-arrive sa definite na diagnosis. I'm hoping sana may medyo mas mura sa 500 per consult pero ok na Derma. Thank you! Please pa-PM naman po  :)

pinklilac

  • Guest
Share ko lang, if anyone here is from Cavite and is suffering from all kinds of skin disease. You can visit Cavite Skin Clinic. I was suffering from pimples 3 months ago and dito ako nagpacheck up (free lang) and bumili ng gamot sa kanila. Really effective!

Hello sis.. Saan banda ang clinic? Hindi kaya sobrang mahal naman ang mga gamot nila?
Gusto ko kase pa derma anak ko  dahil may pimples.
thanks sis

littlekinselle

  • Guest
how much ang consultation fee ni Dra. Aviee Teo?  wala ako makita na  pricelist niya.. mukang mamahalin ang  presyo kasi ang ganda ng clinic niya.. haha

pinklilac

  • Guest
Hello mga sis.update ko lang ..nagpunta kame sa Cavite Skin Clinic this Saturday lang. Kasama ko anak at mother ko. Nagpa facial/cleaning kameng tatlo at check up dahil ma pimple anak ko grabe binayaran namin 1200 lang yata; eto kasama sa binayaran:
 antimicrobial soap kojic,papaya soap.pore minimizer, acne lotion,t3 soap,clarifying lotion(3pcs), retinoic soap(#2) anti wrinkle(2pcs),antibiotics para sa anak ko.
PLUS yung facial/cleaning naming tatlo.
naku dami tao.7:30 kame dmating pang number 30 na kame.
May branch pala sila malapit sa SM Rosario kaya next time dito na kame pupunta.
super bait si doktora Sarmiento pati staffs nya.
Medyo luma lang talaga clinic nya mga sis. I think more on service to the people ang purpose ni doc at hindi for profit. FREE check up mga sis..
I heard na marami talaga patients  sa Imus branch nila.minsan 160 a day.
I think ok sa Rosario branch nila.baka hindi gaano matao.Madali lang din makita  if galing kayo sa Manila.
Salamat sa nag post tungkol sa clinic na ito

« Last Edit: August 10, 2014, 10:32:25 am by pinklilac »

happyscent

  • Guest
can you recommend any derma based here in paranaque or alabang? hindi kasi sustainable kung sa makati or malayo ang regular checkup kung dadayuhin pa sila

theannetagonist

  • Guest
@pinklilac Omg sorry sis di ko kagad kayo nareplayan. I'm glad nakapunta kayo. May mga posts naman sa internet about them kasi. No problem, glad to know na may natulungan ako. Hopefully marami pang makabasa nito :D

pinklilac

  • Guest
@pinklilac Omg sorry sis di ko kagad kayo nareplayan. I'm glad nakapunta kayo. May mga posts naman sa internet about them kasi. No problem, glad to know na may natulungan ako. Hopefully marami pang makabasa nito :D


Ok lang sis kase after ko mabasa sa post mo name ng clinic eh reviews agad hinanap ko onlime at happy naman akp sa feedbacks kaya punta agad kame nong Saturday. Dami lang patients.

Isa pa sa nagustuhan ko kay doktora eh hindi siya mukhang pera. Nag ask kase si mother ano maganda gamitin pang wash sa face nya.Tas sinabi ni mother ko na Olay kase gamit niya na facial wash. Nagulat ako sa sagot ni dok. ok naman daw yung Olay kaya wag na raw palitan  kase baka hindi siya mahiyang sa iba. Eh kung ibang doctor yon lahat ng pedeng ialok na meron sila sa clinic nila eh ibebenta  talaga lol. Kaya Kojic soap na lang binili ni mama for herself para pinaka body soap nya.

Thanks ulit sis...

mishatasha

  • Guest
pinklilac sis saan saan pa clinic nila?? and wala ba reservation?? ano brand nung mga facial creams na binigay sayo?? thanks sis!

pinklilac

  • Guest
pinklilac sis saan saan pa clinic nila?? and wala ba reservation?? ano brand nung mga facial creams na binigay sayo?? thanks sis!

Hello sis.kanina (Monday) nephew ko naman dinala ko sa clinic pero sa may bandang SM Rosario na since yan ang malapit sa amin.
Anak naman ni s
Doktora ang nag check up sa nephew ko.
Grabe damo rin pala tao don.kala ko mas konti. Late na kame nakapunta dahil nag school pa si nephew.2;30pm kame dumating at pang 103 na sya. At may mga late comers pa. Pero mabilis naman.

Re your question. I heard sa isang patient na meron din daw sa Cavite City.
Sis eto oh may contact number pala sa reseta.try mo call at inquire
Ph no.
(046)438-0288

Sis may sarili silang mga gamot. Pero super affordable.
Walk in lang pede na. Ok nga din na magpa lista ka then pasyal ka muna kung marami pa patients at pag balik mo ikaw ang uunahin.

Update sa case ng anak ko. Call it O.A pero may improvement na sa face nya. Ang galing ng pore minimizer halos hindi  na ma notice mga tiny "bukboks" sa mukha.
super grateful talaga ako sa ka sis  @theannetagonist na nag suggest.hugs to u sis..hihi
« Last Edit: August 11, 2014, 08:52:24 pm by pinklilac »

iam.Arianna

  • Guest
Hello sis @pinklilac [textspeak!] @theannetagonist! ;)

Natuwa naman ako dahil sa info ninyo aout Cavite Skin Clinic. :) Yung asawa ko kase matagal na panahon na sya nagdudusa sa pimples sa face nya bale madame syang pimple marks at blemishes sa face.. Nawawalan sya ng self-confidence pag humaharap sya sa salamin at nakikita nya ang mukha nya. Nung bata pa kame makinis sya, mga binatilyo pa sya non. Ngayon grabe bukbukin na yung face nya bale lage lang syang nag coconcealer para matakpan kaso halata pa din yung "bukbok" sa face nya.. :( Naawa na talaga ako mga sis sa asawa ko kase frontliner sya sa work(hotel) pero wala na syang self confidence dahil sa face nya.

Taga Manila pa kame. Kung sakali dadayuhin namen ang Cavite para lang mapagamot na [textspeak!] mukha nya. At nakakatuwa naman na free ang consultation sa Cavite Skin Clinic pati mga gamot if ever mura lang din.. :) Salamat sainyo nalaman namen yang clinic sa Cavite.. Babalitaan ko kayo agad kapag nakapunta na kame doon. Sana POSITIVE ang maging result.

iam.Arianna

  • Guest
Mga sis pwede bang magpalista na through telephone sa CAVITE SKIN CLINIC? Dito pa kase kame sa Sta.Ana Manila at babyahe pa kame papuntang Cavite. Pwede kaya tawag muna ako sa kanila para magpalista na? Atleast pag dating namen doon eh nakalista na kame. :) and [textspeak!] po contact# ng Cavite Skin Clinic? Thanks in advance mga sis!

pinklilac

  • Guest
Mga sis pwede bang magpalista na through telephone sa CAVITE SKIN CLINIC? Dito pa kase kame sa Sta.Ana Manila at babyahe pa kame papuntang Cavite. Pwede kaya tawag muna ako sa kanila para magpalista na? Atleast pag dating namen doon eh nakalista na kame. :) and [textspeak!] po contact# ng Cavite Skin Clinic? Thanks in advance mga sis!

Hello sis glad to help.
Not sure kung uubra sa husband mo ang pore minimizer ha dahil baka masyado malalim sa kanya. sabihin nyo na lang kay dok concern nyo.
Karamihan sa patients nila eh thru "word of mouth" lang.

Saang branch ba kayo punta?
if i were u sa may Tejero branch na lang kayo punta kase may SM na walking distance lang kung saan kayo pwede tumambay.
Let me know para maturuan kita how to get their clinic either sa Imus or Tejero branch.
Na post ko na sis contact number ng clinic sa itaas na comment ko. Try to ask na lang kung pwede pa lista agad.tell them sa manila pa kase kayo.



« Last Edit: August 12, 2014, 02:52:39 pm by pinklilac »

iam.Arianna

  • Guest
Hello sis Pinklilac! ;)
Thank you so much sa reply.. bale hindi naman malalim sis, di ko maexplain masyado hehe! Dati daw kase pag nagkaka pimples sya pinipisa daw nya so ayun nag iiwan ng scar sa face nya. Then nawala yung natural na kinis ng face nya. Pero wala na syang pimples.. yung scar nalang naiwan. Sana magamot naman dun. Di kase namen kaya sa mga mamahaling derma clinic talaga eh.. :(

Sis taga Sta.Ana kame near Mandaluyong, bale saan ba mas madaling mapuntahan? Commute lang kame sis.. How to get there na rin sis? Thank you! thank you so much talaga! ;) 

pinklilac

  • Guest
Sis @arianna.
ikaw pala ang nasa mandaluyong thread hehe.
May bahay kame sa Mandaluyong.
Re sa tanong mo
Tejero branch na lang kayo sis.
Eto direction:

1.Sa Boni sakay ng bus byaheng MOA/Coastal.
baba sa Coastal terminal.(wag kayo sumakay sa byaheng LRT Leveriza ang daan.

2.pag dating sa coastal terminal sakay kayo ng bus na papuntang TEJERO.
pababa ka sa konduktor sa TEJERO kamo.

3.pag baba ng tejero sakay ng jeep byaheng SM Rosario.
Pababa kayo sa Meralco tumawid kayo at makita nyo school na STI. kahilera lang non ang clinic.

Mas ok kase sa branch na ito  dahil marami kayong pwedeng magawa habang nag aantay.

iam.Arianna

  • Guest
@pinklilac

Thank you so much sis! ;) sige jan nalang kame sa Tejero. Yan ba yung sinasabeng malapit/walking distance sa SM rosario?

pinklilac

  • Guest
"yup sis.yan ang branch na wallking distance lang sa SMR
Goodluck.
Update mo na lang kame..

iam.Arianna

  • Guest
Thank you again and again heheh! ;) Yup. I'll update you guys pag nakapunta na kame dun.. God bless!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close