watch now

Author Topic: BDO EIP( Easy Investment Plan)  (Read 156162 times)

m0mish

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #60 on: June 09, 2013, 12:55:13 pm »
^^thanks sis! parang gusto ko ang balanced pero magpapa-asses din ako sa bdo kung ano ang mas maganda and suit for me.  :D

eeyore91833

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #61 on: June 09, 2013, 04:56:00 pm »
say you have extra money on top of the monthly deduction/EIP can you deposit to the account? how?

mxherr5

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #62 on: June 09, 2013, 05:06:31 pm »
You can't do that thru the EIP channel
but you can certainly invest normally.
10k is the normal minimum for most of BDO's funds.

fastlove

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #63 on: June 13, 2013, 11:35:22 am »
Naka  avail na ko   BDO  EIP  ok naman  so  far  nasa   2nd month na!

sleepy_grfld

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #64 on: June 19, 2013, 10:45:23 am »
i was able to convince my husband to avail this. yung fixed income. gusto ko rin sana mag-avail. pero hindi ko pa rin talaga siya maintindihan. nung nag-open yung husband ko, hindi rin masyado familiar yung taga-bdo dito (she doesn't even know na may ongoing promo sila). kaya nga pinili na lang namin yung fixed income.

kakagaling ko lang sa branch ng account ko and inquired about this too. mas may alam yung nakausap ko pero she was too busy answering her colleague and the phone, nainip ako kaya sabi ko, balik na lang ako. paano ba sisses kumikita yung pera dito? kailan siya mag-e-earn? nabasa ko dito at nabanggit din kanina na may makukuha ka na certificate pag umabot ka na ng 10k. kailan mo pwede kunin yung investment? 'pag ba nakabuo ka ng 10k, automatic na ibibigay na nila sa'yo yung 10k plus earnings? o dapat ikaw magsabi na kukunin mo na? pano pag hindi mo pa kinuha, magtutuloy-tuloy lang ba yun at kakaltasan ka pa rin nila? pag nakabuo ka uli ng another 10k, parang magiging 20k + earnings or separate earnings ng dalawa?

pasensya na ha. gusto ko lang talaga maintindihan. wala ako alam sa investments e. salamat.

freelancer_babe

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #65 on: June 19, 2013, 11:06:10 am »
^ Good choice sis, on the fixed income fund since bago ka sa investing.

Tingin ko ang una dapat mong malaman is - hindi guaranteed ang earnings mo sa UITF. Pwede kang magsuffer ng loss sa ininvest mong pera the next day (as in yung P10k mo pwedeng maging P9900 kinabukasan), pwede ring umarangkada nang husto ang pera mo. Possible rin na maliit kaysa sa projected ang earnings mo. But eventually kahit may fluctuations babalik pa rin pataas yung investment - ika nga, nowhere but to go up.

Yung mga UITF inaassume kasi natin na pataas nang pataas ang yield ng mga ito. Yung mga fluctuations karamihan short term ang mga yan.

Having said that, pwedeng the next day pagkadebit ng funds sa account mo pwedeng nag-earn yan, pwede ring hindi at nagnegative pa.

Kaya karamihan pa rin ng UITF mas maganda kung pinapatagal sa bangko. Sa Fixed income nirerecommend ko ang 5 years na nakalagay sa account para masabi kong kumita ka nang husto doon.

I think yung ibang questions mo nasagot din ng ibang sisses dito sa thread na ito, kasi nagtanong rin ako lately tungkol sa EIP. And yeah, pwede mo pa namang patagalin ang UITF kahit nareach mo na ang 10k mark (mas maganda nga kung matagal ang UITF sa bank, the better, in the long run). I-claim mo lang ang COP once na nakuha mo na ang 10k. Nasa decision mo naman yan kung gusto mong i-redeem yung investment (present the COP), not the bank's.

I think the COP's are separate earnings - tulad ata ng mga ibang UITF nila na naopen na hindi under ng EIP.

jmeangeL

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #66 on: June 19, 2013, 11:32:17 am »
i was able to convince my husband to avail this. yung fixed income. gusto ko rin sana mag-avail. pero hindi ko pa rin talaga siya maintindihan. nung nag-open yung husband ko, hindi rin masyado familiar yung taga-bdo dito (she doesn't even know na may ongoing promo sila). kaya nga pinili na lang namin yung fixed income.

kakagaling ko lang sa branch ng account ko and inquired about this too. mas may alam yung nakausap ko pero she was too busy answering her colleague and the phone, nainip ako kaya sabi ko, balik na lang ako. paano ba sisses kumikita yung pera dito? kailan siya mag-e-earn? nabasa ko dito at nabanggit din kanina na may makukuha ka na certificate pag umabot ka na ng 10k. kailan mo pwede kunin yung investment? 'pag ba nakabuo ka ng 10k, automatic na ibibigay na nila sa'yo yung 10k plus earnings? o dapat ikaw magsabi na kukunin mo na? pano pag hindi mo pa kinuha, magtutuloy-tuloy lang ba yun at kakaltasan ka pa rin nila? pag nakabuo ka uli ng another 10k, parang magiging 20k + earnings or separate earnings ng dalawa?

pasensya na ha. gusto ko lang talaga maintindihan. wala ako alam sa investments e. salamat.

Think of Fixed Income Fund as a coop.  Kung saan ang mga members or investors ay maglalagay ng pera, kapalit ng shares or rights.  The money collected/invested will be loaned out to other people with interest.  The borrower will pay the coop the capital + interest that they loaned.  That interest will be distributed back to the coop investors depending on the number of shares each investors had bought.

Ganoon ka simple ang Fixed Income Fund.  They buy bonds (which are loan certificates) of government or big corporations.  As more investors join in, the more money the manager would have to buy loan certificates.  Kung ano man kitain ng fund, ibabalik ito sa fund at ipambibili ulit ng bonds.  The value per share is computed daily based on several factors.  Pero published naman sya.

When I first started my Fixed Income Fund, it was in 2011 around March.  Only 1k a month, deducted every 15th of the month.  Ang tagal bago ko naipon ang 10K at nakuha ang una kong CoP.
1600+ per share lang nun ang PFIF (Peso Fixed Income Fund).  kaya ang 1k ko less than 1 share lang.  Araw-araw ko tinitingnan kung magkano ang less than 1 share ko.  Araw-araw na taas sya ng centavos.  Hanggang iyong 1600+ per share ay maging 1700+ per share na.  Hindi na rin less than 1 ang share ko.  By the time makuha ko ang CoP ko, ang nakalagay doon ay meron akong 6+ shares, that's worth 1712 per share, or P10,272.  Pero noong Feb2012 pa yan.

I didn't encash my CoP, instead, i continued my 1k debit a month and subscribed to another EIP addition.

Ngayon, P1,915 per share ang PFIF.  kaya iyong 6+ na share ko ay P11,490+ na ang halaga.  Take note na 10k lang talaga ang inilagak ko dyan pero P11,490 na sya ngayon.  Try mong ilagay ang 10k sa SA mo for 2years.  Di yan kikita ng P1,490.

Pinaka-mataas ng PFIF for this year was P1950 per share.  Mababa ngayon kasi sale sa stock market.  Iyong mga dating nasa bonds, nag-reredeem yan para ipambili ng stocks.  Mas mabilis kasi ang akyat ng pera doon.


sleepy_grfld

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #67 on: June 19, 2013, 02:25:27 pm »
thank you sisses freelance_babe at jmeangel. tama ba intindi ko na, based sa explanation nyo na: 

(1) kahit 1k lang, may kita na kahit pano pero hindi lang makukuha hanggat hindi umaabot ng 10k? sabi kasi nung nasa bdo, hindi daw kikita yun hanggat hindi 10k e.

(2)sa fixed income, hanggang 10k lang talaga? pag na-reach ko na yun, hindi na ako kakaltasan at kikita pa rin siya hanggat hindi ko wini-withdraw/cancel? if i want another, i can apply again? san po tsini-check yung equivalent ng share?

thank you talaga.

sleepy_grfld

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #68 on: June 19, 2013, 03:25:34 pm »
ay sisses, parang alam ko na sagot sa mga tanong ko. nag-backread uli ako. nung una kasi akong napunta sa thread na ito, hindi ko talaga siya maintindihan. basa lang ako ng basa. ngayon, dahil sa sagot ninyo, medyo naiintindihan ko na siya kaya binalikan ko uli mga posts nyo. salamat! pero kung gusto nyo pa rin sagutin, ok din para ma-confirm ko kung tama intindi ko. :) thank you again.

mxherr5

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #69 on: June 20, 2013, 07:15:18 am »
1.) Yes, kahit 1k lang. Naiinvest na yung 1k mo.
So pwede nang kumita(o malugi) yung 1k mo.
Assuming once a month na 1k ang pinili mong
contribution scheme sa EIP.

Then 1k every month ang madededuct sa
savings account mo para sa EIP at kung umabot
na ng 10k ang value ng EIP, magkaka certificate
of participation ka na.

Makukuha mo ang pera mo sa EIP kahit hindi pa
10k by ending your EIP subscription. Ofcourse may
penalty eto.

2.) Kahit anong fund po, tuloy tuloy ang kaltas ng 1k(o whatever
amount you chose), until you stop your EIP subscription.

Kaltas ng 1k every month tas kung 10k or more na ang value
ng investment mo, bibigyan ka ng certificate of participation
at kaltas ulit ng 1k every month at magkaka certificate of participation
ka nanaman, paulit ulit hanggang istop mo ang EIP mo.

sa UITF, units ang equivalent sa shares ng MF.
Makikita mo kung ilang units ka meron sa certificate of
participation. Then just check BDO's site for the fund's
current NAV multiply it by the units and yun na value ng
investment mo.

sleepy_grfld

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #70 on: June 20, 2013, 01:21:15 pm »
sis, thank you!  :)

cessy_may08

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #71 on: June 20, 2013, 02:17:09 pm »
clarify ko lang sis ha.. kunwari nareach ko na yung 10k at nakuha ko na cop ko pero ayoko pa siya kuhanin gusto ko pa ituloy so ibig sabihin another cop na naman makukuha ko kung makakreach ulit ako ng 10k? hindi siya continous sa unang cop? talaga bang by 10k lang siya o magiging 20k siya? sorry nalilito lang ako. tomorrow ko plan kumuha ng eip baka kasi mamaya hindi ako macater ng maayos maasar lang ako. hehe alam naman natin toxic lagi sa mga bdo.

jmeangeL

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #72 on: June 20, 2013, 02:45:47 pm »
^---by 10K kasi ang CoP... yes, tuloy-tuloy lang ang investment habang di ka nag-iissue ng stop investment form.  kapag nakabuo ka ulit ng 10k, may CoP ka ulit.

wag po tayong malito sa price ng investment natin.  ang important ay number ng units.  itong ang hindi magbabago, tumaas man or bumaba ang investment value.

kaya kung may 5 CoP ka, ibig sabihin ay nag-invest ka ng 50k (5 x 10K), pero maaring hindi na 50K lang ang value ng hawak mong CoP.  Maaaring mas mataas sa 50K or mas mababa sa 50K depende sa price per unit kada-araw.

let say ang isang CoP mo ay may nakasulat na 50 number of units.  Ibig sabihin ang price per unit nung ma-reach mo ang 10K ay 200pesos per unit (10k/50units)

sabihin natin na hindi ka nag-issue ng stop investment... tuloy tuloy lang
after a few months naging 220pesos per unit na ang value ng UITF na napili mo, ang CoP mo ngayon ay may halaga ng 11k (220pesos * 50units)

pero iyong 2nd CoP mo malamang ay hindi na 50units ang mabibili ng 10k na investment capital mo.  45.45units na lang ang nakalagay dun (10k/220pesos)

ano ibig sabihin nito?

capital mo ay 20k (2 CoP)
total shares is 95.45 (50+45.45)

total amount of investment:  20,999 (95.45*220)

iyong value in pesos ay reference lang haa... i'm not saying na magiging ganyan nga ang ilalaki ng investment mo after some time

angelovepink

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #73 on: June 20, 2013, 03:36:47 pm »
Hi mga sis, ask ko lang if namomonitor ba yung investment sa EIP sa online banking nila? Like how many shares yung nabili. Or manual kayo nagmomonitor (using excel, etc).

Plan ko kasi na magopen next week. Thanks!

jmeangeL

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #74 on: June 20, 2013, 05:15:45 pm »
^---yup! you can monitor your investment thru BDO online banking, pero after mo pa makuha ang 1st CoP mo

kaylangan mo kasi iyong client number na nakikita lang sa CoP to enroll your investment online.  1-time lang naman ang enrollment online

mxherr5

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #75 on: June 20, 2013, 06:56:33 pm »
^
Talaga? I was told in another that that's no longer the case.
Pwede na raw kumuha ng client number kahit wala ka pang
initial certificate.

Yung time ko, ganun nga.. kailangan ng client # at makukuha
mo lang to sa 1st certificate mo.

angelovepink

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #76 on: June 20, 2013, 07:17:56 pm »
Ahh ganun ba mga sis, so need ko pala makuha yung client number. I'll ask BDO then if pwede ko na makuha yung client number ko pag apply ko next week. Sana ibigay nila agad kahit wala pang certificate.

Thank you mga sis!!

ampere

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #77 on: June 20, 2013, 10:27:44 pm »
^talaga sis.. naku hindi talaga masyadong aware ang staff nila nung nag-subscribe ako i was asking them for a reference number or whatever so i can enroll online para mamonitor ko just like BPI sabi kelangan pa daw antayin yung COP kasi dun daw makukuha yung number  :-\

jmeangeL

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #78 on: June 21, 2013, 08:34:42 am »
^talaga sis.. naku hindi talaga masyadong aware ang staff nila nung nag-subscribe ako i was asking them for a reference number or whatever so i can enroll online para mamonitor ko just like BPI sabi kelangan pa daw antayin yung COP kasi dun daw makukuha yung number  :-\

^--- I think the reason is that branches are just application portals.  Ipapasa pa nila sa Trust and Investment department nila sa Makati (yata) and application mo para ma-approve at ma-verify for booking. 

I think nakita ko ang reference number rko sa online banking ng BDO.  Sa statement of account ng SA ko.  Naka-lagay doon na may debit ako from Trsust at meron naka-lagay na reference number.  Enroll ko sya immediately sa online banking pero di sya nag-appear.  After ko pa makuha ang 1st CoP ko, doon pa lang nag-appear sa online banking ang investments ko.


angeleigh

  • Guest
Re: BDO EIP( Easy Investment Plan)
« Reply #79 on: June 21, 2013, 10:24:48 am »
This is a very nice thread! Makapag inquire nga sa BDO about this!

----------------

signed up for this last friday. Nakakadisappoint lang mga taga BDO na hindi sila marunong magexplain. Mas may natutunan pa ako dito sa thread na to kesa sa nakausap ko. Kinocorrect ko pa siya. grr.  :-\
« Last Edit: June 25, 2013, 11:13:03 am by angeleigh »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close