Author Topic: my son's birthday preparations :(  (Read 9733 times)

k_heart

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #40 on: April 21, 2013, 08:40:41 pm »
Tama sis, go with the flow na lang. wag na masyado istressed ang sarli sa mga bagay na ayun sayo,hindi
mo aman kayang baguhin. Basta ang mahalaga ay maidaos ng maayos ang binyag ng anak nyo.
Yung ayos ang simbahan at maayos din ang sets ng ninong at ninang kasi sila ang tatayong pangalawang
magulang ng anak nyo.
Although, sa totoo lang sis, hindi talaga ok pagsabayin ang binyag at first birthday. Baka sis, sa sunod na
mga kids nyo,unahin na ang binyag. I don't know if old school, peo sa 3 kids ko, talagang before mag 3 months old, binyag agad. Never pinagsasabay. Maybe mas magastos pero less stressful.
sa totoo lang, hindi naman maalala ng kid nyo yumg first birthday nya. sa mga kids ko nga na mga
grade schoolers na ngayon, it's just an event na they know from pics and vids. mas mareremember nila yung
7th birthday.
Saka events like binyag and birthdays, ay event talaga or an excuse for elders para mag reunion or
a happy event to catch up.
siguro lok for blessings na ang rather than yung mga negative points sa mga pangyayari. and talk
to your husband. It seems like kayo ang hindi aligned sa isa't isa at may major misunderstanding.
educate your husband sa gusto mo. sa mga matters like binyag, birthdays,etc, i just consult my hubby
but he knows that at the end of the day, ako ang boss dun, hindi sya. Kaya all binyags and birthdays of
our kids are happy events and not stressful events,
smile sis! : )

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #41 on: April 25, 2013, 04:45:44 pm »
lapit na pala ito...

@sweetsorrow, wag ka na ma-stress. I feel for you kasi nakaka-stress talaga mag-plan ng mga life events such as binyag and birthday. Sobrang dami mo iniisip tapos meron kapa ginagawa sa work. Though samin naman binyag, na-stress naman kami ni hubby sa kadramahan ng pamilya namin. Yung mom at sis ko di pumunta dahil nga sa gap namin then yung sister nya out of nowhere biglang di pumunta and other guests na di sumipot so super nanghinayang kami sa pera na nagastos. In-laws ko naman during the planning, eh hindi naman nakikialam, basta payo lang nila samin na wag gumastos ng sobra para sa binyag. Ngayon na nairaos na namin binyag ni baby undecided pa rin kami sa 1st birthday ni baby kasi nga because of the stress nung binyag. Pinag iisipan pa rin namin kung small get together nalang or fast food party package nalang gawa nga nung mga non-present guests namin.

Since malapit na sya sis, make most out of it. Mukhang di nagpatalo hubby mo sa decision nila na dun sa Laguna yung binyag at birthday party. If that's the case, just go with the flow. Don't stress yourself but promise to yourself sa next bonggang birthday ng baby mo ikaw na talaga ang may final say. Kumbaga lesson learned nalang talaga. Isa pa ikaw ang nanay so you have the liberty to suggest and do things appropriate for your baby.

I hope maging maayos yung birthday at binyag ng baby mo sis. Balitaan mo kami.



sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #42 on: April 30, 2013, 11:24:23 am »
tapos na ang pyesta! este birthday pala ng anak ko.

palpak ang binyag. ilan lang dumating na ninong at ninang dahil malayo na ang simbahan late pa sila nasabihan

pagdating sa venue, lahat ng pagkain hinain ang gulo gulo. wala pang upuan at table na narent. kaya kung ano upuan sa resort 'yon lang nagamit namin

ang clown walang kwenta sobrang boring...hindi natapos ang program kasi lahat ng bata nasa swimming pool na..ewan ko ba kung sino nagpasimuno na magswim na!

lahat ng souvenirs pambata ubos..pati kasi matatanda nakikuha..keychain ko na souvenir, imbis na 1 piece per person, dahil sa cute ang design may nakita ako lahay ng kulay kinuha

ang daming hindi nakapunta from manila! pero ang dami naman uninvited guests may iba hindi ko na kilala! dami pang invited ng MIL ko from quezon, hindi ko din kilala..isang jeep silang pumunta!

hindi macontrol ang tao sa pagkain kahit nakatago pa kinukuhaan na!

nagloloko ang photobooth!

ang swimming pool nakakadiri na sa dami ng lumalangoy.. buti nalang at bandang hapon napabago ang tubig at naenjoy naman ng anak ko ang pool


ang spaghetti para sa bata pati matanda nakikigulo na!

in short DISASTER!

k_heart

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #43 on: April 30, 2013, 11:28:27 am »
^we'll at least sis, tapos na at isa kang survivor! : )

sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #44 on: April 30, 2013, 11:32:21 am »
^nakahinga na pero hindi makaget over.. pinagbigyan ko si hubby ayun natauhan! hindi na daw niya uulitin ganoon party.. sabi niya makakatipid eh naka 50k kami!

k_heart

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #45 on: April 30, 2013, 11:35:23 am »
^ we'll medyo mahirap talagang makaget-over dun sa gumastos ka na ng malaki pero hindi ka
talaga bonggang satisfied at sa yong term, disaster.
ano ang sabi ng hubby mo sis? masaya naman ba sya?

marose17

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #46 on: April 30, 2013, 11:36:08 am »
Lesson learned, I hope.  Ang mahalaga, nakapag-birthday ang anak mo.  Celebrate life. :)  Do not sweat the small stuff.  Next time, ikaw na ang mag-plan ng party at huwag mo na i-involve ang hubby mo.

Kung nag-enjoy naman ang baby mo, bawi ka na rin.  Cheer up!

Msfi

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #47 on: April 30, 2013, 11:59:02 am »
Sana na-picturan mo yang pagkakagulo na yan para may proof ka na maipapakita mo sa in-laws mo next time na makialam sila ulit.

And next time, be firm with your decisions na ikaw ang masusunod sa gusto mong mangyari sa party nyo.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #48 on: April 30, 2013, 12:21:40 pm »
^nakahinga na pero hindi makaget over.. pinagbigyan ko si hubby ayun natauhan! hindi na daw niya uulitin ganoon party.. sabi niya makakatipid eh naka 50k kami!

sis laki din nagastos nyo. Nakakahinayang. :( Pero get over it nalang. Naging survivor ka naman nung event and next party nyo ikaw na yung mag take charge. If your in laws and hubby disagrees this time wag ka pumayag sa gusto nila. Sa totoo lang kaya naman maliit lang gastos sa party minsan lumalaki dahil sa mga uninvited guests. Saka be firm on your decision pag pinilit pa nila gusto nila sabihin mo nasunod na sila nung 1st birthday at binyag so this time it's your turn and your decision.

Isa pa 1 year old palang naman si baby, bawiin mo nalang pag malaki na si baby for sure mas ma aappreciate yun ng baby mo. :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #49 on: April 30, 2013, 12:36:05 pm »
oo nga sis.. next time talaga hindi ko na hahayaan na sila ang magdecide.. actually si MIL gusto niya sa pasig nalang pero si hubby kasi nagpumilit..

kapag asawa ko na kasi nagsabi parang hindi na sila makahindi.. kaya siguro sanay asawa ko sa ganoon sistema...


at least natapos na at happy naman si baby sa pool..

RuChe

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #50 on: April 30, 2013, 01:02:32 pm »
Congrats sis at natapos na ang stressful birthday prep for your son. I'm sure next time mahihiya na si hubby mo na kumontra pa sa mga gusto since nakita naman nya ang results nung pagpupumilit nya sa gusto nya. Kaya sa susunod na birthday party ni baby, wala na dapat mangengealam  at sa yo na dapat ang final decision.  ;D

princessrio

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #51 on: April 30, 2013, 01:33:03 pm »
survivor! winner ka teh! if there's one good thing that came out of it, yun eh yung natauhan ang asawa mo. sya, magstart na mag-ipon at magprepare sa sunod na event. bawi na lang. and this time, be firm. ipaalala mo kay hubby kung ano ang sinabi at narealize nya. hindi biro yung gastos nyo pero mas hindi biro yung nangyari.

sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #52 on: April 30, 2013, 03:15:28 pm »
haha feeling ko tuloy napakawinner ko talaga! nakakatuwa talaga mga sisters ng GT! :)

kaya nga buti nalang sa kanya galing ang salitang "hindi na mauulit ito"

 

Latest Stories

Load More Stories
Close