Author Topic: my son's birthday preparations :(  (Read 9735 times)

ceejhei

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #20 on: April 17, 2013, 07:10:10 am »
book ka na ng church sis. time is running. mukhang ang worry lang naman ng hubby mo eh reception at inuman so bukod dun
ikaw na ang bahala. i know this is stressful pero kayanin mo for the baby.

sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #21 on: April 17, 2013, 08:50:44 am »
sa Calamba ang church mga sis.. para hindi malapit na sa venue.. ang problema.. leave without pay na ko sa work.. kaya imbis na maasikaso ko lahat, dami ko pa naririnig sa boss ko!

princessrio

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #22 on: April 17, 2013, 11:15:36 am »
^take one problem, one step at a time. kung lahat ng nasa paligid eh papansinin mo at didibdibin mo pa, lalo ka lang mai-stress. you need to focus.

wala bang ibang pwedeng tumulong sa yo aside from relatives? friends? anyone?

smoothie

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #23 on: April 17, 2013, 11:26:10 am »
In a way sis medyo at fault ka rin kasi you should prepared the party weeks ago. Tignan mo ngayon, you can't
agree on a venue, location. Nagmamadali na kayo kasi malapit na ang celebration.

My suggestion to you is to compromise kasi mukhang hindi na talaga magbabago isip ng asawa mo. Like what I posted,
gawin niyo na lang sa morning yung celebration then gabi yung inuman.

quinone

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #24 on: April 17, 2013, 11:42:35 am »
just call the church, make reservations then pay them on a weekend. call the venue rin baka they can provide a map for you.

aquacharly

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #25 on: April 17, 2013, 04:49:54 pm »
Sa resort? May inuman? Lunch to sawa?  Parang ginawang reunion or outing.

Well, make the most of it.
Nail down the  church at sino ba talaga mga godparents? Tell them asap at baka isipin last choice sila, mapaklaan at hindi pumunta or just send a proxy.
What about your food? Kuha ka na ng caterer. Tapos, get a team to cook the snacks:  pancit, etc etc
End the swimming at 5pm.  Tapos, palipatin mo sa bahay ng hubby mo inuman (or inuman continuation).  Alangan you pay for the whole resort just for the few nagiinuman. 

Ewan ko kung tama getz ko. Baka mali eh. You want the celebration in Manila para makabawi ka sa gastos thru the gifts?  Well, that may be the practical approach peRo yung hubby mo eh hindi ganon pananaw.  Provincial mentality -- hindi ako judge dito ha --  eveybody shares in the  celebration of impt family events.  ganon ka open hearted mga tao sa probinsya. 

Next time, learn from this. Umpisa pa lang sabihan mo na ayaw mo whatever.  Plan early. At hindi como somebody else pays for whatever -- eh nakahon ka na.

Finally, don't even think of not going kasi hindi mo nagawa gusto mo.  Don't act like  a kid, nanay ka na.
Focus on what's impt agad:  church, food &  providing your guests right directions. Kung may oras ka pa -- saka ka mag isip ng  party theme. Otherwise, keep it all simple. 

sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #26 on: April 18, 2013, 08:44:37 am »
I only have 9 days!

lahat ng invitation tapos ko na.. sabi ko sa asawa ko ibigay nalang niya.. INIWAN LANG! paano ko ba maipupush asawa ko na may magawa naman..


ilang araw na kong nagpupuyat para lang maayos itong last minute preparations.


actually march palang may nacontact na ko church dito sa pasig. reception sa subdivision clubhouse at photo video. plus caterer na friend ng kapatid ko since alam naman na ang place at pasig so maganda ang bayad..

biglang lahat ng plans ko nabalewala dahil kinuwento ni hubby na nasa 45000 magiging damages..nagalit si MIL at sinabeng doon na lang at nagagree silang lahat.. dahil wala naman akong kamag-anak na pupunta at puro officemate lang, wala na ko nagawa.. lumaban ako! pero ilan sila... magisa lang ako..

pagtatanongin ko siya kung ano ba talaga plano niya..wala naman siya masagot..kung sino iimbitahan niya wala din..

Priceless

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #27 on: April 18, 2013, 09:23:46 am »
Eto yata yung isa sa mga instances where he/she who has the money, and who's loudest, gets to decide.

Sana nung simula na meron ka nang plans, sinabi mo nang you'll stick to your plans, dahil nakapag-down ka na; or nagsabi ka na sa mga suppliers mo para wala nang mahihirit pa ang in laws mo. That way ma cocontrol mo din kung gano ka dami ang iimbitahan dahil yun lang ang kasya ng budget mo.

And now dahil probinsya style ang party, hindi uso sa kanila ang mga invitation-invitation (sadly kahit na pinagpuyatan mo pa magprepare ng mga yan) kaya siguro feeling ng mga inlaws mo maarte ang party na gusto mo dahil sa invitations na yan.

No use crying over spilled milk, they already have plans and have made arrangements for the party - sa kanila minor detail lang kung para saan at kanino ang party - it's a get together/reunion/inuman/kainan. I get that being the mom ikaw ang focused on the birthday/binyag, but honestly - the majority of the people attending that party will be focusing on something else. At this point, just go with the flow ka nalang. Sabi mo it's not your hubby's family's party, neither is it yours. It's your baby's and at this point, he's still too young to care about the party details anyway, so pabayaan mo nalang.

princessrio

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #28 on: April 18, 2013, 09:55:35 am »
ipaubaya mo na kaya sa kanila ang preparations? hehe..tutal sila naman ang nagdecide eh. wag mo na pasakitin ang ulo mo. pag nagtanong ang asawa mo, isagot mo na sila nagdesisyon eh di sila na ang mag-ayos. kung meron kang kailangan asikasuhin, yun ay yung simbahan. importante yun e. pero yung party itself, mga pagkain, inumin nila..yaan mo na sila mamorblema don.

hehe..sorry, hindi ata ako nakatulong

Msfi

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #29 on: April 18, 2013, 10:24:13 am »
I only have 9 days!

lahat ng invitation tapos ko na.. sabi ko sa asawa ko ibigay nalang niya.. INIWAN LANG! paano ko ba maipupush asawa ko na may magawa naman..


ilang araw na kong nagpupuyat para lang maayos itong last minute preparations.


actually march palang may nacontact na ko church dito sa pasig. reception sa subdivision clubhouse at photo video. plus caterer na friend ng kapatid ko since alam naman na ang place at pasig so maganda ang bayad..

biglang lahat ng plans ko nabalewala dahil kinuwento ni hubby na nasa 45000 magiging damages..nagalit si MIL at sinabeng doon na lang at nagagree silang lahat.. dahil wala naman akong kamag-anak na pupunta at puro officemate lang, wala na ko nagawa.. lumaban ako! pero ilan sila... magisa lang ako..

pagtatanongin ko siya kung ano ba talaga plano niya..wala naman siya masagot..kung sino iimbitahan niya wala din..

sis kung lahat ng mga sinabi mong yan eh nakapag down payment ka, di na makaka back out yung hubby mo, but since andyan ka na sa situation na yan ayusin mo na lang at ng lalong di magkagulo esp yung binyag. 

Sa invitation, mas important na ihatid yung sa ninong at ninang, ikaw na gumawa nun kung ayaw ng asawa mo.  Sabi mo naman marami ng inimbita yung asawa mo then siguradong marami ng aattend. Just distribute to those who needs to be there. The rest kung may free time ka pa.  Yung iba, call them na muna and to follow na lang ang invitation.

Marami silang suggestions dito, magagawa mo pa yung mga yun.  Wag mo ng intindihin yung inuman ng matatanda. Mas importante yung binyag at kiddie party.

aquacharly

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #30 on: April 18, 2013, 11:49:08 am »
History repeats itself again & again, until The Lesson is learned.

He who has cash, rules.

Kaya ako, I always make my own money. Para magawa ko din gusto ko.
Mahirap maging hostage ng wallet ng iba, at maging victim  ng opinions ng iba.

IMO, kahit ipabalik sa kin ng madres ng San Lo AC ang grade school & HS diplomas ko:  Money, not Love, makes the world turn.

As PRICELESS said:      no use crying over spilled milk.  Slap a smile on your face, make the most of it.  Don't stress, it will diminish your energy.   Give way to what will make your hubby enjoy the event -- kahit hindi mo gets how he enjoys in a certain way -- kesa  prioritize mo preferences of your friends & office mates.  Yes,  Life is unfair - lalo na pag may asawa  at anak  ka na, at may MIL ka who has
money too.  hehe


guilleanne

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #31 on: April 18, 2013, 02:21:44 pm »
lungkot naman ng ganyan sis. ang hirap din para sa mga bisita coming from manila. kung ako ang nasa sitwasyon mo sis ang isusuggest ko e have the baptism here in manila, yung intimate, lang the god parents and your immediate families. have the reception sa restaurant or sa bahay para inuman after. as in not more than 20 or 30 guest, yung mga ninong and ninang lang talaga and their companion, ang gastos nyo sa party na to most likely mababawi nyo sa pakimkim. then just invite them again na sa 27th e may swimming treat kau sa laguna, so that yung ibang god parent na di naman able pumunta ng laguna e ok lang kht di pumunta.


yung baby mo sis will only remember his first birthday party from pictures and videos.. di pa nya gets yung birthday party nya sa ngayon.

wag kana magpa kiddie party sa laguna. better yet wag kana mag invite para sa laguna party, hayaan mo na mag birthday dun yung panganay mo aka hubby mo. wag kana magpa kiddie party dun.

para makabawi ka sa anak mo, buy him something he will enjoy and pasyal with his playmates. like invite your pamangkins or friends with kids  na kita kita kau sa mall and then go to austin land, treat the kids for an hour or two at austin land and then eat out or picnic. tapos buy a cake and blow candle.


pag mga 3 na si baby, yan dapat kiddie party na talaga yan.

ceejhei

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #32 on: April 18, 2013, 03:13:13 pm »
^sis tama ba? your inlaws will be the one to cover the expenses sa province? if that's the case then hayaan mo na nga lang sila.
but make sure na this is the last time that they will control your plans. kasi ikaw ang mommy kaya dapat ikaw pa din ang
masunod whether mas marami silang pera compared to you.

if gusto mo talaga ng kiddie party then have another celebration here in manila. officemates mo, friends and relatives mo naman ang makakapunta
majortiy. tell your husband pinagbigyan mo na siya na doon binyagan yung baby niyo this time, pagbigyan ka niya sa gusto mo.
tama yung suggestions ng iba, if budget permits then have another party here. ask mo na din yung inlaws mo if may nabook na silang
church baka naman wala pa. sa panahon ngayon, ang dami ng nagpapa early reservation, sana may slot pa para di ka na ma-hassle ng
sobra.

goodluck and pray na maging successful ito, kahit hindi ito yung gusto mo.

sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #33 on: April 19, 2013, 01:01:41 am »
hi mga sis.. galing ako sa divisoria to buy panglagay sa lootbags.. I ask hubby ilang kids ba estimated niya...he answered, "mga 100"napaHUH? talaga ako.. nagbibiro ba siya sabi ko sino sino mga 'yon? kasi the last time that we talked ang alam ko 30 lang.. pati ba anak ng pinsan ng tito ng kapit bahay imbitado? super nakakainis.. ni hindi ko alam kung ilan ang bibilihin na panglagay sa loot bags!


everytime na sinasabi ko pa sa kanya do's and dont's sa party...we always end up fighting.. matigas talaga!

kakatapos lang namin magaway dahil wala pa pala siyang menu! grabe talaga!

sabi ko pa one week nalang..ang hirap niyan wala siyang listahan bibili siya kung ano nafefeel niyang bilihin..

and ang nasabi ko pa, tandaan niya pupunta mga boss namin tapos magulo lang madadatnan na party.. baka makarinig siya ng "ano bang party ito dinayo pa namin ganito lang pala..." sabay nagalit.. pasensiya na daw kung magulo sila.. hay talaga naman.. hopeless na asawa ko!

hindi papatalo! ayaw magpasaway! kapag kinakausap ng matino, lumilipad utak.. nagsisisi ako kung bakit pa ako nagpabuntis at pakasal!


sagot namin,pera namin ang party na ito. half of the venue lang sagot ni SIL at photobooth.. si BIL naman tigalakad sa clown, ice cream and balloons.. si MIL yata charge sa ewan ko... tiga comment pala... kung bakit ang mahal naman kung bakit ang dami ko binili...

hope this will be the last! kapag sa susunod na may event I won't listen to hubby's suggestion! pangatlong taon na 'to!

Priceless

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #34 on: April 19, 2013, 12:59:14 pm »
^ Sis, I can empathize with you being a mom, you want to have and give the best for your kid. Pero, kasi, I think you're at a point where there is nothing more you can do, and you are just causing unproductive stress, headache and heartache for yourself.

Sa totoo lang, your child is still way too young to notice and to mind the party preparation. Mas siguro maffeel pa nya na may tension between you and your husband and your in laws. And personally, mas pipiliin kong wag nang mag loot bags (na hindi naman makikinabang ang anak ko) kesa sa maramdaman nyang bwiset na bwiset ako sa tatay nya na pati pagbubuntis nireregret ko.

It's also not a good sign na may tension na nga kayong dalawa ni hubby, nag iimpose ka pa ng do's and don't's. By this time I bet hubby and his family are already ignoring you which adds to your inis. Unfortunately, nothing you do will change their mindset na. It's not that lumilipad ang utak nila or ng asawa mo, they just are at a point where they have made a decision what and how they want to run the party and because they think you are making too much of a fuss, they have decided to exclude you and cut you out of the preparations. Ni ayaw siguro nilang i-inform ka sa mga detalye kasi they probably think you complicate things na sa kanilang pananaw ay straightforward na.

Again, you stressing over the details is probably counter productive at this point. Suggestion ko is to let them continue nalang what they're doing and try to de-stress yourself. It will probably be very hard to do, but focus nalang on Baby, and the knowledge that if anything goes awry, you're in a position to say "I told you so".


princessrio

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #35 on: April 19, 2013, 01:03:00 pm »
sis, hindi ata uso sa province ang loot bag. yung nga, go with the flow na lang. if you really want to celebrate here, have another party na lang sa ibang araw. wag mo na ipagpilitan kasi you will just end up fighting (you and hubby). wag mong dalhin ang manila party style dun at naku! mababalewala lang yan. lalong sasama ang loob mo.

sweetsorrow

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #36 on: April 19, 2013, 02:52:39 pm »
siguro nga idealistic kasi ako masyado.. all I want is to give my son a memorable birthday.. birthday na mageenjoy mga bata hindi mga kaibigan o mga kapitbahay pa nila!

kung maginom sila okey sige dumadaloy na sa dugo niya alak.. pero ang stress na binigay niya sa akin ang mga araw ni nagabsent ako para lang baguhin lahat ng naplano ko dahil sa mga iba pala niyang plano, ewan ko na!

last minute nagpahanap photobooth.. hinanapan siya ng supplier ng picture ng anak ko at theme.. walang maisagot.. hindi ba obvious na Mickey mouse ang theme kasi hugis mickey na nakahawaiian ang invitation ng anak ko? tapos pati picture ako hahanapan alam naman niyang panget phone ko at siya naka-s3? ako pa din mamomoblema?

ganoon nalang ba palage! tigaayos ng gusot niya?

ayoko na ng drama.. sobra na!

EllaBratin

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #37 on: April 19, 2013, 02:53:35 pm »
sis sweetsorrow, naasikaso nyo na ba yung church at ninongs at ninangs?

quinone

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #38 on: April 19, 2013, 03:51:56 pm »
ganoon nalang ba palage! tigaayos ng gusot niya?

it seems to me na sa mga kwento mo kahit di ka payag sa plans, asawa mo pa rin naman nasusunod. at kapag may mga ganyang gusot you are there to catch him, like that photo booth issue.

parang kung may natipid may kayo it is not worth all the stress and fighting. bumawi ka na lang sa 2nd birthday. hire a coordinator or party planner kung gusto mo ng memorable. so what kung pricey, e kung yun ang gusto mo.

tanggapin mo na probinsiya-style yang party; isipin mo na lang how to make your officemates and friends comfortable that day. i think your husbands relatives and friends can take care of themselves.

guilleanne

  • Guest
Re: my son's birthday preparations :(
« Reply #39 on: April 20, 2013, 08:52:07 pm »
just let it go sis. very stressed kana.

baka ginawa nilang excuse yung birthday ng anak mo to have a family outing/reunion which is supposedly fun.

yun lang hindi sya naaayon sa format ng birthday na para sayo. pwede naman sis yung walang clown, walang food cart, walang choco fountain, walang parlor games, walang emcee, walang loot bags. basta ang mahalaga happy, para happy birthday.

swimming, enjoy din naman yan ng mga kids.

photobooth bakit hindi na lang waterproof cam. uso lang naman kasi to pero hindi kailangan.

activities for the kids, they will be too busy swimming, maybe a side entertainment na make your own smores or kebobs.


loots bags, lugi ka lang dun, lalo na kung di uso sa kanila mag bigay ng regalo.


as for the godparents, para orig wag mo na sila irequire mag suot ng formal, pang outing na lang. si baby lang ang pormal. hahaha. masesermunan siguro kayo ng pari pero memorable.


sa ngayon sis practise kana how to make your wants seems like his ideas.


and iwasan mo sis yung aawayin mo or magrereklamo ka pero gagawin mo naman. like the photobooth incident. kasi masasanay yan na, anjan ka naman lagi to fix things kahit nagrereklamo ka gagawin mo naman. namimihasa lang.



 

Latest Stories

Load More Stories
Close