Author Topic: When the Love fades... :(  (Read 31122 times)

jamberryknots

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #40 on: May 13, 2013, 11:42:57 am »
hello sis yummy05 yakap tayo sis i feel you sobra naiiyak ako while reading the thread tsaka sa concern ng sisters natin

ako din for more than a year i feel, no, i know i am being abused by my partner (emotionally and mentally) but more than that i realized just now I AM ABUSING myself too, kasi conscious decision ko to stay, to sacrifice, to give everything, naalala ko yung nabasa ko i forgot which movie was it but it says something like "we get the love we think we deserve"

alam ko yung feeling na parang ang t**** t**** ko na, kasi nga naman parang pinagtutulakan na ko, pinagsisinungalingan pero eto pa din ako fight lang ng fight..all in the name of love..and same as you parang wala na kong outlet i cannot share sa family as well kasi in the first place against sila sa relationship, friends naman pakiramdam ko sawa na sila to hear my story, maski ako sis sawa na din ako sa totoo lan, pero funny thing is i cannot let go and move on..is it love? or is it warped na ang thinking ko..

so ngayon ang prayers ko i submit everything to the lord, sa will niya, and if being separated is His will, i-grant niya ang strength for me to do it..kaya sis isasama kita sa prayers ko..

and it's true children will be more negatively affected if they grew up in a home where parents are not living harmoniously..para sa akin better pa na magkahiwalay pero friends ang mommy at daddy..speaking from my personal experience..

nessy

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #41 on: May 13, 2013, 12:20:35 pm »

Sis Nessy, talagang ganun.  Iyan mga klaseng tao na iyan skewed mag isip.  Marami akong alam na instances (kasama nako) whereby gastador yung lalaki (kasi nga may mga babae), tapos ang babae lang nagiipon for the future, nagsu support ng family or  naghuhulog sa bahay. Kaso at the end of the day, nung maghihiwalay na, sila nanga nangaliwa, sila pa yumayaman kasi "conjugal" daw. Mga PI nila.  Tingnan mo nga kung bakit yumaman si James Yap. Sya nanga nangaliwa, sya pa yumaman. How fair is that????

Unfair talaga! Dapat talaga may law na if in case and lalake nangaliwa, although dapat ma-prove, dapat walang share ang mga lalake sa properties. Napaka-unfair noon.

Sana lang si TS ma-enlighten. Pray hard. Ako may mga problem din ako sa hubby ko, though hindi naman ganon kalalim. Minsan kasi ako lang nagpapalala talaga aminado ako. Pero kahit anong problema, Pray lang.

Sana TS will have the courage to leave that man. Or kung hindi man, sana with prayers magbago ang hubby niya para na rin sa bata.

Girltalker2

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #42 on: May 13, 2013, 02:11:00 pm »

^ basta may proof, dapat talaga LAHAT ng conjugal properties sa erred party mapunta, ke lalaki man o babae.  di ba patas lang?  kasi ang hirap naman na emotional and mentally stressed ka nanga, financially maghahagilap ka pa.  Pero kung alam mong may makakain ka pansamantala, puede ka muna magluksa dahil nga binetray ka.


euwie

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #43 on: May 13, 2013, 02:30:57 pm »
Sis ts, how are you na? yung car mo kung nabili mo naman yun nung dalaga ka pa, hindi naman yun conjugal property. Kami nun nung ang daddy nambabae, kitang kita ng mga kapatid ko kung paano naghirap ang mommy ko. Andyan yung habol ng habol mommy ko sa daddy ko, nagmamakaawa na iwanan yung kabit na habang magkasama daddy ko at kabit sa sasakyan tapos sya nasa labas pinupukpok salamin ng sasakyan habang nagmamakaawa. Tapos daddy ko harap harapan nyang sinasabi nun sa mommy ko na hindi na daw nya mahal si mommy. Ang ate ko muntik na mapatay ng daddy ko hinampas lang ng mommy ko sa likod ng monoblock. I was 26 already that time, i am the youngest, at wala kaming ibang dinasal kay Lord kundi sana, sana mag give up na mommy ko sa daddy ko at maghiwalay na lang sila. Lo and behold, nag give up na rin mommy ko at naghiwalay sila. Malakas rin loob ng daddy ko nun kasi sahm rin si mommy, at akala nya hindi namin kayang mabuhay ng wala sya. Pero hindi kami pinabayaan ni Lord, buti na lang may work ako to sustain us.

Sis ts, hindi lahat ng pagtitiis makakabuti sa pamilya. Alam nating lahat na walang anak ang gustong makitang nasasaktan ang mga magulang nila. Sabi mo nga sis sahm ka tapos asawa mo yumabang na nung napunta sa sales. It's time para pag isipan mong bumalik sa work, para na rin sa anak mo. Kaya tell your family na. Hindi ka nila pababayaan. Ang mommy ko sis, ayaw nya ng broken family. 3 kaming magkapatid ang may asawa na at 3 kaming nagkaproblema sa asawa. Laging payo nya hindi solusyon ang paghihiwalay, kaya we should try to make things work out again daw. Pero my mom knows when to give up. At feeling ko the more na pinatatagal mong hindi sabihin sa family mo, the more na mas gugulo kasi countless na kasalanan na nagawa sa yo ng mister mo. I really hope you'll make the right decision soon. I will include you in my prayers sis.
« Last Edit: May 13, 2013, 02:37:17 pm by euwie »

quinone

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #44 on: May 13, 2013, 04:18:09 pm »
sorry medyo off topic ako ... pero as far as i know kapag kinasal ka lahat ng whatever under your name nagiging conjugal property. kaya kung kinasal ka tapos may utang si husband before marriage, may utang ka na rin.

unless, may prenuptial agreement stating na lahat ng whatever nung dalaga/binata pa is separate from the conjugal property.

payo ko kay yummy, if you are really decided...takasan mo husband mo, bring your kid. ipakuha mo na lang sa parents/relatives mo yung things ninyo.
« Last Edit: May 13, 2013, 04:27:52 pm by quinone »

momentum

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #45 on: May 13, 2013, 07:17:39 pm »
^ exactly what I did. After the last episode ng abuse I just let him leave the house and as soon as he left I got the only essential things I needed, grabbed my daughter and left. Went back to the house after a week or so accompanied by my brother, not bringing my kid, to get the rest of my stuff.  I even filed for a protection order before going there

Looking back then, I don't even know how the heck I was able to do all those things
« Last Edit: May 13, 2013, 07:20:42 pm by momentum »

yummy05

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #46 on: May 13, 2013, 09:11:54 pm »
Ang concern ko mga sis yung sasakyan ko... Family ko kasi nagbigay ng pambili ng car, nakabili kami ng car because of my money.. magagalit parents ko pag napunta sa asawa ko yung car parang sya lang nakinabang.. Ang swerte naman nya di ba pag iniwan ko nalang sa kanya.. Ang tuwa nun..  :'( yun ang iniisip kong pang survive namin ng anak ko... di ko alam paano kukunin yung sasakyan sa kanya, even the key tinatago nya saken... dati pinag awayan namin yun dahil kinukuha ko na, gusto nya martilyuhin at basagin yung sasakyan para wala na daw makinabang..

quinone

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #47 on: May 13, 2013, 10:10:02 pm »
hindi ba pwedeng a day or two before kang umalis patawagin mo parents mo at sabihin they need to borrow your car...may biglang susunduin sa airport at sira yung isang car ng parents mo, matatagalan sa talyer, so hihiramin yang sayo. kapag pumasok na siya sa office, tumakas ka na.

jared

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #48 on: May 14, 2013, 02:24:29 pm »
Kung gusto may PARAAN, kung ayaw maraming dahilan. Hindi ka naman kamo kinakandado ng u*ok mong asawa so bakit di ka makaalis? Dahil sa kotse? Sus, ateh pwede mo namang pakuha yan sa parents mo with police escort para just in case magkagulo may back-up na kagad. Believe me, hindi nya sisirain yang kotse mo kasi MAYABANG ang asawa mo. Pang-porma nya yan eh. Get out of that hell house, QUICK!

yukai

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #49 on: May 14, 2013, 02:43:51 pm »
i  symphathized with you sis.  always pray and hang on tight in God. ako naman, i am so stupid and keep on forgiving my spouse kasi i have nothin but my family. i became so dependent to my hubby kasi both arents ko deceased n and my sisters are both suffering ill fortune. I am jobless pa. wala pa ko maid kaya di ako makapag work. me business at work din ang asawa ko. gusto ni hubby na iwanan na ko ... hindi na kasi nya ko mahal at suportahan na lang kami kasi ang kabitch ay older at mayaman, married pero foreigner kasi ang asawa kaya LDR. Serial philanderer si hubby and recently nalaman ko na meron sya ka affair .. sugarmama nya. di ko makaya ang gusto ni hubby kaya i am praying hard and entrusted to God my problems. para na ko mababaliw kasi i have nothing but my kids only. my son refused to give up as well. plS to all with kindhearts pls pray for us who are suffering. my desire to have a happy and whole family, pls deliver us o God. thank you and God bless us all.

yummy05

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #50 on: May 14, 2013, 03:50:48 pm »
Thanks mga sis sa full support.. Nasabi ko na sa ate ko about sa amin but minus yung pananakit nya saken pag magkaaway kami.. antayin ko daw mabenta yung sasakyan namin, wag na daw ako makipag away dahil gulo lang mangyayari... Dati na namin pinag awayan yung sasakyan, nakakahiya pa sa bahay ng ate ko, akala ko nun makukuha ko yung sasakyan since nasa bahay kami ng ate ko but I was wrong, kinukuha nuon ng ate ko yung susi ayaw nya ibigay nagkagulo na nun, matapang asawa ko, malaking tao ba naman.. Sanay sa away at gulo samantalang kami puro babae kaming magkapatid di kami sanay sa ganun.. wala din kaming nagawa nun kasi talagang lumalaban sya.. Ang ending pinilit namin magkaayos ulet that was last year october. Sa ngayon, pakikisamahan ko sya ng maayos, nasabi ko na din na ibenta na yung sasakyan at kukunin ko yung part ko, pumayag naman sya. mabait sya pag tahimik ako, pag di ko pinapakialaman ginagawa nya, pag uwi nya ng gabi, gusto nya ganun walang pakialamanan... Ang gusto ko lang maghiwalay kami ng maayos, ayoko madamay pamilya ko sa gulo namin alam ko kasi na guguluhin nya pamilya ko pag sapilitang kinuha yung sasakyan or nakialam pamilya ko.. Sinabi na nya saken ayaw nya may nakikialam samin umiinit ulo nya.. sana bigyan ako ng strength ni God, sana tapusin na nya paghihirap ko..

yummy05

  • Guest
Re: When the Love fades... :(
« Reply #51 on: May 14, 2013, 04:01:15 pm »
    i  symphathized with you sis.  always pray and hang on tight in God. ako naman, i am so stupid and keep on forgiving my spouse kasi i have nothin but my family. i became so dependent to my hubby kasi both arents ko deceased n and my sisters are both suffering ill fortune. I am jobless pa. wala pa ko maid kaya di ako makapag work. me business at work din ang asawa ko. gusto ni hubby na iwanan na ko ... hindi na kasi nya ko mahal at suportahan na lang kami kasi ang kabitch ay older at mayaman, married pero foreigner kasi ang asawa kaya LDR. Serial philanderer si hubby and recently nalaman ko na meron sya ka affair .. sugarmama nya. di ko makaya ang gusto ni hubby kaya i am praying hard and entrusted to God my problems. para na ko mababaliw kasi i have nothing but my kids only. my son refused to give up as well. plS to all with kindhearts pls pray for us who are suffering. my desire to have a happy and whole family, pls deliver us o God. thank you and God bless us all.


    Sis huggsss... I know malalagpasan din natin to.. Continues pray na sana ilead tayo ni God sa tama.. Nalungkot ako sa kwento mo dahil harap harapan kang niloloko pero nakakaya mo pa din, ang asawa ko naman walang babae pero evil magalit...  :'( i know God have reasons kung bakit nya binigay satin ang ganitong problem.. magiging masaya din tayo i know... Inaantay ko yung araw na magiging masaya ulet ako.. Kaya sis wag don't loose hope.. Di tayo nag iisa, madami tayong ganyan, and tulad nila magiging ok din lahat..

    Bab_z

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #52 on: May 15, 2013, 10:14:57 am »
    Hi Sis Yummy05, nalulungkot naman ako sa nangyayari sa'yo.  As a married woman myself, I can only imagine the pain that you're going through right now.  Yung mag-iba yung taong pinakasalan mo right before your very eyes.  Lalo na yung saktan ka ng taong akala mo, e, mag-aalaga sayo until the day you die.   

    Pero, sis, ganyan talaga ang buhay... Sometimes, these things happen for a better reason diba??  I believe na mas magiging maganda ang buhay mo at ng anak mo kung iiwanan mo ang pasakit sa buhay mo. 

    Also, sis, mas maganda kung sabihin mo sa parents mo ang lahat-lahat, wag mo nang i-white-out yung ibang details, para alam nila kung ano talaga ang nangyayari sa'yo.  So they can help you better.

    Grabe ang sama ng asawa mo, Sis.  Kung pwede lang na ipa-Tulfo mo yan e, or ipa-kulong, or what para matuto din. Hindi porke't malaki shang tao, e, ganon na lang ang treatment nya sayo.
    Haayy... kung pwede lang na ipabugbog sha e.  Iparamdam sa kanya yung pinaramdam nya sayo.
    Ang kapal ng mukha nya Sis. That sorry excuse of a man doesnt deserve you.  Basura lang sha, Sis.  Isa lang shang malaking basura sa buhay mo na kailangan mo nang itapon.

    Sis, be strong and be wise if not for you, para sa anak mo. Dont worry, Sis. This too, shall pass.
    Kung ano man ang nangyayarig pangit sa buhay mo ngayon, matatapos din yan. Just be strong.


    I am praying for you and your child.









    evilwoman

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #53 on: May 15, 2013, 10:54:29 am »
    Alam mo yummy05,yang pagoomit mo ng info sa hihingan mo ng payo then makikinig ka sa kanila na ayusin,hintayin ang ganito/ganyan,panloloko na sa sarili..sigurado ako na pag nalaman nila na pinagbubuhatan ka ng kamay e iba na sasabihin nila.baka pati yang pinoproblema mo sa kotse e masolusyunan.alam mo sis,sa estado mo,walang pwedeng ibang tumulong sa iyo kundi sarili mo.wake up for the sake of your child and susmaryosep,para sa kotse magpapakamatay ka.tama na kakadeadline.sa paghihintay mo ng milagro baka mauna pang mapatay ka ng asawa mo (knock on wood).kung sa kasamaang palad ba na nangyari sa yo yun at no idea mga tao na nananakit sya,paano if mapalabas na wala sya sala?payag ka anak mo mapupunta sa ganyang klaseng halimaw?i understand naman sis na pera is pera pero sa sitwasyon mo,mas makakabuti talaga humiwalay ka na.

    Girltalker2

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #54 on: May 15, 2013, 12:08:25 pm »
    sis yummy5, yang asawa mo na ba iyan eh kasama ang susi nya sa pagtulog, or sa pagCR or pag naliligo? 

    if you really want to leave, pack your bags na and valuables and be ready to leave anytime. Anytime matulog sya or nasa CR or naliligo, kunin mo lang ang susi, get your stuff, and leave!  As simple as that. Tapos pag wala sya, balikan mo nalang ibang stuff. hindi mo naman place iyan di ba? iwanan mo na. asap.

    Or puede din ask your sis or someone to be at home habang nag aabang kayo pag hindi sya nakabantay.

    But really sis, I cannot believe naniniwala ka sa kanya nung pumayag sya ibenta ang kotse.  Naman.  Oo lang sya kasi pagod yun or ayaw lang nya ng discussion. Pero if I were you, I will not believe him na.



    « Last Edit: May 15, 2013, 12:11:30 pm by Girltalker2 »

    butterflyinrain

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #55 on: May 15, 2013, 12:56:06 pm »
    Masaya namn kami before, but nung nagwork sya sa sales nagbago na ang lahat.. - ayaw nya ng tawag ng tawag ako, even pag tinetxt ko sya di sya agad nagrereply, late narin sya umuwi, may mga ka [textspeak!] din syang girls na minsan mama, mami etc. ang tawagan nila.. Sabi nya ganun lang daw yun.. madalas din sya uminom kaya late madalas uwi nya,.. everything's changed... I feel it.. Kaya madalas na din ang away namin, sinabi nya saken sinasakal ko sya which is hindi naman, gusto ko lang magtxt o tumawag man lang sya.. Last time nag away kami, sinaktan nya ko, and the hurt still remained... Actually hindi lang once nya ko sinaktan, everytime na may big fight kami,,. hanggang ngayon cold treatment pa din kami sa isa't isa.. Di sya magtxt o tumawag habang nasa work sya.. Nasasaktan ako... Sabi nya walang iba, and napatunayan ko naman na walang iba.. But why he sudden changed? Hindi na sya yung dati kong minahal na mabait... Parang monster na sya sa paningin ko minsan.. We decided to separate pero bigla ko syang pinigil because of our son na 6months palang,.. Bigla akong naawa sa anak ko.. I know kinalaki ng ulo nya ang pagpigil ko, ok na ako dahil nagbati na kami.. Pero iba na sya. Ang lamig lamig nya saken.. Parang nawawalan na din ako ng gana.. Dumalas ang pag aaway namin.. Should i let go? Or hold on? Ang hirap kasi ilang beses na din kami muntik maghiwalay and i know maybe this is our last chance na.. gusto ko ng makipaghiwalay pero pag naiisip ko anak namin naaawa ako, aside from that SAHM ako, wala din akong enough money to shoulder all finances... Pag naghiwalay kami, i know di nya susuportahan anak nya... Ang sakit sakit sa dibdib na binabale wala nya ko.. Ang sakit isipin na nagbago na lahat..

    hi sis! im new on this forum and [textspeak!] post mo ang first ko na read i can't help but comment... I thought napakabait ko na and napakamartyr ko pero may mas martir pa pala saken... for me kasi once sinaktan ka ng guy physically enough reason na para iwanan mo sya... you feel unwanted and powerless that is why inaakala mo na para bang wala ka magawa. and mas pakiramdam nya na he has the power over you dahil dun...

    i have  a baby tulad mo that is why i know how hard it is to move on and move away sa daddy ng baby. i know hindi lahat ng guy masama but most of the time guys are so stupid to think na mas madami silang pwedeng gawin kesa sa ting mga babae...

    ako kasi everytime my partner is doing something wrong lagi ako umaalis... and nagpapalipas ng time sa bahay ng parents ko with my baby....  letting him know that can manage myself anytime he treated me bad... that i do not need him to feel better...

    sis buy mo [textspeak!] book na "why man marry bitches" saken kasi nakatulong yun sana sau din....

    EllaBratin

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #56 on: May 15, 2013, 02:19:36 pm »
    ako kasi everytime my partner is doing something wrong lagi ako umaalis... and nagpapalipas ng time sa bahay ng parents ko with my baby....  letting him know that can manage myself anytime he treated me bad... that i do not need him to feel better...

    sis, I think sa ganyang situation, mas lalo siyang magkakaroon ng lakas ng loob na gawin ang lahat ng gusto niya kasi alam niya na kahit ilang beses ka umalis e babalik at babalik ka pa rin sa kanya. So, I guess, if you'll leave, then don't look back. Dapat buo ang decision mo na ipamukha sa kanya na kaya mong mabuhay ng hindi nakadepende sa kanya. POV ko lang...  ;)

    cabbagepatch

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #57 on: May 15, 2013, 03:12:57 pm »
    Sobrang nakakasama ng loob pag ginaganito tayo ng mga husband natin...yung halos ibigay mo na lahat, sila yung priority mo, lahat ng ginawa at plano mo para sa ikakabuti ng pamilya pero hindi naa- appreciate ng mga partners natin..yung nangyayari samin ngayon ng hubby ko, pansin ko lang mula nung na promote sya ang laki na ng ipinagbago nya. Sa sales din siya nagwork ang laging issue namin yung pag inom nya araw araw, hindi pagsagot ng celfone, hindi nagpapaalam kung nasaan siya pupunta. Parang bigla lumaki ulo nya mula nung tumaas sahod nya, mas gusto nya kasama untill wee time yung mga kaopisina nya, hindi nakikipagusap, ang lamig na din ng treatment nya. Wala din siyang time sa mga bata, parang nagbubuhay binata in short. Gustuhin ko man syang kausapin para maayos na rin once and for all pero hindi ko siya makausap ng matino laging walang closure sa problema. pinipilit ko ma justify yung mga ginagawa niya para mas humaba pa yung pisi ko sa pang unawa ko sa kanya pero talagang sinasagad nya. Dati akong mabunganga lalo na nung bf-gf pa lang pero simula nung nagka anak na kami tapos masama loob ko sa kanya i keep quiet and silent treatment talaga ang binibigay ko sa kanya. Right now, gusto ko ng mag move on, meaning maging civil na lang kami para sa mga bata,although sa bahay pa din sya umuuwi pero sa nakikita ko sa kanya at sa ginagawa nya sa amin hindi na sya masaya kasama kami ng mga anak niya at wala akong planong isiksik ang sarili namin at manlimos sa kanya ng oras at panahon para lang makasama namin siya dahil naniniwala ako na kaya kong busugin ng pagmamahal at atensyon ang mga anak ko kahit na wala sya.

    Kaya mga sis, sa mga may pinagdadaanan sa marriage life nila, always pray and lagi natin isipin kung anong makakabuti sa sarili natin lalo na sa mga anak natin.  Kagaya nga ng nabasa ko dito sa GT "We walk away not because we want others to realize our worth, but because we finally realize our own worth."

    yummy05

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #58 on: May 15, 2013, 10:11:55 pm »
    Mga sis ngayon naguguluhan lalo ako...  :( yesterday nabasa ng hubby ko itong post ko, parang may guilt ako naramdaman di ko alam bakit...  :'( nakita ko syang naluha habang nakahiga.. Gusto ko maiyak kasi bakit ba nangyayari samin yung ganito? Ang saya saya namin dati.. [textspeak!] dati na wala na kong mahihingin pa sa kanya.. [textspeak!] dati napakalambing nya.. Yung dating pakiramdam ko ako na ata ang pinaka swerteng babae... lahat kagabi nag flashback, kung paano kami nag umpisa, kung gaano kami kasaya... Pinakiramdaman ko kagabi, lam ko nasaktan sya dahil pinamukha ko daw syang walang money.. Di yun intensyon ko... Nararamdaman ko kasi na iiwan na nya kami or maghihiwalay na kami or kelangan ko na syang iwan kaya gusto kong kunin yung sasakyan, kasi [textspeak!] naman ang ibubuhay ko sa anak namin? Di ko maiisip yun kung di nya rin ginagawang panakot saken ang pakikipaghiwalay pag magkaaway kami.. sinabi nyang mahal nya ko, and ibenta na yung sasakyan.. I felt so guilty,.. Feeling ko mali na nagpost ako, na pinaalam ko sa iba ang problem namin,.. Pero I can't help it.. Wala akong masabihan, para akong mababaliw minsan sa sama ng loob ko sa kanya.. Sinabi nyang mag usap kami pag ready na sya, I insist na ngayon na pero di pa daw sya ready... i know na mali na naipamukha ko sa kanya about sa car pero wala akong choice, wala akong money, wala akong work, at wala akong ipon kaya yun lang naisip ko na maibubuhay ko sa anak ko....

         Kaninang morning, nagtaka ako all of a sudden tumawag sya, kinakamusta kaming mag ina, that was the smallest thing na hinahanap ko sa kanya yung kamustahin kami... Afternoon, tumawag sya ibenta na daw yung car para may negosyo na ako then I asked why? Sabi nya mahal nya ko.. Di ko alam if matutuwa ako or not, kung pinakinggan ba ni God yung prayers ko? Then tumawag ulet sya ng gabi, mag lunchout daw kami ng friday with my mom and baby, then every friday sunduin ko daw sya sa office nya dahil date daw namin yun.. Di ko alam kung matutuwa ako, nagbago na ba sya for good or is it his way for may iba pang bagay.. Di ko na alam mga sis iisipin ko..  :'(

    ReservoirDogs

    • Guest
    Re: When the Love fades... :(
    « Reply #59 on: May 15, 2013, 11:11:02 pm »
    ^

    Sis, hindi lang pera ang major issue sa marriage nyo, ang pananakit nya ang  mas malaking issue ng marriage nyo.  Has he acknowledged that he might have a problem?  I mean kung nabasa nya yung post mo, was he able to read the part wherein he physically hurt you?  What did he actually say about it?

    Ikaw ang nakakilala sa asawa mo, so ikaw lang ang makakapagsabi kung sincere ba sya or hindi.  But before you reconcile, remember na may pattern ang mga abusive husband.  You can read a lot of articles about it.  And I really hope you guys seek professional help, in case na you guys want to save your marriage.

     

    Latest Stories

    Load More Stories
    Close