watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69224 times)

tealover

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #60 on: September 04, 2015, 06:38:35 pm »
Ang hirap talaga tumanggi sa mga umuutang lalo na pag kasambahay.  4 months palang samin pero pakiramdam ko wala na siyang ibang pwd lapitan kasi her husband does not and would not like to work.  Hindi lang nakakatuwa kasi mga ibang tao once na nabaon sa utang nagdidisappear.

honeybunny

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #61 on: September 30, 2015, 06:30:37 am »
i have a distant relative (anak ng pinsan ng lola ko) she was there and nagpalaki din sakin amongst some of my mom's kapatid/kamag-anak.

i remember nangutang sya sakin around 2013 yata.. hanggang sa nalimutan ko na.. a year later, nagutang ulit, 1k lang naman each. then after few months naalala ko may utang pa sya sakin nung 2013 nga, so since napautang ko na sya ulit nung 2014, tinandaan ko na and i asked my mom na singilin sya.

nakabili na ng motor (hulugan) pero hindi pa rin mabayaran yung utang nya at mukhang walang balak bayaran. when she can pay me 100 a month naman. so since then, i made sure na pinaalala ng mom ko sa kanya yung utang nya para di na mangutang ulit.

my other tita naman, i asked her to do my laundry as a payment, kahit na i know na mas expensive sa kanya. isip ko na lang, tulong na rin for them..

kaso i noticed mukhang napapadalas na.

since i moved apartment, (she still owes me 500), hindi ko na mapalaundry sa kanya, so i told my sister na pag magpalaba sya sa aunt ko na yun, e yun yung bayad nya. e since then hindi pa ulit nagpapalaba sister ko.

then just a month ago, nangungutang ulit, pinasabi pa sa sister ko. i told my sister na wag na magreply kasi napapansin ko na lagi na lang kame takbuhan tuwing may kelangan parang namimihasa na.

so for me, i stay away from those people na laging nangungutang. once is enough. as long as they pay me back diba. kaso these families kasi parang no plans on paying me back.

naku i just remembered my walanghiy*** colleague/friend na nagmissing-in-action as soon as makuha nya yung pinapabentang clothes at watch. i had to pay the watch myself and since then sabi ko sa sarili ko na i will choose my friends na and never again i will trust them.

i started blocking them na rin, grabe i feel bad about it still kasi  i thought diba friends talaga sila pero hindi pala. nakakasama lang ng loob.

oh well, lesson learned. isip ko na lang abuloy ko yun sa kanila and i wish them well. sana yumaman sila sa watch na yun and second hand clothes.

tealover

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #62 on: October 02, 2015, 07:31:00 pm »
honeybunny:  It's harder for you na tumanggi kasi relative mo.  Sakin at least KB, sana lang wag mag try mag loan ulit kasi ayaw ko talaga nagpapautang ng malaki.  Bihira magbayad and baka bigla pang umalis.

shygirlme

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #63 on: October 02, 2015, 07:55:38 pm »
Natuwa naman ako don sa best friend ko nung highschool.  Sya yung pag nangamusta, alam mo na manghihiram. Last kami nag chat nung june may binebenta sya sakin. Sabi ko wala akong work, then the other week nag message bigla sakin. Tinatanong kung may work na ko. Siguro manghihiram. Sabi ko nga kay husband natuwa naman ako kasi at least alam nya muna ko tanungin kung may work ako. Yung iba kasi porket alam ofw husband ko eh akala madami kami pera syempre nahihiya naman ako sa asawa ko no. Si husband naman may 2nd cousin nagulat ako panay kamusta sa kanya. Hindi ko sya kilala at never ko nakilala. Sa tagal namin non ko lang nakita nag message yun. Kaya kinutuban na ko. Ayun tama nga hinala ko manghihiram ng pera. Una 3k muna sabi ng husband ko kakaalis lang nya at di nya pa alam kelan sya makakapagpadala. Nireason lang ng asawa ko yun nasa akin naman pera nya, Then after ilang days nag message uli nanghihingi ng tulong pang placement fee ata or basta para makahanap ng work abroad. Di nga nya nireplyan. Imbyerna lang ako kasi di naman sila close kaya sabi ko sa husband ki magagalit ako pag pinahiram nya yun.

honeybunny

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #64 on: October 02, 2015, 11:47:25 pm »
^that reminded me of an aunt naman, na i think last 2012 or 2013 nangutang ng 2k, i lend her 1.5k kasi pang medical fee daw nya kasi mag-aabroad. so ako naman naisip ko, osige i will lend her money kahit alam ko na malaki ang chance na di na bumalik sakin to, as a mean of helping her family na rin since eto nga magaabroad sya para sa family nya.

a year later, umuwi sya, at para bang wala lang, kinalimutan na nya yung utang nya. i would understand kung sasabihin nya sakin na "pasensya na wala pako pambayad, pagnakaluwag ako babayaran kita" kahit na "plastic lang. atleast i know na naacknowledge yung utang nya sakin.

so just this year, ayan, nangutang ulit, pang placement fee abroad, mga 3k lang naman. sabi ko sakanya, i wont lend her money na kasi hindi nga nya ako binayaran last. (or even acknowledged it), nagmatigas talaga ako. nakaalis naman sya.

kiwi0719

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #65 on: October 04, 2015, 03:10:35 pm »
I always say,"May kailangan talaga pag-ipunan or marami pang gastusin, pasensya na."

As much as possible ayoko maging rude pero hindi rin naman ako yung hindi marunong tumanggi.

If you honestly think na may mas importante kang dapat pagkagastusan, then just decline straightly, lalo na kung makulit yung nangunguatang at alam ng karamihan na hindi marunong magbayad.

Grrrr... Ayaw na ayaw ko yang mga taong ganyan.

lisse

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #66 on: October 04, 2015, 09:27:35 pm »
Based on my experience, pansin ko among Pinoys lang ata uso utangan. May mga friends ako dito n Americans never pa ko nakarinig ng utang-utang. IDK, ha. Anyway, may isang "friend" kami dito na Pinay din, retired na sya mga 60+ and may diabetes pero she's got SS and Medicaid, ultimo housing sagot ng gov since dating gov employee siya. Nangungutang sakin a couple of weeks ago ng $200 pang insulin daw niya. Balik daw niya pagdating ng SS check niya. Eh may history na siya kay bf ko na hindi nagbayad as per agreed date. Hinala namin papadala niya sa bf niya na nameet niya sa FB. Kaso naisip ko what if totoo na need niya ng insulin? So sabi ko, tita, wala akong cash. if you want, samahan kita sa pharmacy gamitin natin credit card ko. Awa ng Diyos hindi na nag reply. Choosy, gusto cash ipambili ng "insulin".  ;)

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #67 on: October 11, 2015, 08:00:02 pm »
sasabihin ko muna kay misis/mister.....

 ;)

sugardrop

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #68 on: October 12, 2015, 12:57:41 am »
The last person na nanghihiram ng cash kasi 2 or 3 days na daw hindi kumakain wife and kids nila (ex-co-workers ko sila pareho) hindi ko pinahiram. But I sent a couple of canned goods and noodles. Parang relief goods ang dating pero I think if yun ang reason nya for borrowing, eh di yung solition sa gutom na ang binigay ko. Pag cash pwedeng kung ano ano pa ang mabili. At least ayan, food na. Pina-Xend Express ko na lang. ;D

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #69 on: October 12, 2015, 01:06:02 pm »
^ sis, hindi ba OA naman yun reason ng ex co worker mo? 3 days di kumakain pamilya nya? buti di pa nahuli ang lahat nun nagpadala ka ng goods? hehe..

----------

magbingibingihan ka o kaya mag tangatangahan para mahalata ng umuutang na hindi ka interesado magpautang..

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #70 on: October 12, 2015, 01:18:54 pm »
^Onga, mejo outrageous ang '2-3 days' na hinde kumakain.


sugardrop

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #71 on: October 12, 2015, 09:19:02 pm »
^ and ^^

Exactly the reason why I was hesitant to lend money. To think that the wife's pregnant and below 5yo yung kids. So kung ano yung ni-reason na walang food, yun na lang binigay ko. ;D

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #72 on: October 13, 2015, 12:22:23 pm »
^ ang hirap naman ng kalagayan ng nanghihiram sayo sis, sana pinahiram mo na. hehe! sabay ganun eh noh..

yan talaga sakit ng mga nanghihiram, sobrang oa ng mga reason nila at talagang malalakas ang loob. pero ang nakakadissapoint lang, pag oras na ng bayadan, parang gadget eh, naghahibernate..

----------

paasa epek, kunyari pagnakasingil dun sa may isa pang utang dun ko lang sya mapapahiram...

sugardrop

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #73 on: October 14, 2015, 01:17:13 am »
^
Ay ginawa nya yan. Sinisingil sya ni B1 tapos ang hinihintay nya na ipapambayad is yung hinihiram nya kay B2. Eh si B2, sinisingil naman ni B1. Kaya nganga silang tatlo. ;D

And ang amount? 100 pesos. :D

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #74 on: October 14, 2015, 01:28:57 pm »
susme...kung ako yung 100php at nakakapagsalita ako, magagalit ako sa tatlo eh..sasabihin ko, please lang i release nyo na ko ayaw ko ng maging pambayad utang... hehe!

----------

naalala ko lang, way back 2001 pa. ahaha! yung may utang sakin, kesyo pambayad nga daw nya placement at paalis na sya. since kababata ko at napabilid ako kasi nga makakapag abroad pinahiram ko kaso lang ewan ko di natuloy sa abroad. kasunod nun naglaho ng ilang years sa lugar namin pagbalik may asawa na. nun nakakwentuhan ko minsan nagpahaging lang ako na sabi ko asenso ka na ata ah siguro kala nya naniningil ako, bigla inooffer nya yung dvd player kung gusto ko daw kunin ko na yun dun ko naalala utang nya pero sabi ko aanhin ko naman yun. then sya na nagsabi hayaan ko daw at pagiipunan nya yung kompromiso nya. sa awa ng Diyos from 2001 to 2015 mag 2016 na yung 5k na halaga na hiniram nya di pa rin nababayadan. hehe!

nakakainis lang sa mga nangungutang lalo nat malaki tapos hindi nagbabayad, masahol pa sila sa mga budol budol at holdaper. parang nanakawan ka na din nun lagay na yun eh, masaklap lang kilala mo at pinagkatiwalaan mo.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #75 on: October 14, 2015, 04:28:37 pm »
Ex ko may utang sa kin na 5k, nung magbreak kami goodbye 5k na din. Hindi ko na siningil, abuloy ko na sa kanila yun.

-----------
Ang experience ko naman sa 100 pesos. Nagpautang ako kay B1, nung dumating na ang oras ng bayaran sabi ni B1 si B2 daw singilin ko kasi may utang daw na 100 si B2 sa kanya. Naloka ko kaya sabi ko sa kanya "labas ako sa utang ni B2 sa iyo, ikaw ang may utang sa kin kaya ikaw ang dapat na magbayad sa kin." Sumagot ba naman ng, " sige babayaran kita pagnakabayad na si B2 sa kin." Nakabayad naman after ilang weeks. Then gusto pa umulit humiram, di ko na pinahiram uli. Nakakadala mga ganitong tao.

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #76 on: October 14, 2015, 06:17:48 pm »
^ kaya nga dapat siguro dapat itanong muna kung meron bang may utang sa kanya kasi kung meron buti na yung malinaw na yung nangutang sayo mismo ang magbabayad at hindi ibang tao. hehe!
halos same tayo ng experience sis, yung dalawang tao na pinautang ko nagkataon yun isa may utang sa isa. ending yung isa na lahat ang nag shoulder ng bayarin kaso lang ang nangyari kulang na yung naibayad..

minsan mas okay ng magmukha kang maramot kung hindi naman talaga worth pautangin at kung known sila na hindi nagbabayad.. hehe!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #77 on: October 14, 2015, 08:59:52 pm »
^ minsan mas okay ng magmukha kang maramot kung hindi naman talaga worth pautangin at kung known sila na hindi nagbabayad.. hehe!

^Agree, pero kasi kapag idinahilan na maysakit kaya hihiram di ako makatanggi kaya binibigyan ko na lang ng amount na di gaano masakit kapag hindi naibalik.

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #78 on: October 15, 2015, 12:49:58 pm »
^ ay oo ah.. pag may sakit ang reason parang ang hirap humindi.. ang wierd lang sa mga pinoy, kung sino pa yung mga nagpapautang sila pa yung nag aalangan pag di nakapag pautang, talo pa yung namommroblema na nangungutang. may pagkakataon pa mas problemado pa yung nagpapautang kung paano nya pauutangin yung nanghihiram. tsaka sa singilan, yung nagpahiram pa ang nahihiya at yung pinahiram pa yung kadalasan walang hiya magbayad.

vanitygirl

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #79 on: October 15, 2015, 06:57:14 pm »
At first, nagpapautang ako ng maliit muna. Then tinitignan ko kung good payer. If ok naman, nkakaulit sila. If not, once is enough.  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close