watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69177 times)

~ anna ~

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #40 on: March 02, 2015, 09:38:02 am »
Sabihin mo sa kanila na wala kang extra cash na pwedeng ipautang.  Pag mapilit pa rin sila, tell them na meron ka rin bills na kailangan bayaran, mga gastusin na kailangan pag-laanan ng pera mo kasi responsibility mo yun.  If they ask you- na kumuha muna sa savings mo, sabihin mo na hindi pwede kasi yan ang emergency fund mo and hindi pwede galawin except for real emergencies.

Merong mga tao kasi na nangungutang lang dahil nagkataon na may urgent need sila like may naospital or nasunugan sila and kapos yung pera nila.  Kumbaga, nag-ipon naman sila pero minalas lang dahil may nangyaring emergency na di naman nila kasalanan.

But meron din mga taong mahilig na mangutang ng mangutang pero makikita mo na hindi naman sila nag-eeffort na mag-ipon.  What's worse, yung iba sa kanila e super lakas pa gumastos, kung magwaldas ng pera akala mo wala nang bukas, and super hirap pa singilin pag time na bayaran yung utang.  Wag ka magpapressure sa mga taong ganito, kasi ikaw lang din ang kawawa.  Yung pera na pinaghirapan mo e malamang hindi na nila ibabalik sayo pag nagkataong pautangin mo sila.

heartfortress

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #41 on: March 02, 2015, 10:17:48 am »
Na experience ko na din na utangan ako at di binayaran. Tapos yung nangutang parang dedma lang sya kumbaga e ty na lang saken. Kaya ngaun pag may nagsasabi saken na mangungutang, sinasabi ko na lang na 'pasensya na short din ako e, ang dami kasi bayarin kaya halos wala na natira sa sahod ko.' tingin ko effective naman kasi yung kilala ko e di na nag attempt na umutang ulit pero twice sya nagtry. Mejo i feel bad na tinanggihan ko kasi small amount lang naman inuutang nya at naintindihan ko din na maliit talaga ang kinikita nya pero kasi madami na ko nabasang horror stories pag singilan na, at yung nagpautang pa ang nahiyang maningil. Ang sa akin lang kasi mahirap na ipagsapalaran yung hard earned money mo, na mas mabuti pa ibinigay ko na lang sa pamilya ko kesa pinahiram ko sa ibang tao at di bayaran.
Share ko lang din yung time na ok lang saken magpautang. Nung bago pa lang ako nagwork, below minimum pa yung sweldo ko nun at yung nagrefer saken sa employer ako e nag ask umutang kaso ang dala kong pera nun e pambaon ko lang for that day kaya sabi ko bukas na lang. Nung nagkita kame kinabukasan hindi naman na sya ulit nagtanong at hindi naman din ako nagtanong pa kung uutang pa ba sya. Kaya ang nangyari walang utangang nangyari. Pero after nun naging awkward na yung feeling pag nagkikita kame. Baka akala nya ayaw ko sya pautangin pero sa totoo lang ok lang talaga saken kasi may utang na loob naman ako sa kanya. Nakakalungkot lang na pati yung friendship na namumuo e maapektuhan dahil dun.

lovely_carrot

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #42 on: March 02, 2015, 01:44:19 pm »
Ako, I just say no. Malay ba nila kung may pera talaga ako o wala, so and dialog ko "sorry naibayad na sa kuryente/tubig/globe/cable/etc.."  ;D

mrsB

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #43 on: March 03, 2015, 04:11:57 pm »
Just a few days ago inuutangan na naman ako nung kababata ko (through FB), pang-placement fee daw nung anak. Diniretso ko lang na wala naman akong work (kahit na nasa Canada ako) at kapapanganak ko lang din kaya maraming gastos. Sabi ko umaasa lang din ako sa asawa ko at andami naming bayarin dito kagaya ng bahay, kotse, insurance, etc. Ayun, ni hindi na nagreply man lang. Malamang masama ang loob hehe.

phexchanger

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #44 on: March 05, 2015, 10:33:01 am »
Now, I just say no, may paggagamitan ako. Iyong mga makulit mangutang minsan, sila pa hirap singilin.

Angelite

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #45 on: March 21, 2015, 08:56:04 am »
Ako nahihiyang tumanggi pero nung nakaencounter na ako ng hindi nagbabayad hindi na talaga ako nagpautang. Apologize na lang ako na I can't help kasi may paggagastusan din ako.

red_yesha

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #46 on: March 21, 2015, 05:01:06 pm »
"Pasensya na, sapat lang ang pera ko para sa aming pangangailangan". Yan yung sinasabe ko.

17glut

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #47 on: March 21, 2015, 05:20:19 pm »
just say no straight to their face, tamo di na uulit yan  ;D

mrsonthego

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #48 on: March 21, 2015, 05:41:33 pm »
just say no straight to their face, tamo di na uulit yan  ;D

tama! yung iba kong mangungutang tumigil na, pero may additional explanation ako, baka kasi sobrang masaktan sila pag stright NO lang, sabi ko na lang "pasensya kana, eksaktong na lang tong budget ko hanggang sa sahod, pangkain at pamasahe na lang di ko na mapapahiram sayo"

EPEKTIB!

Miss Taken

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #49 on: May 06, 2015, 09:06:54 am »
Ang sinasabi kong excuse: "Pasensya na ha pero wala talaga akong extra ngayon eh." Ginagamit ko lang naman yung line na yan pag alam kong hindi marunong magbayad ng utang yung tao na yun. May mga times kasi na mahirap tumanggi lalo na kung alam mong may pangangailangan talaga siya.

ig0rota

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #50 on: May 12, 2015, 01:06:08 pm »
may trick po akong nabasa, pag may ibang account po kayo, ang gawin niyo. yung isang account lagging maintaining balance lang lagi laman para yun po pwedeng ipakita sa kanila... :-)

blue_sky

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #51 on: June 26, 2015, 11:50:19 pm »
heheh ako naman, hindi ako nilalapitan ng mga friends ko kasi simple lang talaga akong pumorma. hindi din ako sumasama sa mga gala, etc etc.. dinadahilan ko na wala akong pera, madaming gastusin atbp pero the truth is, mas masaya ako kapag nasa bahay lang with my family. so ayun, automatic, iniisip na nilang wala akong pera.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #52 on: June 28, 2015, 03:12:36 pm »
Simple lang "sori huh wala ako budget/extra now eh sakto lang para sa mga bills/bayarin ko "
Pero pag kapatid ko depende sa reason  niya lalo na pag emergency talaga.

Miss Taken

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #53 on: July 07, 2015, 05:25:47 am »
Pwede rin ba dito yung "paano maningil sa mga taong may utang sayo?" lol

Before pumapayag talaga ako pero now hindi na unless super kaclose ko at alam ko naman na kailangan niya talaga.

Obachan

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #54 on: July 07, 2015, 09:01:40 am »
Sinasabi ko na "ako lang ang inaasahan ng family ko at natitira na lang sa sweldo ko is un allowance ko"

Just last week, me nagparamdam sa FB, for a long time na hindi kmi nag uusap or palitan ng "hi / hello" ng friend ko then suddenly magpapparamdam.
At the back of my mind sabi ko, me kailangan to.
Boom! yun na nga!

Hindi na nag-reply nun tumanggi ako.

sugardrop

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #55 on: July 08, 2015, 01:20:39 am »
A former co-worker who owed me money from last year pa recently contacted me to borrow money. I told him straight that I can't as I have other expenses. I just didn't remind him that he still owes me money. :)

killbill

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #56 on: August 20, 2015, 12:44:18 am »
Inuunahan ko na sila ng "sensya na madami din kasi ako bayarin eh"

imeego

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #57 on: August 20, 2015, 01:12:37 am »
Eto dapat matutunan ni hubby para maging believable naman reason nya.. 2 weeks ago, nagtext aunt nya para umutang.. This aunt is notorious, sobrang sinungaling at gumagawa ng kwento para lang makautang.. She still owes almost half million sa inlaws ko.. So kahit may extra naman, di pinahiram ni hubby.. His reason was he just bought a car for me daw.. Ngek😁 sabi ko paano naman maniniwala yun na walang pera eh nakabili ka nga ng kotse😜

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #58 on: August 31, 2015, 02:05:28 am »
marami umuutang sya pa ang galit... hays!!! now a days... just say NO!!!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #59 on: August 31, 2015, 02:49:59 am »
Ako depende sa umuutang and sa reason na din. Pagfirst timer depende kung gaano ko siya kakilala. Pagmedical reasons hindi ako makatanggi pero nagpapahiram lang ako ng amount na di masyado masakit pag di nabayaran, wag lang masabi na hindi ako nagpahiram. Baka may mangyari pa sa pasyente ako pa masisi, cargo de consencia ko pa. Ok lang sa kin na delayed ang payments as long as kinausap or nag-abiso na madedelay lang pero yung kinalamutan na talaga ang utang kahit small amount lang di na makakaulit yun kahit pa 50pesos lang ang hiniram. Hindi marunong magbayad sa small amount ano pa kaya kung big amount na, hindi ko pa naman ugali maningil kasi nahihiya ako. Sinasabi ko na lang na naka-budget na yung money sa bills and allowance at walang pang-abono. Minsan may hindi makaramdam, sasabihin pa na hihiramin na lang yung budget muna ibabalik naman nila agad.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close