watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69266 times)

patriciaheart

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #20 on: March 16, 2014, 01:36:11 am »
Wow, helpful mga advice nyo mga sis.

Ako pag umuutang parents ko, hinde ko na pinapabayad kasi maliit na amount lang naman at ginagamit ko rin yun babayaran na yun so ok lang,, ang hinde ko ma take is yung yaya ng baby ko,, hihiram ng 1k,, tapos feeling nya ATM ako kapal ng mukha, bale nalang ng bale so next time sabi ko kay hubby mag paalam kasi sya nag hawak ng money. Nung sa asawa ko na humiram eh hinde sya pinahiram ABA nagalit! sabi sa isang maid "Nakakapag katulong sila tapos wala sila pang bale" AY SHE HAD TO GO! My husband fired her ( not just because of that but because of other issues din ) dahil abusada.

I used my experience with me as an example sa ibang katulong na bale ng bale, sabi ko," yung dati bale ng bale pinatalsik",  ayun nahihiya na sila humiram.


gwyne21

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #21 on: June 18, 2014, 01:09:48 pm »
Ako naman, hirap din tumanggi kapag may nagsabi sa akin... Kapag may mangungutang (at first time), tatanong ko kung kailan babayaran tapos depende sa reason kung papahiramin ko o hindi (pag medical reason, usually nagpapautang ako)... tapos hindi ako naniningil until dumating yung date na promise na babayaran. Once na nagbayad naman based on agreed date, pwede ulit yun makautang sa akin. Pero kapag hindi nagbayad on agreed date, kahit ano pa rason, hindi na ulit makakautang sa akin yung person na yun. So far, may mga friends naman ako na marunong magbayad based sa usapan pero meron din na hindi, as if parang nagka-partial amnesia na...

ikaela

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #22 on: July 02, 2014, 11:29:17 am »
^Parang ikaw pa ang masama kasi wala kang pinapaaral/pinapakain/pinapalaki ah!

Meron kasi tayong "utang na loob" culture, na in-debt ka forever to whoever raised you. Mas-efficient yung "pay it forward". You pay it forward to your own children, your own family, or your own society. Dapat mag-produce ka; hindi yung ibabalik mo lang sa pinanggalingan.

chubbycheeks

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #23 on: July 02, 2014, 04:27:15 pm »
I have a friend na ilang beses na nag-attempt umutang sa kin before but i really don't think i can afford to lend money so i always say no. Months ago, i asked to be referred to where she's working at and she said yes but never got back to me.  Then recently, she attempted again to borrow money for her kid's tuition, kinapos daw talaga sya and wala na syang maisip na ibang malapitan. Sabi ko na lang: "i don't have work so i can't lend any money. Di ba i asked you pa for referral?"  She didn't reply na after that. :P

chubbycheeks

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #24 on: July 02, 2014, 07:52:33 pm »
^ agree. Dito sa atin, may tendency yun parents to still care for their adult children. Kaya madaming in their late 20's to 30's na who still live with their parents-single or married. Sa akin, ok lang yun basta contribute to the household expenses and act like adults. And for god's sake, never ask a loan from your parents when u start earning! Time to give back. Dapat tayo na nag-aalaga sa kanila.

ghye

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #25 on: August 20, 2014, 05:06:47 pm »
natuto na ako to say no sa mga kapitbahay na nangungutang.  I tell them na "sorry, pang daily budget lang namin hawak ko".  Or wala pa sahod or hindi pa umuuwi asawa ko kaya hindi ko pa nahawakan sahod niya.
Mahirap magpa utang kasi pag bayaran na parang ikaw pa may malaking kasalanan sa nangutang.

melmedrano

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #26 on: August 20, 2014, 05:50:28 pm »
kaming mag-asawa iisa ang style namin sa pagtanggi... sasabihin namin na ipagpapa-alam pa namin sa asawa namin (totoo naman)... kadalasan nahihiya na ang friend na nangungutang. hehe!

Angelite

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #27 on: October 14, 2014, 12:36:14 am »
Pag alam kong magbabayad ok lang na magpahiram. Meron kasing ibang friends na hindi na nagbabayad. Mahirap kasi ako pa nahihiya maningil. Buti sana kung may kusang magbayad.

Normally i just tell them that i also used the money for something really important.

mrsB

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #28 on: October 14, 2014, 02:30:09 am »
Kadarating ko lang dito sa Canada noon nang may umutang saking kaibigan na matagal na akong walang contact. Kailangan daw ng pampuhunan sa pagtitinda. I reminded her na nasa Canada na ako at malayo kasi baka kako di niya alam. Ayun, alam naman pala. Padalhan ko raw siya, ibibigay niya sa akin ang bank account niya.

Naloka ako kasi nga kadarating ko lang dito uutangan na ako. Sabi ko wala pa akong trabaho at umaasa sa asawa ko. Medyo mapilit pa rin pero naging firm ako. Dyosme, aside from the fact na wala naman nga talaga akong sariling pera, iha-hassle pa niya ako sa pagreremit? Eh kadarating ko nga lang dito noon, winter time pa.  ???

sugardrop

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #29 on: October 14, 2014, 03:38:20 am »
Minsan feeling ko para akong dibidi sa office though walang interest. Ang di ko kinaya is yung magsasanla sakin ng atm nya. Ay, ang pag-ayaw ko talaga! Meron isa na every payday, utang. Oo, understandable naman kaso kung hindi enough ang kinikita, gawa ng paraan like find ways to earn extra. Ako pa nahihiya maningil. Tapos meron parang may patago kung manghiram. So like kanina, yung text ang bumulaga sakin, sinabi ko na hindi kaya kasi kakabalik ko lang from a trip. No reply. Haha! Eh may pending bayarin pa din sya sakin. Kaya naisip ko, baka kasi nawili na every time hihiram, pinapahiram ko. Kaya medyo tatanggi na lang muna ako ngayon. Di sa nagdadamot kaso yung pinapahiram ko eh galing din sa extra income ko na pinagtatrabahuhan at pinagpupuyatan ko din naman on weekends. And I'm also saving up.

traxxex21

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #30 on: October 14, 2014, 06:09:47 am »
Ako naiinis ako sa mga umuutang na ibibigay mo yung buo na need nila tapos pag balik sayo eh hulugan. I remember someone ask me if she can borrow 5K, note ako pa pumunta sa place nya para ihatid yung money. After that, hulugan na ang bayad nya sa akin. same scenario, ako pa din ang pumupunta sa kanya.

After that, hindi nako sumasagot sa kanya pag nangungutang sa akin :)

mrsonthego

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #31 on: October 14, 2014, 08:30:28 am »
talaga naman, ako naman inlaws ko hilig mangutang, di man lang magtanong kung may mauutang, ina assume nila palagi na meron akong bala pag uutang sila, masaklap uutang sila yung tipong 3 days before sahod kung kelan wala na din akong pera, though nagbabayad naman din sila, kelangan ako na tuloy isama sa budget yung uutangin nila, pag di binigyan baka sumama ang loob sabihin pinag dadamutan, hay! ???

blackgreen

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #32 on: October 17, 2014, 06:01:06 pm »
Nagpapahiram naman ako sa mga taong marunong magbalik ng hiniram nila on the agreed date. Pero etong isang kasama namin sa office dati, parang naging habit na ang mangutang sa akin, tapos makikita mo sa facebook kung saan saan pumupunta kaya siguro nauubusan ng pera.  Kaya pag nanghihiram siya palagi ko sinasabi pasensya na wala akong extra money.

SavedByHisGrace

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #33 on: October 27, 2014, 03:14:01 pm »
Ako simple lang, sasabihin ko agad 'sorry, but I don't have money to lend.' kasi wala naman talaga! hahaha  ;D ayoko magsinungaling at syempre ayoko din maningil kasi hindi ako marunong maningil. nahihiya ako. so might as well wag na magpautang di ba.

isa pa. na try ko na yan sa cousin ko, she borrowed 1k. ayun. ang masama kahit thank you eh wala.

baliwsayo

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #34 on: November 03, 2014, 03:06:42 pm »
Lagi sagot ko sorry ha, kapos pa nga ako sa budget ko eh, nahanap din nga ako ng uutangan eh. Lol!

trizh

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #35 on: November 03, 2014, 03:08:52 pm »
Unang-una, di ko pinapaalam sa kanila na meron akong extrang budget. Kaya kapag naghihiram sila sinasabi ko na nakabudget na yung pera ko. Or wala akong extra. Lalong lalo na sa mga taong wala ng ginawa kundi manghiram pero pahihirapan ka pa bago ka bayaran.

lovely_carrot

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #36 on: November 03, 2014, 05:04:15 pm »
sa hirap ng buhay hindi ganun kadali magpahiram ng pera. Ang rule ko lang lagi, if I cannot afford to "lose" that money, hindi ako magpapautang. Kasi feeling ko pag nagpahiram ako ng pera, maswerte na pag naibalik pa. Yung sister ko may utang din sa akin, hindi na sya tuloy makahiram kasi hindi pa nya naibabalik yung previous.

allergic din ako dun sa mga matagal magbayad, pag nagkabayaran na at humihiram pa sa akin ulit ang alibi ko na lang, wala din ako e, pasensya na.. in a way, natetrain ko sila na wag na lumapit sa akin if they know na kapos din ako

chubbycheeks

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #37 on: March 01, 2015, 08:40:43 pm »
Sinasabi ko lagi na wala pa kong work so no income. When I had work, sinasabi ko naman na I don't have extra. Kasi wala naman talaga, I have a budget that I want to stick to so i can reach my goals.

17glut

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #38 on: March 01, 2015, 09:31:39 pm »
pag kamag anak or taong kilala ko na ng lubusan I humbly say "sensya na kapos ako eh" pero pag hindi ko kaano-ano I straight up say "NO" to their face sabay explain "may pera ako pero hindi ako nagpapautang"..  people may say you're a douche for being blunt pero it is very effective. Besides, you don't owe anyone any explanation so why bother explaining di ba? it's your hard earned money and you have every right to be rude about it.  ;D

patriciaheart

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #39 on: March 02, 2015, 08:57:58 am »
Agree ako, and mahirap yun,,,tanggap karin sakanila ng tanggap kahit di mo i ask, kasi utang na loob ang kapalit nun so minsan ma hihiya ka kahit kapos na give parin. Ka lungkot lang parang ATM trato saiyo tapos ASAP pa daw haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close