watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69164 times)

mrsonthego

  • Guest
Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« on: April 10, 2013, 08:51:38 am »
Hello ladies! I'm sure once or many times meron kakatok sa bahay mo para mangutang. Iba iba ang reasons nila, kesyo pang matrikula, pambili ng bigas, pang ganito pang ganyan. Meron iba na talagang wala na malapitan kundi ikaw, at meron naman na umaabuso na. Paano ba sila tatanggihan. Or ano ang sinasabi ninyo or ginagawa sa kanila para matanggihan sa kanila? Thanks sa mga sasagot! :)

ice angel

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #1 on: April 10, 2013, 05:53:08 pm »
sabihin mo na hindi mo hawak ang pera nasa other half mo.

phoenixyox

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #2 on: April 10, 2013, 06:18:30 pm »
noon sis ako pa ang nahihiya pag di ko pinautang eh pero ngaun hindi na. nice nga ako sa iba pero emotionally ako naman nagsu-suffer. titingnan mo din talaga kung sino ang karapat-dapat pautangin.
pwede mong sabihin nga na di ikaw ang humahawak ng pera sabi nga ni sis ice angel. hirap kasi sa kulturang pinoy hirap tayo tumanggi. ako sinasabi ko nalang na may binayadan din ako (pangmatrikula, pinautang ko din kapatid ko, etc.) siguro naman kung 3 beses na tumanggi ka mage-gets na nila. but for the super kapal muks eh ewan ko nalang. would it help kung sasabihin mong ayaw mong masira ang samahan nyo or pagkakaibigan nyo kung papautangin mo sya? ginawa ni officemate ko yun sa isa naming ka-officemate and effective naman.
mahaba na itey, but last advice : kung tatanggi ka, be firm at pangatawanan mong di mo talaga papautangin. magpautang nalang kung kaya mong maningil. kung kailangan talaga magbigay ka nalang ng kaya mong ibigay na amount, isipin mo nalang tulong yun.

px17

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #3 on: April 10, 2013, 07:31:44 pm »
^ako sinasabi ko "wala ako cash e. Sorry."

det060403

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #4 on: April 11, 2013, 01:44:52 am »
they say panget daw sinasabi ang "wala akong pera"... so linya ko nalang, "sorry, wala akong perang ipapautang" (Lahat gagastusin ko eh) LOL!

nixmusic

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #5 on: April 11, 2013, 03:25:07 am »
I just tell them,"wala akong extra cash". Dapat kasi maintindihan na hindi porket nakakabili ka ng mga gusto mong bilhin, ibig sabihin na agad e mapapahiram mo sila diba? Ang hirap kitain ng pera ngayon, tas ang mahirap dyan, pag siningil mo sila pa ang galit at parang pasalamat ka pa at nagbayad sila ???

break_free

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #6 on: April 11, 2013, 11:38:09 am »
^ Relate! Pareho pareho lang naman tayong nag tatrabaho at may binabayaran monthly pero unlike sa mga friends and/or officemates ko, I'm always able to make both ends meet. Anyway, don't want to judge them pero grabe din talaga yung iba. Patong patong utang, at mega tago na sa cc companies.


TS, Sis problem ko din yan kahit dati pa, madami kasi akong 'friends' na kelangan lang ako pag need ng pera pero nawawala sila pag singilan time or time na magbayad - yung haharap sa iyo na parang walang malaking halagang inutang. LOL Iniisip ko din na baka ako nalang ang malalapitan nila pero hello? Hindi naman ako charity at hindi porket ako ang medyo comfortable ang pamumuhay eh ako nalang lagi ang hihiraman. Isa pang hello? Buti sana kung marunong mag balik ng pera, kaso hindi. Minsan iniisip ko tuloy na baka nasa wrong crowd ako eh.


Always din akong victim ng akala ko kusa lang akong binigyan ng let's say for example simple chocolate, or sobrang bait sa akin today --- YUN PALA may kapalit, mangungutang lang pala. I feel hurt pag ganun. LOL


Anyway, sis ako naman PAYO ko hindi ko sasabihin or idadahilan na nasa 'bf' or 'asawa' ko yung money kasi baka mamaya yung 'bf' or 'asawa' mo naman ang kukulitin (if ever na close sila or magkakilala or kapal muks lang talaga or sadyang gipit), tapos baka ma-uto pa si 'bf' or 'asawa' eh di problema na naman, di ba?


Just say it sa face nila na 'sorry, wala akong pera eh at madami din akong binabayaran palagi.' Yan lang sinasabi ko, end of conversation. NEVER say na 'next time nalang ha...' kasi naku sis, babalikan ka nyan at ang reflection nyan is sa ngayon ka lang walang pera, next time milyunarya ka na ulit at pwede na mag charity. LOL

tomatostellar

  • Guest

kabes

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #8 on: April 11, 2013, 12:00:44 pm »
ako naman, "naku po, kakabayad ko lang din po ng kuryente kanina"

pano naman, nag-rerent kami, tapos yung landlady namin, kami yung tinuro sa nangungutang sa kanya. ano ba. siguro dahil di kami nahuhuli sa payment ng rent.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #9 on: April 15, 2013, 09:12:20 pm »
I always say kakabayad lang namin sa condo/cards.

mrsonthego

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #10 on: April 16, 2013, 08:25:26 am »
I asked the same question
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,263922.0.html

ay! thanks!

Mods please delete or merge this thread, thanks!

choco_banana08

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #11 on: June 06, 2013, 10:43:58 pm »
kapag sinabi na makikiride sa card... " sorry pinacut na ni hubby [textspeak!] CC ko" (which is true naman!)


Kapag pera... "sorry wala ako maipapautang kasi kakabayad ko lang din" or "Sorry sakto lang kasi pera ko for this cutoff" :P

lisse

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #12 on: June 07, 2013, 02:08:14 am »
I agree with sis det060403, wag na wag daw sabihin yun at baka magkatotoo lol! sinasabi ko na lang kukulangin kami sa budget or sakto na lang. pero pag alam kong may unpaid utang pa siya sakin, i say na "eto naman, may utang ka pa nga sakin diba? wala na akong extra dito kasi hindi pa din ako binabayaran nung isa pang nangutang sakin..." which is true naman. sila-sila din lang naman yung mahihilig mangutang na TY na lang. kaya sorry hindi na talaga makakaulit.

recently, cousin ko nanghihiram ng 20k. bayaran daw in 3 months. e kakafully-paid lang namin ng mortgage namin hindi p kami nakakabawi. after kong tanggihan wala na hindi na ako binabati maski masalubong ako sa daan. hayy.

pinksuman

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #13 on: July 30, 2013, 03:45:38 pm »
Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?

Answer: sorry wala akong extra na maipapahiram sayo. (apologetic face)

ako nga nagpapahiram lang ako sa taong alam kong maibabalik yung hiniram nya. may iba dyan wala talagang pera so labo na hiramin lang yun.

ziva

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #14 on: January 28, 2014, 01:23:28 pm »
It's better to give than to receive ;)

My rule of thumb is to give them kung magkano ang kaya mo ibigay, whether it be 500, 100 or 20 pesos.  If it's too small, be firm.  Eventually they think it's not worth it to come up to you kasi wala silang  mapapala.

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #15 on: February 11, 2014, 12:23:34 pm »
Yung kaibigan ko mahilig lumapit sakin para mangutang, pero hinde ko talaga sya pinapahiram...una ayoko na magkakasira kami sa pera, 2nd ayokong mawili sya once na pinautang mo lagi ng mangungutang.3rd i dont have a job, finacially dependent ako sa hubby ko kaya hinde pedeng basta ako magpapahiram ng hinde alam ni hubby..at sinasabi ko naman ke hubby manghihiram yung friend natin si ganto... Sabi nya wag ko pansinin...minsan na kasi silang umutang magasawa maliit na amount lang naman kaso di nila binayaran kaya nagmarkado sila sakin.no matter how small it is utang is utang at ang bigay is bigay,

Last january si friend lumalapit para mangutang namatay tatay nya humihiram ng 10k ...its too much hinde ko sya pinautang..pero sabi ko magbibigay ako abuloy para sa tatay mo..papadala ko sa bicol., sabi nya sakin, thanks na lang mare. I texted her again 2x para ipadala ko abuloy hinde sya sumagot..masakit lang kasi tinanggihan nya papadala ko abuloy para sa tatay nya. Tama ba yun tanggihan abuloy? Hinde ko naman mapapahiram sya ng ganun kalaki amount.

Tapos umuutang na naman sya sakin ngayon..hinde ko na sinagot ang text.


Una nakakainis minsan magpahiram dahil nakikita mo silang magasawa mahilig umabsent sa work
4months na  umabsent sa work si friend e ano kikitain nya? Pano sila kakain? Yung ilaw, tubig, pambayad sa yaya, nag ampon pa?ang daming responsibility mahilig umabsent sa work, puro katamadan, puro inom at tulog yung magasawa at yung lalake nag resigned sa work at nag apply sa iba na walang tagong extra money. kahit sino hinde gaganahan pautangin dahil mismo silang dalawa ay tamad.kailangan nila pera bakit ayaw pumasok sa work.

Kaya di nako masyadong nakikipag close sa kanila, parang ang nega lang ng dating nila.

Nagpapautang naman ako sa taong kailangan talaga ng pera at marunong magbayad.

« Last Edit: February 11, 2014, 12:34:31 pm by crazycoolchic19 »

cmax

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #16 on: February 15, 2014, 10:06:12 pm »
Me tumawag kanina before 9AM, isang yaya sa school ng anak ko nangungutang. Babayaran naman daw pampaospital lang sa asawa. Andun nako sa hindi mababayaran kasi pareho naman silang walang trabaho. Kaya lang wala din ako trabaho. Nakakahiya naman na hingin ko pa sa asawa ko ang papautang/ibibigay ko considering na di naman kami close. Ang pinaka nakapikon sakin e minamadali pa ako. Padala ko daw today. O kaya bukas. Waw lang.

gracita13

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #17 on: February 16, 2014, 03:58:31 pm »
kapag first time syang uutang ang sagot ko "kelan mu babayaran? kasi pambayad ng cc,bahay o padala sa pinas ko to eh"  :P mabuti na yung alam nya sa umpisa pa lang kailangan ko din yung pera na yun.ayoko isipin nya extra ko lang yun at mangyayare kapag nakaluwag na sya saka babayaran at ang ending nagkalimutan na nahihiya kasi ako maningil kaya dapat may usapan talaga kung kelan bayaran.
kapag may past na sya saken na hindi marunong magbayad at parang ako pa nakikiusap mabayaran lang ako ganto linya ko "aay napadala na sa pinas eh"  :P

mrsonthego

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #18 on: February 19, 2014, 11:39:22 am »
It's better to give than to receive ;)

My rule of thumb is to give them kung magkano ang kaya mo ibigay, whether it be 500, 100 or 20 pesos.  If it's too small, be firm.  Eventually they think it's not worth it to come up to you kasi wala silang  mapapala.

tama ka dyan sis, kaya lang sa hirap ng buhay ngayon, bihira ma mag sobra ang pera natin. Kung ako mas gusto ko mag bigay na lang para walang samaan ng loob, sa yung mga binibigyan natin bumabait satin, kaya lang minsan naiisip ko baka nagpapalaki lang tayo ng mga batugan.


ChocoCat

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #19 on: February 21, 2014, 11:33:16 pm »
Ako I'll tell them, "Sorry, may mga bills din kasi ako na kailangan ko bayaran."

 

Latest Stories

Load More Stories
Close