Author Topic: OA ba ko mga sis :(  (Read 8491 times)

potpotpo

  • Guest
OA ba ko mga sis :(
« on: April 09, 2013, 02:26:15 pm »

Sweet ang hubby ko at mabait. Dati wala siya gaanong kaibigan, nasa ibang bansa kasi kami. Pero netong mga huli may mga naging kaibigan siya, ok naman ako dun. Yun nga lang kahapon ng sunday nagpaalam siya sa akin na lalabas daw sila ng mga kaibigan niya, pupunta ng cafe, e di sabi ko ok, anong oras ka uuwi, sabi niya mga 10pm daw. 10pm na wala pa din siya, hinde man lang ngttext or tumatawag, pinabayaan ko lang, dumating 12am na, i kept my cool. Tapos nagkkwento siya ano nangyari and all then pinakita niya yung mga pictures nila then pagka-click nya ng next ulit may picture ng friend nya sinusubuan ng food yung 1 girl na nakaupo sa kabilang table yata nila yun. Ayun parang nabwiset ako kasi bat ganun, ganun ba ginagawa nila pag sila sila lang? nakikipaglandian sa iba?.. Hinde kami naguusap mula sunday ng gabi hanggang ngayon :( Oa ba ko masyado mga sis?

brendzy

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #1 on: April 09, 2013, 03:28:04 pm »
I think you better ask him sis. Baka naman GF or closefriend ni friend yung sinusubuan? if not, single ba si friend or not? Wag ka mabwisit sa husband mo without asking him first. Proper communication sis, wag ka agad magpadala sa inis. If hindi ka talaga mapakali, sit and talk to him about what bothers you. don't make him feel na naghihinala ka or nawawalan ng trust sa kanya while discussing it. Good thing na nagkwento sya, for me, siguro ginawa ko was asking him about the pics, uy ano yun, db? then,maybe cue yun to start the conversation. Did he tell you bakit di sya nakatawag or nakauwi on time? How often ba yung night out nila? do you know yung circle of friends nya?
Don't cloud your mind with things na posibleng pagmulan ng away. I admire your coolness sis, just keep it up.

erich84

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #2 on: April 09, 2013, 03:41:33 pm »
In my POV sis, i would react the same way as you did,but I'm going to express well my feelings to my hubby in that type of incident. I will tell him that i don't like that scene because my trust towards him will be questionable if that's the activity they did when they hang out with his colleagues or peers..

potpotpo

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #3 on: April 09, 2013, 03:52:55 pm »
^ salamat sis...siguro nga kailangan ko siya kausapin..kasi ng tinanong ko o sino yan, sabi sakin wala di namin kilala nakaupo lang sa kabilang table.. ayun hinde na ako agad nagsalita, tapos di na din niya ako kinausap :( Once a week lang naman yung night out nila sis...ewan ko sis silent lang ako pero sa totoo lang gusto ko ng umiyak kasi ayun hinde na din ako kinakausap  :-\

princessrio

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #4 on: April 09, 2013, 08:39:06 pm »
kung hindi ka mapalagay, kausapin mo ang asawa mo. baka naman kasi kaya hindi ka na rin kinakausap eh sa part mo may nagbago ng pakikitungo kasi syempre ikaw ang naiinis.

siguro kung sa akin nangayri yan, hindi naman ako magagalit. friend naman nya yung nagloloko at hindi sya. saka nagkuwento naman at nagpakita ng pictures. maybe bibiruin ko sya na "o, ikaw ha? baka may pasubo subo ka ring ganyan?"

regarding naman sa time ng pag-uwi, nagbibigay ako ng leeway para sa sarili ko. pag sinabing 10 pm, i'll give him till 12. if past 12 na, magpaparamdam na ako sa kanya.

eklea

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #5 on: April 09, 2013, 08:54:45 pm »
sis ok lang yan....mapaisip ka pag di siya nagkwekwento at nagpapakita ng mga happenings sa whereabouts nila, that only shows na open siya sayo gusto niya ishare yung saya niya ng wala keme...wag kang tumahimik. express yourself! sabi nga nila hindi sila nakakabasa ng isip, sabihin mo anong ayaw mo, kung san ka nainis para alam niya anong di na niya gagawin or iiwasan para lang dika mgkaganyan. explain it carefully iyong hindi ka magiging bias na side mo lang mgbebenefit. kelangn matapos ang usapan ng ngkakaintindihan kayo with that something,pg iba kasi ang intindi niya..baka next time di na siya mgkwekwento sayo or show pictures kasi nagiging issue lang na sa totoo eh wala lang naman....

potpotpo

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #6 on: April 09, 2013, 09:37:45 pm »
^ salamat mga sis, tama kayo siguro nga dapat matuto ako i-express ang sarili ko hinde yung pag masama yung loob ko e tumatahimik nalang ako bigla...

tumawag ako sa kanya ngayon ngayon lang kasi nag-alala ako dahil lumindol dito ngayon ngayon lang. Ayun ok naman tapos may pinapasabi siya sa pinsan ko sabi ko he's not having a good day today so maybe tomorrow ko nalang sabihin tapos sabi niya you are not having a good day either right?tell me why?because daw ba sa 2 hrs. na delay niya? tapos sabi ko we will just talk later...hay sana mga sis masabi ko yung lahat ng gusto ko sabihin sa kanya mamaya ng hinde bias tulad ng sabi ni sis eklea...mahilig kasi ako magkimkim lang ng sama ng loob  :-\

salamat ng marami mga sis sa insights nyo..kasi ngd-doubt ako kung mali ba talaga ako e, ayun it turned out na hinde naman pala gaano  :)

m_lim

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #7 on: April 10, 2013, 02:52:55 am »
honestly, kung saken mangyari yan eh maiinis rin ako. tama ka, ano! ganyan ba definition niyo ng fun?! ang makipaglandian sa hindi niyo kilala?!

but, hindi ako magdadakdak. muna.

hindi ako papaaok sa guerra hangga't wala akong solid evidence.

kung may kutob/ inis ako, i will observe muna. so deadma deadma ang drama ko. for now.

kasi kung awayin ko ang hubby ko agad at interrogate ko siya. for sure, gagaling yan magtago. gagalingan magpalusot.

pero kung pakita ko sa kanya na wala lang saken yon (but deep inside gigil ako!), yan, maging kampante yan.

at kung may monkey business man sila tuwing boys night out, mas malaki chance mabuking mo.

but of course, pray pray pray na wala!

eklea

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #8 on: April 10, 2013, 08:07:55 am »
^ sis good thing concern din siya, aware siya na badtrip ka and my hinala siya na about sa nalate siya pero mukang wala siya idea na dun sa fun fun nila ang kinainis mo based sa kwento mo, kaya you have to say it bago kayo mgkabati ulit at matabunan nalang... be thankful, may pakielam pa asawa mo..worst like sa iba na hihintayin nalang gang lumipas ang galit mo ng walang usapang maayos at dedmahin nalang niya galit mo about that thing.pero sana noh kung ano papagusapan niyo or agreement niyo sa ganyan sana dika maging paulit ulit sa issue, pwede siguro ng laging paalala kahit pajoke lang pag mgpapaalam siya lalabas sila.. in that way alam niya to be extra careful...

:)

potpotpo

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #9 on: April 10, 2013, 03:02:48 pm »
^ hi mga sis nagusap na kami kagabi. Tama kayo wala siyang idea na ang ikina-inis ko e yung picture. Ang alam daw niya e yung late lang siya ng uwi. Kinausap ko naman sabi naman niya, wala lang naman daw yun hinde naman daw siya gumagawa ng ganun, kasi nga lang daw yung mga ganun parang joke lang naman daw sa kanilang mga boys  :-\ tapos ayun sabi ko syempre nagaalala lang ako na baka kung ganun mga kaibigan niya e ganun na din siya, sabi niya hinde daw, nakikitawa lang daw siya. ...hay sana nga hinde, pray pray pray na nga lang talaga

gagawin ko nga yan next time sis m_lim, para makampante siya  ;D

quinone

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #10 on: April 10, 2013, 05:01:44 pm »
share ko lang experience ko sis...si hubby ko maloko ang mga ibang friends niya. i know kasi kinuwento niya sa akin mga kalokohan nila pero alam ko din na he very well know his limits, hindi abusado.

kilala ko rin friends niya at kilala rin niya ang friends ko. kahit i don't like his friends, i don't mind hubby going with them at ganun rin siya sa akin. may mga friends ako na di niya type minsan lol. ang importante may tiwala kami sa isa't-isa.

hindi ko rin siya ino-oras-an sa paglalakwacha niya, i know he likes his freedom. kahit 6am pa yan umuwi, oks lang basta hindi lasing na nagva-vomit. kahit nung mag bf kami i do not ask him ano oras uuwi at hindi rin ako nagaantay na makauwi siya.

for us na mag-asawa, yan ang ang system na nagwowork.

eklea

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #11 on: April 10, 2013, 06:11:36 pm »
^ sis im applying this lalo na now na magasawa na kami.. kaya lang siyempre there are instances na nagtatanong parin ako anong oras siya uuwi, just for him to know na " hey i'll wait for u to return to check on you if u're ok" madalas kasi pag inuman sessions...di maiiwasan malasing kaya i always remind him na hinay hinay lang may bukas pa na inuman..and nadala narin naman siya with what happened to us dahil sa ganon..so ngayon hinay hinay nalang plus his age lolz. he knows dina siya ganun kabata, dina din bata katawan niya para makisabayan ng ilang bote...

i think sis potpotpo tripping times lang iyong nangyari sa night out ng hubby mo... you know boys..di maiiwasan sa isang grupo my isa or 2 trippers. lalo pag may babae sa ibang table, makapagpapogi lang.i guess gang dun lang..matakot ka pg ngbeerhouse na..iba na ang table don...right? hehe still keep on reminding him nalang...wag masyadong serious...para di magtago ng secrets c hubby.congrats bati na kayo... basta express yourself...di sila manghuhula yan nalang lagi mo isipin, constant communication nalang and trust.if you know him well na hindi niya nature ang ganon..trust him though still guide him..

twelvth_goddess

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #12 on: April 10, 2013, 06:41:30 pm »
I think may reason ka naman mainis about the 'fun' thing. Same reason kase yan why I hate my husband's friends sa hometown nila. One time kase (hinde pa kame married nito) they invited one of their friends na girls to drink with them. This friend brought another friend and nung nalasing, niyaya mag-sex ng isang barkada nila sa bodega ng house nila hubby while the rest of their barkada was peeping! Ang babastos and ang baboy! I verbally expressed my disgust towards them and from then on (lalo na now after we got married), bihirang-bihira kame magpunta sa ancestral house nila para makipag-inuman sa mga jologs na mga taong yon.

Anyway, about the texting thing and what time he should be home, well, I used to be overly obsessed about that. Eh my hubby, the more I nag him about going home, mas nananadya na patatagalin nya ang pag-stay nya with his friends so from then on, pinabayaan ko. Ayun, magugulat na lang ako biglang anjan na kagad. So just give him his own space and time with his friends BUT it won't hurt to be wary of the kind of people he hangs out with :)

eklea

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #13 on: April 10, 2013, 09:06:20 pm »
^hay nako bat nga ba ang dami nating hate ang hometown friends ng hubby natin? hahaha paulit ulit ko rin tanong yan sa hubby ko...ang sagot niya , matagal nadaw kasi sila magkakasama and they grew up together, lahat ng kalokohan simula bata sila sila magkakasama so gang paglaki ganon?? lolz anyway i also hate my hubby going out with them though hindi ko nilalahat i guess nagtatransform sila whenever they see each other..they get along so well, komportable sila and they are who they are pag sila sila.... nung bf-gf pa kami super insecure ako sa kanila pag magkakasama, i super don't like them together...natututo kasi magsinungaling hubby ko kaya ayun..pero when we are about to settle, keber na siya..hinahayaan ko nalang kasi once or twice a year nalang sila laumabas and he wants me to come pa pero i refuse kase hello..awkward moment ayoko makiplastic hehe...

sorry mods OT!

Msfi

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #14 on: April 10, 2013, 09:30:41 pm »
^dapat sis sumasama ka, swerte mo nga gusto ka isama ng hubby mo. It's an opportunity to learn more about your husband in the eyes of his friends. Sa umpisa Lang naman awkward kasi syempre ang pinag-uusapan nila Hindi mo alam. Pero makinig ka lang ang be interested sa mga kwento nila. Later marami ka ng matatandaan sa mga kwento  at makakarelate ka na. Aside from that nababantayan mo pa husband mo.

May friend nga ako, ( wife actually ng friend in hubby) kahit inuman pa yan at nag iisa syang girl go sya at nakikijoin sya. Di Nya pinipigilan asawa Nya even if medyo napapadami inom kasi kasama naman sya.  Kaya tuloy asawa Nya halos Di lumalabas with friends if Di sya kasama. Naging one of the boys pa sya kaya super friends din sya sa mga friends ng hubby nya. So no chance gumawa ng kalokohan.

eklea

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #15 on: April 11, 2013, 07:25:37 am »
^sis ganyan ako before bf-gf kaya alam ko sabihin na iba sila pag sila sila haha more komportable..inuman nila andun din ako before pro ngayon hindi na. minsan lang kasi diko kayang makisabayan sa super late nilang uwi..most of them kasi normal jobs hindi flexi hehe ayaw ko din maging laugh toy nila kasi one of their friend's wife ganon, hindi siya pinapaalis ng di kasama siya, sama sa lahat ng sessions na to the point kahit exclusive sila lang dapat tapos eeksena bigla si wife darating. so maaasar sila kasi my hindi part ng grupo andon.. like outings. you know what i mean? pinadadaan nalang nila sa joke pero di parin makaramdam si wife na hindi siya dapat kasama, ginagawa nalang nila laugh toy..si hubby niya ok lang kahit ganunin nila kasi naaasar din siya no choice siya sumasama eh.
ayaw ko maging ganon kaya occasionally nalang ako nagpapakita..hindi naman ako t**** para umepal. Lalo na ngayon aloof na kami sa isa't isa ng friends niya kasi SOMETHING  happened before na involve sila so mula non unlike kona sila. pero sa other set of friends niya like sa office, oks lang naman. sumasama ko kasi i feel welcome at open sila...pero sa hometown friends ewan, hindi welcoming... they're like selfish palibahasa kase halos bachelors! they don't understand having partners in hehe


Msfi

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #16 on: April 11, 2013, 12:12:09 pm »
^yung friend ko di naman ganun, di naman nya pinipigilan yung hubby nya na sumama sa mga friends basta yung hubby nya ang may gusto na sumama sya.  At yung friends ni hubby nya, ok naman sila na kasama si wife, ang alam ko nga nagtetext pa yung friends kay wife para magjoin sya sa kanila pag may labas. 

potpotpo

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #17 on: April 11, 2013, 06:08:52 pm »
^ ang swerte naman ni friend mo sis na close na close siya sa mga friends ni hubby ^_^

ayun kagabi lumabas ulit siya kasi may football match, late pa din siya ng uwi ng 1 hour, pero dineadma ko nalang then ayun kusa naman siya nagkkwento and hinde kami nagaway..siguro medyo kelangan ko nga lang i-adjust ang pagiging time freak ko  ;) pero sabi nga ni sis twelvth_goddess ingat ingat pa din  ;D


Msfi

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #18 on: April 12, 2013, 01:08:52 am »
^yup, Pag nakakasama ako sa kanila minsan sa ibang friend nakatabi si wife at chumichika Hindi Kay hubby.

^Try to learn his interest, para maencourage sya na mag kwento sa yo. Mas maganda nga magtanong ka paano ba yung game.  Baka one time yayain ka na Nya sumama sa game para maintindihan mo. Pwede nyo ka sing maging bonding yun instead na friends ang kasama Kayong dalawa na Lang.

aquacharly

  • Guest
Re: OA ba ko mga sis :(
« Reply #19 on: April 12, 2013, 03:47:57 am »
No, hindi ka OA. If you made him sleep outside your bedroom -- yun OA.

BUT you can be more productive in your approach.
Talk to him, tell him what your anxieties/fears are. You think bad influence his friends now?
You say you live aboard, better for you coz alam mo naman the culture about boys  having fun here.
I noticed that in Europe, and in the US --  standard thinking ang mag develop leisure pursuits/hobbies that involve BOTH husband and wife.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close