watch now

Author Topic: Head Lice...  (Read 4818 times)

Princess_Chill

  • Guest
Head Lice...
« on: April 08, 2013, 02:58:20 pm »
Hi mommies!

Need your help here.. my dau's hair is curly kasi now sobrang init nakita ko may lisa siya and iyong maliit na kuto...

we bought iyong shampoo for lice pero ang problem ko is paano matatanggal iyong mga nakadikit na lisa?

hindi kasi natatanggal sa suyot iyon e...

wala naman may kuto sa amin pawisin kasi buhok niya and sobrang init kasi ngayon.. share your tips naman para maiwasan magka kuto at totally mawala kuto at lisa ...

TIA

dhyne

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #1 on: April 13, 2013, 11:59:06 pm »
same sa problem ko po. my 5 month old baby girl meron din.
nakakaloka nga, nawala lang ako ng 4 days sa bahay nagulat ako pag uwi ko sinuklayan ko siya kasi super haba talaga ng hair niya ayun po may nakita ako lisa andami po talaga. naiistress na nga po ako, lalo na ayaw talaga pinapahawak ni baby yung buhok niya naiinis siya kahit na iipitan lang. kaylangan ko na po ba dalhin siya sa pedia niya? siguro nahawa siya sa bunso ko kapatid. pls help me.

pinkpotato

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #2 on: April 17, 2013, 01:07:07 pm »
^^ I think matatanggal lang yan kasi when yung lisa has dried up nadudulas sa strands ng hair. just continue what youre doing now eventually matatanggal yan.

^ naku pagupitan mo na lahat ng tao sa bahay nyo. its unfair for a 5 month old baby to have lice na. walang kalaban laban. :)

SnowBall

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #3 on: April 22, 2013, 08:42:11 am »
problem ko din to sa panganay ko, kaya ngayon buwan buwan kaming nag kwell, every 15th, kasi kahit i-kwell ko siya
mahahawa na naman ulit sa mga kalaro/classmate, kaya ganun na lang, buwan buwan kwell.

Sana may makaimbento ng shampoo na may anti lisa properties na for everyday use..:(

xyeZZZ

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #4 on: April 22, 2013, 09:24:08 am »
Hi mga sis! Pa join.

Sa mga pamangkin ko, I used baygon chalk. It's very effective. Kinunuskos ko lang yung chalk sa ulo niya before siya maligo. After  5-10 minutes, gamitan mo ng lice comb, makikita mo na naparalize na ang mga kuto. Sabi niya nga, gumaan daw yung ulo nya after nyang maligo. Dito lang nawala ang mga lice ng mga pamangkin ko. Tiyagaan lang ang paggamit ng chalk before maligo. So far, wala namang naging reaction sa buhok or skin nila kasi naliligo naman sila kaagad after gamitan ng chalk.

 

Princess_Chill

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #5 on: April 22, 2013, 02:19:32 pm »
sis hindi ba toxic iyong baygon na chalk na iyon? how about the lisa? matatanggal din ba?

xyeZZZ

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #6 on: April 22, 2013, 07:56:39 pm »
sis hindi ba toxic iyong baygon na chalk na iyon? how about the lisa? matatanggal din ba?

sis, sa buhok naman nilalagay. So far, sa lahat ng mga gumamit, wala naman naging reaction (skin irritation or something) kasi naliligo naman kaagad sila after gumamit. Ang lisa naman, mawawala na yun kapag wala ng kuto sa buhok, dahan- dahan na lang na maslide yun sa buhok. As long kasi na may kuto, di mawawala ang lisa.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #7 on: April 22, 2013, 08:01:11 pm »
Yung lisa mga sis di matatanggal kung di mo hahatakan using your nail from the hair. Alalay lang kasi masakit syempre pag hinahatak yung lisa.

cj_09

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #8 on: April 24, 2013, 03:32:34 pm »
^ nagkaroon din ang daughter ko ng nits and lice dahil nahawa sa mga kalaro..tiyagaan lang talaga ang pagtanggal by means of hand kasi hindi kaya ng suyod yung mga lisa ska yung maliliit na kuto. everyday tinatanggalan ko siya at nagsawa din sila naubos sa wakas. Gumamit din ako nung oilganics na shampoo kaya lang hindi ko gusto yung smell masyadong matapang kaya itinigil ko.

hun_nie08

  • Guest
Re: Head Lice...
« Reply #9 on: May 02, 2013, 01:33:48 am »
nyay ang pamangkin ko meron... nakatabi ako ng once and nakita ko few days after nagkaroon ako.. ay nako.. inaraw araw ko ang pagtatanggal manually, hindi talaga ako mapakali na meron ako neto kahit nung bata ako e... kasi naman sobrang haba ng hair ko tapos itim pa so kitang kita talaga sya... ayun sana naman naubos ko na silang lahat haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close