watch now

Author Topic: Laging kini-criticize ang business idea ko  (Read 5980 times)

peenitokss

  • Guest
Laging kini-criticize ang business idea ko
« on: March 27, 2013, 07:54:01 am »
Did you experience this mga sis? How did you handle?

Matagal ko na kasing gustong mag negosyo. Dati naisip ko mag direct selling, resell ng mga brassiers, lending, repacking etc. Everytime may naiisip akong idea sinasabi ko sa mga sis ko. Pero lagi na lang nega ang nakukuha kong feedback. Minsan, natatawa pa sila. Kung ano ano na lang daw naiisip ko. Kaya tuloy nawawalan ako ng lakas ng loob simulan yong mga plano ko.

Lately, in-open ko sa sis ko na mukhang magandang business yong repacking. Kasi ang mga tao mahilig sa tingi dahil mabigat sa bulsa kung yong regular pack ang bibilhin. Tsaka nakita ko kasi sa tindahan namin pag nagrerepack mother ko ng mga asukal at mantika, halos doble tubo. Ano daw yun mag iikot ako sa mga sari sari store para magtinda ng mga nirepack ko? with matching insulting look. hay.  :(
« Last Edit: March 27, 2013, 08:45:15 am by peenitokss »

sinag-tala023

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #1 on: March 27, 2013, 12:32:28 pm »
Sis, ganun naman talaga minsan eh. Yung mom ko din ganyan dati, I started kasi mag sell ng preloved clothes online. Una ayaw nya, ipamigay ko nalang sa mga kamag-anak namin sa province yung mga damit kasi wala naman daw bibili. Kaso inisip ko sayang naman, branded pa naman yung iba saka di pa halos naisuot (impulsive shopper ako dati @_@). Kaya ginawa ko, nag post ako ng paisa-isa sa multiply then nabili naman agad. Then yung kita, yun yung pinadala ko sa province. Tapos nag start na rin akong gumawa ng accesories. Ayun, nung naipakita ko naman na nag work yung business ideas ko, naging supportive na siya sakin.

Ganun talaga, maraming negative talaga pag mag iistart ka palang. Keep in mind din yung mga negative feedback. Minsan kasi nakakatulong din yun para maimprove pa yung naiisip mong business.

Miss Charcoal

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #2 on: March 28, 2013, 12:32:14 am »
Lakasan mo lang loob mo sis. Tsaka kasama naman sa business yung mga what ifs na yan, ngayon diskarte mo na kung pano mo masosolusyunan. Pagplanuhan at subukan mo kahit konti muna. Tapos dun mo malalaman kung pwede na siyang ituloy ng pangmatagalan.

sum.mer

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #3 on: March 28, 2013, 12:45:53 am »
I can relate :P Naexperience ko din yan at nae-experience pa din. At first, i let it affect me & tinitigil ko na lang yung plano ko. Until dumating yung time na nadiscover ko na ok pala talaga yung mga ideas ko for business. So di na muna ako nagkwento sa family & i did it on my own. Weird thing, nung nalaman na nila & they saw how profitable it is, aba, ginaya na din nila. Pero ito lang yun, ginaya nila idea ko sa business pero after a few months bumagsak din yung sa kanila. My points are these: a) madalas talaga family/close people ang mahirap iconvince about business b) if business worked for you, hindi ibig sabihin it will work for everyone. If you have an idea, study it but don't take too long din na puro ka na lang isip, no action. Minsan kasi talaga you'll never know unless you try.

Oo nga pala, wala naman masama mag-ikot at mag-alok sa stores. That's what agents do. Andami ko friends na chinese na yumaman family, dati sales agents lang parents nila then nakakuha ng contacts and were able to put up their own business.

quinone

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #4 on: March 29, 2013, 03:21:58 pm »
the rule of the thumb sa buhay, in my humble opinion, is to associate ourselves sa mga tao na positive thinkers o yung mga ie-encourage ka.

accept na hindi lahat ng business ideas mo ay magwo-work pero at least do your homework at kung feasible, e di try the business. look for encouragement or support somewhere else, wag na sa mga kapatid mo.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #5 on: March 29, 2013, 05:24:01 pm »
madami na din akong ideas na kinontra ng family ko, pero with very good reasons kaya hindi sila kumokontra ng basta makakontra lang.. 

1. direct selling - sabi parents ko, maliit social circle ko sa ngayon.. saka dami competition. isa pa, bihira naman yung laging bumili talaga.. so, sayang pera

2. cakes, cupcakes and pastries - magaling ako mag bake pero hindi daw practical for me itong business na ito.. perishable.. need maubos agad if weekly ako gagawa.. saka province kami, manila most ng clients, so hassle delivery.. if may orders, need ma meet eh busy ako madalas eh..

3. party/balloon decor - nakatuwaan ko lang.. marunong ako and i have the tools na.. kinumpleto ko na for my daughter's future parties.. kaso lang, busy kay baby, eh siyempre need to be present sa day mismo ng party.. isa pa, ang lalayo ng mga nag-iinquire kaya hindi ko na din pinush..


sa ngayon, may inaayos akong business and full support sila.. kasi feel ko at feel nila din nakaharap na ako ng swak na business for me..  ;D

so isipin mo din muna kung may basis yung pag kontra nila.. baka naman kasi meron diba? at least makonsider mo yun.. if tingin mo pa din magboom talaga ideas mo, go!  goodluck



 - isa pa, huwag ka magkwento ng ideas pa lang.. iplano mo muna saka mo ipresent.. ganun ako sa family ko saka kay hubby, may feasibility study na kailangan idefend sa panel heheh.. siyempre babatuhin ka ng questions and situation... kailangan masagot mo at may ready answers ka na

kasi if hindi mo naidefend yun, hindi ka pa talaga ready .. prepare ka pa ng maigi

funky f

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #6 on: April 02, 2013, 09:52:25 am »
Sa 'kin naman, sua, hubby ko yung medyo nega though di ko naman masasabi na di sya supportive pero sy yung panay yung limitations nakikita rather than tge opportunities.  Other people kasi, hindi naman entrepreneurial thinkers coz not all naman are built to be entrepreneurs.  Ang iniisip ko na lang, pasalamat din ako kay hubs coz his "kontras" make me think harder.  Iniisip ko na lang na pang-check and balance din yung mga opinion nya na baka nga super naeexcite lang ako.  But pag nakita naman bya na ok, he supports me naman :)

peenitokss

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #7 on: April 02, 2013, 10:03:06 am »
thank you mga sis sa replies.

Siguro nga dapat pakinggan ko rin nega comment ng mga sis ko. Pero hindi ako dapat pa-affect. I'll use those nega comments para ma-weigh mga bagay bagay to come up with stronger plan.

muahmuahmuah

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #8 on: April 02, 2013, 11:38:56 am »
 I had the same thing with the whole tribe. We  had a family meeting  and my dad asked what would be a good business to start i threw in mine and defended it talaga and lahat sila gunned it down. Grade school ako nun and didn't know how to go about it. Ngayon ++ years after the bigwigs came up with it, too bad we could've started the, somwehat, trend. kaya  to this day my sister feels bad thinking about the day i pitched it in and sana  we started it lol pero wala eh i did'nt follow through or pursue it, had i known better.   if you believe in it that much go do it kung kaya mo naman gawin alone or with little backing ng pamilya.  the important thing is to start somewhere and do something about it no matter how small the steps you take are.  the only way you'll know if it works out is if you do it.

armijd

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #9 on: April 04, 2013, 05:06:58 am »
sis peenitokss,

since may tindahan na c mom, isingit mo na mga repacked products na ideas mo, dont ask for your sister's opinion na. actually kahit wag mo muna repack kagad, ihanda mo lang mga price lists nila then naka post lang sa tindahan para may idea na mga tao how much ang tingi tingi na products pag naka repack na, then nakahanda narin yung mga plastic na pang pack and salin mo nalang pag may actual na bibili na. para hinde sayang if hinde mabili. pag naka start ka na ng business mo, ideas will keep on flowing, then do your extensive research and observe narin kung ano response ng mga tao and ano usually mabilis maubos don kana mag stick then just introduce new products na sa you think will be a hit.

almost 4 yrs narin business ko, no family member and any relatives has helped me put it up and have supported me and believed that it's going to last. I for one thought that it will just helped me pay my water and electric bills, before I used to see their sneering stares at me when I was still practicing, i used to hear their side comments na kumikita daw ba ako at mukhang nagpapagod lang yata ako etc. ganun talaga sa umpisa, do your research, study your market and start small muna :)

sugar n spice

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #10 on: April 04, 2013, 07:17:27 am »
Alam mo most ng mga nega, yon yung mga hindi umaasenso. Sila kasi yung mga takot mag-take ng risk. Hindi pa nasisimulan, umaayaw na. Sila din yung tipong isa-dalawa-tatlong beses ma-turn down umaayaw na. Yung pagiging negative nila sa buhay ipinapasa sa iba. Buti pa wag ka na lang mag-open sa kanila ng mga naiisip mo. Kung talagang determinado ka mag-business, go! Pero pag-aralan mo muna. Wag arya ng arya.

peenitokss

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #11 on: April 04, 2013, 08:11:01 am »
sis armijd, thanks. sa ngayon, tinitignan ko pa kung saan pa ko pwede mag alok ng product aside sa tindahan namin. Yong product kasi is hindi naman daily neccessity kaya kung sa isang pwesto lang ako magtitinda, sobrang bagal at liit ng kita. kaya kailangan daanin sa volume. Kailangan ko maghanap pa ng pwedeng mapagbabagsakan ng product ko.

sis sugar, thanks sa encouragement.

alva

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #12 on: April 05, 2013, 11:36:57 am »
i agree, ako man eh nakicriticize sa business ideas ko. lately kasi, i am into network online marketing. Yes, it's networking. pero, it's a different kind of network marketing business, kasi 100% home based siya and everything is done using the internet. I have been a stay at home wife and mom for one year now and i have been looking for ways to help my husband augment our  income especially that we have a one year old son. i am a very shy person and i have this misconception with networking/MLM talaga before, but not until i joined one and realized that it's not that bad after all. I researched about the business and found out that hindi naman pala ito scam and legit siya so i took the chance and i am glad i did. Thank God for this blessing! whenever i try to ask other people, especially those I know who can be helped by this business, they always has this tendency to criticize my offer, hindi pa nga nila nasusubukan inaayawan na. i super agree with sis sugar n spice, mostly ng mga nega, sila yung mga hindi umaasenso, i was very willing to help these people pero lagi silang nega. ayaw nila magtake ng risk. nakakalungkot tuloy minsan na kahit gusto mo sila tulungan, ikaw pa yung nagmumukang masama at tinatawag pang scammer, hindi naman totoo. :( ayaw nila bigyan ng chance. although hindi ko rin naman masisi yung iba kasi marami nga naman nagkalat diyan na manloloko, pero ako, alam mo yun yung tipong kilala nila ako from years and years ago, yung iba relatives ko pa, tapos ganun din magiging reaction nila na niloloko ko sila, nakakasama ng loob kasi i have no other intention but to help them. :( hay, sorry to rant mga sis. it's just sad na ikaw na nga gustong makatulong, kinicriticize ka pa, hindi pa nga nila napapag aralan yung business. :(

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #13 on: April 10, 2013, 03:53:26 pm »
Experienced the same thing with hubby's mom (my MIL). Meron kaming business idea na para sa amin lang talaga, but that's not what we shared with the MIL. Ang sinuggest namin was a business for her. Lagi kasi syang nagrereklamo na walang pera, na gusto daw nya ng ganito ganyan pero wala syang pera, you know, the usual. Nag-aalaga kasi sila ng baboy, pero small-time lang naman, saka siyempre hindi consistent or monthly man lang yung income. Since she's a really good cook, we suggested that she can do something in the lines of a food business - we tried all approaches and raised a variety of ideas. We even had a plan where, pano yung setup, possible market, etc. Sabi nga namin, she can start naman sa small-time lang talaga, para ma-gauge lang nya kung ano yung kaya nyang gawin, yung load na kaya nya. We volunteered to help her start by funding yung initial needs nya. Kung ako ang nasa kalagayan nya, yung tipong sitwasyon na "ay go!!!" ako.

Kaya lang sya hindi, ang dami nyang 'reklamo'. Kesyo daw mahirapan magprepare, kesyo mapapagod sya mamalangke, kesyo baka hindi bumenta. All the nega reactions ever. Sabi nga namin, we can hire someone to help her naman. Puede naman mag by order. Pati solusyon sa ka-negahan nya inisip na din namin. Waley pa din si MIL. Nega pa din.

Hay naku, pati anak nya give up na sa kanya. Na-prangka na nga sya ni hubby saying "Ma, lahat naman ng negosyo pinaghihirapan. Walang madali. Kahit yung malalaking negosyo, bago sila dumating dun,nahirapan din muna sila." As much kasi as we want na 'sustentuhan' na lang sila, hindi pa namin kaya dahil we're paying off stuff pa, add to that we have a kid who's going to school na this year. And what we want lang naman is for them to have 'regular income' kahit papano, yung may pambili man lang silang ulam everyday. Na of course, may potential na mag-grow into a bigger business. Sila din naman magbenefit dun, hindi naman kami kasi kanila naman yon. :(

Kaya ngayon, when she 'whines' about not having enough money, nagkakatinginan na lang kami ni hubby.

Agree with sis sugar n spice, yung nega about business and ideas, sila yung hindi umaasenso. She hasn't even tried and she already sees it failing. Tsk.

Yung sa amin naman ni hubby, pinag-aaralan pa namin mabuti, hopefully by end of the year or early next year makick-off na namin. While one should strike while the iron is hot ika nga, one should not strike unprepared pa din. :D


peenitokss

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #14 on: April 10, 2013, 04:22:36 pm »
[quote While one should strike while the iron is hot ika nga, one should not strike unprepared pa din. :D
[/quote]

so agree with you sis. ganyan din principle ko. Before sumugal, dapat kalkulado mo chance mo maging successful or hindi. Plan, plan plan.

mameejhy

  • Guest
Re: Laging kini-criticize ang business idea ko
« Reply #15 on: November 11, 2014, 07:01:53 pm »
Hindi rin kasi sanay ang mga Pinoy na mag business, mas gusto nila mag employee.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close