umattend kami ng 1st bday celeb ng inaanak ko nun sunday.. nakakatuwa si coco ang baet baet niya nakakarga lang sa nangnang niya tapos parang malaking bata na nanonood lang. haha. alam ko kaka BF ko lang sa kanya, kaloks bigla ko siya nakita nag ut-ut. hahaha. tapos galit na galit na inu-ut-ut yung fingers niya. naka suot siya ng jersey na pina customize namin for him. eh nun gitna na ng party tinanggal ko, nun sinusuot ko ulit nun pauwi na kami at mag photobooth muna, iniyakan kami, ayun yung unang experience niya ng photobooth eh umiiyak siya. haha.
nakapag book na din kami sa CTK para sa binyag ni coco sa july. di pa namin na book yung function hall nila kasi mejo nag 2 isip pa ako kasi mejo nasisikipan ako. canvass muna ng ibang option, pero kung location wise at budget wise, go na go na sana ako dun, ang dami lang talaga guest, lalo na yung mga di namin nainvite na nun kasal.
natutuwa na ako kasi mejo madami dami na din kada pumping session ko for coco,first 2 tries ko 1.5oz lang eh, now umaabot na din ng 4oz. kanina nagsterelize ako nun isang bottle ni coco, itatry ko mamayang ibottle feed sya ng BM ko, para matuto na din.
@mkclor - baby ko din eh, every hour pa nga sya nadede pag maghapon, sa gabi every 2-3 hours din. kaya pagmaghapon wala ako masyado nagagawa eh. konting tulog niya after mag dede, hahanapin nanaman ako. i'll see kung ano ang next timbang niya by june sa kanyang next check up
sabayan mo siya pagnatutulog siya para makabawi ka ng tulog. nun first 3 weeks ko ganun ginagawa ko. now na recovered na ako at sanay na di na ako natutulog pag tulog siya, work mode na lang ako and me time pag tulog siya. lucky days ko pa rin kasi pag gabi tulog din siya, kaya ako tulog na tulog din. ay, but i think if yung time na babalik ka na ng work, if ganun pa rin yung sleeping pattern niya, you can have your yaya or someone take care of him for a while habang nagrerest ka. di naman porket inabot mo siya for a while sa yaya eh, hindi ka na hands on. ako nga inaabot ko sa mom ko si coco for a few hours pag hindi niya ako need to drink milk, para me me time ako or makapag rest. i believe hands on pa rin ako. di masama humingi ng help minsan.
parehas pala tayo ng name ng son, mine's marcus angelo or coco

--- actually now, gising si coco pag hapon, around 3 or 4 pm onwards, so sinasanay namin now na gising nga lang siya ng mga time na yan tapos 7pm pa siya matutulog if matutulog na siya para at least yung oras niya.
--- bumibisyo na si coco. pag around 5pm, aburido siya. yun pala gusto karga, di lang karga, gusto bababa sa 1st floor namin, AT karga nga at nilalakad lakad, gusto niya lakwacha mode. hay, manang mana lang!
@cheennie - i didnt bring any bottles or breast pump. direcho sa breast ko si baby. dala ko lang for baby nun ay 2 longsleeves top, 2 pajamas, 3 socks, 5 mittens, 2 bonnet na hindi nagamit kasi malaki, 3 receiving blankets na gamit na gamit kasi at a time 2-3 ang nakabalot sa kanya, 2 hooded towel, 1 pack of eq diapers, going home clothes, 70% alcohol, cotton buds, cotton balls, cetaphil, -- hindi ko na maalala kung ano pa! pero more or less ganyan.
re: milk naman, hindi naman talaga na paglabas ni baby eh umaatikabo na sa dami ang milk mo, sa simula wala, mahina, pero di ibigsabihin hindi sapat, pero i latch mo lang si baby, siya na tutulong sayo sa supply ng milk mo. also drink plenty of water.

next check up ni coco ay mag 5 in 1 vaccine na siya, sakit sa bulsa ng 5k na fee sa pedia niya sa TMC, i asked my tita pedia how much sa kanya naisip ko kasi baka mas mura kasi di naman niya ako icharge ng PF. ayun, sumagot, hindi na niya ako icharge. libre na!!! saved ang 5k!!! saya saya!!