ang tagal ko pala di nakadaan dito. huli kong daan nun 1st month pa ni coco! eh ang dami na nangyari after that.
check up na siya uli (from 7.5lbs nun birth, now 10lbs at humaba din from 51cm [textspeak!] birth to 53cm) at nakapag hepa b na siya, june 7 next check up niya at mag 5 in 1 siya na 5k ang sakit sa bulsa. i ask ko nga yung tita ko kung how much ang 5n1 sa kanya, baka mas mura. haha.
pinabless din namin si coco before kami bumyahe ng may 1 papuntang quezon. nun bumyahe kami to quezon, halos 5 hours to and from kami, mabaet naman si coco, tulog lang siya sa biyahe, konting iyak lang pag gutom otherwise, gising lang or tulog and not crying nor fussy. karga ko lang siya the whole time, imagine ang bigat! pag uwi namin sa bahay, kaloks. nag iiyak ng bongga at super fussy natakot ako na baka nausog. madaling araw na gising pa rin. natulog naman din siya, tapos maghapon din siyang tulog nun kinabukasan, gigising for milk. sa sobrang kaba namin, si helper namin pinakuluan yung damit ni coco na suot, pag daw lumobo/umalsa yun, nausog, thank god hindi naman. kahit di ako naniniwala sa mga ganyan, it's good pa rin na ganun result.
bukas unang birthday party naman aattendan niya. excited na kami ng daddy niya. hehe.
breastmilk - unang beses ko nag hand express yesterday. balak ko talaga this may mag start na ako mag imbak ng gatas ni coco in case i need to go out. eh hindi ko pa nalilinis yung pump niya, biglang tumutulo yung gatas ko, so kinuha ko yung disposable storage bag ko, at sinalo ko, ayun, direcho hand express na. kanina naman umaga, after ako ang bath at nag feed kay coco, nag pump na ako. hoping next pump ko mas marami na makuha ko. kasi parang yung na pump ko does not justify yung dami ng pag dodo ni coco sakin hahaha.
@shooting_star - sa SLGC wala na, di na uso yung foot and hand prints. meron din sa baby book ko yun until now wala pa ako mailagay kasi di namin alam kung ano pwedeng gamitin, gusto ko pa rin lagyan kahit na lagpas 1 month na si baby. pina shoot ko si coco at 26 days, wala naman dun time na yun ko lang naisipan na kaya ko na lumabas, pati si baby, mas okay na kaysa sa first two weeks, as well as si hubby kasi na destino, sakto na nandito siya sa manila na nun pinasked ko na date. so yun ko nagawa. ayun, gising si coco, fail tuloy yung mga gusto ko.
gora ka sa mustela sis. super relief ang ganap nun ginamit ko siya. di ko na ginagamit nga now eh. okay na kasi kami ni baby sa latching pati sa pain okay na din di na masakit, looking forward to every session.
@ayami - kaya ako im making sure na di ako tatamarin na ayusin ang photobook ni coco as well as his baby book. ayoko mapurnada tong project na ito haha
@sopas - ako naman ang project ko for baby - baby book, photobook, outfit of the day pag umaalis (sa instagram ko lang ipopost), quarterly shoot, karir na binyag pero hindi naman kasing karir ng sa mga artista (lol) at lalong lalo na ang first birthday basta making sure na he'll get the best. naisip ko din yung photoaday sis, kaso LOL tinamad din ako. hahahahaha. si mom ko pa araw araw hahaha. feeling siya mom lol
@mkclor - woah, laki din ng hinaba sis. si cocobear ko, 2 cm lang ang hinaba in the span of 3 weeks from 1st check up to yung last. sa weight naman, halos same lang din ng sa baby mo, pero 10lbs sakto lang kami. pero grabe ang bilis sayo, 2 weeks lang ganyan na! coco naman, 1 month and 3 days nun time na yan. pero grabe super takaw din ni coco, 30-45 minutes ang pagitan ng inom niya ng milk sa araw araw. pag gabi naman, 1-3 hours pagitan, kaya nakakatulog din talaga ako ng maayos.
feeling ko yung last 5 sa april EDD eh nanganak na at no time lang pumunta dito. paramdam mga sis para mabalitaan kami, excited to know/meet your babies! congrats sa mga new na nanganak at praying for the safe deliveries of those na super lapit na, at shempre sa mga waiting din!