thanks sa lahat ng congrats!!! we went home na yesterday.
labor/delivery story koi started with all the interviews and IV etc ng 3pm of 25th (3cm).. the medicine for induction was given at around 4pm. by 5pm, nag 4cm na ako. after 2 hrs, nag 5-6cm na ako. mejo malayo pa rin head. i was experiencing tolerable contractions and mestrual cramp like pains. around past 8 same pa rin halos, pinutok na yung water bag ko. lagpas 830pm, ayan na grabe na, yung feeling na poopopo na, todong cramps, butt pain. around 915pm di ko na kaya nagpa epidural na ako. i was back sa hrpu room (labor room ko) ng 945. pag daw with 8cm. around 1030, 8cm pa rin. pag daw 1230 of 26th eh wala pa progress.. cs na ako. pagpatak ng 1245, dinadala na ako sa operating room at di na masyadong effective yung 3rd shot ko ng epidural. naiiyak na ko ng bongga dahil sa pain, sa BUTT! imbis na yung menstrual cramps sa harap ko na feel, sa butt ko na fifeel yung sobrang sakit na di ko na kinakaya. pagdala sakin sa delivery room, ayun inaayos na ako for cs. nilagnat pa ako for a bit, ginaw na ginaw ako sa loob. magaling naman yung team kahit na di talaga team ng tita ko yung kasama niya. i was awake, ramdam ko yung hinihiwa na tummy ko pati yung pagbukas sorry TMI hehe.. tapos around that time pinapasok na si hubby at mom ko sa OR. my hubby was at my head daw, my mom was at my feet. nag coach pa ko kay hubby na yung cam ready mo na. kasi nafifeel ko huhugutin na si baby siya nakatitig. ramdam ko kasi. yun pala nakatitig siya kasi yung paghila kay baby na awa siya. paglabas na paglabas naman ni baby tuwang tuwa naman siya, nabigla sya sa laki ng 7.5lb baby namin. na parng 1 month na nun lumabas sa tummy ko. nakakausap ko sila while everything happens. pero i was a little bit sleepy na din nun kasi imagine 1am na nun. sakto 1:15am the baby coco is out. bikini cut ako, pero more bigger kasi anticipated na malaki nga si baby. i was brought sa recovery room at past 2, dinala kami ni baby sa room namin at past 5am. since then wala na kami tulog. haha. banat ko pa pala sa tita ko, tita, makakabikini pa ba ako? sabi niya, oo kinakarir na namin ngayon. hahaha. so main reason ng cs ko is 8cm no progress, baby is not engaged and he is big lol
unang yakap - i dont think ginawa ng buo sakin ito kasi tinatahi ako. but alam ko pinatong din si baby sakin paglabas niya. tapos saglit lang din, nakapagpicture picture pa. nakangiti pa daw ako lol, dko daw alam naka buka yung chan ko hahaha. sa recovery room unang nag breastfeed si baby di ko alam gaano kami katagal, kasi nakatulog na din ako. tinanggal yung IV ko morning of the 2nd day as well as my catheter to pee and my epidural. yung tahi ko naman, pwede ko na daw tanggaling yung plaster on sunday. kaso natatkot ako. haha. pinapaligo na nga din ako ng tita ko. isang beses lang siya ulit ni dressing which was before ako umuwi. hirap lang grabe di ako makalakad at makatayo agad. parang kuba pa ako na maglakad. yun pinakamahirap. lalo na paggaling ako sa pagkakahiga. kaya ginagawa ko uupo muna ako ng matagal bago ako bumangon nun nasa hospital pa. wala namang masyadong pain, yung pain lang pag magmomove.
slgc - we stayed sa hrpu room for my labor room for around 4k. halos kasing laki lang ng room sa tmc na maliit. tinatanong ako kung lilipat ako ng labor room which is mas mura, eh dun wala ako kasama at masikip. so ito di na ako nilipat ng tita ko, magkakasama kami naglamay with mom and hubby. yung room naman namin, since di available ang rooms sa 8th floor sa maternity unit, napunta kami sa 16th floor. deluxe room kami, 4k din yun. sobrang laki, parang malaki pa dun sa room sa tmc na me receiving area na napuntahan ko nun nanganak yung isa kong friend. super OK ako sa mga nurses. lahat sila sobrang baet at maasikaso. masarap naman ang food. hehe. walang 100k yung bill namin.
breastfeeding - ang hirap nakakaloka sa simula na wala ka pang gatas. nakakaawa si baby. at ang sakit sakit ng boobs ko

pray ako ng pray na magka milk na. pag EBF daw, walang pwedeng ibang ipatikim kay baby, water, glucose water, vitamins. wala talaga. just your milk. kahit na mahina. especially sa first few days, sure naman na me nahihigop yun.
new born screening/bcg - before kami umalis nag ganun pa si baby. diyos ko nakakaawa ng bongga. purple yung paa niya. buti di na ngayon. he is so restless at hirap na hirap kami patulugin. he always cries. when the first to days naman eh he is so baet, hindi siya iyakin. pero ngayon at kahapon, diyos ko. hehe. sa butt siya ni bcg para pwede pa rin daw magsleeveless.
post partum - i feel na nangyayari na ito sa akin ngayon lalo na kaninang madaling araw. awang awa ako sa pagiyak ni baby, wala ako magawa. hindi ko pa siya sobrang mabuhat kasi sakit na sakit talaga ako sa pagkilos pa. pagtayo. ultimo sa bf inaassist pa ako ng mom ko or ni hubby. wala pang gaanong milk. kaninang madaling araw nun finally after 4 hrs of feeding, nakatulog na siya inattempt ko to stand up mag isa para mag pee. diyos ko gumapang ako pababa ng kama di pa rin ako makatayo. naiyak na lang ako. sinisipa ko si tulog na tulog na hubby. ang tagal bago magising. umiyak ako as in. naawa ako sa sarili ko na wala ako magawa especially kay baby. sana mag heal na agad yung sugat ko para ma care ko na ng maige si baby.
hospital bag - ang dami ko bitbit na di naman kinailangan. in my part, naka hospital gown ako ng after ko manganak the whole day. naka diaper din ako nun na provided nila (i guess with pay, with underpad too) the next day pagtanggal ng mga nakakabit sa akin nag spongebath na ako, then chaka ako nag pajama and sleeveless. used my maternity napkin na dito. no more underpads. isang beses lang ako nagpapalit ng diaper at underpad sa kanila. bathrobe di ko ginamit, pati yung ibang set ko ng pjs. kinabukasan, nun me go signal na umuwi, chaka ako nag spongebath ulit then pauwing outfit na gamit ko. betadine feminine wash gamit yan pati napkin. for baby's naman, naka long sleeve tiesides siya, socks and mittens and receiving blanket na dala ko from paglabas niya sa OR. yun na yung gamit niya the whole day plus 2-3 more receiving blankets to wrap him up especially yung inaayos pa temperature niya. diapers ay gamit na gamit pati receiving blanket pati mittens, palagi kasi natatanggal. twice siya nagpalit ng pajama, yung long sleeve, once lang. next palit na niya yung pauwi na siya nakapag first bath na siya nun. sleeveless na pinasuot sa kanya.
@pritee_gee - your in good hands. she's my aunt

kuchimama - accdg sa nakasulat sa take home orders ko, me clinic ata tita ko sa global. di ko lang sure. hehe. baka nilagay lang nila? lol. yes, siya nag paanak kay maricel laxa and marisse ricketts.

strict yung tita ko, kahit na sa fbs ako mataas sugar, binantayan ako maige.
ill post again soon. nakasimple lang ako kasi tulog si cocochuichui..
