watch now

Author Topic: Infection after C-Section....?  (Read 120499 times)

erin1992

  • Guest
Infection after C-Section....?
« on: March 19, 2013, 04:28:50 pm »
Sa mga mommies na nag-undergo ng C-Section delivery before, paano ho malalaman na may infection ka?
Sakin kasi, I gave birth via C-section last December 7, 2012. May mga times na masakit talaga yung sugat at first (kasi medyo fresh pa). Nawala naman na yun, until recently sumasakit nanaman ulit yung lower abdomen ko, specifically sa part malapit sa may tahi.
May brownish discharge din.
No foul smelling discharge naman.
No fever (yet).
With flu-like symptoms at minsan hirap huminga.

Nanyare na 'to before, and naka-schedule ako ng check up noon (same hospital na pinanganakan ko) January 4 pa. Nawala naman eh so I think ok lang. Di ako nakapunta kasi naging busy ako kay baby. Now, di pa ko nakakapagpa-schedule ulit.

Any insights mga sis?
Thanks in advance!

SnowBall

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #1 on: March 19, 2013, 06:24:24 pm »
hi sis, twice akong na C section, and almost 3 mos. na after nung manganak ka.. diba dapat tuyo na sugat mo at wala ng discharges?

Nanganak ako last time via c section sept. 11, 2011, na experience ko na may tubig tubig na lumalabas mga 2 weeks after, binigyan ako ng doc ng
bactroban ointment, wala pang 1 week ulit, natuyo na yung sugat.

and remember ko nun, 2 months after ko manganak, tuyong tuyo na yung sugat sa labas (although siyempre sa loob fresh pa talaga),
and 3 mos. after, nag start na siyang mawala yung scabs at maging peklat na lang.

I am wondering bakit ganyan katagal ang healing mo sis? hindi ka ba diabetic?

balik ka na sa OB mo sis asap, mahirap ng hindi maagapan ano pa man yan.

hyeuna03

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #2 on: March 19, 2013, 06:41:30 pm »
sis, pag may discharge, ibig sabihin may infection.
december ka pa pala nanganak, so dapat tuyo na yan at wala na kirot na nararamdaman.
naalala ko ng nanganak ako via c section, after a month, tuyo na yung sugat ko at never sya "kumatas" (yun ang term na sinabi ng ob ko nung time na idi discharge na ko sa hospital) sabi nya, pag nagkaron daw ng katas, it means na infection yung sugat.

meron ako ginamit that time na spray eh, nakalagay sya sa white plastic bottle. kaso nakalimutan ko na ang pangalan, magaling sya sis. sabi ng ob ko noon, di na daw need ng oral antibiotic pag gumamit ako ng spray. i must say, very effective sya sakin. ambilis natuyo ng sugat ko. you can try that sis. or better yet, tanong mo muna din sa ob mo kung okay sayo yun, para mas sure ka. take care!

kiz_me1109

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #3 on: March 19, 2013, 09:52:15 pm »
Hindi ka ba bumalik sa OB mo after 2 months from CS Delivery? Sakin kasi a few weeks after ko na discharge bumalik ako sa OB ko para ma check niya yung sugat. Mga 2 months after tuyo na yung sugat dapat and wala nang discharge or foul smell. Better check with your Ob para sigurado.

kharenlouisse

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #4 on: March 20, 2013, 05:18:17 pm »
Hi sis, halos sabay pala tayong nanganak...better go na to your OB kasi ako 1month palang wala na akong nafefeel na pain ska nung February back to work na ako never naman akong naka-experience ng masakit, my keloid na nga eh..

erin1992

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #5 on: March 20, 2013, 09:08:23 pm »
maraming maraming salamat ho sa responses!!

sis SnowBall : actually ok naman na yung tahi sa labas eh, as in peklat na lang din. ang inaalala ko lang din yung tahi sa loob kasi sabi nila di ganun kadali gumaling yun. hmm, sa pagkakaalam ko ho hindi naman ho ako diabetic

sis hyeuna03 : tuyo naman na yung tahi sa ibabaw, peklat na lang .... pero yun nga, may kirot pa rin around sa tahi. yun yung di ko alam kung ano at bakit  :(

sis kiz_me1109 : sa public hospital ako nanganak eh. after ko ma-discharge, pinabalik lang ako after 2 days (para ma-check nila yung tahi). other than that, wala naman na sinabing iche-check (other than the BP monitoring na ni-require sakin bago ako lumabas ng ospital, wala na). tsaka, ayun nga, nagpa-schedule ako nung January 4 pero hindi na ako nakabalik.

sis kharenlouisse : "... never naman akong naka-experience ng masakit, my keloid na nga eh.." ~ kahit occasional na kirot, wala ho talaga? as in? sakin kasi ever since meron talagang times na masakit eh....  :-\

sinabi ko na din 'to sa partner ko, gusto nyang magpa-check up na 'ko. sabi ko obserbahan na lang muna namin.

switblububbles

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #6 on: March 20, 2013, 10:05:21 pm »
ako nagkaron infection pero urinary tract related...not sure nga kung may connect sa CS ko :(

SnowBall

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #7 on: March 21, 2013, 11:00:19 am »
Nawala naman na yun, until recently sumasakit nanaman ulit yung lower abdomen ko, specifically sa part malapit sa may tahi.
May brownish discharge din.


eto kasi sabi mo sis, may brown discharge na lumalabas so akala ko sa tahi mo, eh kaso sabi mo peklat na tahi mo sa labas, so ibig mo
bang sabihin yung brown discharge eh sa vagina mo lumalabas?

Kasi kung sa vagina lumalabas yung brown discharge, ganyan din ako dati, pero hanggang sa magkaroon lang ako ng unang mens after CS,
after nun, balik na sa normal ang discharges ko.

About naman sa tahi sa loob, fresh pa talaga yan sis, 6 mos. ka actually bawal ng mabibigat na activity.

Ako nga, talagang nag wait ako ng 1 year bago ako magbuhat ng mabigat, mag vigorous exercise etc.

Sumasakit din paminsan minsan sa akin dati, lalo na pag malamig, pero I think, normal lang yun, since may sugat nga siya sa loob.


erin1992

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #8 on: March 21, 2013, 04:33:52 pm »
thank you for that sis SnowBall, so.. mukang normal naman pala yu. no worries?

SnowBall

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #9 on: March 21, 2013, 08:02:39 pm »
^yung brown vaginal discharge sis, maganda nga yun nililinis ang matris mo, parang pag nag mens tayo diba
after nung red days, may brown days, ganun din after CS, twice na kasi ako nanganak via CS.

Huwag ka muna magbuhat sis ng mabigat, or exercise ng vigorous, fresh pa yan sa loob.

as long as tolerable naman ang pain, it's fine, pag may infection naman yan, hindi mo na matitiis ang pain niyan
kasi namamaga nga.

kharenlouisse

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #10 on: March 22, 2013, 10:54:22 am »
~ kahit occasional na kirot, wala ho talaga? as in? sakin kasi ever since meron talagang times na masakit eh....  :-\

Dec 03 ako nanganak syempre nung weeks palang my konting pain parang mabigat lang sya but not in the tahi yung pain,..after a month pumunta ako ky ob for check up,..diniinan pa nga niya to make sure na ok na..wala na talagang sakin if meron man sa puson hindi sa tahi ;)

Crazylabel

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #11 on: March 22, 2013, 12:18:19 pm »
I remember kahit after months na ng CS ko kumikirot sya sa cold weather. Pero normal lang daw yun.

kiz_me1109

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #12 on: March 26, 2013, 04:15:38 am »
Sis Crazylabel is right. A few months after C section medyo makirot kapag malamig. Tolerable naman siya. Dapat bumalik ka sa OB mo nung January 4 sis. Kasi nung 2 days siguro after mo na discharge e hindi pa totally healed yung sugat mo. Yung sakin kasi bumalik ako after a week. Para i check yung tahi. Then, nilinis ng OB ko. After that, bumalik ulit ako after a week to check kung dry na siya and siya nagtanggal ng dressing.

gorgeous gal

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #13 on: March 27, 2013, 10:11:19 am »
hello sis!

i have a friend na na-CS (8yrs old na ang son nya).  she told me na even though 8yrs had passed, may mga times daw talagang sumasakit pa din ang sugat nya. tipong, sumasakit pag malamig; makati, pagmainit.

pero just to be sure, try to schedule a trip to your OB. she will be able to answer your questions more precisely. :)

cheniwin

  • Guest
Re: Infection after C-Section....?
« Reply #14 on: August 09, 2016, 01:54:51 am »
hi, 2 weeks after operation nagkaron ng tiny sugat sa top ng incision ko and may lumabas na yellowish na watery, i checked with the oby sabi excess fat daw and I took antibiotic for 7 days, day 2 after check up naging 3 un sugat and super dami ng lumalabas na puno un undies and pajama when I clean the area napipiga ko talaga the liquid would come out and mas yellow and thicker na, si oby says wala daw ilalagay na gauze ko ayun dikit sa undies ko pa rin pero I air dry the area pag nasa bed ako, I am thinking of changing oby na baka need na ng second opinion or should I wait since day 3 pa lang ng intake ko ng antibiotic and it woll dry up soon, please help thanks

 

Latest Stories

Load More Stories
Close