@sis Rocky and sis Shinta, oo nga mga sis, kasi ayaw namin ni hubby ipagsapalaran si bunso namin, siyempre iba talaga
pag ganung edad, hindi pa masyado nakakapag tiis.
Pero hindi ko na din kinancel ang tickets nila, depende kasi, kung by december eh mabalitaan ko na okay okay na, sasama na sila, kung
medyo tagilid, hindi na lang sila sasama, yun na ang final na napagusapan namin, oh well, iniisip ko na lang, may new year pa naman na magkakasama kami.
Totoo yan mga sis, resilient talaga tayong mga Pinoy, madali tayong mag adapt, kung ano ang meron, yun ang tatanggapin, kaso minsan nakakasama din yun,
kasi nadadala natin like sa issue ng pulitikong magnanakaw, madali din tayong makalimot at mag move on, hehe.
Kaya nga siguro ayaw pumayag ng Bellevue, kasi okay naman daw ang property nila, tapos yung daan na papunta sa kanila
eh wala daw damage.
Saka ko na itetext si kuya tatsky kung mag city tour pa kami, kasi nga hindi ko sure kung 3 ba kami o 5 kaloka.
Good vibes good vibes na nga mga sis, tama yung sinabi sa Pex, ituloy na daw natin ang travels natin, para makabangon agad ang bohol,
siyempre more tourists, more financial income for the people.
pag yun ang inisip ko, gumiginhawa na din pakiramdam ko.
