watch now

Author Topic: Cebu Thread 15 (check pg. 1 for Map/Ferry Scheds/Places to stay/Tourist Spots)  (Read 74878 times)

yown

  • Guest
Thanks sis!may ma recommend ka ba na tour guide/driver? Sa oct 8 na punta namin pero wala pa ko na pa book. Help me naman po.

rocky

  • Guest
^may car yong friend ko sis, text mo na lang sya. sya din kinukuha namin ni fiance pag need ko ng car pauwi sa amin, malayo kasi kami sa city ;)

borj, 0929-8333533

yown

  • Guest
Thanks sis!!!

Princess_Chill

  • Guest
we will be going back to Cebu on Dec! wee! but we will be staying in Mactan

sis rocky! need your expertise here! para sa iyo ano pinaka best pero hindi uber mahal?

we are thinking

plantation bay
shangrila mactan
imperial

we find crimson medyo mahal e....5-6 adults 1 toddler..

thanks sis!

rocky

  • Guest
^hehe! yun lang sis, lahat yan di ko pa napupuntahan :-\ sa tatlong yan parang pinakamura plantation. may binabalak ako sa plantation kaso by december pa ako mag-ocular :)

Princess_Chill

  • Guest
ililibre kasi ako ng uncle k hehe kaya keri namin mag stay diyan...naku sis kung hindi naku di kaya ng powers namin un!

rocky

  • Guest
^libre naman pala sis, mag-shang ka na lang ;)

m_lim

  • Guest
^sa mga resorts na yan, maganda ba ang sand?

naka stay na kasi ako sa Be Resorts, kahelera ng Shang ata yon. pangit ng sand. pero cheap hotel lang kasi yung Be.

rocky

  • Guest
^kung sand ang pag-uusapan sis lahat ng resort sa mactan artificial. usually imported from bohol. hehe! ;D

m_lim

  • Guest
^ay ganun. wag nalang pala. hehe. thanks sis!

sakuramie

  • Guest
sissies, nakaschedule kami pumunta ng cebu on Dec. kaya lang I would be 29 weeks pregnant by then and sa mga nababasa ko sa mga posts nyo yung magagandang beach sa cebu are very far na. do you think mas ok na lang magbohol? mas less hassle ba ang byahe? first time kasi namin ni hubby if ever. My OB allowed me to travel naman since di naman ako maselan pero syempre ingat ingat pa din..If we opt to stay sa cebu city lang, what else can we do in 4D3N stay?

We are still thinking if itutuloy namin or wag na lang, pero sayang din kasi matagal na kasing plan yun di pa ko preggy non.. :D and 1st wedding anniv namin to so we want to make it memorable sana..

rocky

  • Guest
^yes sis malayo & medyo risky sa tulad mong pregnant :-\ kung beach talaga habol mo, bohol na lang kaso kung cebu ang ticket nyo no choice mag-ferry ka pa rin. mas laid back kasi sa bohol, lalo na kung hindi ka sa alona mag-stay marerelax ka talaga :) pero pwede pa rin naman kayo mag-cebu na lang & stay sa hotel na may magandang pool then foodtrip :)

sakuramie

  • Guest
thanks sis..ano ba magagandang hotel dun sis na masusuggest m?

Princess_Chill

  • Guest
sis rocky!

naka book na kami ng accomodation and flight to Cebu this december 10-13. We'll be staying in Plantation Bay! hehe excited kasi libre...
the thing is hindi muna namin inavail iyong buffet kasi 950 per person! napaka mahal i told my uncle we can eat nalang sa labas...

si kuya borj magkano pala rate niya per day? and 6 kasi kame 5 adults 1 kid...

im thinking since sa mactan kami di ba napakalyo ng kainan kung doon kami? ang alam ko lang na malapit doon is zubuchon hehe

iniisip ko na nga itenerary namin e...sis mas ok ba na mag cab nalang kami or mas ok na mag rent nalang kami ng van?

TIA

rocky

  • Guest
^i see, mauuna ka pa pala sa kin sis. after x-mas pa ako mag-ocular don :) sayang di kayo kasya sa car ni borj kasi mazda 3 lang yon. van kayo kasi hindi rin kayo kasya sa taxi :-[ yes malayo nga sya sa city kung magfoodtrip kayo. pero mas mura pa rin magagastos nyo kesa food sa resort :)

Princess_Chill

  • Guest
iyon na nga sis e...sayang naman may mas malaking car ba siya?

nag iisip na nga ako kung ano maging itenerary namin e....stressed! hehe

rocky

  • Guest
^wala sis eh, na-try ko na yong cebu executive. ok naman & bago yong mga van nila ;)

thanks sis..ano ba magagandang hotel dun sis na masusuggest m?
highly recommended ko radisson blu & quest hotel. maganda location, room, service & masarap food ;) try mo rin best western lex, ok yong infinity pool nila sa rooftop, di ko lang gusto buffet breakfast so-so lang :-\

yown

  • Guest
Sis kamusta weather dyan sa cebu?

shinta

  • Guest
gusto ko sana pumunta sa mga beaches ng cebu pero ang lalayo pala. ask ko lang mga sis, meron bang ferry from northern or southern part ng cebu na bumabiyahe to bohol? example, if we stay overnight in bantayan or malapascua, di na kami kaylangang bumalik sa city ulit para sumakay ng ferry papuntang bohol.

we have 8D/7N na pwedeng hatiin between cebu and bohol. nung una ang plano ko is 3D/2N lang sa cebu (city tour + plantation bay tour lang) then bohol na. pero pwede namang i-extend, 4D/3N sa cebu para mas ma-explore. sayang kasi nasa cebu na rin kami. kaya lang ang hirap gumawa ng iti kasi ang lalayo ng mga beach.

m_lim

  • Guest
anong ok na restaurants kainan sa Bantayan? sa friday na alis namin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close