watch now

Author Topic: Cebu Thread 15 (check pg. 1 for Map/Ferry Scheds/Places to stay/Tourist Spots)  (Read 74926 times)

bagaholic_chewy

  • Guest
Sis rocky, makikitanong na din. What are the other "semi-honeymoony" resorts in Cebu, similar to Shang Mactan or Abaca Boutique Resort? We're trying to plan a short chillax beach trip kasi for November, and we're considering Cebu if di magpush through yung first option namin.. 3rd option after Cebu would be Shang Boracay.. somewhere that's not too crowded sana, and where we can just lounge by the beach or nice pool for 2-3 days (so sana masarap din ang food). TIA.

rocky

  • Guest
^wala na akong ibang pwedeng irecommend sis :-\ yan na yong mga top resort sa cebu :) yong crimson kasi crowded dahil sa daytour.

sis rain dear, solo lang ako nagpunta ng alegre & daytour lang, 1500 kasama na food. pag madaming guest buffet yong food ;) malapit lang kasi sa town namin yon kaya pwede minibus, 30 minutes lang byahe ko. pero kung galing kang city, sakay ka lang ng ceres bus byaheng hagnaya/bogo dadaan na yon ng sogod, 1.5 hour byahe. may promo sila pag group of 6 alam ko 1k lang per head tapos may shuttle na :) honestly, hindi ganon kaganda beach sa mactan kasi man-made lang, yong service & facilities binabayaran mo don :)

share ko na rin pix ko sa alegre ;)
https://www.facebook.com/kelly.bonch/photos#!/kelly.bonch/media_set?set=a.580227648669007.1073741829.100000453324614&type=3

rain dear

  • Guest
salamat sis rocky sa mga tips  :D grabe nalilito na ako sa gustong mangyari ng mga kasama ko haha andoon na kasi sila sa cebu, ako mamaya pa ang flight ko 5pm. initially, sa fuente oro kami magstay. ngayon asa crimson hotel na daw sila. doon na lang daw kami magovernight then lipat sa cebu city ng saturday. eh ang alam ko wala masyado kainan around crimson hotel diba. or meron ba kayo marerecommend? kasi balak nila sa Lantao Restaurant, eh nabasa ko dito sa GT na pangit naman doon, mahal and hindi worth it. Baka may iba pa kayo alam na puede makainan pagdating ko sa Cebu maya jan sa crimson hotel.  :)

hindi ko na nga alam kung saan kami pupunta ng saturday eh. kasi asa mactan na kami, eh ayaw naman nila magoslob.. hay.. wala kami gagawin ng saturday until sunday..  :(

rocky

  • Guest
^mahal nga mga resto sa mactan sis lalo na sa mismong resort & overrated din sutukil :-\ hehe mahirap ngang magdecide kung madami kayo sa group, minsan disadvantage din yon. kasi hindi mo magawa yong gusto mo :(

abbey

  • Guest
@sis rocky - parang medyo mahal yata sa alegre sis hehe. hmm meron naman yatang ibang ferry pacamotes di ba hindi lang jomalia. ayaw talaga tantanan yung camotes eh  ;D. thanks ulit!

rocky

  • Guest
^merong RORO pero super bagal, aabutin sya ng 3 hours tapos hindi sa consuelo dock non kundi sa poro, mas malayo. need mo pang bumyahe uli around 30 minutes kung sa consuelo ka banda mag-stay kasi maganda beach don ;) ito yong nasakyan namin last time kasi naiwan kami ng 12nn na ferry, sobrang badtrip talaga ako non :-\

linacheng

  • Guest
Hi mga sis, need your help.
Alin ba mas magandang puntahan? Sumilon or Bantayan? Pupunta kasi kami ni mother dear sa cebu on October to celebrate her birthday. Eh gusto ko magbeach sana kami, itong dalawa lang yung pinagpipilian ko ngayon.

rocky

  • Guest
^parehong effort ang byahe sis. pero kung gusto mo hindi na sasakay ng ferry mag-sumilon ka na lang. may boat transfer din sumilon pero saglit lang & mas ok kung dumaguete ang kunin mong ticket para hindi ka na mag-byahe ng mahaba from city. ;)

linacheng

  • Guest
^thanks sis rocky, nakapurchase na ako ng ticket pero Cebu yung nakuha ko kasi nag-zero fare that time.  ;D 

beach

  • Guest
My fiance and I are planning to spend our first honeymoon at crimson mactan, yung private pool villa nila. Kaya lang, super mahal.. Been waiting for dealgrocer to offer a deal pero hanggang ngayon wala...

Our next option is Agila Pool Villa. Kaya lang parang wala pang nagpo-post ng review about this place. Would appreciate if anyone could share their experience... Thanks. :)

rocky

  • Guest
^nakita ko rin yang agila sis pero kahit sa tripadvisor parang konti lang review saka mahal din jan. mukhang mas ok sa abaca resort for honeymoon based on experience ng mga sis natin ;)

sis linacheng, no choice na pala, parehong malayo yon. google mo na lang sis yong blog ni chyng reyes & matet reyes re: sumilon ;)

cherryblossone

  • Guest
Hay wala pa rin kaming maayos na IT for our trip to Cebu.  :(

We'll be going to Cebu December 2-4 to celebrate hubby's birthday.  Kasama namin baby namin kaya we want sana yung resort na hindi na tatawid ng dagat. :)
Our plan sana overnight in one hotel in the city our first day. (Dec 2 - 3)
Then overnight sa isang resort (Dec 3 - 4).  Kaso sabi nga ni sis Rocky sa Mactan lang ang mga beach and medyo pricey.  Budget trip lang kasi talaga ito, piso fare lang din yung airfare namin hehe!

Kung hindi naman beach, basta may pool, ano ba ang ok?

How about Portofino Beach, ok ba dun? :)

Thanks mga sis! :D

witch_goddess

  • Guest
^sis  there are hotels naman in Cebu City na may pool hehe like sa Quest Hotel or Best Western Lex.  And sa Waterfront- Cebu sis, you can use their pool with a fee of 300 then consumable na yun. For me, I do not recommend Portofino, hindi ako
nagandahan sa lugar and it tends to get crowded.

cherryblossone

  • Guest
^ thanks sa suggestions sis :)

mukhang ok yung quest and may promo pa sila ngayon. may slight problem lang.. 5 kasi kami. me and hubby in one room then yung other 3 sa ibang room na, ang kaso sa
quest ata puro for 2 guests lang ang room. ganun ba talaga?

rocky

  • Guest
^yes sis mostly good for 2 lang room sa quest. isang queen/king size bed lang per room :-\ last time sa cebu lex kami, may promo din sila 2,800 lang yong superior kasya na 4 pax don kaso may additional charge extra pax. sneak-in na lang isa, wag lang kayo sabay mag-check in para hindi halata. maganda infinity pool nila sa rooftop, hindi crowded :) hindi lang talaga masarap food :-\


cherryblossone

  • Guest
oh ok..between the two alin mas accessible, malapit sa kainan, pasyalan?

di ba mahirap mag sneak in? hehe!

napaisip tuloy ako kung buong stay namin dun na or oeiginal plan na 1st night sa much cheaper hotel.  nabasa ko dito madalas hotel stella kaso maliit naman ang rooms. anong hotel/inn pa ba ok sis not too pricey and accessible sa lahat? tia :D

rocky

  • Guest
^mas maganda location ng quest since tawid lang ayala terraces na :) di ko rin masyadong bet hotel stella maliit lang talaga room :-\

yown

  • Guest
Mga sis ano ba maganda gawin o san magandan pumunta kasi 4:20 pm pa balik namin ng manila e tapos check out sa hotel 12 noon. Need your suggestion mga sis. Tia! 

rocky

  • Guest
^wala na sis, foodtrip na lang kayo nyan since hapon balik na kayo. need nyong maaga sa airport & baka ma-traffic kayo :)

yown

  • Guest
San ba pede kami mg stay sis? Malayo ba mall sa airport?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close