watch now

Author Topic: Cebu Thread 15 (check pg. 1 for Map/Ferry Scheds/Places to stay/Tourist Spots)  (Read 74956 times)

rocky

  • Guest
^^around 30-45 minutes sis depende kung traffic. 200-250 metered taxi, sakay kayo don sa departure area may pila ng metered taxi don. malapit lang ayala-sto. nino church, nong sunday pumunta kami don nag-jeep lang kami pa-ayala kasi don kami sana mag-dinner sa casa verde kaso 630 pa lang pang #24 na kami sa waiting list. kaya dapat maaga ka don then palista na. ayun, lumipat na lang kami sa mooon cafe kasi masarap din naman steak nila.

agree, highly recommended ko rin yang quest hotel, tawid lang ayala na & super ganda ng room & comfy ng bed. since king size bed ni-request ni fiance, in-upgrade room namin for free. may promo rate sila pag advance booking :)

entwife

  • Guest
Suggested nightlife in Cebu?

girl_to_mom

  • Guest
hows the weather in cebu mga sis

yikee

  • Guest
Sis bagaholic_chewy thank you! Sige sheck ko pics and rates.

Sis kel, thank you! Mura na din pala taxi kesa mag avail ng transfers sa resort. Grabe naman pala sa casa verde :( e kung reservation by phone hindi kaya pwede?

entwife

  • Guest
hi. just came back from cebu. here's what we did.
day 1: danasan ecopark
day 2: camotes island
day 3: cebu city

Arrival at past 8am. As suggested by sis rocky since we were heading to Danao, sumakay kami ng yellow multicab papuntang savemore. Hindi naman pala ganun kahirap lumabas ng airport sa Mactan. Anyway, we arrived in Danao around 10.30am and had our early lunch sa Seaport. From there nagtrisikad kami papunta sa Danao Civic Center. Naghabal habal papunta sa Danasan which took us almost 1.5 hours. Grabeng experience to. Nakakangalay.

Anyway, sobrang nagenjoy ako sa Danasan Eco Park. We paid 1200 each and we had ATV for 40mins, 3 Waterfalls with Rappelling and Tyrolean and 2 hours of Basic Wake boarding. Marami silang activities, you can also choose to do zipline+ horsebackriding, caving, advanced wake boarding,etc. Sobrang worth it yung byahe. We were thinking nga to spend the night there na lang to experience the other activities. Soon they will have firing range, golf course nad tennis court.

We used their shuttle para makabalik ng Danao then we spent the night sa Catadman Lodge. A very basic inn. Which is quite good sa presyo na 395 lang per night.

The next day we headed to Camotes Island. We arrived at the port around 8am and the 8:30 am trip is already fully booked. Tapos may mga nagapproach samin na private bangka, etc. There was this one guy na sabi kukunan niya kami ng tickets, magbayad na lang kami ng extra. So ayun, we paid 300php for a 180php ticket. Pwede na rin since 2pm pa yung next trip to Camotes.

Sobrang tahimik sa Camotes Island, so serene that if you want to getaway from the city this is the perfect place. I highly recommend Mangodlong Rock Resort. The place looks like Santorini. It's an exaggeration hehe but close to it. Sayang lang we are not staying overnight in the Island. At 5pm we were already heading back to Danao. Tapos byahe uli papuntang Cebu  City. Sobrang pagod talaga nito pero sobra akong natuwa sa trip namin.

Kaso napaaway pala ako sa taxi sa City.

So on our 3rd day, simba na lang sa Sto. Nino Church then Magellan's cross, check out, tapos bili ng pasalubong.


rocky

  • Guest
^wow sis katuwa naman experience nyo sa danasan. hehe sana mapuntahan ko rin yan. ilang kembot lang yan mula sa haus. :)

bakit ka pala napaaway sa taxi? :-\ karamihan ok naman don compare sa mga taxi driver dito sa manila ;)

entwife

  • Guest
sis sa La Guardia hotel kasi kami nagstay para malapit na sa Sto. Nino Church. So from North Bus Terminal, sabi ko sa taxi La Guardia Hotel Osmena. Along the way, tinanong ko pa kung malapit na ba kami sa Osmena. Medyo language barrier sis. Dinala niya kami sa Lahug. pero di pa naman kami nakakabot sa Lahug nung nagchange route na si Kuya papunta sa Osmena. Anyway pag dating namin, buti nakita ko yung metro. 180. tapos nalingat lang ako nung kukunin ko yung pera hala pinatay niya yung metro tapos sabi 250 daw. Nainis lang ako kasi kung nakiusap siya magbibigay naman kami ng extra since umikot nga kami, pero yung thought na pinatay nya metro tapos sabi niya na sabi ko daw Lahug. Ayun. pinipilit nya 250 sabi ko kunin niya na yung 200 or irereport ko siya.

Nakonsensya nga ako after sis. hay...pero wag naman sana yung harapan kang tinetake advantage.

rocky

  • Guest
^ay mali naman talaga si kuya. kahit ako makikipag-away kung ganon >:(

entwife

  • Guest
But generally sis I found them to be friendly.They are willing to help kung magtatanong ka. And mraming good looking both males and females sa Cebu ah. :)

rocky

  • Guest
^ay mga mayayaman yon sis, dami ngang artistahin don. kahit pag gumimik ka yong mga trans ang gaganda ;D

iloveshoes88

  • Guest
I've been here 3 times already and I haven't been to the beaches, sana next time makabisita sa magagandang beaches at makapag day tour naman sa Shang hehe :)

rocky

  • Guest
^try mo sis para mas ma-appreciate mo cebu, effort lang talaga byahe pero worth it naman ;)

yown

  • Guest
Ano pa maganda puntahan sa cebu bukod sa city tour?

rocky

  • Guest
^depende kung ano gusto mong gawin sis. kung adventure pwede kang pumunta ng danao. waterfalls, butanding or church, pa-south naman then kung beach, pa-north ;) sa city kasi para ka lang nasa manila :D

iloveshoes88

  • Guest
Danao is already in Bohol right? Tama ba ko? Yes sana makapag beach na ko next year, tatargetin ko yan!

rocky

  • Guest
^sis, ibang D.A.N.A.O yong nasa bohol. yong danao na sinasabi ko ay town pa-north & nandon yong danasan eco adventure park ;)
http://www.danasanecoadventure.com/

iloveshoes88

  • Guest
Wow mukhang okay diyan sis! Thanks for the info, sana makapasyal diyan next year. :)

entwife

  • Guest
Highly recommended ko yang Danasan Eco Adventure park. May shuttle sila so kahit malayo carry lang. Ang alam kong rate is 150 / head/ way pero gang Park Mall na yun sa Cebu City. Then may pick up din sila sa Danao Fish Port. You can choos 4 activities for 1200phph and I think yun na ang pinakasulit na 1200 na ginastos ko. haha

rain dear

  • Guest
sis rocky, pahelp naman.. we'll be in cebu from 13 sep to 15 sep. i am planning to go to oslob fro whaleshark watching.. doable ba? free naman ang saturday namin. then naisip ko puede kami magcity tour ng 15sep half day lang, 5pm pa naman flight back namin to manila.

ano ba mas ok? magday tour na lang sa mactan beach OR butanding watching?

kung butanding watching, i saw your instructions how to go there sa oslob. but paano na pagdating doon? dapat ba maghire ng transpo or puede commute? panu kami pupunta ng butanding watching, tumalog falls and tinako beach? pasensya na ang dami questions..

wala pa nga kami hotel haha ngayon pa lang ako magaayos ng IT. haha

thanks in advance

rocky

  • Guest
^sis, doable yang butanding. basta alis kayo sa city ng 3am para wala pa gaanong pila pagdating nyo ng oslob, 2.5 hour byahe. sakay kayo ng ceres bus sa south terminal, pa-oslob. sabihin nyo lang sa driver, mag-whaleshark watching kayo alam na nila yon. pagdating don sa signage hanapin nyo yong mga naka-green shirt, don yon sa pwesto ni mang calixto. ok kasi don dahil walang bayad, sa iba kasi as in dadaan ka lang bayad ka pa ng 100. palista kayo then bayad tapos konting briefing salang na kayo, 30 minutes yong whaleshark watching.

then pwede nyo sidetrip tumalog falls malapit lang yon, sakay lang habal2x. pabalik ng city daan kayo sa tingko beach (alcoy), pwede kayo don mag-lunch & mag-swim kahit public beach maaaliw ka kasi white sand unlike sa mactan, fake yong sand :) wag masyadong pahapon para hindi kayo mahirapan sumakay ng bus pa-city ;)

share ko yong pics ng tingko beach ;)
https://www.facebook.com/#!/kelly.bonch/media_set?set=a.410867695605004.100089.100000453324614&type=3


 

Latest Stories

Load More Stories
Close