watch now

Author Topic: Cebu Thread 15 (check pg. 1 for Map/Ferry Scheds/Places to stay/Tourist Spots)  (Read 75003 times)

rocky

  • Guest
^^sis, maliit lang pero masarap maligo sa loob kasi ang linaw ng tubig ;)
http://www.lakwatsero.com/travelogues/touring-camotes-islands/

angeleigh

  • Guest
Mukang mangingitim ako ng todo dito sa cebu trip namin!

^Sis, we've decided na day trip na lang kami sa Plantation Bay ng 2nd day namin. Sa Crown Regency kami naka-check in kasi gusto niya itry yung sky adventure.

Yung day 1 namin will be city tour and the activities at the hotel.

Thanks for the help!!!

rocky

  • Guest
^welcome sis ;)

carpE_diEm

  • Guest
Thanks very much sis rocky! Oo nga eh, natyempo kami ng long weekend. Sana di ganun karami ang tao. Sis, what do you recommend na itinerary, plan namin kasi cebu city tour and camotes island tour. We'll be arriving ng 10pm sa oct 25, friday at hanggang oct 28, monday. Ok ba yung ganitong itinerary sis-
Day 2, Saturday: Cebu City tour
Day 3, Sunday: morning- trip to Camotes overnight na until-
Day 4, Monday: Camotes tour and check out
530pm kasi flight namin panalik ng Clark..
Will appreciate your commenta sis. Thanks! :-)

yown

  • Guest
Hi sis angeleigh, gusto ko rin sana sa crown regency na try mo ba mag pabook sa metrodeal? My deal kasi yung crown.

mistiqshannen

  • Guest
rocky, can you tell me nasa magkano yun room sa alegre resort? wala na bang ferry sasakyan dun?
me dala kasi kami small kids. this is a plan palang late next yr.. baka kasi bigla me magpromo
na airline e nagreready nako if magbora nalang ba kamo or cebu. kasi gusto ko din sana  cebu para
pwede kami mag 1 day sa city and 2-3 days sa resort.

rocky

  • Guest
^by bus lang sis, around 2 hours byahe from airport. lam ko nasa 6k good for 2 pax. check mo na lang website nila for more info :)

Thanks very much sis rocky! Oo nga eh, natyempo kami ng long weekend. Sana di ganun karami ang tao. Sis, what do you recommend na itinerary, plan namin kasi cebu city tour and camotes island tour. We'll be arriving ng 10pm sa oct 25, friday at hanggang oct 28, monday. Ok ba yung ganitong itinerary sis-
Day 2, Saturday: Cebu City tour
Day 3, Sunday: morning- trip to Camotes overnight na until-
Day 4, Monday: Camotes tour and check out
530pm kasi flight namin panalik ng Clark..
Will appreciate your commenta sis. Thanks! :-)
mas ok kung unahin nyo camotes then last yong city tour para nasa city na kayo & malapit sa airport ;)

day 2
off to camotes
tour

day 3
back to city (afternoon)

day 4
city tour

yown

  • Guest
Feed back naman po sa cebu executibe car rental.

rocky

  • Guest
^na-try ko na yan sis nong nagpasundo kami sa danao port galing kaming camotes. wala kasing taxi don. ayun, on time naman, maganda service & bago yong van. actually car lang yong nirequest ko pero van yong dumating, sabi ni kuya wala namang prob since fault nila same rate lang siningil ;)

eeatrice

  • Guest
^^sis we're going this weekend at cebu at plan din namin maghire ng van from cebu executive car rental.
balitaan kita after ng trip namin

m_lim

  • Guest
alin mas maganda? shangri la or crimson?

eeatrice

  • Guest
just got back from our weekend trip to cebu.

i recommend cebu executive, we hired them for two days and wala ako negative feedback for them.
mababait mga drivers and maganda/malinis iyong sasakyan :)

rocky

  • Guest
^agree sis, mabait sila and magalang. pati yong van na ginamit namin, bago ;)

angeleigh

  • Guest
Just got back from our cebu trip. :)

Day 1: City tour and Sky Adventure at Crown Regency

For the city tour, pinuntahan namin lahat ng nakalist sa first page dito sa thread except for the Taoist temple. Uhm, okay lang-- kung taga manila ka--comparable siya sa Intramuros. Buti hindi mainit last weekend kaya napilit ako ng bf ko na maglakad lakad. hehe.
What I enjoyed are the activities at Crown Regency. Sulit yung 6800 na bayad for 3D/2N. At ang food, grabe ang dami! Buffet breakfast kasi at isang buffet lunch or dinner. Sarap ng food sa Wang Shang Lo na resto nila where the free dinner/lunch is. Dami namin nakain.
Yung "free" na pistol firing-- ang kasama non is the free 10 rounds, per person yun ah, since dalawa kami, 20 rounds yung free. Tapos you need to pay for the target. 400 each! sabi ko nga pwede bang magdrawing na lang ako sa bond paper. :D
Pero okay naman, enjoy rin..First time ko makatry ng ganon e.

For the Sky Adventure naman we tried their zip line, edge, at yung skywalk. 300 yung zip line and skywalk. 400 yung extreme. Hay nako, naubos ang boses ko kakasigaw!!! :D

Then nagcasino kami nung gabi! :D Nanalo pa kami ng 800 hahaha! Try lang naman, nung nanalo na tumayo na kami. Baka matalo pa e. hehe. Nakakatuwa lang manood.

Next day, since puyat at pagod kami, ayun tinanghali kami ng gising, originally we planned to go to Plantation bay, kaya lang tinanghali na kami ng gising, so we opted to search for cheaper beach kasi sayang naman yung 2k day trip at Plantation Bay. Ayun napunta kami sa White Beach Resorts ba yun? Same shoreline lang sila ng Plantation Bay at Imperial Palace. As in magkatabi lang! 750 each, may kasama pa yung buffet lunch! Buti na lang at di kami natuloy sa Plantation bay, ayun may budget pa kami tuloy na magwater activity--we tried snorkeling/boatride (500), 3000 for 30mins of jetski, and 3800 parasailing for 30mins. Hay ang sarap! haha! Hindi namin inavail yung sa beach  mismo, meron kasi mga nagooffer don na bangkero at a lower price, ayun mas nakamura kami.

Medyo bitin yung stay namin eh, kasi ang aga ng flight pabalik ng manila nung monday.

If gusto ninyo lang ng water sports activity, better na magstay na lang kayo sa mactan. Para hindi na gastos sa taxi.

But ang pinakagusto ko sa cebu ay hindi nangongontrata ang mga taxi drivers!!!! :D Hindi katulad dito sa manila na ang lapit lapit tinataga. Dun metro talaga! ;)




rocky

  • Guest
^inggit ako syo sis kasi never ko pang na-try ang sky adventure & water activities. hehe! mababait nga mga taxi driver don sis & marunong pa silang magsukli. ako naman, tulong na rin kahit papano dagdag na lang konti sa metro ;)

angeleigh

  • Guest
^Yun nga eh, maeenganyo ka na magdagdag kasi hindi nanghihingi! Like for example nung nagtaxi kami from Crown Regency to White Beach, yung papunta don, talagang hindi kami siningil ng pabalik niya, kawawa nga at wala naman pasahero pabalik ng city, talagang nakametro lang. Kaya super dagdag si bf kasi natuwa siya. At sa kanya na rin kami nagpasundo.

Naku hindi mo pa natry yung Sky Adventure? Must try sis kung mahilig ka torturin sarili mo. :D Actually, si bf ang enjoy na enjoy diyan kasi tuwang tuwa siya na torturin ako kasi takot ako sa heights! hahaha.

Pero grabe ah, yung rides 300 pesos, aba yung picture is 150 per pic! Kaloka sa mahal.

rocky

  • Guest
^yes takot din kasi ako sa heights sis. na-try ko yong glass floor sa macau tower, halos himatayin ako sa nerbyos. LOL ;D

angeleigh

  • Guest
^not for us! haha! ginawa ko lang para di mangulit bf ko. pero kung ako lang, di ako magbabayad para matakot lang! :P

yown

  • Guest
Mga sis may nakakilala ba sa inyo n jerry crown travel sa cebu? May promo kasi sa metrodeal sila may hawak. Feed back naman sa mga naka avail ng promo.

rocky

  • Guest
^sis, pa-share nga ng link para macheck ko kung ano yan :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close