watch now

Author Topic: Cebu Thread 15 (check pg. 1 for Map/Ferry Scheds/Places to stay/Tourist Spots)  (Read 75173 times)

rocky

  • Guest
^kung updated sched sa website & 9am sakyan nyong ferry pa-danao keri yan sis since 6:35pm pa naman flight nyo. yong mga magkakalapit na lang sa city puntahan nyo like sto. nino church, cathedral & magellans cross. yong iba di na talaga kakayanin. basta mag-allot kayo ng 2 hours allowance para papuntang airport & check-in time ;)

yown

  • Guest
Hindi ko pa rin alam san kami mag stay lapit na alis namin di pa rjn final iti ko. :( mga sis ok lang ba 9 am kunin ko flight via ferry papunta cebu tapos nun lunch lang kami tapos deretso na ng airport for 4 pm flight going back to manila. Good idea ba  yun?

entwife

  • Guest
Sis rocky, paano magcommute from airport to Danao City?

yown

  • Guest
Ilang hours ba cebu seaport going to mactan airport?

rocky

  • Guest
^45 minutes

sis entwife, sakay ka ng yellow multicab sa departure area papuntang save more. then sa save more tawid ka sa main road, sakay ka ng hi-way then baba ng total gas station. then tawid sa kabila, abang ka ng danao na multicab ;)

yown

  • Guest
Sis rocky, arrival ko ng cebu 6 am kaya ba yun ng 9:20 flight via ferry going bohol? Hindi ba hassel kasi kasama ko si baby?

rocky

  • Guest
^kaya naman sis, taxi ka na lang don sa departure area para metered ;)

yown

  • Guest
Thank you sis rocky :)

yown

  • Guest
Ok ba mag stay sa crown regency? Sulit ba? My deal kc sa metrodeal.

entwife

  • Guest
sis rocky, we'll do the first trip na lang to camotes at 5:30am then take the last trip back at 5pm. Para makabalik na kami ng city ng gabi and makapag-tour pa within the city.

Di ko masyadong naintindihan yung direstions mo sis haha,.. Pag pumunta ba kami sa North Bus Terminal (gonig to Danao) mapapalayo kami?

rocky

  • Guest
^hehe! ngaragan yang IT mo sis. mas mapapalayo kasi nasa reclamation yong north terminal malapit na sa SM. while kung mag-commute kayo from airport nasa mandaue na kagad kayo ;)

1. sakay ng yellow multicab sa departure area pa-save more (8 pesos)
2. sa save more sakay kayo ng pa-highway & baba ng total gas station (8 pesos)
3. sa total tawid kayo sa kabila & sakay pa-danao (est. 25 pesos)

^^ok naman feedback ng mga officemate ko though di ko pa na-try. highly recommended ko radisson blu & quest hotel ;)

shegothim

  • Guest
mga sis paano magcommute from city to lapu-lapu shrine?

entwife

  • Guest
Okay sis.. I'll follow that. Baka kasi sis mangarag kami on the third day so kung makabalik na kami sa city ng gabi, makapahinga na. Hindi rin naman kami beach bummers ng kasama ko. hehe

Btw, 24hours ba ang mga sasakyan from danao to cebu?

rocky

  • Guest
^hindi 24 hours, madalang na sasakyan don pag gabi :-\

entwife

  • Guest
waa. kung 5pm yung barko so mga 7pm darating sa Danao city. Naku, hitch na to. Lol

rocky

  • Guest
^maaga pa yang 7, may mga ceres bus pa nyan. pwede kayong mag-abang na lang sa tapat ng port ;)

carpE_diEm

  • Guest
Hi sisses! Do you know a hotel in cebu city na adjustable ang check in/out time? We'll be arriving in Cebu kasi ng 10pm. Sayang naman kung magpareserve ako ng hotel na ang check in time ay 12nn kaya I'm looking for a hotel/guest house sana. I'll be travelling with the family (9pax) on Oct25-28. TIA! 😄

rocky

  • Guest
^mahigpit mga hotel/resort sa check-out sis usually may additional charge pag nag-extend. lalo na yang punta nyo, long weekend kasi holiday ang oct. 28 :-\

entwife

  • Guest
sis rocky, yung mga caves ba sa Camotes, paano ba yun. I mean yung tipong spelunking, na kailngan ng guide para pumasok? or maliliit na caves lang?

shegothim

  • Guest
maliliit lang ang cave sa camotes. di sya tulad ng sagada na maraming papasukan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close