watch now

Author Topic: Cebu Thread 15 (check pg. 1 for Map/Ferry Scheds/Places to stay/Tourist Spots)  (Read 74977 times)

eeatrice

  • Guest
hello mga sis patulong naman, ano ba pwede isama sa itinerary namin kasi ang gusto talaga namin puntahan is simala church, meron pa ba mga madadaan na mga tourist spot papunta doon?

rocky

  • Guest
^halos lahat ng church pa-south sis maganda. pwede ka ring dumaan ng carcar para sa chicharon ;)

luvko23

  • Guest
hi mga sis. Balak namin check in sa shangrila mactan 4 adults and 1 baby. okay lang kaya yun or sisitahin kami?

angeleigh

  • Guest
we will be there next month. we're planning to go to alegre beach resort. sulit ba talaga?
« Last Edit: July 26, 2013, 04:29:18 pm by angeleigh »

mom_c

  • Guest
hi mga sis! may nakapag stay na ba sa inyo sa ALPA CITY SUITES in Mandaue? pa share naman po experience nyo with this hotel.. thanks!

rocky

  • Guest
^^for me sis, sulit naman. tahimik, maganda yong pool, whitesand beach and higit sa lahat malapit lang sa haus namin. medyo magulo lang service nila kasi kokonti yong mga tao. pero nong nakausap ko yong mga staff naawa ako sa kanila dahil sa trato ng new management sa kanila.

share ko yong pix ko sis, daytour lang ako nyan ;)
https://www.facebook.com/kelly.bonch/media_set?set=a.580227648669007.1073741829.100000453324614&type=3

iceylicious

  • Guest
sis ano ba pwede gawin sa cebu for 1 day.. side trip lang kase namin yun cebu then balik din kami ng bohol same day..

rocky

  • Guest
^hehe! parang nagpagod lang kayo sa byahe sis. imagine 4 hours byahe pa lang sa ferry yon plus pagdating nyo sa city traffic pa. usual tourist spot lang sa city & konting foodtrip. IMHO, skip nyo na lang cebu since mas maraming mapapasyalan sa bohol ;)

Jeannef

  • Guest
last month natuloy cebu namin. parang metromanila lang pala ang cebu city pero foodtrip galore  :) sasarap ng food.

mactan - plantation bay kami nagstay. nice ang pools. ang beach hindi masyado. boracay pa rin in terms sa beach. nagenjoy kami magbike yung twin saka indoor games nila. medyo mahal ang food but compensated naman sa lasa. plus may bday cake sila kay hubby.

cebu city- parklane international hotel. may windows ang room -check, spacious- check. malapit lang sa ayala mall walking distance lang. may swimming pool din sila and other stuffs.

food:
manuels restaurant at parklane masarap ang dinner. breakfast nila ok lang.
casa verde masarap. big servings nga sila.
zubuchon hindi kami natuwa sa lechon nila. kamias shake masarap.
*** dapat cnt lechon kami kaso sabi ni hubby dapat maaga pa lang andun na. totoo ba nauubos agad yung kanila tanghali pa lang?
la marea ang sarap ng brownie cup nila. sana magtayo sila dito sa manila.


nahirapan lang kami kasi nag jeep talaga kami sa city para maexperience magcommute. buti hindi kami naligaw. hirap silang magtagalog. kapag english ko naman binibisaya ako. sakay na lang kami kahit hindi namin nagets.  :) hehe

masaya naging vacation namin sa cebu. hindi nga lang ako nakabili ng choco mangoes. sad!


rocky

  • Guest
^sis, yong beach sa mactan man-made lang yon & imported ang sand from bohol. kaya way better talaga boracay :) CNT, mas masarap lechon nila kesa zubuchon. meron naman lechon alam ko hanggang 4pm. IMO, mas gusto ko rico's lechon. choco mangoes may nakita ako sa supermarket ng market2x kaso mahal parang imported ang presyo ;)

angeleigh

  • Guest
^how much ang per night sa plantation bay sis?

rocky

  • Guest
^https://online.plantationbay.com/en/rooms.asp

jaimeko

  • Guest
Sis, help naman with IT cebu - bohol. flight details: Aug 22, 730h arrival at Mactan Airport
AUG 25,1550h departure sa cebu. TIA.

rocky

  • Guest
^ano bang gusto mong gawin sa cebu sis? kasi kung whitesand beach may magaganda din, effort nga lang byahe. then skip mo bohol ;)

kung city tour lang sa cebu keri na, mas marami kasing mapapasyalan sa bohol :)

rocky

  • Guest
^sis, please refer to page 1 ;)

bridechillanomore

  • Guest
hello mga sis.. sana may sense ang tanong ko..

ask ko lang sana if may naka try na mag cebu ng month of september.. iniisip ko kasi  baka bumabagyo nun

Thanks

hun_nie08

  • Guest
depende naman yun e. kami babalik kami ulit sa sept. and san ka ba sa cebu?

rocky

  • Guest
^^actually sis dati wala akong prob kahit bumabagyo sa manila pagdating sa cebu laging parang summer. pero lately, kung mapapansin nyo kahit nasa malayong probinsya ang bagyo pati manila malakas ulan dahil sa climate change. almost every month ako umuuwi sa amin kaya masasabi kong maganda lagi panahon sa cebu, wag lang may bagyo :)

rocky

  • Guest
hi mga sis, may nakapag-try na ba sa inyo mag-stay sa treats guesthouse? maaga kasi flight ko kaya need ko sa city matulog. usually kasi sa sugbutel ako eh gusto ko naman mag-try ng iba. TIA :)

mom_c

  • Guest
^sis @rocky, ask ko lang kung mayroon pa bang lechon stalls sa departure area ng Mactan Airport? gusto ko sana bumili pag meron pa, allowed ba na handy carry yung lechon pag binili sa airport? Wala kasi kami check in luggage eh.. thanks!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close