*mga sis pasensya na, sobrang haba nito. maglalabas lang ako ng panggagalaiti ko.
BIL and hilaw na 2nd SIL,
Kilabutan naman kayo.
Mayroong dalawang batang araw-araw na kulang ang buhay dahil sa inyong dalawa - lalo ka na BIL. Hindi ako perpektong tao, at lalong hindi kami perpektong mag-asawa o pamilya - pero naman, pagdating sa anak namin, gagawin namin lahat ng makakaya namin para maging masaya sya at maganda ang buhay nya.
BIL, oo naintindihan ko, hindi nag-work out ang first marriage mo. Ganun talaga eh, some people are just not meant to spend a lifetime with each other. PERO, naknamanngtuna, wag mo naman kalimutan na out of that marriage, may dalawa kang anak na kailangan ka bilang ama nila! For the past six years naming kasal ng asawa ko, wala pa ni isang pagkakataon na nakita kong masaya ang mga anak mo na kasama ka - dahil come to think of it, once in a blue moon mo lang sila kasama. Mas madalas pa kaming mag-quality time together, kaysa kayong mag-aama. Ang masakit nyan, kahit gaano kadalas namin makipag-bonding sa mga bata, hindi yon sasapat na kapalit sa panahon na dapat ikaw ang ka-bonding nila. At alam mo yung pinakanakakainit ng dugo? May bago ka nang pamilya, bagong asawa at bagong anak - at grabe kung ibuhos mo ang panahon at pera mo sa kanila. Tapos yung dalawa mong anak, ano na? Nasa lola, nasa nanay mong senior citizen na - sya ang nag-aalaga at nagproprovide sa mga pangangailangan nila dahil hindi ka maasahang mag-abot nor mag-spend ng time sa kanila. Samantalang yung bago mong anak, naipapasyal mo, naiipag-shopping mo, yung dalawang bata, ni hindi mo maibili ng kahit ano, nor maidala man lang sa Jollibee.
Di bale sana kung naghihikahos ka, or injured, or whatever. Hindi eh, officer ka pa nga sa isang BPO company. Pero ano, yung tuition ng anak mo ipinangutang pa ng nanay mo! At hanggang ngayon, wala ka pang balak bayaran. Ni hindi mo nga sinasagot mga tawag ng sarili mong nanay at panganay na anak. Yung dalawa magkahiwalay na, yung isa nasa nanay nya, yung isa nasa nanay mo. Dalawa na nga lang sila, hiwalay na magulang, pati sila magkahiwalay din? Ano bang klaseng tatay ka para hindi mo makita kung paano unti-unting nasisira yung buhay ng mga bata dahil wala kang pakialam sa kanila? Tuwing titingnan ko yung mga mata ng mga pamangkin ng asawa ko, mga anak mo, nakikita ko yung lalim ng lungkot nila. Galing na ko sa sirang pamilya, alam ko kung anong pakiramdam ng hindi buo ang pagkatao. And their situation is thrice as worse as mine. And they're not even teenagers yet.
Ibang klaseng tao ka boy. Wala kang balls. May trabaho ka, at least provide for the needs of the kids! Or spend quality time with them! Wag mong sabihing pinipigilan ka ng asawa mong bago - ano ka, deaf mute, nakatali sa wheelchair? Hindi ka makapalag? Tsk. Kung maka-'happy family ang peg' mo with your new wife and kid wagas na wagas! I have nothing against your new son, hindi naman nya fault na ikaw ang tatay nya. PERO mark my words, balang araw pagsisisihan mo yang ginagawa mo - pagsisisihan mo ng bonggang bongga.
Hilaw na 2nd SIL,
Hindi ako makapaniwalang nanay ka din. May nanay palang puedeng maging katulad mo.
Bago kayo nagpakasal ng asawa mo, alam na alam mong may dalawa na syang anak. E ano ka ngayon? Kinukuwestiyon mo ang paghingi ng financial support ni MIL na syang nag-aalaga at tinitirhan ng dalawang bata? At nakukuha mo pang magsalita ng hindi maganda sa kanya? Sinasabi mo pang wag hingi nang hingi dahil sa inyo na nga lang e kulang na binibigay nya? HOY ATENG! May trabaho kayo pareho, una sa lahat, at yung tatay ng mga bata, may trabaho din - so may kinikita syang sarili nyang pera! At talagang na-aatim mong pagkaitan ng pampaaral yung dalawang bata? Kinakaya mo yon? E kung baligtarin natin, ganyan ang gawin sa inyo ng anak mo? Hindi imposible ha, nagawa nga ng asawa mo dun sa una eh. Hindi imposibleng magawa nya sa inyo. Saka please naman, tatay naman nung mga bata ang hinihingan, hindi naman ikaw. Wag kang epal. Konting konsiderasyon din, nasa late 60's na si MIL, wala naman silang regular source of income. E kung nanay mo kaya ang ganyanin?
Instead na i-motivate mo ang asawa mo to be a better father to ALL the kids, talaga namang ikaw pa ang pumipigil na pumunta sya dito sa mga una nyang anak. Dahil ano? Dahil gusto mo sayo at sa anak mo lang ang pera at atensyon nya? I'm not surprised. Napaka-pa-rich effect kasi ng lifestyle mo. Gusto mo sa mamahaling restaurant kakain, gusto mo branded mga gamit mo. Must be expensive to support a wife like you. At minsan mo nang sinabi sa akin na "Anong ipagmamalaki mo?" Wow ha, nakakahiya naman sayong manager sa isang BPO, ano nga ba naman akong WAHM lang. Wala naman sa kin yun, kudos to you for your achievement in the corporate world. Try mo din achieve maging mas mabuting 2nd mother to your husband's first kids - emphasis on the FIRST teh - dahil nauna sila sa buhay ng asawa mo bago kayo dumating ng anak mo. Way ahead girl, waaay ahead. O kahit hindi na 2nd mother kung ayaw mo - mas maging mabuting tao ka lang sa mga nakatatanda sayo, tulad ni MIL.
Kilabutan ka naman ng konti madame, buhay ng dalawang inosenteng bata ang ginugulo mo - puwede ka naman tumulong na maging maayos insead of the other way around right?