watch now

Author Topic: S & R *Thread 3*  (Read 63695 times)

purpleish

  • Guest
S & R *Thread 3*
« on: March 17, 2013, 02:47:08 am »
sa wakas naka survive na den sa sale :D sa Macapagal branch naman nila kame nag punta... hindi naman hirap kumuha ng cart, yung pag bayad sa counter medyo natagalan (dame tao haveeeyy dahil weekend, araw ng sweldo at fireworks sa MOA)

super happy ako kasi yung hinahanap ko na ingredients para for my food diet meron sila:
- Blue Diamond Almond Breeze - Almond Milk Vanilla (unsweetened)
- Prego Italian Sauce Traditional (100% natural)


- Acai Blueberry (sale pa den ng less P200)
- Planters Honey Roasted Peanuts
- Langers Orange Juice
- Rum or Rhum Cake ba un (masarap siya)

then safeguard, ivory body wash, zip :)

for the food: nagustuhan ko yung Chicken Roll, pwede na den for sharing

tapos about the card, ang sabi wala naman daw problem as long na same surname nung primary holder pwede den mag pay thru CC ;)
« Last Edit: March 17, 2013, 03:09:03 am by purpleish »

mommyofthree

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #1 on: March 17, 2013, 06:05:34 am »
Sis purplish, sale yung almond milk?

purpleish

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #2 on: March 17, 2013, 07:46:57 am »
^ yes sis naka sale siya ng P15.00 -- P84.95 na lang siya ;D naka-sched na bilhin ko sana siya sa MOA kahapon (hahanapin ko pa lang sana), sakto pag daan namen dun sa milk section meron sila... excited ako matikman, sana masarap :) tapos 40 calories lang per serving...
« Last Edit: March 17, 2013, 08:06:11 am by purpleish »

akireyhoj

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #3 on: March 17, 2013, 09:54:13 am »
^ magkano nakang yung acai? Sana sale pa pagpunta namin

purpleish

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #4 on: March 17, 2013, 10:34:51 am »
^ P550 sis :) habol na sa last day ...sayang wala ako ng abutan na Blueberry Muffin... ok den pala dun yung mga B1T1 na mga cakes... kung di lang talaga ako nag didiet hehe...

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #5 on: March 17, 2013, 01:14:02 pm »
in fairness, masarap yung veggie pizza! :D

may nabasa kong blog na dami nya pics ng on sale stuff. nakakainis lang, di ko na naabutan kahapon yung iba. parang di ko na nakita, malamang ubos na :(

mommyofthree

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #6 on: March 17, 2013, 03:53:26 pm »
Thanks sis purpleish!:) sa aseana ako pumunta this morning. I bought 8 boxes.:) 2 wks na ko nagswitch to almond milk for coffee and cereal. im trying to eliminate dairy products in my diet.:)

anyway, I was hoping meron pang luminarc pure box pero wala na talaga... Haay.

lakwatsa

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #7 on: March 17, 2013, 08:14:05 pm »
waaahh badtrip! bumili ako ng roast chicken w/ free pepsi sa Aseana di naiload sa cart ko! huhu! nalaman ko na lang nun nasa bahay na at hinahanap ko dahil uulamin namin.  :'( di rin napansin nun checker!  >:(

di ko naman ma-contact yun number na nakalagay dun sa receipt dahil walang sumasagot sa phone nila. di naman pwedeng balikan kasi roundtrip toll fee ko mas mahal pa sa presyo ng chicken na yun. haay. pano kaya yun? huhu! :'(

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #8 on: March 17, 2013, 08:24:15 pm »
^ awww sayang. naku hassle pa balikan yun ngayon. try mo tomorrow? baka busy sila kaya wala sasagot ng phone :( pansin ko rin paglabas naman namin kahapon, di na rin inisa-isa ng checker yung laman ng cart e.

lakwatsa

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #9 on: March 17, 2013, 09:09:33 pm »
^oo nga e kahit nga yun FB nila parang wala din sumasagot ngayon.

hay sana pwede pa mabalikan bukas. sayang yun e. yun last time na member's treat nadouble punch naman yun isang item na binili ko pero hinayaan ko na lang dahil 70 pesos lang e eto 200+ yun chicken e. pero ang mas masaklap ngayon, alam mo yung nakaset na sa mind mo na pag uwi mo chicken ang ulam for dinner? tapos biglang nawawala ang chicken! hay :'(

mikaela325

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #10 on: March 17, 2013, 11:10:15 pm »
Wow naka sale pala si pepero almond. Type din ng toddler ko pepeyo daw. Pero di na din worth it kung yun na lang babalikan kp since twice na ko nagpunta nung early bird sale.

^sis mahirap talaga maka contact after ng sale. Ganyan din ako last sale. And when finally someone answered, ang sinagot lang din sakin is pumunta sa branch and dalhin ang receipt. Pag dating dun they will just get the receipt and your number and sabi sakin will check pa daw sa cctv then mag return call na lang sila. Nareimburse naman yung na double posted na ben and jerry's ko nun.

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #11 on: March 18, 2013, 05:08:02 am »
^^ sis lakwatsa, naku intay ka pa siguro para mabalik chicken mo :(

^ sis masarap talaga pepero almond :) mas gusto ko pag naka-ref hehe. Sayang talaga kasi wala na nung nagpunta kami. Plain nalang meron.

lakwatsa

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #12 on: March 18, 2013, 08:38:54 am »
korek mga sis. malamang nasa ilalim ng counter yun. kasi di ba minsan yun mga bagger ibinababa nila yun mga naisupot na nila pag wala pang cart. ang worry ko baka naiload sya dun sa next sa min sa pila. magugulat sila bat sila nagkaron ng chicken at pepsi e di naman sila bumili. :(

domestic diva

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #13 on: March 18, 2013, 09:45:04 am »
totoo na pag whole pizza ang order mo, mga 30 minutes ang hintayan kaya ginagawa namin is we order the pizza(s) then shop, then order again yung mga walang waiting time na food order.

lakwatsa

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #14 on: March 18, 2013, 10:06:32 am »
tapos na sale pero mahirap pa din sila macontact. wala sumasagot sa phone nila. ring lang ng ring. :(

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #15 on: March 18, 2013, 01:52:53 pm »
Went there last week Thursday at S&R in Alabang. Dami na rin tao and yung ibang sale parang yun pa rin yung dati. Was able to buy pa rin mga buy 1 take 1 supplies namin sa house.

Was able to buy:

Pigeon wipes na buy 4 take 1 na 399 lang
Cetaphil around 499
Yung mga cookies nila na discounted
Zip cleaning detergent na b1t1 din
Plus yung towels and bath mats na b1t1

May pringles na naka-boxed pa kaya lang commute lang ako that day kaya di ko na kinuha. Pero andaming sale ng chips

purpleish

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #16 on: March 18, 2013, 04:22:13 pm »
ang yummyness ng Acai Blueberry :-*  ... mild lang yung lasa ng pag ka dark chocolate niya (yun kasi worry ko hndi ako mahilig sa medyo mapait) at lasang lasa yung blueberry, which i super love kasi favorite ko talaga blueberry :-* ..sana mag tinda sila nung mini packs para nacocontrol ang pag-kain hehe..

tomorrow try ko yung Almond Milk... sana masarap ;D the best talaga S&R for this.. pag check ko kasi kanina sa SM Dasma wala sila, buti na lang mas nauna kame namili sa S&R bago nag punta sa MOA nung  Saturday...

lakwatsa

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #17 on: March 18, 2013, 04:33:23 pm »
ayun, sa wakas nasolve na ang case ng naiwang chicken! hehe.  ;D

sis mikaela325, ganun pala yun, kala mo ring lang ng ring. buti ni-tyaga ko. sabi ko "antayin ko nga yun busy tone." haha! hindi naging busy e. after sandamakmak na rings, biglang may sumagot ng phone! weee! kinuha yun cashier #, TR # (sa receipt), name ko at contact number. tapos nag return call sa kin, confirmed nga daw nasa ilalim ng counter. pwede ko na daw balikan. papalitan daw nila ng bagong chicken. solb na ang dinner! :D

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #18 on: March 18, 2013, 06:25:14 pm »
^ yey good for you sis :)

Sabi sa FB nila may mga B1T1 and sale stuff pa daw until today....

oneone

  • Guest
Re: S & R *Thread 3*
« Reply #19 on: March 18, 2013, 08:18:20 pm »
i saw din this pm may bumili nung chicken with free pepsi

 

Latest Stories

Load More Stories
Close