Booked na

Si Steph nakakapalitan ko ng emails pero si Kenny ang naging AE namin. May kausap kasi kanina si Steph na couple pag dating namin.
Well love ko naman si Kenny, siya nag tour sa amin nung nag-ocular kami ni h2b nung January and kanina dinala niya ulit ako sa Atrium kasi may event sila tonight (wedding din) and Hizon's din ang caterer para makita ko yung Atrium ng may laman haha.
Tinanong ko na rin lahat ng possible na tanong na naisip ko and nabasa ko dito

Natatawa nga siya kasi sabi ko check ko muna yung GT para sure na wala akong makalimutan

FYI from Kenny:
♥ Maximum payment terms na kaya nilang i-offer for the 50% contract price is 4 monthly installments lang talaga.
♥ Ingress for accredited suppliers can start as early as 10am (minsan earlier pa, pumapayag sila)
♥ Ingress for non-accredited suppliers is 2 hours only.
♥ Bawal nga ang Fireworks & Sky Lanterns
♥ Bawal ang super ingay from 10pm onwards (pero siyempre magandang whole event eh toned down yung ingay)
♥ Hindi naman malamok sa Cherish, so far wala pang nag-complain sa kanila re: lamok sa day itself nung event. And madalas naman sila mag conduct ng fumigation
♥ Bawal ang maghagis ng confetti near sa Chandeliers (lalo na sa Atrium) - mahirap kasi tanggalin yung mga sasabit
♥ Walang corkage for Candy Buffet (as long na walang i-coconsume na electricity)
♥ Wala ding corkage fee for Mobile Bar (eto yung tinutukoy sa package nila na 'no corkage fee for alcoholic beverages & lechon)
♥ Unfortunately ang MargaRush ay hindi considered as Mobile Bar so may corkage fee (considered siya as food cart utilizing electricity e.g. Starbucks cart) - corkage fee is 500php per 3 food cart
♥ For those planning to get Cherish (yung garden - open), may instance na daw na mukhang uulan and may matigas ang ulo na couple (bride&groom) na ayaw pa rin ipalipat sa Love yung set-up, so ang ending nabasa ang set-up, nahirapan yung mga caterers na maglipat (basa sila) at yung guests tables wala ng table cloth & set-up. Epic Fail daw talaga, wala naman silang magawa kapag ayaw mag-move ng client.

HTH!
