watch now

Author Topic: Parent's POV: Kids being gay or lesbian  (Read 4622 times)

pumpkin13

  • Guest
Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« on: March 15, 2013, 07:50:43 pm »
Sa mga parents, how would you handle it if you've seen signs that your kid may be gay/lesbian?

chicafabulosa

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #1 on: March 15, 2013, 07:56:57 pm »
Hubby and I been talking about this what if, well for us there is nothing we can do about it right? Ang magagawa na lang namin is guide our son to be a productive individual, di yung walang silbi sya. Marami naman na gay and lesbian na successful sa buhay nila eh. It doesnt make our child less a person simply because di sya straight. The more nila need ng love, support amd guidance. Of course at first masakit di ba kaso di naman natin pwede takwil anak natin yun. Guide na lang natin sila na kahit ganun sila maging mabuti silang tao, yung may silbi sila.  Pero prayer namin sana di talaga maging ganun anak ko. :)

Princess_Chill

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #2 on: March 16, 2013, 03:51:07 am »
i totally agree with sis chicafabulosa...

hindi mo naman ma dikta sa anak mo na maging straight siya e...what we can do on our part is instill good values to them.
para kahit na gay/lesbian sila e rerespetuhin parin sila ng tao dahil hindi sila bastos.

sistah!

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #3 on: March 18, 2013, 10:13:48 am »
the good thing is, the world is changing and people are becoming increasingly accepting towards gays and lesbians. my bestfriend in the world is gay. he is an honest, hardworking and kind man who has a very nice and dignified job in the corporate world. i think my job as a mother is to love my child no matter what so that gay or straight, he or she will be happy and honorable.

that being said, i would likely not encourage my child to do things that are out of the ordinary like buy my son lady clothing and all. but i would let him explore pa rin. i think this is a challenge talaga for parents.

erin1992

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #4 on: March 19, 2013, 04:43:40 pm »
pinag-uusapan namin 'to ng partner ko noon. we have a son, and may isa pa syang anak na lalaki from a previous relationship. sya, ayaw na ayaw nya sa mga bakla. he really really don't want any of his sons to be gay. i think that's normal, lalaki sya eh. it's his pride as a father. (well, pang-old school ang idea but I THINK that's the closest explanation for that).
sakin naman, ok lang. they can be whatever they want to be. as parents, we should support, understand and love them no matter what. 

Ayun. pinapaintindi ko din yun sa kanya noon. uma-aggree naman sya.

Britney

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #5 on: March 21, 2013, 03:08:29 pm »
Ako, kakausapin ko ang bata at iintindihin kong mabuti kung bakit siya nagkaganoon.
Kung pedi bang baliin, babaliin ko.
Pero kung wala na talagang magagawa, tatanggapin ko na lang...Mapapagod din ako sigurado.
Before ko tanggapin ang lahat, I will do everything para ma-stop sana at least masabi ko sa sarili ko na I did my best.  Gusto ko lang kasing maprotektahan ang anak ko against discrimination at sa mga kaakibat na lifelong problems of being gay.

brendzy

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #6 on: April 08, 2013, 03:06:18 pm »
napag-usapan na din namin ni hubby ito, kung early age pa lang nadetect na may tendency, at first we will guide him/her kung pwede pang makontrol. baka kasi dumadaan lang sa confusion. pero kung wala na talaga, I would agree with the sisses na iguide pa rin to become a respectable and productive individual.

nessy

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #7 on: May 08, 2013, 12:16:48 pm »
Honestly, ito rin ang fear namin para sa nephew ko. Pero as early as now sinasabi na namin sa kanya na mas okay kung ano siya, iyon na siya. Pero sabi ko nga sa hubby at sister ko, ano man ang kalalabasan, we will always be there for him dapat. Pero pati ako nako-confuse, eh. Kasi may mga crushes niya. And in fairness marunong pumili. Magaganda ang mga gusto niya. Haha Pero may mga time na parang may sign nga. Pero minsan obvious ri na sinasadya na lang. Kaya kami, tawa na lang pero explain pa rin to the max sa kanya na dapat, what ever may happen, He should be a responsible individual. Aba! Mas gusto ko nang may pamangkin na gay/lesbian kesa naman straight nga, wallflower naman!

X_03

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #8 on: May 20, 2013, 06:21:16 pm »
Kami ni hubby bilang Christian parents we really pray na hindi maconfuse ang aming son sa kanyang gender and (sorry mga sis, para sa amin) we will never tolerate kung maiba man siya. Guidance and instilling Bible principles is a must! Pero of course darating ang time na he will choose his preference and he is old enough (legal age) to decide for himself. Kung ano man ang decision niya na hindi ugnay sa Principles ng Bible, then we will not tolerate it and support him but we are OPEN for him if he will change.  Mahal namin siya yes, pero hindi namin siya kayang suportahan. Kaya mahalaga talaga kung paano natin palalakihin ang mga bata. Kasi doon palang maproproteksyonan na natin siya sa mga gantong bagay.

Don't get me wrong mga sissies hindi ako galit sa gays or lesbian sa katunayan I have a brother and a sister who exchange gender preference ;) I love them both, but I never stop na pangaralan sila. ;)

monbla

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #9 on: May 27, 2013, 09:50:27 pm »
I would gladly choose na sakin na mapunta ang gay children if this means na di sila mapupunta sa parents na di sila kayang mahalin unconditionally.

dainejen

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #10 on: May 09, 2014, 05:10:56 pm »
according sa theology professor ko noon hindi daw kino condemn ng church ang pagiging gay o lesbian ng isang tao.. yung  act daw ang hindi tinotolerate like having sex with the same sex etc.

question lang, ano ba yung effect sa bata kung ang mom nila ay lesbian?

i know a person kasi IT's married with 2 kids both boys. hiwalay sila ng husband nya. etong si girl kahit sino go cya. recently inamin nya na lesbian sya thru SNS and in a relationship with a lesbian din, pangalawang lesbian na to na nakarelasyon nya proud pa cya na binobroadcast nya yung may sex life sila. ok lang ba yon o may magiging epekto din ba sa bata yun?may nakaexperiece na kaya ng ganon? naawa lang ako dun sa mga bata

crzysxycl

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #11 on: May 09, 2014, 07:30:27 pm »
^sorry sis, but what's SNS? siguro nasa gay/lesbian parents na yun kung paano nila eexplain sa mga anak nila.

i have gay and lesbian friends pero tanggap sila ng mga magulang nila, they are so lucky. minsan nga kasama pa sa family outings yung mga gf at bf nila, cool lang. pero usual na ata sa mga tatay na ayaw magkaron ng gay na anak. i have a cousin who's gay, but my uncle loves him so much. dati hindi nya tanggap pero eventually, naintindihan din nya cousin ko.

Msfi

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #12 on: May 09, 2014, 08:33:34 pm »
Sa Godparents ko, nung umamin na sa kanila nung anak nila na gay sya tinanggap nila. Ang sinabi lang sya kanya is wag kikilos at gagawa ng bagay na wawala ang respeto sa kanya ng mga tao. They supported him and gave him money for business.

dainejen

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #13 on: May 10, 2014, 10:47:55 am »
social networking sites, tinamad lang mag type ;D

Ang sinabi lang sya kanya is wag kikilos at gagawa ng bagay na wawala ang respeto sa kanya ng mga tao.

sana maisip din yun nung kilala ko na lesbian. nakakaawa kasi mga anak nya di lang sya yung hindi irerespeto ng mga tao pati yung mga anak nya.

i have a friend he's gay pero never syang gumawa ng nakakahiyang act at wala syang balak. lagi nya din inuuna family nya kaya nakakatuwa

ghye

  • Guest
Re: Parent's POV: Kids being gay or lesbian
« Reply #14 on: May 28, 2014, 11:02:41 am »
My husband's side, marami gays sa kanila. AS in parang it's on their family.  He has this aunt who has 4 kids. 1 bakla, 1 tomboy, 1 girl may baby out of wedlock, and 1 special child.  I so admire her kc she's always at the back of her kids.  The bakla and tomboy have their own partners and actually are living as husband and husband, and wife and wife na.  The gay married his gay partner kc it's legal in NZ and they are based there.  I'm so hat's off sa mom nila for being strong, supportive to her kids.
Kaya when husband is asking me what if maging bakla daw son namin, sabi ko na lang, we'll jut be here to guide and support him whatever he will be.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close