watch now

Author Topic: Breastfeeding Part 17  (Read 117629 times)

oreo08

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #360 on: August 16, 2013, 05:22:29 pm »
shooting_star, yep yan din sinabi ng midwives dito. count 1-10 and dapat di na masakit. eh kaso masakit pa rin. they can't fault bub's latch cuz she's latched on perfectly. and hindi nakapurse lips nya. I read and watched several breastfeeding videos before I gave birth so I'm pretty well educated about it, not to mention very well supported. Here in Australia, they encourage breastfeeding talaga. Direct feeding is the best way to establish milk supply but it's not the ONLY way. Pano naman yun mommies na may preterm babies? They can't latch they can't breastfeed directly but they can establish their milk supply all because of pumping.

anyway... dumadami na supply ko kakapump every 4 hours. I know dapat 8 pumps at least ang ideal but sabi ng midwives, give the body enough time to produce milk muna so they want me to pump every 4 hours, 10-20 mins each breast. After 96 hours, expected din ng mga babies na dadating na milk ng mommies kaya they become restless... if after 96 hours and your milk hasn't come in yet, they prescribe motilium for a week ata or 2? And then taper off na...

so right now, lots of water, di masyado nagpapastress (KASO ANG MIL KONG DI MAN LANG NAGPATRY MAGBREASTFEED, KUNG MAG ADVICE EH AKALA MO KUNG SINONG EKSPERTO!!!) and pump every 4 hours ang siste ko. And I make sure I pump in between 1-5am too dahil I read yun milk producing hormone is highest during this time.

Pag gumaling na nipples ko, (mabasa lang kasi ng plain water mahapdi na and nagbabalat pa!), ipapalatch ko na ulit si bubby.
« Last Edit: August 16, 2013, 05:26:34 pm by oreo08 »

ayami

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #361 on: August 18, 2013, 09:10:46 am »
Namomoroblema na ko. Ayaw na ng baby ko ng bottle after 10 days of direct feeding. Nahospitalize ang panganay ko so ang mom ko na usual bottle feeder nya ay wala. Kami lang kasi sa bahay and I regret na di ko pinabote si baby even once while my mom was away.

I work at home pero syempre demanding din yung trabaho ko (tutoring) and kailangan walang background noise etc so di rin ako makapagfeed kay baby while working. Ang interval ng breaks ko 5 minutes lang. Almost 1 month na kong di nagwowork at makakaapekto yun sa finances namin pag ayaw ni baby mag bottle.

Cup feeding didn't work or wala lang matiyaga sa amin. Wala rin kaming balak mag purchase ng mga "gadgets" para pangfeed kay baby kasi madami na kaming bote dito, sayang naman. At ang stash ko na napump from June pa gusto ko na ring magamit.

We've read lots of online articles about introducing the bottle, pero mas gusto ko yung firsthand experience. Meron ba ditong successful na napag bottle feed ang breastfed baby?

foxy_girlfriend

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #362 on: August 19, 2013, 02:49:00 pm »
2 weeks si baby na sa kin lang nagfeed. I have to go out then nahirapan si MIL na ibottlefed using expressed milk,. Hindi daw marunong kasi si baby. Ginawa niya konti konti lang, like isaksak yung bottle for a few seconds pag may nakuha ng konting milk si baby pull out the bottle. Baby is less than a month old.
I have to say matyaga si MIL.

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #363 on: August 19, 2013, 04:43:38 pm »
Sis Ayami, present! :)  before ako bumalik sa work we trained my son to drink in the bottle, at first ayaw niya talaga so nagpapalit palit kami ng bottle nipple hangang sa nagustuhan niya ang tommee tippie, akala ko okay na, after two weeks bigla ayaw niya ulit ang bottle, for one week... nag hunger strike siya, cry siya the whole day at sleep lang,magde-dede lang siya pag umuuwi na ako ng bahay kaya sobrang natorete ako, hangang sa may magbigay sa amin ng sample milk na may disposable bottle and nipples, pinainom ko kay panganay yung milk then ginamit ko yung bottle at sa wakas natagpuan ko na rin ang nipple na gusto niya, since then naging okay na si baby, bottle feed sa araw at direct feeding kami sa gabi :)

Ako din, since pinanganak si baby, isang beses ko palang siya na feed using bottle, sister ko lagi taga offer ng milk sa kanya sa bottle kasi pag buhat ko siya at hungry siya sinisiksik niya agad face niya sa breast ko :)

cloudzy_09

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #364 on: August 19, 2013, 05:18:37 pm »
I just gave birth 3 days ago and mix feeding ako mga 1-2x ko siya bottle feed pag hindi na kaya ng nipple ko yung sakit. Tama naman yung pag papa breast feed ko and latch ni baby kaya lang talaga ang sakit parang nipple cripple ako talaga tinitiis ko lang nag breast pump din ako mga 2x a day para e pahinga ko yung nipple ko. I dont know why pero bakit sobra sakit sa akin kahit tama naman yung ginagawa ko. :(

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #365 on: August 19, 2013, 08:37:46 pm »
^sis napagdaanan ko rin yan, akala ko tama pero may mali pala, or pwede ring at first mali at nagsore na ang nipple mo kaya may pain na, basta continue mo lang ipalatch si baby.. Ako nga dati umabot sa point na halos i-umpog ko ulo ko habang nakalatch si baby sa sakit kasi kahit alam kong okay na ang position namin, may sugat na nipple ko.

Irest mo muna yung breast na masakit, pero advise kasi nila wag daw muna magpump lalo na days palang si baby, try to hand express muna instead na pump..

Lagyan mo ng breastmilk yung nipple na may crack, air dry, lansinoh cream can help or Ameda Comfortlan :)

cloudzy_09

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #366 on: August 19, 2013, 09:28:39 pm »
Thanks for the advice sis. Nag reresearch nga ulit ako to check kung pa o ko papa latch si baby pero noong nasa hospital naman ako sabi ng nurse ok naman latch ni baby. Next week pag sobra sakit pa din mag hahanap na ako specialist para sa breast feeding para mag pa turo.

ayami

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #367 on: August 19, 2013, 10:40:50 pm »
Day 4 na kami ng relearning how to drink expressed milk in a bottle :D. So far wala pang bet si baby na teat na pinapagsalit-salit ko. Tommy Tippee at Calma ang sinasuggest sa post na nireplyan ko sa Breastfeeding Pinays group. Pero may kakilala akong waepek daw yung Calma. e sa Sat pa kami makakadaan ng New Manila. Cup feeding kami sa bm na nasa bote pag gutom na gutom na si baby. kaso parang fail din haha, sa isang lunok andami ring natatapon :)) ang practice namin thrice daily kada malapit na siya magfeed on selected times at good mood siya. di pa ko susuko sana wag mag hunger strike gigil na gigil siya e. hahanap pa nga ako ng ibang nipples hehe

la altheyamdre

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #368 on: August 20, 2013, 07:45:29 am »
May pros and cons din pala magpabreastfeed..sa nutritional value no question about it talagang eto ang the best!kaso pag medyo na late na ang pag introduce sa bottle napakahirap pala...Ailah is 6months now..gusto ko na sana siya i mix feed.i've tried enfapro,bonna,nestogen and promil,pati different teats.pero dedma pa din si baby..kaya ang hirap iwanan..kahit punta lang ako sa market or grocery..hay!what to do kaya?even nagsosolid food siya,once na masipan dumede o antukin talagang nagwawala siya at gusto dumede sa akin..matatahimik lang siya if kakargahin na nakatayo all the time.:|

cloudzy_09

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #369 on: August 20, 2013, 10:35:21 am »
Mas ok na kami ni baby mag breast feed yung right breast ko madami na milk na nilalabas at hindi na masakit pag nag suck si baby pero sa left breast ko mas lalo sumasakit pag nag su suck si baby wala naman sugat yung left breast ko bakit kaya ganon.

Ano breast pad ang maganda at mura lang na try ko na pigeon, babyflo at avent sa kanila 3 ang pinaka gusto ko is avent pero namamahalan ako may nakita din ako washable breastpad may naka pag try na ba nito?
« Last Edit: August 20, 2013, 11:28:45 am by cloudzy_09 »

ayami

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #370 on: August 20, 2013, 11:26:52 am »
^^ oo sis ako nga 3 months pa lang baby nagwoworry na :/ hirap kasi e di na ko makapagayos ng sarili ko kun dati naman nakaka date night pa kami ngayon di na grabe nga 10 days lang na puro direct feeding nakalimot na si baby!

cloudzy_09

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #371 on: August 20, 2013, 06:26:47 pm »
@ayami

Nag cup feeding din kami ni baby sa hospital sa nursery medyo mahirap siya and ang dami natatapon ang ginagawa namin is yung medicine cup e press mo siya sa lower lip huwag mo iaangat kasi madami matatapon then medyo e tilt mo paloob tapos ilalabas ni baby yung tongue niya parang dine dede niya yung milk. Ewan ko lang kung effective ito sa 3 months kasi new born yung baby ko and hindi pa nakakatikim ng bottle at direct breast feeding.

ayami

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #372 on: August 20, 2013, 06:30:08 pm »
May washable ako nakalimutan ko ang breastpad name hehe sa Baby Co. ko nabili mura lang! 6 pcs nasa 130 pesos lang ata. Kaso, nawawala ang porma ng boobs ko nakakaloka haha nafaflat! :P

try ko nga yang cupfeeding style na yan, kaso tanders na nga si baby mahirap na siguro sanayin? Tityagain ko na lang

elishababy

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #373 on: August 21, 2013, 09:57:43 am »
Hi mga mommies! May question lang ako, hindi ko alam kung eto right thread pero ask ko lang sana kasi kung posible buntis ako dahil 2 days delayed na ko. Last period ko july 22,  7days red days yun, last sat kami nag do ng hubby ko pero hindi nya nilabas. Hindi rin sya gumamit ng kahit anong protection. Ngayon 2days delayed na ko. Nagtext na ko sa ob ko sabi nya posibleng hindi ako preggy dahil every night nagpapabreasfeed naman ako after work. 5months palang kasi first baby ko. So ayun.  Need your answers mga mommies. Thank you.
« Last Edit: August 21, 2013, 10:00:11 am by elishababy »

super bratinella

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #374 on: August 21, 2013, 10:02:45 am »
^Ang alam ko sis kahit exclusive breastfeeding si mommy nabubuntis pa rin what more kung combined with formula. Mag PT ka na rin sis para makapagingat ka at para sure.

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #375 on: August 21, 2013, 02:11:42 pm »
Thanks for the advice sis. Nag reresearch nga ulit ako to check kung pa o ko papa latch si baby pero noong nasa hospital naman ako sabi ng nurse ok naman latch ni baby. Next week pag sobra sakit pa din mag hahanap na ako specialist para sa breast feeding para mag pa turo.

Nung nasa hospital din ako sinabi din ng lactation consultant na tama ang position ni baby, kaya kahit nasasaktan ako sige pa rin ako, yun pala may mali, nung nagsugat na nipple ko ayun na binalikan ko yung lactation consultant, may mali nga raw sa pag hawak ko at di ko naididikit si baby sa breast ko kaya sa nipple lang siya more nakalatch instead na sa areola. :)

nikki

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #376 on: August 21, 2013, 10:48:03 pm »
Has anyone taken duphaston while breastfeeding?

sxy_shandy

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #377 on: August 21, 2013, 11:20:57 pm »
Naku priceless talaga ang lactation consultant. At around 2 weeks I was crying in pain with sore nipples, taking paracetamol para I can let baby latch. It got to the point I was scared of baby getting hungry and feeding. But I didn't have any options at hand like pump or formula or even any bottles. I just kept at it then had a lactation consultant, Nanay Lita come visit me. She showed how to latch (subsob Kung subsob) and was more credible and helpful than what I was shown at Asian. She massaged din my clogged ducts, dami pa pala milk that wasn't being released. She advised football hold and comfortable side lying position, which we use up to now at 14 weeks. Pero now, ok na latch ni baby and cradle hold na Lang kami usually. But those times were really trying. I also watched videos to self-diagnose pero iba when i had an expert. priceless. Do meet with a lactation consultant na, breastfeeding shouldn't be painful nga.

« Last Edit: August 21, 2013, 11:22:50 pm by sxy_shandy »

cloudzy_09

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #378 on: August 22, 2013, 08:37:54 am »
Im getting better na sa pag breast feed yung sa right breast ko hindi na masakit pag nag papa dede ako ang problem ko na lang is yung left breast ko sobrang sakit pa din at medyo sore siya kaya hindi ko muna masyado pinapa dede sa left si baby pina pump ko na lang muna yung left. Madami na din ako milk nakaka 4oz na ako 4-5x pump  ;D.

@Sxy_shandy

Saan ka nag pa consult?

Sana dati ko pa nalaman ito forum na ito at may lactation consultant pala kasi dati sa unang baby ko sobrang sugat sugat nipple ko at naiiyak na ako pag mag papa dede ako dumating din sa point na natatakot din ako sa baby ko pag nagising parang gusto ko nga isoli sa hospital baby ko kaya 1 month lang ako nag pa dede mix feeding pa. Yung Ob at pedia ko naman wala masyado ma advice sa akin at lahat ng tinanungan ko e ganon daw talaga masakit.

sxy_shandy

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #379 on: August 22, 2013, 11:57:25 am »
Same here. Right was ok, left had sugat. Mas flat daw kasi yung nipple on that side. Tapos yun nga, I always use the right side before hanggang Sa dami na pala naka stuck na milk Sa left.
If hindi maagapan could become mastitis.
Sent you PM with her info. She showed me din cup feeding and hand expression Ng milk.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close