watch now

Author Topic: Breastfeeding Part 17  (Read 117637 times)

m_lim

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #160 on: April 15, 2013, 06:18:37 pm »
Starlust, kakapanganak mo palang pala kaya normal lang output mo. Lalakas rin yan basta dalasan mo magpump or direct feed.

At 3.5 months, problema ko ngayon wala nakong space sa freezer. Punong puno na yung freezer namin ng BM. bukas maglalagay nako sa chest freezer namin.

Starlust

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #161 on: April 15, 2013, 08:43:01 pm »
^Wow what a nice problem to have :) sana umabot ako sa ganyan.

Love my pump though! Super comfortable & easy to use!


yeline

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #162 on: April 15, 2013, 08:50:05 pm »
hi mga sis! I need help. EBF kame ni baby, mag 5mos na.  ilang araw na kong umuuwi na ubos na yung mga pumped milk ko. saktuhan na palagi. one time, kelangan kong umuwi ng tanghali para idaan [textspeak!] expressed milk ko at wala na talagang iinumin si baby. output ko every session is 3 oz max na. sa gabi, double time ako mag pump habang natutulog sya. as in every two hours hanggang madaling araw para meron syang maiinum kinabukasan. im taking fenugreek, domperidone at sabaw ng malunggay. ginagawa ko ng tubig ang malunggay. direct feeding kami pag gising sya at bago ako umalis na bahay.
ayoko sanang mag give in sa formula, pero baka naman mag suffer si baby dahil lagi ng kulang output ko. mga sis,ano pang pwede kong gawin? san ba ko nagkulang? huhuh. help please.

m_lim

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #163 on: April 15, 2013, 09:31:55 pm »
Ilan beses ka magpump sa office? Ang iniinom ko Natalac and lots of water.Ang lakas ng milk ko.

yeline

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #164 on: April 15, 2013, 10:56:38 pm »
3x lang. 10am, 12:30 at 4pm. Pwede kayang mag add din ko ng natalac?

maika14

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #165 on: April 16, 2013, 01:14:05 am »
^ Hydration lang sis. Lots and lots of water intake. Magugulat ka, dadami output mo. ;) I don't drink malunggay supplement na kasi umaapaw na talaga. Gamit na gamit yung breastpad sakin.

m_lim

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #166 on: April 16, 2013, 04:10:20 am »
ako naman ayaw ko mag breastpad kasi nangangati ako. kaya hindi talaga ako pwede lumabas ng bahay ng walang dalang pump.

pwede ka mag natalac sis, malunggay supplement lang naman yo

-charm-

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #167 on: April 16, 2013, 09:07:51 am »
M_lim, inaaccept ba ng baby mo kahit malansa yung milk? Yung baby ko kasi ayaw talaga nung thawed milk. Niluluwa nya lang. Sayang tuloy ang dami ko pa naman frozen milk.

iristacey

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #168 on: April 16, 2013, 09:30:15 am »
sis kaice, confirmed na :) mamaya na lang ako magpost sa fb :)

sis m_lim, you may also consider donating kung wala ka pang chest freezer :) galing, daming milk. ako talagang 9oz na lang sa office eh. plus about 6oz in the morning then 3-4 oz before sleep. kulang kay baby. lumakas milk intake nya eh.

kaice

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #169 on: April 16, 2013, 11:18:52 am »
iristacey - congrats!!!! sana girl na para quota na haha!

yung baby ko ayaw ng thawed milk kaya di na ko nag effort to build freezer stash... my supply is down kasi i'm sick and badly need to take some decongestants... sana ma UP ko na ulit though ang lakas kasi magsolids ni baby kaya i'm not worried much. pampatulog na lang ang milk sa daytime then unli latch sa gabi. twice a day na lang ako halos mag pump...

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #170 on: April 16, 2013, 02:19:34 pm »
M_lim, grabe sis galing, talagang nagpaparamdam, ayaw ka patigilin sa pagpapa BF kaya lalong dumadami milk mo  :D

Si baby ko nakakaaliw, madalas pag nagpapamilk ako, lalatch, tapos titingin sa akin ngingiti tapos nakatawang babalik sa breast ko..paulit-ulit na ganon, sabi ko nga di naman siya nag mimilk naglalaro na lang siya.. kaso may times naman na hirap na hirap ako kuhanan siya ng pwesto, di ko alam kung dahil ba sa malaki na siya, madalas position namin, nakaipit na siya sa dalawang hita ko ;D


marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #171 on: April 16, 2013, 02:21:19 pm »
there is an FB group BREASTFEEDING PINAYS... you may join, may list dun ng LCs, BF friendly pedias, and you can post anything on bfing :)

yipii! kasali na ako! ;D

liam88

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #172 on: April 16, 2013, 05:58:03 pm »
23oz na since yesterday yung na dump kong BM, sayang naman, akala ko kase hindi pwede. Mas minabuti kong safe si baby. Hindi ko nabasa kaagad yung reply niyo kase kahapon mahina talaga ako, ang sakit ng buong katawan ko.

Is it normal? 1 month na si baby ngayon. I pump 4x a day. 8a 6oz, 12:30pm, 4:40pm, 8:30pm tag 3oz each lang..

Congrats sis iristacey..

m_lim

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #173 on: April 16, 2013, 08:06:09 pm »
oo nga mga sis, ayaw ako patiligin magpump! baby ko ok naman with thawed BM. thank God!

ang Clusivol drops ba pampagana nag milk? sana nga lakasan pa niya intake niya para di nako mag freeze.

liam88

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #174 on: April 17, 2013, 06:34:19 pm »
Mga sis yung baby ko may mga maraming small bumps sa knees,legs at elbow. Yung parang rashes na bump pero hindi siya rashes kase hindi naman mapula. Hindi nga visible, mafefeel lang tapos ang dami. Is it possible may allergies si baby? I pump BM, baka sa kinakain ko allergy siya..

QueGavan

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #175 on: April 18, 2013, 02:18:37 pm »
Mga sis yung baby ko may mga maraming small bumps sa knees,legs at elbow. Yung parang rashes na bump pero hindi siya rashes kase hindi naman mapula. Hindi nga visible, mafefeel lang tapos ang dami. Is it possible may allergies si baby? I pump BM, baka sa kinakain ko allergy siya..

sis, see the pedia para makita nya din. when i was still breastfeeding, i avoided food with high allergen. that includes chocolates, citrus, nuts, dairy products, corn, egg, wheat. hope this helps.

kaice

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #176 on: April 18, 2013, 02:50:03 pm »
im always advised to have hypoallergenic diet pero matigas ulo ko hihi! pero try to remember what you ate and observe, if di pa rin, baka di yun ang cause, better have baby checked. kami cetaphil cleanser lang nag kasundo ng skin since birth, at ang lapit namin sa skin infection kahit ano gawin ko....

liam88

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #177 on: April 19, 2013, 03:09:41 pm »
Meron din pina apply na cetaphil lotion, di ko pa nabili. Ang gaspang talaga hawakan sa part na may rashes. Tyaka neck ni baby napanit, ang haba ng line.baka raw na irritate yung skin.

-charm-

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #178 on: April 20, 2013, 08:24:05 am »
Sis liam88, you can try to put BM on your baby's rashes.

m_lim

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #179 on: April 20, 2013, 11:27:57 pm »
grabe, ang hirap pala magpa dry up ng milk! parang bato yung boobs ko pag 7hours gap ng pump ko.

nabasa ko kasi dapat gradual lang paghinto. pag biglaan kasi baka magka masititis. sana naman huwag!

sa haba haba ng pag iisip ko, decided na ko to stop pumping. 4months ebf baby ko tapos may stock ako sa freezer pang 1month, pwede na yun.

nagiging monster na kasi ako sa pagod. baka sa kakapilit ko mag ebf, mawalan nako ng asawa. at baka malugi narin negosyo ko dahil wala nako oras kakapump!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close