watch now

Author Topic: Breastfeeding Part 17  (Read 117335 times)

tonette815

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #60 on: March 25, 2013, 02:22:35 pm »
^ sis i guess mas mabuti na lang yung madaming bm kaysa kaunti.  Ako naman the last few days parang said yung bm ko lagi. These last 2 days kasii almost every hour ang dede ni baby. Parang laging uhaw di kaya dahil sa init ng pabahon? Haplos Wala tuloy akong tulog for the past two nights. 😞😞

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #61 on: March 25, 2013, 04:15:48 pm »
mommies, yung frozen BM ba within 24hours from the time na binaba kailangang mainom na ni baby? Kasi may binaba akong BM, nung isang araw pa, di nainom ni baby pero sabi ng sis ko may yelo pa rin naman daw,di ko tuloy alam kung pwede pa ibigay.

Starlust

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #62 on: March 25, 2013, 05:03:06 pm »
When you pump, derecho na ba sa ref agad or it needs to cool down to room temperature?

jebbygurl

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #63 on: March 25, 2013, 05:46:28 pm »
hi sis marssie. yep, once nag-thaw na yung frozen breastmilk it needs to be consumed within 24 hrs. kasi after that, mas marami na yung bacterial growth at baka hindi na matolerate ng tummy ni baby.  kaya minsan better if you refrigerate nalang the milk after pumping kung macoconsume rin naman yun within 8 days. better pa nga raw sa ref lang instead of sa freezer kasi mas nareretain yung nutrients. make sure lang sis na it's in the back of the ref para hindi iinit tuwing inoopen yung door. ang problem lang is pag super lamig ng ref, minsan nagfefreeze pag nasa back of the ref (this happened to me several times).

^starlust, after pumping derecho na agad sa ref (or sa freezer if you are not planning to use it within 8 days). :)

maika14

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #64 on: March 25, 2013, 06:31:57 pm »
^ sis i guess mas mabuti na lang yung madaming bm kaysa kaunti.  Ako naman the last few days parang said yung bm ko lagi. These last 2 days kasii almost every hour ang dede ni baby. Parang laging uhaw di kaya dahil sa init ng pabahon? Haplos Wala tuloy akong tulog for the past two nights. 😞😞

sis, that happened to us too. growth spurt. 30 minutes lang ata pahinga ko nun. lasted for 2 days lang naman then back to regular feeding na kami.

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #65 on: March 25, 2013, 06:48:03 pm »
^^@jebbygurl, thanks for the reply sis, wah!! sayang naman yung dalawang 4oz ko huhu.. sana pala tig 2 oz lang muna ang finifreeze ko. kasi naman since nagbottle feed si baby minimum na niya lagi is 4oz..

hay, ang hirap talaga sanayin ni baby sa bottle, pang second day na ngayon maghapon pa rin ayaw mag milk, last three weeks sa first day lang siya nagrereject sa bottle pero the following day okay naman na. Para tuloy gusto kong umabsent bukas, kaso pag nasa bahay naman ako lalong di siya masasanay sa bottle kasi sa akin siya lagi nagda direct feed.

kaice

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #66 on: March 26, 2013, 10:59:42 am »
marssie - that was the most challenging part in our breastfeeding journey. nipple confusion or bottle rejection. even if you are in the house on daytime, ipa bottle mo pa rin para masanay sa magbibigay ng milk then pag night time, direct fed. we had to experiment a lot of bottles din. and you have to endure the crying / wailing times. minsan ok din na hayaan umiyak at magutom kasi mas magiging madali mag feed sa bottle kapag gutom si baby... kaya yan!

ang advice talaga for bottled BM feeding eh 2 hours ka muna mawawala, then half day for 3 days then try mo na whole day wala... may guide sa kellymom ng return to work scheme. expect na for the first 2 weeks upon return to work eh mapapaleave ka talaga...

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #67 on: March 26, 2013, 04:56:44 pm »
^thanks sis. Oo nga eh, past three weeks kasi naging okay naman na kami sa ganong set up - bottle feed sa umaga, direct feed sa gabi at sa weekend, although every first day ng work ko pahirapan ulit pero kinabuksan okay na. Ganon na nga lang siguro, kahit weekend bottle feed ko nalang si baby para masanay siya na sa gabi lang kami magdadirect feed. Na-i-stress na nga ako, parang may phobia na ako na tuwing tumatawag ako sa kapatid ko ang sagot sa akin di pa rin nag dedede baby ko, pang 3rd day na ngayon. Pag uwi ko talagang gutom na gutom siya.. Kahapon nga pagdating ko sa bahay parang alam niyang dumating na ako bigla nagising at nakalabi pa ang iyak habang nakatingin sa akin, pina-feed ko agad kahit bagong dating ako, ayun maya maya nagsuka ng marami.. :'(

kaice

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #68 on: March 26, 2013, 05:13:04 pm »
ako kasi pump muna pag uwi dati kasi baka sobrang lakas ng flow...di ko alam kung ano mas ok na matatanggap kong tawag, yung di dumedede or yung ubos na ang milk na iniwan ko.. hay trying times ng breastfeeding working mommies  :-\

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #69 on: March 26, 2013, 07:04:25 pm »
^oo nga sis.. ako rin dati ganon, kaso sobrang awa ko kahapon kaya pinadede ko agad,masama nga yata talaga magfeed ng pagod. Parang sa situation ko ngayon mas gugustuhin kong marining na ubos na yung milk niya kahit ipasupplement ko ng formula, kesa sa hindi dumedede :( naawa ako na nagiguilty pa, feeling ko biglang gumaan baby ko samantalang last week, pintog na pintog at nakakangalay na ang bigat niya.  Yaw ko na nga masyado isipin parang naapektuhan output ko sa pagpapump. Hirap nga talagang maging breastfeeding working moms.. Kaya saludo ako sa inyo at nairaos niyo..

maika14

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #70 on: March 26, 2013, 11:15:32 pm »
^ Napanood ko yung interview dun sa blogger ng Chronicles of a Nursing Mom na ok lang daw na magpadede ng pagod as breastfeeding actually helps you to relax because of the hormone oxytocin. Which is true coz that is a happy hormone. Baka malakas nga let down mo kaya nasusuka si baby?

iristacey

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #71 on: March 27, 2013, 08:30:27 am »
^yup, hindi nga totoo yun na masama magpabf pag pagod. baka lang talaga marami nainom si baby kasi ayaw nya ng bottle.

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #72 on: March 27, 2013, 03:40:38 pm »
^ & ^^ Ganon ba.. baka nga siguro kasi sa sobrang gutom niya dahil sa pagha-hunger strike nabigla..

Nagpapabili ako kay hubby ng breastflow bottles sa amazon, yun naman ang itatry ko, dati okay na kami sa TT pero dahil nga bigla natigil, try ko ulit ibang bottles, tried avent, pigeon,calma and TT na so far.

Since morning naman may improvement na si baby, naka 30ml na raw.. sabi ko sa sis ko pag bigla di nanaman nagtake ng bottle, i-cup feed nalang si baby.. okay lang kaya yun?

Hay, dati ang fear ko ang di kilalanin ni baby ang breast ko at mas mahalin niya ang bottles.. yun pala mas nakaka alarma ang di matutong magbottle si baby dahil nga working nanay ako. 




iristacey

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #73 on: March 27, 2013, 04:58:37 pm »
^mukhang nag-over eat/feed si baby kasi nagutom :)

sis ako pigeon yung pinaka okay sa kanya. :) till now yun pa rin.

kaice

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #74 on: March 27, 2013, 05:31:58 pm »
na try ko breastflow, avent, chicco... eventually nagamit naman sila lahat but we are using avent now...

long weekend here we go!!! ang saya ko pag ganito, i dont worry about pumping :) have a blessed holy week mommies :)

liam88

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #75 on: March 28, 2013, 11:29:52 am »
Mga sis bakit pag breastfeed d nabubusog baby ko? Marami naman akong BM,tumutulo nga. Makatulog kase siya tapos magising ng ilang minutes tapos humihingi naman kaya minsan bottle feed ko nalang ng formula kase pag formula d makatulog tapos d pa gising ng gising...naka experience ba kayo ng ganun? Minsan rin ayaw na niya dumede sa akin.
« Last Edit: March 28, 2013, 11:44:46 am by liam88 »

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #76 on: March 28, 2013, 01:20:01 pm »
^mas madali kasi madigest ang breastmilk sis at mas mabigat sa tyan ang formula.

Natawa ako sa kapatid ko kahapon, sa kabila ng stress ko sa pahirapang pagba-bottle feed kay baby, nung pinapadede daw niya,. sama daw ng tingin ng baby ko at nakakuyom ang kamao, feeling tuloy niya nasa isip ng baby ko "here comes the bruha again trying to insert something in my mouth"  ;D

liam88

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #77 on: March 28, 2013, 01:32:18 pm »
Ganun pala sis marssie kase nagtyaka ako dahil marami naman siyang naiinom..minsan 30mins-1hr feeding ko tapos di pa rin busog...pero may times talaga 5mins lang siya dumede at tulog na..d ko na magising, naka snore pa..do babies snore ba?

marssie

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #78 on: March 29, 2013, 05:25:57 pm »
Mommies, may nakapagtry na bang gumamit ng salicylic acid to remove plantar warts? Nabasa ko kasi safe daw gumamit nun kahit nagpapabreastfeed
« Last Edit: March 30, 2013, 03:57:56 am by marssie »

meash62

  • Guest
Re: Breastfeeding Part 17
« Reply #79 on: March 30, 2013, 11:08:37 am »
hello mommies, question lang iyong baby girl ko kasi 3months na pero tig 2oz every 2 hours ang dede nya pag nasa office ako. kailan ba malalaman if kulang sa kanya yun or dapat na siya mag 3oz? pag-uwi ko direct feeding kami tapos pag nasa work ako ebm nman siya. TIA!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close