Author Topic: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?  (Read 186045 times)

imagodei082990

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #20 on: March 13, 2013, 02:51:54 pm »
to ts

 mahirap mahuli ang mister kung my ginagawang kalokohan. nakakastres at nakakapanget.. kung magaling si mister magtago ng ebidensya kahit anung kalkal mo sa mga gamit nya wala kang mahahanap..  lalo na pag yung kinakalantari nya ay kaworkmate nya.. no need na matxt tawagan or chat.

yungspakol , and yung mga sites na pwde maghire ng girl ay dapat alam nating mga misis kase may pasibility na nagpupunta sila dun or may mga account sila dun ..

« Last Edit: March 13, 2013, 02:53:27 pm by imagodei082990 »

jamila_19

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #21 on: March 14, 2013, 07:43:19 am »
mahirap talaga lalo na nasa ibang bansa si lalaki. tulad na lang ng sister ko na nasa pinas at ang asawa niya eh andito din sa middle east. laganap talaga dito ang pagtataksil sa asawa at ang mga lalaki dito eh feeling binata. mahirap mahuli lalo na LDR at hindi naman nakikita ni wife ang ginagawa ng lalaki... nabanggit nga ng sister ko minsan na wrong send ng text itong asawa niya na para doon sa ibang babae pero todo deny pa rin ang asawa at wala naman magawa ang sister ko kundi maniwala na lang at ang alibi na lang eh nakitext daw ang kasamahan niya.

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #22 on: March 14, 2013, 08:51:32 am »
Basta laging mabango at blooming si mister malamang me dinidiligang bulaklak  ;D

i_v_y

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #23 on: March 16, 2013, 01:23:03 am »
as a person na nakaexperience nito, i suggest na do not "Nancy Drew" on your husband kung wala ka namang basis. as long as walang pagbabago sa pagmamahal ng husband mo, masaya ka, huwag  mo siang pagdudahan. huway mo siang imbestigahan, kasi ikaw lang masstress. i had always been like that sa asawa ko until things changed; that was when i started investigating, ipon ng evidence. stressful ang times na to im telling you. and tama ang feeling ko, may babae na yung asawa ko and it did not take a long time bago ko naprove na tama ako.

meron akong married friends na both kaibigan ko ang husband and wife. the husbands regularly go to a massage parlor at hindi lang basta massage may extra service pa. the wives don't have an inkling. hindi naman pangangabit ang tawag dito pero this is cheating pa di din di ba. magaling lang sila magtago but doing such does not mean na hindi nila mahal asawa nila.

meron din akong naging lover noon, married sia. pero he was very careful talaga. everytime na magkikita kami noon, hindi ako pwedeng mag perfume. he always come home on time, walang extensions talaga. sobrang ingat. tapos kapag schedule nila mag sex ng asawa niya, hindi kami pwede mag chorva kasi ayaw niang mapansin ng asawa nia baket kulang ang output nia. ayun hindi naman sia nahuli.


freelancer_babe

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #24 on: March 16, 2013, 07:55:33 am »
^ Tama sis. That's what I'm trying to say. There are really VERY careful husbands who cheat without the wife knowing. Even keeping the secret from the officemates and close friends.

Those who aren't really careful get caught.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #25 on: March 16, 2013, 10:46:11 am »
^^ sis, so anong point mo?  never investigate at magtanga tangahan?  especially if hubby is careful, pero nagdudududa ka na, huwag mag investigate at wala ka namang basis kasi stress lang? 

hindi ba ang pagdudududa mismo sometimes kutob mo lang, then aanhin mo sya kung kinutoban ka lang? it is a natural instinct to always ask and to know.


meron akong married friends na both kaibigan ko ang husband and wife. the husbands regularly go to a massage parlor at hindi lang basta massage may extra service pa. the wives don't have an inkling. hindi naman pangangabit ang tawag dito pero this is cheating pa di din di ba. magaling lang sila magtago but doing such does not mean na hindi nila mahal asawa nila.


ito ang hindi ko matanggap minsan.  sasabihin nila mahal ka nila yet they can do things that can hurt you. para silang mga aso na walang pag-iisip at right judgement, kahit saan magsex at kahit kanino ok lang. 

kaya sa mga lalaking ganyan dapat hindi muna nag-aasawa at magpakasawa muna sila. hindi ko maintindihan bakit sila magpapakasal and yet they still want these kinds of activities.  being the wife, it is so unfair.  ok lang ba dapat sa wife?  No Way!  pano kung nagkasakit ka at nahawa kanya?  anong magagawa nya?




« Last Edit: March 16, 2013, 10:48:12 am by Girltalker2 »

freelancer_babe

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #26 on: March 16, 2013, 11:12:39 am »
^^ sis, so anong point mo?  never investigate at magtanga tangahan?  especially if hubby is careful, pero nagdudududa ka na, huwag mag investigate at wala ka namang basis kasi stress lang? 

I feel the pain you are experiencing, judging from the comments that you have made so far in several related threads.

No, my point is, like the others had already mentioned above - don't stress out in worrying. Some girls overworry kahit wala naman talagang kabit na-ika worry. But you are so right in thinking about investigating once you have the hunch or even found a proof.

Edit: Remember too, that being too overly suspicious, nasisira rin ang trust which is vital in a relationship.


kaya sa mga lalaking ganyan dapat hindi muna nag-aasawa at magpakasawa muna sila. hindi ko maintindihan bakit sila magpapakasal and yet they still want these kinds of activities.  being the wife, it is so unfair.  ok lang ba dapat sa wife?  No Way!  pano kung nagkasakit ka at nahawa kanya?  anong magagawa nya?

Of course it is never ok sis. You promised each other that you'd be faithful. Habang buhay na commitment yan supposedly. Dito nga sa Pinas, ang hirap ngang kumalas sa kasal dahil walang divorce law. Daming mga kwento ng mga married sisses dito ang mas willing to work out the marriage than separating way kahit na sobrang nasasaktan sila.

Maybe you (or even I) won't be able to understand kung bakit nga ganun ang guys - because we don't have the opportunity in our lifetime to be in their shoes to experience that so called "temptation". So I'll just take (gulp!) what science(psychology) has to say - that it's in their nature to be polygamous.
« Last Edit: March 16, 2013, 11:22:07 am by freelancer_babe »

imagodei082990

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #27 on: March 16, 2013, 11:36:34 am »
si hubby palaging mabanggo .. Yun yung nagustuhan ko sakanya and maporma talaga sya i mean yung mga damit pants and shoes nya branded talaga kaya yung mga ka workmate nya ay may gusto sakanya pero dedma sya .. Nung hindi pa kami nung friends palang kami sobrang ininjoy nya ang pagkabinata nya puntang mga beer house hire ng mga psp punta spakol etc. 13 yrs yung age gap namin. Palagi nya sinasabi sakin na ang mga lalaking nagchecheat ay yung mga lalaking hindi nagenjoy nung binata pa sila kaya ngeenjoy sila nung nagkaasawa na sila kaya nagchecheat sila feeling nila ang pogi pogi nila ..

Trianna

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #28 on: March 16, 2013, 12:02:23 pm »
signs: nagbebehave binata, conscious sa weight and sa clothes, always remembers to put on perfume when dati hindi. dumadami ang reunion with former classmates and friends na need puntahan, gets defensive when you touch his cellphone, there are missed out bills payment na responsibility nya, easily gets impatient with you more often

been there a few years back and there's much pain in the experience but as the heart and soul dictates, we chose forgiveness. we've patched things up since then, have grown together and made us closer to God. life goes on  :)

may12

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #29 on: March 17, 2013, 01:49:47 am »
nabanggit nga ng sister ko minsan na wrong send ng text itong asawa niya na para doon sa ibang babae pero todo deny pa rin ang asawa at wala naman magawa ang sister ko kundi maniwala na lang at ang alibi na lang eh nakitext daw ang kasamahan niya.

Nakakatawa 'yang ganyang reason. Kesyo may nakitext. Eh pag nakitext naman di ba type na agad ng number? Hindi na hinahanap sa phonebook? So sobrang liit ng chance na ma-wrong send.  :P

jamila_19

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #30 on: March 17, 2013, 09:42:39 am »
Nakakatawa 'yang ganyang reason. Kesyo may nakitext. Eh pag nakitext naman di ba type na agad ng number? Hindi na hinahanap sa phonebook? So sobrang liit ng chance na ma-wrong send.  :P

kaya nga eh wala nang maisip na ibang reason at like pa makalusot.. nakakainis! bakit hindi na lang siya umamin.

tsedeng06

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #31 on: March 19, 2013, 10:40:39 pm »
once you have this "bad feeling" or kutob it means its true. especially if there are changes na nakakapag duda like bumait siya, bigla siya sweet, etc. proven and tested.  8)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #32 on: April 01, 2013, 03:43:37 pm »
tignan ko lang kung makalusot pa asawa ko..kinukuha ko na yung sweldo niya saka mga bayad sa sideline niya,diretso ang Cash dito sa bahay sa cabinet ko hehe..ang pera niya every monday bibigyan ko na lang siya for 1 week allowance kasama na pang gas niya hehe sorry siya balik buhay estudyante siya,mag budget siya ngayon hahaha ;D

smoothie

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #33 on: April 01, 2013, 10:04:27 pm »
^not to scare you sis. May kakilala ako na ganyan din. Kala mo ang bait kasi allowance basis siya kay misis, pero
nakakagawa siya ng paraan at may kabit siya.

beijhing

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #34 on: April 02, 2013, 04:56:15 pm »
simula nung ma-receive ko yung phone call about my husband having an affair at work, hindi na sya nawala sa isip ko. we already talked about it and sabi nya marami daw talagang tsismosa sa trabaho. i asked him bakit naman nagkaron ng ganong tsismis, sino ba kako lagi nya kasama. sabi nya marami naman daw nakikisabay sa kanya pauwi (sometimes naka-kotse sya), i asked pano kung motor lang, sabi nya meron ngang girl na madalas sumabay sa kanya. i was able to get it off my chest and he told me na wala naman pero somehow, hindi pa rin matahimik ang kalooban ko. although wala rin naman ako nakitang anything suspicious sa FB or cellphone nya.
then just recently, i thought of opening his FB uli, i tried searching if nasa friends nya yung girl and she is. i browsed her page and found some pictures of her and my husband. the oldest picture i saw was taken May of last year. i dont know if its just me pero parang ang sweet nila sa pictures. may isang picture pa nga na parang magkadikit mga kamay nila. not really yung interlocking fingers type pero yung parang caressing. nakapatong pa yung braso ng asawa ko (from elbow hanggang kamay) sa hita nung babae. i haven't told anybody kaya sobrang bigat ng kalooban ko. is this enough para sabihin na may ka-relasyon nga asawa ko mga sis. hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, gusto ko sya i-confront pero baka kasi sabihin nya na malisyosa ako. porke magkasama lang sa picture, porke ganon lang may relasyon na. please help. any advice is much appreciated.

smoothie

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #35 on: April 02, 2013, 09:40:02 pm »
Possible sis na may affair ang asawa mo. Kung meron naman gusto sumira sa asawa mo, hindi sa ganun paraan.
Nangyari narin sa akin yan dati, bata pa ako may tumawag sa bahay namin, hinahanap dad ko, wala nung time na yun dad ko
nung tinanong ko kung sino, sabi asawa niya. a few years later, kabit nga niya.

Since nasabi mo na kay hubby yung may tumamawag. I think mag-iingat na yan. Suggestion ko sa iyo is act as if you did believe him but be
observant and magparamdam karin. Like sumama sa office, bring him lunch, etc.

Sa totoo lang, ako hindi comfortable na may kasabay si hubby na babae. Lalo na kung sa motor. Isipin mo na lang kung paano ang
body contact nila.

may12

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #36 on: April 02, 2013, 11:56:37 pm »
Kung wala man silang affair... then they're flirting with each other. Bakit kailangan pang nakapatong braso niya sa hita ng girl?? ???
Ang mahirap kasi sa ganito, gusto mong i-confront asawa mo kasi siyempre gusto mong lumabas ang totoo. Pero nakakatakot din kasi di mo alam kung ano ang mangyayari. Di mo alam ano reaction niya. Meron kasing iba na magde-deny kahit sobrang obvious na. I think 'yan ang mas masakit. Sobrang obvious na nga, magde-deny pa. Parang lalo kang ginagawang t****.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #37 on: April 03, 2013, 08:45:29 am »

I think it is important for wives to know that it is not as simple as paghuli or pag confront kay mister regarding an affair or kabit.  Wives should make sure they are composed at all times, not to wash your dirty laundry in public, moreso, not in front of the mistress/potential mistress.

At kapag ni-confront si mister, you have to make sure you are ready on the possible consequences:

1. Pag hindi sya umamin, anong gagawin mo?

2. Pag umamin, anong gagawin mo?

3. Pag umamin at nagsorry, anong gagawin mo?

4. Pag umamin at iiwan ka na nya, anong gagawin mo?

In all the events sa above, dapat ready ka, BEFORE you do any confrontation or finger pointing or fighting with him.

Tapos, kelangan, sya lang ang kausap mo.  Huwag idamay ang mga bata.  Huwag idamay ang mga officemates.  Huwag din patulan ang kabit (mahirap man sabihin, pero importante ito). Always maintain some class and dignity.




beijhing

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #38 on: April 03, 2013, 11:13:27 am »
@sis smoothie yun nga rin sabi ng isang napagsabihan ko. na sigurado lay-low sila kasi nga kinutuban ako. payo nya rin sa kin is to act as if normal lang and i believe him. give it some time daw then matyag lang ako. kapag mukhang kampante na syang okay na ko, saka ko daw subukang hulihin uli.

^^sis may12 yun nga rin nagpapasakit sa loob ko eh. nakiusap na ko sa kanya na magsabi ng totoo pero sabi nya lang sa kin ano ba gusto mong sabihin ko. then he looked me in the eye and told me na mahal nya ko at wag ko na isipin yun.

^sis Girltalker2 yan din ang sinusubukan kong paghandaan. yung mga posible mangyari kapag kinompronta ko talaga sya about it. ang sakit talaga pero ang payo lagi sa kin ng kaibigan ko is magpakatatag, wag magpadala sa emosyon.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #39 on: April 03, 2013, 02:57:44 pm »

^ sis, ang ironic nga if people say huwag magpadala ng emotion. eh Emotions ang basis ko in loving him, hindi baaaa?   :(

oh well, basta laging gamitin ang utak during these times.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close