We have an "ampon" in the family. Cousin ko sya. My aunt (my mom's sister) is psychologically sick and his husband is jobless and has another family na. So yun cousin ko was left in my grandparents' care. Hindi sya naalagaan dun ng maayos kaya ilan beses sya nagrepeat ng highschool. So 3 years ago, we decided to take him in. Ako ang sagot sa allowance nya, yun mga kapatid ko naman ang sagot sa miscellaneous expenses sa school. Sa amin na din sya nakatira kasi ayoko pag aralin sya na hindi namomonitor. Baka kasi hindi naman talaga pumapasok.
Right now, 3rd year highschool sya and will be turning 18. Lately, napapadalas ang sumbong sakin ng mom ko na may pagkatamad daw sa bahay yun pinsan ko. Pinalaki kasi kaming magkakapatid na may kanya kanyang household chores. Pero since nagwowork na kaming tatlo and sa manila na ko based, mom ko na lang ang kumikilos sa bahay. So she is expecting na yung pinsan ko makakatulong sa kanya kahit every weekend lang. On a daily basis kasi, ang routine is gigising sya to eat and prepare for school, then uuwi sa lunch, papasok ulit, uuwi around 4pm. Then nakababad na sa tv. Sa gabi naman, maghuhugas sya ng pinggan. Yun lang.
Pag weekend daw, ang mom ko sobrang busy sa paglilinis ng bahay, pag wawalis sa paligid kasi medyo malaki ang yard namin. Magluluto, mag aalaga ng pets, etc. Yun cousin ko, nakahiga lang sa sofa nanonood ng tv. Pag inutusan ng mom ko, sasabihin "teka lang" tapos in the end, mom ko din ang gagawa ng inutos nya. Ilan beses na sya kinausap ng mom ko na kailangan matuto sya sa bahay. Pero wala pa din nangyari.
Then I resigned from work and will not be starting again until May. So medyo tipid sa bahay kasi maliit lang ang padala ko. Then yung tatay nya dumalaw sa kanya and gave him money. Enough na para maging allowance nya for the whole week. Pero 2 days pa lang, naubos na yung pera. Sinabihan sya ng mom ko na "alam mo namang wala work ang ate mo, sana ginamit mong allowance yung binigay ng papa mo" Ang sagot daw is, pinag iipunan daw nya kasi ang summer vacation nya kasi uuwi sya sa lolo ko. Tapos sabi ng mom ko, "Pano kung wala na ako maibigay na pambaon mo?" Ang sagot, "Hindi na ko mag aaral"
Medyo uminit ang ulo ko sa balitang yun. Una, wala naman kami responsibility sa kanya pero concerned kami kasi baka maligaw ng landas, lalo na yan teenager na sya. Pero parang may lumilitaw na ugali. Hindi naman namin mapagalitan kasi baka biglang lumayas. Nahihirapan lang ako kasi kasali na sya sa budget ko kasi gusto ko sya mapagtapos kahit high school. Then bahala na ang college nya, siguro naman kakayanin ko pa din. Pero pag ganun sya, nawawalan ako ng gana.