watch now

Author Topic: Newborn Care thread 5  (Read 210002 times)

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #540 on: April 25, 2013, 06:54:37 pm »
thanks sis... malambot ba talaga sa balat ni baby yung baby wash ng aveeno? O mas maganda pa din ang cetaphil? Hehe..

Yup super supple and ang lambot talaga

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #541 on: April 25, 2013, 06:59:08 pm »
^excited naman ako paliguan si baby. Hehe.. Nahanap ko kasi ang aveen0 baby wash sa hypermarket. Bukas matry ko na din sya. Thanks sis.

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #542 on: April 25, 2013, 10:42:08 pm »
May stage ba talaga ang babies na ayaw matulog?  Baby is 4 months na tomorrow observation ko these past few days she doesn't want to go to sleep even if she's already sleepy mas gusto nya magtinging tingin sa surroundings also nilalaro nya yung nipples ng bottles nya dododo tapos itutulak nya yung bote kaya yung milk nya natatapon. Minsan naman pinapadede ang likot ikot ng ikot ipapatong pa nya yung paa nya sa kamay ko or ng nagpapadede sa kanya.  Ayaw nya din masyado mag milk.


Kawawa pati si baby ngayon ang dami nya rashes sa leeg pulang pula neck nya dami butlig butlig but she doesn't seem bothered naman.
Parang extra active sya.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #543 on: April 26, 2013, 01:26:16 pm »
^ sis, at 4 months, babies undergo a phase called sleep regression wherein matagal bago nila ma-reach yung deep sleep. Kaya kapag karga mo at nakatulog si baby, once na ilapag mo magigising agad yan. This was my exact dilemma last year. Nung nag-3 months na si little boy ko, isinama na kami ni hubby sa house namin which is a 2-hour ride away from our hometown. Ibig-sabihin, wala na si mommy o yung 3 siblings ko to assist me. When baby reached his 4th month, naku ayaw matulog. No am and pm naps talaga. The thing is, ayaw nya sa crib at stroller. Gusto lagi karga. Eh grabe pa naman makaiyak. Akala mo kinakatay kapag inilalapag. Ayun, ni hindi ako maka-cr o makakain man lang. Grabe lang ang frustration ko, umiiyak na lang ako.

This frustration led me to research on Google. Eto mga nagwork sa baby ko:
- i close all the blinds sa loob ng kwarto. Di rin ako nagbubukas ng ilaw para madilim, kunwari gabi. I do the same sa living room. Kailangan lang well ventilated yung area. Tapos papaliguan ko sya, bibigay ko yung milk bottle nya OR ibebreastfeed ko sya. Mixed feeding kami eh. And i noticed sa son ko, mas mabilis makatulog ang baby pag pa-breastfeed. Im sure breastfeeding moms will agree.

If your baby happens to fall asleep while your holding him/her, wait for 30 mins or so before mo sya ibaba para sure ka na mahimbing na ang tulog nya.

tonette815

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #544 on: April 26, 2013, 02:23:43 pm »
^same tayo ng observation sis. pansin ko na to sa 2month old baby ko. once makatulog while breastfeeding i need to wait a while bago ko siya maibaba. nagiiba na rin pattern niya. after ng bath niya in the morning dede na then nakakatulog. ang himbing ng tulog niya. ang prob ko naman eh sa gabi. pahirapan 12mn na lang eh ayaw pa matulog lately. i just hope magkaroon na siya ng sleeping pattern soon so i can do other stuff na.

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #545 on: April 26, 2013, 02:34:23 pm »
^ sis malapit na yan, ganyan din baby ko nung 1-2months old. Mas tulog sa umaga, pahirapan sa gabi. Buti na lang nagkayaya na ako nun kaya nag-night shift mode ako. Nung nag-2months onwards na si baby mas tulog na sya sa gabi hanggang umaga na. Pero eto na naman balisawsaw ang tulog.

Sis Cerelina, same edad pala babies natin, nagaganyan din si baby mga ilang araw na ang lumilipas. Kanina nga after ng milk nya ng 3.30AM, hala ka eh wala pang isang oras gising na at hanggang pagligo nya ng 8AM gising pa rin, pag ibabab ko iyak agad, hindi pa naman yun iyakin kaya nakakaawa pakinggan. Akala ko after ng bath time nya makakatulog na hindi pa rin.

I researched regarding the 4 month old sleep regression kelangan conducive na to sleeping ang kwarto eh sakto yung kwarto namin eh sikatan ng araw, so papakabitan ko kay hubby ng kumot na pampadilim or kung wala baka bumili ako ng heavy drapes, parusa sa mommies na working ang putol putol na tulog ng baby natin. Nakakatulog sya sa hapon kasi sa kwarto ng sis ko dun ko sila pinagi-stay dahil may aircon at madilim dahil walang bintana, patay pa ilaw.

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #546 on: April 26, 2013, 02:53:08 pm »
During daytime, my 3 month old baby cries din pagnilalapag na sa bed niya or kahit ititihaya lang siya in preparation for her milk. Upon waking up, smile lang saglit then itataas na niya kamay and neck niya, in an attempt to situp. Di pa nga nakakadapa, gusto nang umupo! Kapag kinuha ko na, gusto karga siyang nakaharap sa paligid, yung 360 degree view. Nagagalit pag nakaharap sa akin kasi naba-block yung view niya. Sumisigaw, ayaw dumede and matulog kahit na very conducive to sleep ang room namin(madilim since no windows and malamig). Technique namin ni mama, we give her pacifier or while nagmimilk, we sing and dance for her (my baby loves music & nadidistract siya dun kaya tuloytuloy na ang milk hanggang maubos)... hehe. Di ko na rin alam ano gagawin if soon di na gagana technique namin. Lakas makaiyak akala mo kinawawa  ;D

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #547 on: April 26, 2013, 03:19:51 pm »
Baby is 4 months now ang ginagawa nya while feeding umiikot ikot yung mata tapos dumadapa gusto magdedede naka dapa tapos last night she was asleep mejo nagigising sya dumapa tapos natulog ulit gusto nakadapa na matulog. Ngayob pahirapan patulugin before after Bath Time meme mode na sya lately laro lang ng laro tapos makakatulog wala pa 1hr gigising lalo na pag nilapag sa bed. Buti na lang si baby sleeps through the night pero sa naps maiiksi na lang unlike before na 3-4 hrs straight sya kung matulog yung pag feed nya rin sapilitan padedehin iinom 1oz lang laro na ulit. Mas gusto nya dilaan saka sipsipin yung kamay saka bib nya.

tonette815

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #548 on: April 26, 2013, 05:09:45 pm »
Sabi ko nga sa mga dalaga kong kasama ko (sis at helper) sa bahay, apparently hindi lang kami ang may baby na biglang iiyak kahit one second ago eh tulog na tulog. At least alam namin na pinagdaraanan din ng iba yung mga nararanasan namin.  ;D

^Baby ko rin sis mahilig isubo ng buo yung kamao niya. Pag tinanggal mo naman kamay mo ipapalit niya kaya.

 Another thing pala, mahilig si baby matulog sa dibdib ko/ni hubby/ o ng sis ko. Magwriggle siya na parang u-uod hanggang mahanap niya yung position na gusto niya then he will fall to sleep kaso minsan para kaming hostage kasi di kami makagalaw otherwise magigising. Ma out grow niya kaya iyon soon? Baka kasi mag 6kg na siya ganun pa rin gusto niya eh medyo mabigat na sa dibdib yon wawa kami ng sis ko
« Last Edit: April 26, 2013, 05:15:59 pm by tonette815 »

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #549 on: April 26, 2013, 05:56:25 pm »
My baby does that also lalo na pag daddy nya may karga sa kanya gusto kasi nila marinig yung heartbeat familiar sound kasi yun sa kanila lalo na mga newborn ang ginagawa ako when she does that nilalagay ko ulo nya sa shoulder ko parang burping position while dancing para ma meme pa rin tapos after a while mga 30mins or longer baba na sa bed.

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #550 on: April 26, 2013, 06:26:09 pm »
si baby ngayon pagising gising pag umaga hanggang hapon,siguro sa init na din ng panahon. Pag kagabi na,nakakatulog na sya diretso. Pero minsan nagigising pag umaalis ako tabi nya.. Magkatabi kasi kami ni baby matulog dahil nagbreastfeed din ako sa kanya. I remember one night, nagising na lang ako na dinidede ni baby ilong ko,akala siguro nya nipple ni m0mmy.. Hahaha.. Talagang natatawa ako that time,hanggang ibreastfeed ko sya tawa ko ng tawa.. :D

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #551 on: April 26, 2013, 06:35:26 pm »
Mga sis when did you start cleaning baby's ears with cottonbuds? May nakukuha ba kayo, sa baby ko kase wala akong nakikitang wax or kulang pa sa diin, natatakot kase akong masaktan si baby.

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #552 on: April 26, 2013, 08:04:25 pm »
^from the time na inuwi namin si baby sa bahay from hospital, hindi na kami nag-ilaw, we're just using lamp shade. Turo yun ng SIL ko, early training kay baby para habang nagpa-progress yung vision nya, ma-distinguish na nya yung night and day. Kapag ayaw nya matulog, pinapatay lang namin yung ilaw then matutulog na cya. :)

^^ako everyday ko nililinis yung labas lang ng ears nya, ang bilis kasi dumumi. Nililinis ko lang yung mismong bungad lang ng butas since kusa naman lumalabas yung dumi sa tenga. Pansin ko lang buo-buo yung earwax ni baby kaya hindi mahirap linisin. :)

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #553 on: April 26, 2013, 08:11:47 pm »
^I'm a bit relieved reading your post. I'm using Ainon cottonbuds and natanggal lang yung natirang secretion sa outer ears ni baby. I told pedia kasi na kinakamot ni baby ang ears niya. She told me baka earwax daw, when I cleaned her ears, wala akong nakuhang wax, yung secretion lang sa outer ears niya na parang dried up amniotic fluid.

lenjei

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #554 on: April 26, 2013, 08:16:35 pm »
sis, si baby din everyday linis ng tenga. Every after bath. Labas lang linis ko kasi lumalabas yun wax,nakikita ko din sa tenga nya

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #555 on: April 26, 2013, 08:21:49 pm »
Tita ko yung taga linis ng ears ni baby every after bath, takot kasi ako taga gupit lang ako ng nails :) earwax ba yung kulay puti na maliliit sa tenga ni baby? Parang powder na natuyo

Si baby ko naglalaro ng laway nagpapalobo katulad dun sa mga batang nagpapaulan. Pinapatulog ng daddy nya bigla kami may narinig na sound si baby pala nagpapaulan  ::) .

« Last Edit: April 26, 2013, 08:25:39 pm by cerelina »

tonette815

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #556 on: April 26, 2013, 08:28:04 pm »
may parang puti rin na medyo sticky na lumalabas sa ears ni baby. kusa din siyang lumalabas kaya yun lang yung nililinis ko.  ;)

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #557 on: April 26, 2013, 08:37:00 pm »
^ganyan din yung nakukuha ko sa ears ni baby.  :)

Sis cerelina, baby ko nasa nursery pa lang sa hospital na-notice na naglalaro na ng laway until now. Nakikita namin ang daming nyang bubbles sa lips. :D

ifcastro

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #558 on: April 26, 2013, 09:13:20 pm »
^ ganyan din abby ko bubbles hubbles ang bibig hahaha laging nilalaro ang dila.

Grabe ang init ngayon aligaga si baby, kahit nagpalit na ako ng cream parang nangangati pa rin si baby, siguro dahil talaga sa init, parang mag mga maliliit na bungang araw siya sa face nakakayamot,,,

Aligaga din matulog para nanlalagkit siya... Pinupunasan ko ng ng bulak na soaked sa purified water yung face niya para mapreskuhan siya...  Para namang nasarapan siya dun hehee

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #559 on: April 27, 2013, 12:19:37 am »
Naku yung anak ko din parang uod! gustong gusto na sinisiksik/kaskas yung face sa dibdib or shoulder ng may karga sa kanya.  ;D Namumula na nga yung ilong. So what I'll do, turn her to her side or ihaharap ko sya para nakasandal nalang sakin.

Re: kamot ng ears, naku she does that too! Feeling ko naman, yung hair kasi daming hair nitong batang to. Nakita ko kasi pumapasok sa tenga yung buhok. Sarap gupitin! :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close